Chapter 41

1001 Words
Pinanood ko ang bawat pagtapik ng ballpen ni Mikaela sa harap mismo ng mesa ko. Maging ang panaka nakang pagnguya ng bubble gum ni Brittany ay mas lalong nagpapagulo sa magulo kong pag iisip ngayon. Simula nang magkasagutan kami ni Harper ay hindi na rin siya nagsimulang gumawa ng paraan upang magka usap man lang kaming dalawa. Oo, kilala ko naman ang pag uugali ni Harper at aware naman ako na medyo mataas ang pride niya lalo na kung nakagawa ka ng isang bagay na alam mo sa sarili mong ikagagalit niya. Nakakatawa nga lang na tumagal siya sa tabi ko kahit na nagsisimula nang magbago ang pakikitungo ko sa kanya. Ano bang ibang magagawa ko kung ito lang yung paraan na alam ko para lang makatakas sa namumuo kong pagtingin sa kanya. Alam kong nakakadiri kung iisipin ko. Isipin mo.. ilang taon kayong nagsama at para bang kapatid na ang turing mo aa kanya pero nagbago ang pagtingin mo lalo na sa mga kilos niyang nakakapag duda talaga. Matunog ang pagnguya at pagsipak ni Brittany sa halos ilang oras na niyang nginunguyang chewing gum. Wala akong ibang ginawa kundi tahimik lang na tumulala sa sariling upuan at tanging palihim na mura na lang ang ginawa ko sa kanya.  Tila ba isang nakakasulasok na bagyo ang gumugulo sa isipan ko dahil sa kabi kabilang intindihin, isama pa yung palakas nang palakas na pagsipak ni Brittany. "Grabe. Hindi ka ba marunong ngumuya nang tahimik?" Reklamo ni Mikaela kasabay ng pagbubugnot na paghampas ng ballpen sa mesa na kanina lang ay pinaglalaruan niya. As usual, sobrang igsi ng pasensya niya sa mga ganitong klase ng bagay. Isa sa kinakaayawan kong ugali sa kanya. Mabilis na umayos ng pagkakaupo si Brittany at taas noo siyang pinagmasdan magmula ulo hanggang paa. Si Brittany yung klase ng tao na medyo may pagka sarcastic kung titingin sayo. Yung tipo ng mga tingin na mapapakiramdaman mo sa sarili mo na para bang lihim ka na niyang iniinsulto sa isip niya, para bang hinahalukay ang kahinaan mo sa sarili at siya na mismo ang maglalabas ng baho mo sa ibang tao.  Ganito ang ugaling nakilala ko sa kanya magmula noong nakuha ko siya at magpasa hanggang ngayon na nasa akin na siya. "Eh ikaw, hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na h'wag mangielam sa buhay ng iba?" Asik niya na ikinairap ni Mikaela. Well, natural na yata sa kanya ang pagiging prangka sa kausap niya o kung sino mang tao ang may balak na mang apak sa pagkatao niya. Tila ba may isang dragon siya sa loob na pinaka iingatan at hindi maaaring palabasin dahil baka makapinsala kung mangyari man na magambala ito ng kung sino. Reasons why tinawag siyang "Dragon Lady" ng campus. Simula nang umanib siya sa grupong binuo ko, maraming nagbago sa kanya. Magmula sa physical features, mas lalo siyang naging matatag kung ang emotional problem lang ang problema niya. Pero natitiyak kong bitbit niya pa rin magpahanggang ngayon ang ugaling kinamulatan at nakilala ko na sa kanya sa paglipas ng panahon at iyon ay ang pagiging sarcastic magsalita at sa pagka prangka sa kung sino mang nakakausap niya. Siya yung tipo ng babae na madalas tamaan ng katangahan sa buhay. Mean girl ng campus, bratinela at medyo may pagka prangka gaya nga ng palagi kong sinasabi magmula pa kanina. Ito rin naman ang common and first impression natin sa mga taong hindi pa natin lubos na nakikilala at nakakasama sa lahat ng bagay di ba? Kung sino pa ang madalas na makita nating masama sa pakikitungo sa iba at kung sino pa ang taong madalas na makapanakit sa iba gamit ang paraan ng pananalita nila, sila pa ang mga taong totoo sa mata nating lahat, hindi ba? Kadalasan sa mga taong may matatalas na paraan ng pananalita ay sila pa yung mga taong totoo sa sarili. Gaya na lamang ng kung paano ka niyang alitin and for some reasons ay muli niyang ipapaalala sayo na may pagkakamali ka sa ibang bagay. Nauuna sa kanila ang pamamarangka sa mga kausap nila at kasabay nito ay ang paghingi ng paumanhin at pagsasabi ng totoo which is tama naman. Dito mo malalaman kung tunay nga ba ang pakikisama ng isang tao sayo o hindi. Sa kaso ni Brittany ay hindi siya direct to the point kung humingi ng tawad pero kapag nagsimula na siyang magsalita at magpaliwanag tungkol sa ikinilos niya, dito mo nararamdaman ang sinseridad niya sa mga salitang binitiwan niya at isa iyon sa mga bagay na nakikita kong ikakaangat niya. Hindi ko masabi kong totoo nga ang mga naisip ko pero para sa'kin, sa akin lang nagsimulang nagbago si Brittany. Oo, mean girl siya dati. Halos lahat ng galaw ko sa klase ay binabantayan niya. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, talagang matatakot ka sa mga pagbabanta niya. Ako lang naman yata ang naglakas ng loob na sumagot at kumalaban sa kanya. At ako lang rin ang taong nakapag pabasag sa mga buto niya sa binti na muntik niya nang ikamatay. Well, masasabi kong nakaganti na ako sa mga kasalanang ginawa niya sa'kin dati sa pamamagitan ng konting pagbali sa mga binti niya. Halos ilang linggo siyang hindi nakalakad. Madalas nga niya akong pagbantaan na kung hindi raw siya makakalakad ng maayos kapag gumaling siya, siya na mismo ang totodas sa'kin na maski kailan ay hindi niya naman nagawa. Hanggang sa mga araw na nagdaan, palagi na kaming magkasama sa maraming bagay na nagsimula rin sa pagiging malapit namin sa isa. Buo na ang desisyon ko sa mga bagay na ilang araw ko na ring pinag isipan. Panay sila sa pagbardagulan habang ako naman ay nananatili pa rin sa pagkakayuko sa mga siko at abala sa pagdedesisyon. "Tama naman ako, Faience. Di ba? Totoo namang walang ambag itong si Mikaela." Duro ni Brittany. Anyways, normal na pag uusap lang nilang dalawa 'yan. "Ikaw ah, gago ka pala eh." Asik ni Mikaela na hindi ko na pinansin at umayos na lang sa pagkakaupo. "I quit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD