Ngayon na ang unang araw na magtratrabaho ako bilang executive assistant ni Donovan. Simula noong nakaraang linggo, kahit walang trabaho ay kinailangan kong pumunta sa office niya para sa ilang importanteng bagay na dapat ko tandaan at para ibigay ang schedules niya ngayong week. At simula rin noong nakaraang linggo, napansin ko ang kakaibang titig niya sa akin.
Kahit na minsan ay hindi mabasa ang kaniyang mukha at madalas seryoso iyon, ang mga mata niya'y hindi nagsisinungaling. Mainit ang kaniyang mga titig na minsan ay pakiramdam kong hinububaran niya ako.
Nasa labas ako ng office niya, nakaupo habang naghihintay sa kaniyang pagdating. Kabilin-bilinan niya sa akin na bawal akong pumasok sa loob kung wala pa siya.
Mayamaya pa'y naamoy ko na siya. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Kahit nasa malayo ay makikilala mo na siya dahil sa pabango. Mabango iyon pero hindi masakit sa ilong. Dumaragdag ang pabango niya sa katikasan niya bilang lalaki.
There he comes again with his white polo with sleeves rolled up. Veins on his arms are visibly shown. He tucked his polo his shirt in his blue pants, slightly fitted and paired with a shiny designer black shoes.
“Good morning, Sir Magnante,” bati ko saka yumuko—saktong baba lang ng pagyuko para makita niya ang hinaharap ko.
Napasulyap lang siya sa akin saka hindi man lang ako binati. Bagkus, naglakad lang ito diretso papasok. From his stares last week, I know I've already gotten into his head. His acting as if I didn't. He's resisting what he feels.
Sumunod naman ako sa kaniya bitbit ang tablet na binigay niya sa akin.
“What schedule do I have right now?” tanong niya habang naglalakad papunta sa kaniyang mesa. Ako naman ay nakasunod sa kaniya, hinahabol ang mabilis niyang lakad.
“Your ten a.m. with the Korean partners is moved to one in the afternoon—Seoul time miscalculated the slot. I’ve already informed legal and adjusted the contract review accordingly.”
He unbuttoned the upper part of his shirt leaving it slightly opened. Nasisikipan siguro siya sa suot niya. Napaupo siya at saka nag-angat ng tingin sa akin.
“What about my meeting with Governor Singson?”
“Postponed to Wednesday. He has a private event today—his aide called directly, I handled it. I replaced the slot with your Biocentrix Team meeting,” sagot ko naman na ikinataas ng kilay niya.
“Unang araw mo pa lang at pinakialaman mo na ang calendar ko. Bold move,” seryoso nitong sabi. Galit ba 'tong lalaking 'to? Hindi namna niya dapat ikagalit kasi hindi naman ganoon ka-importante ang briefing na iyon.
Napasinghal ako. “Hindi ko pinakialaman ang calendar mo. I optimized it.”
“Other commitments that I have right now?”
“As mentioned earlier, I replaced the slot of your meeting with Governor Singson. I moved your three p.m. meeting with the Biocentrix Team to ten a.m. para hindi masayang ang oras. Isa pa, baka matagalan ang meeting mo kasama ang Korean partners mamaya.”
Huminga siya nang malalim na para bang hindi nasisiyahan sa ginawa ko.
“Can you get me a coffee?” saad nito saka napaupo nang maayos para mapalapit sa desk.
Kinabahan ako nang bahagya. Hindi ako nagkakape. Paano kung mapait ang maitimpla ko sa kaniya?
“Hindi mo ako ipagtitimpla,” dagdag pa nito. Nawala ang kaba ko pero napalitan iyon ng pagkalito. “Go to Irimnan. That's a coffee shop nearby. Inform them that you're my new assistant and I asked you to get my usual coffee. Wala ka nang babayaran.”
“Okay, Sir. Noted,” saad ko at nag-bow.
“You do know where Irimnan is?” tanong nito. Ang totoo ay hindi ko alam pero marami namang paraan para malaman ko kung saan iyon.
“I'll use Noodle Maps,” giit ko dahilan para mapangisi siya. Was he underestimating me?
“Good. Leave now.”
*****
Pagkabukas ng elevator, nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ang itsura ng hallway ng forty-second floor. Medyo madilim, tahimik at wala kang taong makikita. Pagkaapak ko sa marmol nitong sahig, naramdamam kong parang tumitibog iyon—dahil siguro sa machines.
“Follow me,” iyon ang sinabi ni Donovan bago siya magsimulang maglakad.
May mga LED light strips sa gilid ng dingding, kulay malamlam na asul. Sapat lang para makita ang daan, pero sapat din para maramdaman mong hindi ito ordinaryong opisina. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo ng hallway na may isang circular sliding door—walang doorknob, walang keypad.
May nakasulat namang “AI Development Division” sa itaas. Sa tabi ng pinto ay may naka-install na facial recognition system.
May kinuha siya sa bulsa niya, isang microchip saka in-insert iyon sa may facial recognition system.
