bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

book_age18+
1.0K
FOLLOW
11.6K
READ
possessive
love after marriage
opposites attract
pregnant
arrogant
dominant
submissive
goodgirl
virgin
like
intro-logo
Blurb

RK Alvarez: “I think hindi kami magkakasundo ng brother mo”

RM Alcantara: “Common babe ganun lang talaga si bro, pero promise mabait naman yon.Pagpasensyahan mo na kasi biglaan lang din tong transition naming dalawa.”

RK Alvarez: “I have this feeling na hindi kami magkakasundo, sa email palang kami nag-uusap pero parang ang hirap niyang maging boss, kawawa naman kami kung sa mga kamay niya ang bagsak namin”.Biruin mo kinu-question niya ako don sa plan na hindi nagmaterialized dahil shortage ng materials,adik ba siya?Anong gusto niya pagkasend ko ng order sa supplier kinabukasan may delivery na?ano yon 7”eleven lang?

RM Alcantara: “Justify mo lang, alam kong kaya mo naman yan, ikaw paba? Saka I think my brother just tested your credibility. You are a high profile employee of Lion’s remember.Walang hindi kinakaya ang isang RK Alvarez”.

RK Alvarez: “Hay naku Rocky , baka yang kapatid mo ang dahilan para mawalan ako ng kridibilidad dito.,” Pwede bang ilipat mo nalang din ako diyan sa Davao, willing to relocate hehe”.

RM Alcantara: “You are the most ever trusted colleagues that Stelle has, as long as we want you here, but Luzon site is needing more a lot of you”. For managerial position, you deserve it.” Please do this for me and Stelle.” Please.

RK Alvarez: “Alright, Will see what will happen between me and your impakto brother.”

RM Alcantara: hahaha.

“F**ck bro, hindi pa kayo nagkikita ng empleyado mo, nililibak kana niya. Hahaha.” Hawak ni Andrew ang tiyan habang walang humpay sa pagtawa matapos mabasa ang conversation ng kapatid niya at nang isang empleyado nila.Sinamaan niya ito ng tingin at halos maglapat na ang dalawang kilay niya.

Palitan ng usapan iyon ng isang RK Alvarez at nang kaniyang kapatid sa naiwang dekstop nito sa main office nila sa Manila.Hindi niya maaccess ang ilang mahalagang folders sa laptop niya kaya kinakailangan niyang buksan ang desktop ng kapatid dahil doon naka store lahat ng kontranta na kelangan niya.Nakaligtaan siguro ng kapatid niyang i-log out ang teams app nito kung kayat pag open ng desktop yon agad ang Nakita ni Andrew.

“Im sorry bro, didn’t mean to intrude private convo but this one, sorry cant resist but to laugh,” I like this lady”. Straight forward.

“tssk, It’s not funny, finish your job and you can leave”- masungit niyang wika dito.Nag-iinit ang ulo niya. Who is this lady talking about him like that.

“You didn’t know me woman, magtutuos tayo ”.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Rick, Disapproved to prolonged mass production, we have more targets to achieve for Q4, This is committed already, proceed with the plan I firstly approved. Thanks, RM.A Kasalukuyang naglilinis ng table si RK ng mag-ring ang telepono sa tabi niya.Agad naman niya itong sinagot matapos mapagsino ang caller”. “ Hello RK, sorry first thing in the morning tumawag na agad ako. “Alam kong masaya ka at fresh pa from vacation , available kaba mamaya 9:30AM for urgent meeting?” “ About what”, wala naman akong nareceive na invites na may meeting ng ganito kaaga”- tanong niya . “Mr.Alcantara is pushing us to proceed line exercise at very beginning of Q4 for GUPTA project”.Just receive an email this morning.- wika ni Rick sa kabilang linya. “Oh really,?why so sudden, and besides nag-usap na kami ni Rocky about material status, wala naman siyang namention na merong changes . Besides he knows that the supply is not 100% ready.”- mahaba niyang sagot dito. “Hindi Si Rocky ang nagbago ng nakalatag sa plano , Si Rain ang may utos na i-revise ang plan at pushing to start with the ramp as soon sa possible.”-tugon naman ni Rick sa kabilang linya. “Ano naman ang kinalaman ni Rain?Nasa malayong lugar yon, besides next year pa naman ang official na siya na mamahala ng Lions right?’ “Rain is the acting CEO now RK, It has been announce 2 days after your flight to Singapore. Effective immediately ”- hindi kapaba nagbabasa ng inbox mo.?- manghang tanong ni Rick , palagay niya mangha itong wala siyang idea sa nangyayare. “wala pa akong nababasa sa chats, hindi pa ako nag log in sa kahit anong social media accounts ko and besides wala pa din akong nababasang emails, hindi ko naman kasi inuwi ang laptop sa bahay.- paliwanagan nya.”I thought next year pa mag start ng transition nila, bakit napaaga?” – tanong niya kay Rick. “ We have no idea RK, nabigla kaming lahat. ,Dapat sayo kami kukuha ng information diba kasi close kayo ni Rocky bakit wala ka yatang alam ngayon?-nagtatakang tanong ni Rick. Napabuntung hininga siya,” I had no idea also Rick, hindi pa rin kami nagkakausap ni Stelle mula nung dumating ako. Pumunta ako sa condo niya kahapon, pero wala naman siya don”. Nagmamadaling niyang binuksan ang drawer at kinuha ang kaniyang laptop,nang mabuhay niya ito pinasadahan niya ang outlook niya.Binuksan niya ang email from HR announcing formal na pinakilala ang bagong CEO ng Lions,and that was 2 days after her flight. Dahil hindi siya nagbubukas ng social media accounts sa loob ng dalawang linggo hindi niya nalaman agad, and for sure nagmemessage si Rocky sa kaniya or si Stelle. “Hello RK, are you still there”- pukaw ni Rick marahil nagtaka kung bakit tahimik siya.”Yes Still here,attend ako meeting mamaya, “-pagkunpirma niya. “Alright,Thank you so much RK, see you later” “Okay , Thank you. See you.” Napasuklay siya sa buhok pagkababa ng telepono, Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at nag-log in sa i********: niya.For 2 weeks vacation sa Singapore hindi siya nagbubukas ng kahit anong account sa social media,for 7 years yon ang pinaka award niya sa sarili niya. At sa pitong taon niya sa Lion hindi siya nag avail ng ganun kahabang vacation leave.Pinakamatagal niya leave ay Tatlong araw, nung umuwi siya ng probinsya dahil kasal ng best friend niya at siya ang maid of honor.Ganun pa man kapag may bakanteng oras nakalog in siya sa laptop niya or sa cellphone niya kung saan naaccess niya ang office application na pina install niya sa IT nila.Sumagot siya sa email or chats ng office mate niya . Ngayon bakasyon niya lang siya nag enjoy ng husto dahil iniwan niya totally ang trabaho at sinamantala ang oras sa bakasyon. Feeling niya deserve niya naman yon, kaya hindi siya guilty kung bakit meron siyang namissed  na mahalagang pangyayare sa kompanya .Pero bakit parang aligaga ang mga tao sa opisina dahil lang sa merong bagong CEO, aniya sa isip.Narinig na niya ang tungkol kay Rain, pero hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin nuon dahil masyado siyang tutok sa trabaho.Nung may usap-usapang papalit ito sa posisyon ni Rocky ay pinagkibit balikat niya lang yon,aniya sa sarili saka nalang niya isipin ang bagay na yon kapag dumating na ang panahon na itatalaga ito bilang bagong CEO.Binuksan niya ang chat box wala siyang ano mang mensahe natanggap mula kay Stelle or Rocky.Nag-antay pa siya ng ilang minute baka sakaling delayed lang ang pasok ng messages dahil sa matagal nang hindi active ang account niya.Nagsimula siyang sumagot sa mga emails sa kaniya saka sinilip ulet ang chat box niya kung may dumating nang message galing sa dalawa.Pero wala siyang natanggap, nagsipagdatingan ang mensahe ng kapatid niya, at ilang officemates pero walang galing sa dalawa.kaya naman siya ay nagtataka na.Nagtipa siya ng mensahe kay Rocky. “Hey handsome, I guess you’ve missed to tell me something interesting. - Sent Nag-antay siya ng ilang Segundo at naseen na nito ang message niya, nag-antay siya sumagot ito. Lumipas ang ilang minute wala siyang natanggap. “What is your drama in life, naka seen mode ka lang.? – aniya at sinundan ng smiley emoji.nag-antay pa siya ng ilang minuto , nang walang makuhang sagot mula kay Rocky tumayo siya lumabas ng opisina niya.Pumunta siya sa area ng kaniyang mag staff.Meron pa naman siyang 30 minutes bago ang meeting na sinasabi ni ni Rick. Ramdam niya sa boses kanina ni Rick na medyo bothered ito, pinagkibit balikat niya lang. anoman ang pagbabago sa plano ayon sa bagong amo nila ay wala siyang pakialam. Mag stick siya sa kung ano ang unang napag- usapan dahil yon ang nakalatag na plano para makagalaw ang team niya.Tanaw niya ang kaniyang mga staff ay busy sa mga kaniya kanyang ginagawa.mukhang mga aligaga ang mga ito base sa mga itsura at kilos. “ Anong kaguluhan ang nagaganap bakit mukhang mga busy kayo masyado?- aniya upang ipaalam sa mga ito ang presensiya niya.Nakitaan naman niya ng relief ang mga mukha nito ng makita siya, “Miss Reign , Mabuti naman po at dumating na kayo, sobrang ngarag talaga kami mam kasi madaming demands at changes na ginawa ang Product Engineerin at project team,- sumbong ni Therese . “anong mga changes bakit hindi muna nila ako hinintay bago implement ang changes na yan?- tanong niya. “Biglaan lang din mam, biglang sumulpot dito yong bagong CEO twin brother ni Sir Rocky, my god Miss Reign para kaming dinaanan ng ipo-ipo nung dumating yon,napakasungit – pabulong naman na banggit ni Mona.”balita nga po naming may nasample-lan ng kasungitan niya unang araw niya palang dito.Taga production nag over break daw kasi.ayon nung araw mismong iyon natanggal sa trabaho. Tumaas ang kilay niya sa narinig.Mayroong proseso ang kompanya bago magtanggal ng empleyado, kung first offense lang naman iyon verbal warning muna. “Gwapo pa naman sana at sobrang lakas ang dating compare kay sir Rocky mam , kaso saksakan ng sungit at masama ang ugali balita namin, walang wala siya sa kalingkingan ng kabaitan ng kakambal niya. “ “Ewan ba kung bakit siya pa pumalit kay Sir Rocky dito, pwede kayang siya nalang ang mamahala don sa Davao, si Sir Rocky nalang ulet dito”. “Its Rocky decision na ang Davao ang hawakan niya,taga roon kasi si Stelle, mas gusto ni Stelle na manirahan don after ng wedding nila para mas marami siyang time sa Mommy niya.”-sagot niya. Ikakasal si Rocky at Stelle sa 2 months from now, at napagpasyahan ni Stelle na manirahan nalang sa Davao after ng kasal para mas may oras siya mailalaan sa kaniyang Ina na may Lung cancer.last year nila nalaman na may sakit ang ina nito  at patuloy na naggagamot hanggang ngayon.Hirap si Stelle magpa-uli-uli tuwing weekend from Manila to Davao. Si Rocky narin ang nakiusap sa ama nito na mamahala sa bagong site nila sa probinsya upang makasama ang mapapangasawa, at kapalit ng pamamahala nito ay itatalagang bagong CEO ang kakambal nito na sa America nuon nakatira.Hindi pa niya nakikita ang kakambal nito kahit minsan, at sa tagal nilang magkasama magkaibigan ay hindi man lang ito nababanggit sa tuwing sila ay nagkukwentuhan. “Anyway, wala muna kayong sasabihin na kahit ano sa suppliers, stick muna tayo sa kung anong nasa simulation naten,kelangan ko munang makita at malaman kung anong timeline nung bagong plano na sinasabi nyo, may meeting ako mamaya with managers”- bilin niya sa mga staff. Sa tagal niya sa trabaho naging flexible narin siya, lahat ng pagbabago na gustong ipatupad ng kompanya para sa ikakaunlad hindi siya sumasalungat,pero ngayon na humahawak na siya ng tao at credibility niya ang nakataya sa mga supplier kailangan niyang malaman lahat ng detalye bago sila magrevise ng plan. Mahirap ang pabago -bago ang instruction sa supplier, mas mahirap pa kausap ang mga ito kung walang concrete plan an ipapakita. Matapos mapamigay sa mga staff niya ang kaniyang pasalubong bumalik siya sa opisina niya para kunin ang kaniyang laptop.limang minuto bago ang meeting nang silipin niya ang kaniyang relo. Sa ground floor ang meeting room na sinabi ni Rick kanina , matapos magsuklay ng buhok at sipatin ang sarili sa salamin nasa lamesa niya nagpasya na siyang tumayo. Hinugot niya ang charger ng kaniyang laptop nasa 50% charging palang ito , kaya pa naman siguro hanggang matapos ang meeting, hindi na niya dinala ang charger dahil may bitbit pa siyang eco bag na may lamang chocolate pasalubong sa mga managers.Dalawang minuto nalang natira , tumayo na siya at nagpasyang lumabas na ng kaniyang opisina.Hanggang ngayon hindi parin siya komportable na meron siyang sariling silid sa Lion, mas sanay na siya na sa office area lang katabi mga ibang material buyers and ibang ka opisina. Pero dahil sa kakulitan ni Stelle pinilit siya nitong lumipat sa opisina nito dahil ang katwiran nito wal anamang ibang papalit sa posisyon nito kundi siya.Nung una linggo niya na doon na siya nagttrabaho inaantok siya, kapag nararamdaman niya yon, lumalabas siya ng opisina nakikisiksik siya sa table ni Therese, tinatawanan naman siya ng mga ito twuing ginagawa niya iyon, kailangan na daw niyang masanay ayon sa mga ito.kadalasan tinatawag siya ng Mam ng mga ito na pinandidilatan naman niya ng mga mata.Ayaw sana niyang tanggapin ang posisyon ni Stelle, at nirequest nalang niyang magoutsource ang HR pero hindi pumayag si Rocky, mas magaan daw ang loob nito na iiwanan sa kaniya ang material planning kesa maghanap pa sa labas.Laking pasalamat niya kay Stelle dahil sa recommendation nito, biniro pa niya ito na baka nahiya lang ito dahil magkaibigan sila, ngunit nang makita niya ang recommendation ng ibang managers ay siya rin ang pinili ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng pitong taon sa Lion ay marating niya ang ganitong posisyon ng ganito kaaga.Excited siya na may halong kaba dahil baka hindi pa niya kayang humawak ng ganito kalaking responsiblidad sa trabaho ngunit sa tulong ng mga katrabaho niya at ni Stelle at Rocky mag nagtiwala pa siya sa sarili.Sa susunod na buwan pa ang effectivity ng promotion niya saktong pitong taon pero itinalaga na siya ni Stelle na OIC habang nasa Davao ito. Halos kompleto na ang mga managers sa meeting room nang dumating siya. "Thanks God your here already Reign, hindi namin alam kung paano gagawin itong gustong mangyare ni RMA."- bungad sa kaniya ni Rick,natawa siya habang hinihila ang upuan sa tabi nito, nasa kaliwa niya ito nasa kanan naman niya si Frank. "Gaano ba kasi kalaki ang changes na yan at aligaga yata ang lahat, ano ba naman yan, 2 weeks lang akong wala a".- aniya. "Hintayin lang naten si Liza, may initial meeting kami 2 weeks ago nung dumating si RMA pero hanggang ngayon wala paring malinaw na direction galing sales. "- sagot ni Zyra. "Hi Reign, wow ang ganda mo naman masyado ngayon, iba talaga kapag nakakapagbakasyon.nakakafresh- bati sa kaniya ni Hana. "- bigla naman siyang namula sa sinabi nito,' "I agree, wala man lang bang pa chocolate diyan, - biro ni James.Ngumiti suya dito at itinaas ang eco bag, naghiyawan naman ang mga ito. tumayo siya inisa-isa niyang bigyan ng mga nasa box ang bawat isa. "Ang sarap ng lasang Singapore- ani ni James ta napapapikit pa, kaya naman nagtawanan sila. "Ikaw talaga James basta pagkain lahat masarap.- ani ni Rick. "kailangan naten namnamin itong pasalubong ni Reign mamaya imbes tamis ang masalahan naten puro pait nalang".:-himutok nito. "True, kaya sayang yong 2 weeks na bakasyon mo Dai, at mastress ka agad sa bago nateng amo- sagot naman ni Zyra. "Attend ba siya ngayon sa meeting?- tanong niya " wala siya sa bansa ngayon, bumalik ng America. Sana nga ay doon nalang siya huwag na siyang bumalik.Grabe ang unang araw nun dito, tingin niya sa mga tao walang isip kung masigaw-sigawan baga- sagot naman ni Zyra. "Never mo pa ba nameet itong si RMA Miss Reign? Sa tagal nyong magkaibigan ni Rocky? pumupunta kapa sa bahay nila nuon diba?- tanong sa kaniya ni Frank. Umiling siya," Ni minsan hindi nabanggit ni Rocky or napag-usapan namin yong kakambal niya. even sa bahay niya hindi nababanggit yong pangalan. - aniya sa mga ito. " hayy ewan, nakapa mysterious naman kasi ng kakambal ni Rocky, nakikita lang naten siya sa Org chart nila pero parang bawal banggitin ang pangalan nun nang kahit na sino ano?Kung hindi dahil siya na ang papalit na CEO ng Lions hindi ko maalala na may kakambal si Rocky." "Oh siya tama na yang mga himutok na yan, wala na naman tayong magagawa kasi sila ang may-ari nito Lions at trabahador lang tayo. Sumunod nalang tayo sa kagustuhan nila- awat sa kanila ni Rick." "lets start the meeting since andito na tayo lahat.:" binuksan nito ang laptop at nag connect sa projector. Nagsimula itong magdiscuss at mataman lang siyang nakikinig. " Overall , meron nalang tayong 6 months na preparation para sa mass production ". "Its not possible Rick, base sa hukli naten napag-usapan 40% ng materials ng Gupta ay unique, 365 days ang leadtime ng suppliers, paano mangyayare yang 6 months na sinasabi sa report?- tanong niya. "Reign, ito yong timeline na binigay ni RMA para umpisahan na ang mass production ng Gupta sa Philippine branch." depensa ni Rick." "Hindi kakayanin yan, hindi pa nga tapos lahat ang BOM ng Gupta e, nasa ilang percent na ang tapos ? nilingon niya si Garet product manager ng Gupta. " 50% palang ang may BOM, hindi namin magawan ang ibang models kasi nasa sourcing pa ang iba." sagot naman nito. "anong status ng qualification ng 50% na yon Frank?- tanong niya. " yong mga unique ang na priority ng team kasi yon ang mahaba habang qualification process, walang available na tooling sa supplier side kaya tinatrabaho pa namin yon . I agree with Reign hindi yan kakayanin this year. "Nahihirapan pa kami magpa-approve ng tooling cost kay mam Zyra." "Hindi kasi pwede iload naten lahat ng biglaan ang mga cost niyan , magkakaroon tayo ng losses in a monthly basis . Dapat break even lang tayo , lalo na wala pa namang binibigay na budget para next year. kung ngayong year na budget kukuhanin lahat yan negative ang lalabas samin by year end. - depensa naman ni Zyra. "Nasa magkano ba ang revenue ng Gupta base sa initial forecast na binigay ng customer? tanong niya kay Liza nakatingin. " yong forecasted next year its around $100 million, US region . Ang Europe is $300 million and $80 million sa Asia Pacific. "bakit parang tumaas yata, may mga bagong customer ba na ililipat sa Philippines?-Tanong niya na nangungunot ang noo. masyadong malaki itong target na binigay. alam niyang hindi ito kakayanin lalo na 6 months nalang ang binigay sa kanila para sa preparation para sa ramp schedule ng Gupta project. "may mga pinapaqualify si Rain na new five customers in Europe region , tumaas sa 60% ang target vs sa last meeting naten. itong 5 customers na ito ay high value , in terms of quantity 40% lang ang nadagdag- sagot ni Liza. "kung high value items sila, for sure karamihan sa materials niyan unique. - aniya na nakatingin kay Rick. "Yes, 60% ng BOM niyan is unique, 40% common materials - sagot naman nito". "Doon sa 50% ng BOM created may natapos na sa limang nadagdag Garet? " Actually kung wala itong limang nadagdag, almost done na kami sa BOM creation, inaantay nalang yong mga tools na dumating sa supplier para makagawa ng samples. Itong five additional complicated BOM, meron pa siyang sub assembly- sagot naman nito. Parang biglang nangati ang ulo niya sa mga narinig, wala namang problema sa team niya kung hahabulin ang anim na buwan na deadline, kaya lang hindi makakilos ang team niya dahil karamihan sa pending na action item ay nasa iabt ibang department,wala sa sariling napahawak siya sa ulo na ikinatawa ng mga taong naroon. " Well, yong anim na buwan na preparation initial assessment ko sa side ng material is malabo, unang-una naka freeze kami sa ngayon kasi halos lahat ng issue pending pa sa inyo. Kung ano lang ang makikita namin sa system yon lang ang mabibilhan namin. - paliwanag niya sa mga ito, nakakaunawang tumango naman ang nasa silid. alam niyang kahit ang mga ito ay nangangapa rin kung paano nila mapapabilis ang kani-kanilang proseso.Halos nasa isang oras din ang naging discussion nila . "gawin naten is to have a every other day meeting para maclosely monitor naten kung ano yong mga na close sa mga pending items at kung may mga concers and clarification para mas bumilis tayo maaddress