Ramdam niya ang takot na ipinakita ng mga mata ko na dahan dahan niyang ikinangiti. Hindi ko inaasahan ang dahan dahang paglapit nito ng mukha sa mukha ko na unti unti ring ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat aa paunang kilos niya. Hanggang sa naramdaman ko ang medyo malamig nitong labi na lumapat sa noo ko, at hindi ko inaasahan ang kilos niyang ito. "Mahal na mahal kita, Courtney. Sana hindi ako maglaho sa memorya mo hanggang sa magkaroon ka ng asawa at bumuo ng sariling pamilya.." "Kung makapagsalita ka naman, parang may balak kang iwanan ako." Sambit ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na ang unti unting pamumuo ng mga butil ng luha sa gilid ng mata ko na alam kong napuna niya dahil daglian niyang inilapat ang daliri niya upang pigilan ang pagragasa no'n. "Hinding hindi ki