“Itapat mo ang mukha mo,” wika niya na sinunod ko rin naman agad. Hindi naman ako nagdalawang-isip at ginawa iyon.
Bingo! Makakapasok ako rito anong oras ko man gustuhin dahil sa access na binigay sa akin ni Donovan.
Kinuha niya ang microchip saka in-insert iyon sa isang device. Parang maliit iyon na cellphone.
“Kahit na registered na ang iyong mukha sa facial recognition system, hindi ka pa rin makakapasok dito without my approval. Without this.”
May pinindot siya at pagkatapos ay malamlam na ilaw galing sa pinto ang nag-flash sa aming katawan.
“Donovan Magnante, access permitted.”
“Gysabel Avila, access permitted.”
Bumukas ang pinto at ang tunog nito ay parang bagong kakabukas lang na softdrink. May mga usok din na lumabas. Naunang pumasok si Donovan at sumunod naman ako.
Mali ako. 'Di ako puwedeng makapasok dito nang ganon'n-gano'n na lang.
Tanging mahinang ugong ng machines ang maririnig sa loob. Dimmed lang din ang ilaw dito—kulay asul at berde. It's their way so that lights won't affect the AI interfaces. Sa paligid, may makikitang mga glass pods—mga bilog o hugis-itlog na silid na parang capsules—na nagsisilbing think tanks o test stations. Ang loob ng bawat pod ay may floating holographic displays, at may mga researchers na tahimik na nagmamasid habang gumagalaw ang data sa ere. May isang elevated platform sa gitna, at may malaking monitor.
Lumapit kami roon. May isang personnel doon na nakatingin sa kaniyang digital tab habang nasa harap ng malaking monitor.
“Dr. Santos,” tawag ni Donovan sa kaniya. Napahinto naman siya sa kaniyang ginagawa.
“Sir Van,” saad ni Dr. Santos saka nag-bow. Pagkakuwan ay napasulyap ito sa akin. Ngumiti naman ako.
“This is Ysa, my new executive assistant. I brought her with me para sa susunod, you can also reach out to her. Siya rin 'yong nag-resched ng brief meeting natin,” pagpapakilala sa akin ni Donovan.
Kaagad naman akong lumapit kay Dr. Santos para makipagkamay.
“By the way, I came here to ask about the update.”
May pinagpipindot si Dr. Santos sa kaniyang tab at biglang nagsimulang mag-display ng mga data.
“Sir, ang bilis ng learning ng GAIA Protocol. Kahapon lang, binigyan namin oil spill data from Batangas—after four minutes, it already showed data such as how fast it would take for the oil to spread to nearby areas.”
Lumapit si Donovan sa screen. Ako naman, nanatiling nakatayo lang sa likod nila. I don't want to look intrigued sa pag-uusapan nila.
Donovan crossed his arms as he closely stared at the monitor. Surprisingly, a simulation played. The monitor showed an oil spill, as mentioned by Dr. Santos. It has timestamp that can be tracked as how fast the oil spreads.
Pagkatapos nilang mag-usap ay inutusan niya ako na bumalik sa office. May magdadala daw ng documents doon at I need to organize them. Siya naman ay nanatili pa sa AI Development Division dahil nga may meeting pa sila.
*****
Kagagaling ko lang sa HR office dahil may inasikaso akong ilang papel na may kinalaman sa benefits ko bilang empleyado. Mag-a-alas singko na. Hindi ko lang alam kung natapos na ang meeting niya with the company's Korean partners. Pagkapasok ko sa office ay wala pa rin siya. Wala na rin naman akong gagawin pang trabaho pero may importante akong sasabihin sa kaniya.
Sana hindi siya matagalan. Magluluto pa naman ng tinolang bangus si Mang June. Kapag naiisip ko natatakam agad ako.
Napaupo lang muna ako sa sofa hanggang sa naramdaman kong parang tinatawag ako nito para mahiga. Nahiga naman ako kaagad hanggang sa nakatulog ako.
Bigla akong napamulat sa aking mata nang makaramdam ito ng sakit galing sa ilaw. Kaagad naman akong napabangon nang makita si Donovan na naglalakad papunta sa mesa niya.
Hindi niya ba ako nakita na nakatulog?
“Buti at nagising ka na. Hindi mo to bahay,” saad pa nito saka binuksan ang kaniyang laptop. “Why are you still here?”
I cleared my throat and brushed my hair using my hands. Kinuha ko ang tablet at nakitang alas siete na pala. Hell! I slept for two hours? Oh my, God! Malamang naghihintay na si Manong June sa akin. Baka nag-aalala na rin iyon.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. “I want to remind you about your investment pitch tomorrow.”
Napsinghal siya. “I'm currently reviewing my slides. You have a copy of this, right?”
Tumango ako. “But I made a new version. Hindi ko pa nase-send sa 'yo.”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “What do you mean?”
Naglakad ako papunta sa likuran niya. I lowered my body to a level enough for us to be even. Hell, ang bango niya talaga. Hinawakan ko ang balikat niya at saka sinadyang ipatama ang aking dibdib sa kaniyang likod. Napasulyap siya sa akin. Ang titig niya ay katulad noong mga unang araw—tingin na tila puno ng pagnanasa ngunit pilit niyang nilalabanan.
Nakipagtitigan lang ako sa kaniya at nginitian siya. Pagkatapos ay napatingin ako sa monitor niya.
“Here—slide nine. Scrap the overcomplicated market growth chart. Investors don't care about projections when your actual traction already speaks volumes,” wika ko sabay turo sa slide nine na makikita ang preview sa gilid ng presentation.
I brushed my face on his right ear before standing straight. “This what I meant.”
Ipinakita ko sa kaniya ang edited kong slide. Kinuha niya naman ang tablet at pinagmasdan iyon. It's clean and has a bold bar graph.
“Visual impact. Shorter pitch. Bigger confidence,” dagdag ko pa.
Nagpatuloy siya sa pag-scroll sa slides. He's checking some the edited parts.
“Send me a copy of this.”
I smiled and winked at him. Kinuha ko naman ang tablet para i-send sa kaniya ang file.
“You exceeded my expectations. You're doing a great job kahit na paladesisyon ka,” saad nito habang binubuksan ang edited version sa kaniyang laptop. He turned his swivel chair to face me. Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Huwag mo lang galingan masiyado. I don't like being outshined.”
I smirked at him. “Then you shouldn't have hired me.”
Napangisi lang siya. Bago pa man niya ibaling ang kaniyang atensyon sa kaniyang laptop, pareho kaming nagulat nang biglang dumilim ang paligid.
“f**k!” bulalas at malusog nitong sabi.
“Sir, anong nangyari?” tanong ko. Tumayo siya at may kinakapa sa kaniyang bulsa.
“There's a power outage. Starting from floor forty-two up until here, the electrical systems have been isolated. This prevents the issue from spreading to the rest of the building—especially critical in facilities handling data,” paliwanag niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkapa sa kaniyang bulsa.
Tumango lang ako. I don't know what to say. So, I'm basically stuck her with my enemy.
“s**t. God hates me today. I don't know where my phone is,” wika niya at napatingin sa mesa.
Kaagad ko namang binuksan ang flashlight ng tablet. “I'll help you find it.”
“I need it to contact Luis and his team,” saad pa nito. Nalibot namin ang buong paligid ng mesa niya pero wala iyon doon.
“Siguro ka bang nadala mo iyon dito, Sir?”
“Of course. I used it on my way to this office,” sagot naman niya.
Ibinigay ko sa kaniya ang tablet at kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag. Mas madali namin iyong mahahanap kung maghihiwalay kami. Nagpatuloy kami sa paghahanap. Ang lawak pa naman ng office nya. Nagtungo ako malapit sa hinigaan ko para doon maghanap.
Nakayuko ako—ang mga matay nakatutok sa sahig. Nang mapagod dahil hindi ko pa rin ito nakita, tumayo ako at hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Donovan at nakadapa dahil may tinitingnan sa ilalim ng sofa na hinigaan ko.
Paglingon ko sa aking likuran at humakbang, huli na ang lahat. Natisod ako. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakilos at nasalo niya ako—nasalo ng katawan niya ang katawan ko.
My body is on top of him, while both of my hands were resting on his chest. My hair ran down, almost covering both of our faces—our faces that are an inch closer to each other.
Hindi ko malinaw na nakikita ang kaniyang dahil sa buhok ko. Tumilapon naman ang cellphone ko at alam kong nabitiwan niya rin ang tablet niya. I could feel his heartbeat beating fast and for sure, he could also feel mine. I could hear our heavy breathing and I swallowed as heat between us started to intensify.
After a few seconds, I felt his hand tucking my hair and waving the other to the side. Nakikita ko na ang kaniyang mukha. He's staring at me like I'm something he could devour. I felt his soft hand cupped my face.
I slowly lowered my face and I could feel his hand guiding me. Bahagya niyang ibinuka ang kaniyang mga labi. Nang malapit na magtatagpo na ang aming labi, napalingon ako sa aking kaliwa.
“I'm sorry,” saad niya saka tinulungan akong tumayo.
Kaagad niyang pinulot ang tablet saka nagpatuloy sa paghahanap na apara bang salang nangyari.
“Check the entrance,” utos pa nito. Para siyang nauutal sa kaniyang pagsasalita.
I smiled as I get my cellphone. I knew it. He wants me. He wants to taste me, to own me. Don't worry, Donovan. Ibibigay ko rin ang gusto mo—ipapatikim ko sa iyo ang hinahanap mo.
I’m a poison and he doesn’t even know it yet. The moment he tastes me, he’ll crave me—body, soul, and everything in between. And the more I feed that hunger, the more his world will unravel… until he can’t tell desire from destruction.