agad naten. " - wika ni Rick. "Next week babalik si RMA and for sure andito yon sa meeting , madaming tanong kaya kailangan handa tayo Okay, meeting is adjurn , salamat sa oras nyo. kaya naten ito tiwala lang- dagdag pa nito. Nang makabalik siya sa opisina agad niyang tinawag si Therese. " Therese, please send invites of meeting mamaya after lunch . pakiprepare ng inyong simulation and summarry ng mga materials na nabili na , bibilhan palang at yong highlighted ng planning na wala pa sa BOM at wala pang source." "Noted Miss Reign, ". "please make comparison ng inyong simulation last month against today kasi according sa meeting namin kanina madami nadagdag, and majority ng material nung bago is unique. "please indicate alin ang common materials and ano ano yong mga unique." "Miss Reign, kailan nyo po ito kailangan today din po?" "kahit sa friday na yong comparison and identification ng common materials and unique materials medyo madugo yon e. priority nyo yong mga existing na may issue."- aniya rito. "Noted on this Miss Reign". ngumiti siya rito nang magpaalam ito. Mula nang makausap si Therese naging abala na siya sa umagang iyon.Una niyang binasa ang mga importanteng email na nangangailangan ng kaniyang sagot.Inabot din siya ng isang oras sa pag scan ng mga emails niya. Inuna niya muna yong mga pending items na may impact sa Gupta project. pasado alas diyes na ng magsend ng minutes of meeting si Rick , naka summarry doon ang kanilang mga actions items base sa kanilang discussion. pinsadahan niya ito at sinuri kung may missing items ,nang masigurong okay na saka siya nag type ng email sa team para hingin ang mga data na kelangan nila ng team niya. Hindi niya namalayan ang oras, pasado alas dose na nung sumulyap siya sa kaniyang relo.tumingin siya sa pwesto nila Therese upang tingnan kung pumunta naba sa canteen para sa tanghalian.nagtaka siya kung bakit naroon parin ang mga sa kani- kanilang puwesto. Tumayo siya at lumapit sa mga ito para yayain sa canteen. Medyo kumakalam narin ang kaniyang sikmura, nagkape lang siya kanina umaga sa bahay at balak niyang sa canteen nalang mag-almusal. Ngunit dahil sa tindi ng trapik pasado alas otso na siya nakarating sa opisina. "Bakit hindi parin kayo kumakain?- tanong niya sa mga ito nang siya'y makalapit. "Nahihiya kami umuna, kita namin hindi kana magkanda-ugaga sa ginagawa mo, tapos iiwanan ka namin? nasaan naman ang puso namin nun diba?- sagot ni Therese , tumango namin ang ibang buyers, bahagya siyang napatawa sa reaksyon ng tao niya, " Kayo talaga, puwede namang umuna kayo kung talagang kayo ay nagugutom na, ako naman ay sanay na nalilipasan ng gutom"- biro niya. "Naku Miss Reign, wag mo masyado dibdibin ang mga issue sa trabaho , kumain karin sa tamang oras , kapag nagkasakit ka at natsugi papalitan ka lang ng kompanya.'-sermon sa kaniya ni Therese. Si Therese ay kaedad niya pero nauna siya dito ng tatlong taon sa Lion. Plano niyang gawin itong senior buyer kapag umokay ang kaniyang promotion. "tsugi agad, Therese? hindi pa nga nagboyfriend si Miss Reign yon talaga ang gusto mo mangyari para sa kaniya.- singit ni Mona."Ihanap mo nalang kaya nng Boylet itong si Miss Reign para mayroong mag-aalaga sa kaniya". "sus, puro kayo kalokohan, tumayo na kayo diyan at tara nang kumain, gutom lang yan nararamdaman nyo"-. natatawang yaya niya sa mga ito.nagpatiuna na siyang lumakad papunta sa kapiterya nakasunod naman ang iba sa kaniya habang kasabay niya namang naglakad si Therese,nasa 2nd floor ang canteen ,kailangan pa nilang umikot sa may lobby para sumakay ng escalator paakyat.masyado kasing malayo kung maghahagdan pa sila, nasa dulo kasi ito ng building. Nang makaorder naghanap na siya ng bakanteng mesa na kasya silang lima.May nakita siya sa may bandang gitna katabi ng mesa nila Frank. kumaway ito sa kaniya at sumenyas na doon siya umupo sa mesa ng mga ito, ngumiti siya at umiling sabay nguso sa mga kasama niya.tumango naman ito indikasyon na nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Nang makaupo iniusod nito ang upuan sa kaniya. " grabe ang sipag talaga ng team ni Reign, late na nag lunch". - wika ng isa sa kasamahan ni Frank. "Kaya nga nga, ang sisipag na ang gaganda pa "- dugtong naman ni Frank." Huwag nyo namang masyado galingan, nahahalata palagi na kami ang may issue e,. "ang dami pang issue , hindi matapos-tapos. lalo sa Gupta, sumasakit ang ulo ko,"- sagot niya. "kasalanan ni Stelle yan, iniwanan ka." "Kaya nga, sabihin ko kaya ikaw nalang ang pumalit sa kaniya. mas gusto ko pa yong tagabili nalang ako at supplier nalang ang kakausap , at least may control pa ako kahit papaano." " naku, wag mo na muna isipin yan, kumain ka muna. kailangan naten kumain kasi next week pagdating ni thunder storm babahain tayo ng mura nun." Napatawa naman siya sa tinuran nito. napaka misteryoso ng dating sa kaniya ng kapatid ni Rocky , isang beses niya lang ito makita nung birthday ni Stelle 3 years ago. pero para itong may sariling mundo , nakakunot palagi ang noo, at salubong ang kilay.Hindi rin ito nagtagal sa party ni Stelle at biglang nawala. Nagtataka rin siya kung bakit hindi rin ito nakukuwento o nababanggit ni Rocky . "Miss Reign, alam nyo ba mas gwapong di hamak kay Sir Rocky yong kakambal niya, pero may kakambal rin na kasamaan ng ugali ang buong pagkatao- biglang kwento ni Mona. napatigil siya sa pagsubo at tumingin rito. "paano mo naman nasabi yan?-tanong niya. " nakakwentuhan ko nung Friday si Fiona "- ang tinutukoy nito ay ang secreatary ni Rocky." alam mo bang dapat hindi si Fiona ang magiging secreatary nun. " pero dahil ayaw pumayag na maghire ng iba, kaya tuloy si Sir Rocky ang nawalan ng secreatary. ". kumunot noo niya sa narinig, ibig sabihin hindi narelocate si Fiona sa Davao kasama si Stelle. " Meaning andito parin si Fiona?hindi kasama ni Rocky sa Davao?" "Yes, ayaw daw ni Rain ng ibang secreatary, gusto si Fiona para hindi na daw kailangan ng transition at ang gusto dre-deretso ang trabaho,kawawa nga sa Fiona nung linggo niya kay RMA, halos hindi na kumakain sa dami daw pinapagawa."- patuloy na pagkuwento ni Mona. "Sino ang secreatary ni Rocky ngayon sa Davao?'' "Pansamantala si Mam Stelle, bakit hindi mo yata alam? " " hindi pa naman kami nagkakausap ni Rocky o ni Stelle mula nung umalis ako puntang Singapore." "Ay ganun ? ibig sabihin hindi mo rin alam na si Rain na ang CEO naten?"manghang tanong ni Therese. " Yes, this morning ko lang nalaman pagkadating ko tinawagan agad ako ni Rick para sa meeting". "talaga? parang may something talaga kung bakit biglaan itong pagpapalit naten ng boss". " aakyat ako mamaya, baka may alam si Fiona", nag -aalala rin kasi ako sa dalawa, hindi man lang ako china-chat or text kung hindi makatawag." "hindi rin sumasagot sa chat yong dalawa," " wala rin alam si Fiona Miss Reign, kahit nag siya nabigla na nung araw na iyon iba na pala ang boss niya. " "True, tinawagan pa nga niya si Rocky para iconfirm na iba na boss niya mismo sa araw na iyon, lahat nga kami nashock." "Paano kaya kung bigla nalang tayong i-fired ng Rain na yon no?kailangan talaga naten mag-ingat sa trabaho kasi nakapa perfectionist daw pala nuon, bawal na bawal ka daw magkamali." " kaya nga, sabi nga ni Fiona ang una daw tinanong sa kaniya kung ilang beses na daw siya nagkamali sa ginagawa niya.hindi daw siya makasagot nang madami beses na, baka daw siya e tsugiin agad agad". napapailing siya habang nakikinig sa kwento nina Therese, kaya naman hindi na siya mapakali gusto na niyang makausap si Fiona. Nang matapos siyang kumain nagpaalam siya kina Therese na mauna na.Tumango naman ang mga ito, meron pa siyang 30 minutes left lunck break. nagmamadali siyang naglakad , pagdating sa table niya agad niyang kinuha ang kaniyang pouch bag na may lamang personal grooming stuff niya,tumuloy siya sa CR para magtoothbrush at magretouch.limang minuto ang ginugol niya sa CR. nang matapos ay bumaba siya para sumakay ng elevator paakyat sa 5th floor, doon ang opisina ng CEO . Nang tumunog ang lift hudyat na nakarating na siya sa limang palapag, nakahinga siya ng maluwag ng matanaw si Fiona sa pwesto nito, kita niya ito mula sa labas dahil glass door ang opisina nito. Busy ang babae sa monitor nito.kumatok muna siya sa pinto saka niya ito itunulak para siya makapasok.Ngumiti naman si Fiona at agad na tumayo nang mapagsino siya. "Hi Reign, wow, ibang-iba talaga kapag galing bakasyon blooming", bati nito sa kaniya.bumeso siya dito nang makalapit.umupo siya sa silya sa tapat ng mesa nito,Iniabot niya ang paper bag na may lamang pasalubong galing Singapore. "wow, thank you, ang sweet ha, patatabain mo naman yata ako" baka hindi na magkasya ang gown ko na susuotin sa kasal ni Rocky".natawa siya sa sinabi nito. " ang OA mo ha, malakas ka pa nga kumain sakin pero ang payat mo parin naman".- nakatawa niyang saad."kamusta nga pala ang boss mo, hindi nagpaparamdam ha". "Sinong boss? former boss o new boss"? "I mean si Rocky, hindi sumasagot sakin e, yong dalawa ni Stelle, nagtatago yata". "Naku napaka busy ng dalawang iyon, nagkaproblema kasi sila sa construction site nila doon, halos wala nang time magbukas ng mag social media accounts nila."- sagot naman nito. " Eh ang bago mong boss ,nagkapalagayan na kayo ng loob?- tanong niya.bigla naman itong sumeryoso. " Nangangapa pa ako, nagmukha tuloy akong newly hired sa kaniya, ngarag ako dai diosko po, sa dami na gustong report na pinapagawa." "masungit?' "sobra day, kala mo lage may regla . daig pa ang babae, lagi pang nakasigaw. kala niya pag mamay-ari niya ang buhay ng mga tao dito, kung alam mo lang." reklamo nito." kung pwede nga lang sabihin kay Rocky na kuhanin nalang ako , pilitin niya ang daddy niya kaya lang ayaw pumayag ni thunder na maghire pa ng bago." "sabi nga ni Mona, naikuwento niya habang kumakain kami." "Dito ka kumakain?- "yup, katawagan ko kanina si pogi, nag-virtual lunch meeting kami."kumunot noo niya sa sinabi nito, "Si Rain, ka-virtual meeting ko siya kanina, nagrequest siya na lunch meeting." "oh akala ko ba masungit bakit pogi na ang tawag mo sa kaniya, at kinikilig kapa talaga ha"- tudyo na rito na ikinapula naman nito ng mukha. " ang gwapo naman kasi e", anito na kinikilig pa.akala mo mapaihi sa kilig." Gwapo si Sir Rocky pero itong kakambal niya gwapo na masarap pa,kumabaga sa ulam siya ay kare-kare madaming sangkap. perfect ". hindi niya mapigilang umismid sa sinabi nito. "ikaw talaga, dahil lang sa gwapo nakalimutan mo na agad na nasigawan ka niya". "isang araw lang niya akong sinungitan, nagbanta kasi akong magreresign kapag inulit niya pa, aba alam mo naman ako, mahal ko ang trabaho ko pero mas mahal ko ang sarili ko no, dami kayang kompanya na pwedeng lipatan." "hahaha, grabe ka, wala talagang tatalo sayo. ang loka mo ano", "syempre, kahit boss sila at sila ang nagpapasweldo saten aba nagtatrabaho naman tayo ng malala para lumago itong negosyo nila diba?pero alam mo bagay kayo nun?' "nak,ayan kana naman sa mga palagay mo, Si Rocky nga hindi pumasa sakin parang santo yon kung magsalita , yan pa kayang boss mo na saksakan ng sungit," "malay mo naman , opposites attracts nga diba? - giit nito, "malay mo kayo pala ang mean to each other kaya hindi naging kayo ni Rocky diba?" "hindi kami opposites attracts, baka same pa kami ng ugali, mabait ako sa mga mababait alam mo yan pero kung masama ugali ipapakita ko rin ang other side ko". "ay bongga yan, looking forward ako sa bangayan niyo sa morning meeting." "actually , hindi pa nga kami nagkikita mainit na ang dugo ko sa kaniya, lalo na ngayon binigyan niya ako ng sandamakmak na trabaho, nakaka--- "Binabayaran ba kayo ng kompanya para lang magtsismisan?"- sabay silang napalingon ni Fiona sa pinto ,nakatayo ito at nakasuot sa ang kaliwang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. " Sir Rain, good afternoon, bati ni Fiona. "a-akala ko po next week pa kayo dadating".nangangatal ang boses habang nagsasalita.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook