Reign Kirsten
Napatayo si Fiona mula sa upuan at nagmamadaling sinalubong ang bagong dating.Nagbigay galang siya dito na halatang nagulat at may takot sa mukha, hindi namin alam kung minuto na itong nakatayo doon sa may pintuan ang lalaki. Siguro dahil naaliw kami ni Fiona sa aming kuwentuhan hindi namin namalayan ang pagdating nito.
" Sir Rain , this is Miss Reign our newly promoted material planning manager".- umangat ang isang kilay nito and pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik mula paa hanggang ulo,napako ang tingin nito sa kaniyang dibdib na siyang ikinapula ng kaniyan mukha. tumikhim siya upang pukawin ang atensyon nito.
"Good Afternoon , Mr.Alcantara," bati niya dito."Im glad to finally meet you in person" dugtong niya.
Umangat ang sulok ng labi nito,at tiningnan siya." you both didnt answer my me, binayaran ba kayo ng kompanya para lang magtsismisan?at dito pa mismo sa loob ng opisina ko?- matigas nitong sabi na may halong panunuya. naningkit ang mata nito na lumingon kay Fiona.
"Apologized Sir Rain, we still have 10 minutes left on our lunch break nang dumating kayo,napahaba lang ang aming kuwentuhan ni Reign kasi matagal kaming hindi nagkita, hindi na po mauulit sir".paliwanag ni Fiona.Yumuko siya bilang pag-sang ayon sa sinabi ng kaibigan.
"ayokong magsayang ng oras ang mga empleyado kapag oras ng trabaho alam mo yan Fiona", anito pero nasa kaniya nakatingin. its already 1:05 in the afternoon and I am expecting that all of my employees are already in their respected areas 5 minutes before time in. Palagay ko ay hindi pa aware si Miss Alvarez sa rules and regulations ko , please enlighten her "- may diin nitong pagkakasabi.Napahugot siya ng malalim ng tingnan ang orasan sa table ni Fiona.
"Noted Mr.Alcantara." sagot ni Fiona dito.Nang akmang tatalikod na ito papunta sa silid ng mismong opisina nito ay iginiya siya ni Fiona palabas ng opisina nito, nang nasa labas na sila ng pinto ay humingi ng paumanhin sa kaniya ang kaibigan.
"My gosh Reign , so sorry, hindi ko akalain na biglang susulpot iyon dito ngayon, ang pagkakaalam ko kasi next week pa siya babalik."- hinging paumanhin ni Fiona sa kaniya.Hinawakan siya nito sa kamay .Huminga ng malalim
" Medyo nashock nga ako, grabe pala talaga siya magsalita ano? sa ilang minuto nakausap ko siya hindi ko maiwasang i compare siya kay Rocky, talagang ibang iba. " wala sa sariling banggit niya.
" True, kaya ngayong nandito na siya for sure bantay sarado yan sa galaw ng mga tao, ganyan yan kahigpit. All of a sudden bigla nalang yan lalabas ng opisina niya at nag gemba walk mag-isa."napailing siya sa mga sinabi ni Fiona .Talaga palang malala itong kapatid ni Rocky .
Inihatid siya Fiona hanggang elevator, kumaway siya dito nang makasakay. nagmamadali siyang naglalakad pabalik sa kaniyang opisina, mahirap na baka mamaya kung ano na naman ang maisipan nung Rain na yon bigla siyang tawagan sa opisina or papuntahan s akung sinoman ang pwede nitong utusan para icheck siya.Ayaw niyang mabutasan siya nito.
Pagdating sa kaniyang opisina binuksan niya agad ang kanyang laptop.Pumasok naman si Therese para ipaalam na ready na ang mga ito para sa kanilang meeting.
"RK , sa meeting room Banawe ang nakuha kong available pa " wika ni Therese, ang tinutukoy nitong Banawe ay ang meeting sa baba."puno na ang schedule ng dalawang meeting dito sa 2nd floor e."- dugtong nito.Tumango siya.
"sige, doon nalang tayo"., - pag-sang ayon niya.
" Okay , available ang room ng alas dos y media pa , hindi pa kasi tapos ang lunch meeting ng taga production. Meron naman isa pa meeting room sa office ni Mr.Alcantara sabi ni Fiona anytime pwede naman daw yon gamitin"
"Naku, huwag tayo doon, biglang dumating si RMA, galing ako don nagdala ako ng chocolate kay Fiona kaninang break time, nagku-kwentuhan kaming dalawa biglang nalang sumulpot."
"Ayy, talaga? Oh my God, disaster na naman ang araw namin nito- ngiwing pahayag ni Therese. kumibot-kibot pa ang labi nito.
"Kailangan naten bilisan lagyan ng mga upate ang mga actions items na nakapending, any moment magpapatawag yon ng meeting, Kailangan handa ang team naten, mga reports, data /simulations and summary.- pahayag niya.
"Gather all the data from the team, identify all the issues and concerns and highlight to all cross functional team , para aware sila kung ano pang kulang nila saten." - dagdag niya.Tumango naman si Therese sa lahat ng sinabi niya.
"Noted on this RK"-ngumiti siya rito bago ito lumabas ng kaniyang opisina.Nagsimulan na ulet siyang magtrabaho, mayroon pa siyang isang oras bago magsimula ang kanilang meeting.
Nag pop-up sa out look niya ang email ni Therese ito ang simulation na hinihingi niya kaninang umaga. kailangan niya iyong pasadahan ng review , mamaya sa meeting nila sasabihin nalang niya sa mga ito kung ano ang mga kailangan gawin.Mabuti nalang ay gumawa din ng power point presentation Therese hindi na siya mahihirapan . Pagdating sa madaliang trabaho kapag nangangailangan siya ng data galing sa material planning laging maasahan si Therese, napaka- pro-active din nito pagdating sa trabaho which is kinatutuwa naman niya.Naalala niya tinuturuan niya lang ito nuon nung new hire ito, dahil fresh graduate kaya talagang nag-umpisa sila sa basic hanggang sa nakagamayan na nito ang ginagawa .Kalaunan ay naging magkaibigan sila next to Stelle.
Abala parin siya sa ginagawa ng biglang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Ang tawag ang galing sa HR office kumunot ang kaniyang noo , nagtataka siya kung bakit tinatawagan siya ng HR pero agad naman niya itong sinagot.
" Hello"- bungad niya
" Hi RK, si Hana to"- sagot ng kabilang linya.
"Yes Hana"
"Gusto ko lang alamin kung available ka tomorrow by 10 am in the morning after our tier meeting for interview?"
"Interview?" nagtataka niyang tanong kay Hana.
"Yes, This interview is being requested by RMA". sagot ni Hana.
"Who do I need to be interview , newly hired ba ako? napatawa si Hana sa tanong niya.
"pinatawag niya ako kani- kanina lang sa opisina niya jusko kalerky , hiningi niya ang iyong 201 file mo and then pinapaschedule ka niya ng interview bukas"
"Lahat ba kayo ininterview niya?- wala sa sariling tanong niya, ang iniisip niya kasi baka it is the new CEO way para makilala ang mga tao nito, since kabilang na siya sa management team baka kaya gusto siya nitong interviewhin.
"No RK, ikaw lang ang inischedule niya, I think this is about your promotion" umangat ang kilay niya sa narinig.
"Did he against it? "
"He never say anything , nagtataka nga rin ako."sagot ni Hana."Available kaba bukas ng 10am after ng tier meeting naten?yon kasi ang oras na sinabi niya, pero sabi ko kasi tatanungin muna kita kung available kaba sa mga oras na ito baka kako may mga nauna kang na-schedule, pumayag naman siya basta anytime of the day daw bukas."
Check muna niya ang kaniyang schedule kung free siya sa oras na binanggit ni Hana.
"Wala akong schedule meeting ng alas dyes, free ako"-she confirmed.
"Okay noted," ani ni Hana." Bakla be ready ka ha, alam mo naman siguro ang feedback ng mga tao about kay RMA, pero alam ko namang hindi ka papatalo sa kaniya."
"Kung gigisahin niya lang ako para hindi matuloy ang promotion ko, bahala siya sa buhay niya.Hindi naman ako naghahabo sa position e"
"Hindi naman siguro, baka type ka niya bakla, si Regine nga for promotion din pero hindi naman niya sinabing interviewhin niya"- ani ni Hana na ang tinutukoy ay ang tauhan ni Liza na ipo-promote bilang accounting supervisor.Next month din ang effecivity kasabay niya.
"Baka nga kasi haharangin niya ang promotion ko, -giit niya.
"Naku, si Chairman na ang makakalaban niya kapag haharangin niya ang promotion mo.Nag -approve na si Chairman sa system e, kinulit pa nga ako ng kinulit about sa bago mong employee contract e, ibibigay ko nga pala sayo mamaya para mapirmahan mo"
"may meeting ako ng alas dos, ilagay mo nalang sa mesa ko kapag wala pa ako"
"Okay sure, no problem, sendan nalang kita ng email as confirmation ng interview bukas ha?'
"okay"Saktong natapos ang pag-uusap nila ni Hana nang kumatok ni Therese sa pinto.hindi na ito pumasok bagkos ang sumenyas itong magsisimula na sila sa meeting. Tinanguan naman niya ito.Hinugot niya ang charger ng kaniyang laptop , dinampot niya ang kaniyang cellphone at lumabas ng silid.Naabutan niya si Therese at Mona sa area ng mga ito at hinihintay siya.
"Nauna na sila Jessie at Crystal sa meeting room - sinet up nila ang projector ayaw kasi gumana ang kanian kaya tinawagan nila ang IT. - sabi ni Therese, tumango naman ako bilang tugon.nagpatiuna na akong maglakad sa elevator , pinindot ni Therese ang button ng nasa tapat na kami, nang bumukas ang lift napanganga si Therese at Mona sa nakita sa loob ang isa sa mga sakay nito.Walang iba kundi si Rain.Nagtama ang aming mga mata.May kasama itong tatlong lalaki na na matatangkad.Napatingin sila amin , may kalakihan ang loob ng lift pero dahil malalaking nilalang ang sakay nito nagmukha itong maliit.
"Good Afternoon Mr.Alcantara" bati ko ,tumango lang ito , bahagya kong nginitan ang mga kasama nito na nakatingin sa akin, nagpatiunang pumasok sa loob ng lift nang maramdaman ko ang pagkailang ng dalawa.Nilingon ko sila at pinandilatan ng mata ng makapasok , agad naman silang sumunod. Nasa bandang kanan nakatayo si Rain seryoso at nakapaloob sa bulsa ng suot nitong pants ang dalawang kamay.Pumuwesto sa kaliwa ang dalawa , nagsiksikan sila doon, wala akong choice kundi pumuwesto sa tapat ni Rain dahil nasa likuran namin ito.Bahagya siyang nailang dahil ramdam niya ang hininga nito sa kaniyang batok ,I even smelled his expensive perfume pinindot ko ang G button para sa groundfloor. Mahigpit ang hawak ko sa bitbit kong laptop.Bahagya siyang nakaramdam ng banas sa mga sandaling yon, parang pakiramdam niya ay pinagmamasadan siya ng lalaki.Tatlumpong segundo lang tumakbo ang elevator pero pakiramdam niya yon na nga ang pinakamatagal na oras sa kaniya ,parang nakalimutan yata niyang huminga sa loob ng elevator.
Ano bang nangyayare sayo Kirsten, relax tao lang yan tao lang- aniya sa isip.
bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa ng sa wakas bumukas ang lift nang marating nila ang ground floor, as usual nag-uunahan na naman ang dalawang makalabas, akala mo may hinahabol.Pinigil ko ang lumingon sa aking likuran at nagmamadaling lumabas narin. Ramdam kong sumunod narin ang mga lalaking nasa likuran niya,para akong hinahabol ng hininga nang makalabas, ganun din ang dalawa.Nagbunga ng hangin si Mona nang makitang naglalakad na palayo si Rain , nakasunod dito ang tatlong kasama nito.
"hayy grabe, kapag sinuswerte ka nga naman - biglang sabi ni Mona, " Grabe no, mamatay pala ako ng maaga kapag araw araw akong lalapit kay RMA.hindi ko magawang huminga kanina a, parang kasing pakiramdam ko bawal huminga kapag siya ang katabi mo."mahabang pahayag nito.
"Sinabi mo pa, hindi ako makagalaw sa takot na baka akoy magkamali, diosko dai"- bulalas naman ni Therese."Pero infairness ha , ang sarap ng amoy niya, ngayon ko lang siya nasilayan ng malapitan , grabe ang pogi, lakas ng dating, makalaglag panty e. "
"Agree, ang sarap niya no?tama nga sila para siyang kare-kare sa sarap"- kinikilig na sabi ni Mona,"Sa palagay mo Miss Reign?'- baling sakin ni Mona.
"Hindi naman, sakto lang, parang si Rocky lang din, walang dating sakin", kibit balikat kong sagot.
"Mas malakas ang dating niya kay Sir Rocky, ang ganda kasi ng mata ni RMA yong tipong nang -aarok, mukha siyang possive , sarap niyang maging jowa" giit ni Mona.
"Paano mo naman nasabi, nagtama naba ang paningin nyo, mukha naman kasing walang nakikitang tao yon kapag nakasalubong mo" sabi ni Therese.
"Hindi ako, si Miss Reign"- umangat ang isang kilay ko sa sinabi ni Mona , tiningnan ko siya.
"kakaiba ang tingin niya sayo , mukhang gusto ka niyang bitbitin kanina at iuwi ". paliwanag ni Mona.
"Ikaw talaga Mona, gumagana na naman ang imagination mo, hindi nga niya binati pabalik si RK kanina nung binati niya e, "
"ah basta, malakas ang kutob ko"
"tumigil na nga kayong dalawa, ang daldal nyo pareho, "- awat ko sa kanila, binuksan ko ang pinto ng Banawe roon ng tumapat kami , naabutan namin si Jessie and Crystal kasama ang si Alex ang onsite IT support, may kasama itong isa pang lalaki na ngayon niya lang nakita, siguro ay bagong hire.
"Hindi parin ba okay?-tanong niya kay Alex
"nagtrouble shoot lang namin ang connection dito sa Banawe mam, hindi kasi nabalik sa ayos yong mga wirings nung inayos ng maintenance itong meeting room.
"ah okay, ilang minuto yan bago maayos? medyo mahaba -haba kasi ang discussion namin ngayon"
"malpit na po".
umupo siya sa at binuksan ang kaniyang laptop, kita niyang wala siyang internet connection.Sa sulok ng kaniyang mata kita niyang hinugot ng lalaking kasama ni Alex ang cellphone nito at may tinawagan.
"yes bro, available ba ang meeting room mo ?, sira ang saksakan ng Banawe , may meeting kasi dito ang material planning , kailangan nila ng digital projector " anito sa katawagan. tumigil ito sa pagsasalita at pinakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya.
"Sure bro, dadalhin ko nalang sila don, tatawagan ko ang maintenance na ayusin ang connection dito sa Banawe."
Nang maibaba ng lalaki ang cellphone , binalingan siya nito.
"Hindi kami pwede dito?"- tanong niya.
" pasensya na, sira pala ang saksakan dito kaya walang connection , tinawagan ko si Rain, bakante ang meeting roon sa office niya, pwede kayo doon." sabi ng lalaki" ako nga pala si Andrew bagong IT specialist " pakilala nito nito sa kaniya, sabay lahad ng kamay.Tinanggap niman niya ito at ngumiti.
"Bago ka lang?"
" Dito sa Lion, Yes, kanina lang ako nagreport, galing akong US, kasama ni Rain, pinirate niya lang ako dito" nakatawang saad nito.
"ohh"- napa ohh ako, so magkama sila ni Rain malamang close sila nito.
"Ito nga pala si Therese and Mona"- parehas silang buyer. pakilala ko sa dalawa, nag hi naman ang mga ito, si Mona ay hindi mapuknit ang ngiti kay Andrew, halatang type nito ang lalaki.
"Shall we? sasamahan ko kayo sa office ni Rain, ako na magset up ng TV don, may password kasi doon e, wala si Fiona kaya walang mag-assess sa inyo."- aya ni Andrew.
Tumango ako at inutusan ang apat na sumunod.Magkasabay kami ni Andrew maglakad sa elevator nakasunod naman ang apat sa amin.Pinindot ni Andrew ang button sa groundfloor para kami makasakay , ilang sandali lang bumukas ang pintuan, bahagya kong sinipat ang loob, walang tao, nauna nang sumakay si Andrew, sumunod ako at nasa likuran ko apat. pinindot ni Andrew ang 5th floor kung saan naroroon ang opisina ng CEO.Makailang sandali bumukas ang lift hudyat na nasa fifth floor na kami, agad na nilukob ako ng lamig mula sa aircon ng makapasok sa limang palapag, ang buong palapag na ito sa CEO office lamang. meron narin itong sariling pantry at mini- kitchen na pinagawa ni Rocky dahil minsan doon natutulog ito kapag masyado nang late, alam niya may sariling kwarto rin ito sa loob mismo ng opisina ayon sa kwento ni Fiona.Carpeted ang nuong palapag na halos lumubog ang suot niyang 1 inch heels, mabuti nalang at naka slacks at long sleeve siya , pero dahil sa tindi ng lamig ng buong area ramdam parin niya ang lamig.
Iginiya sila sa kanang bahagi ng opisina kung nasaan naroroon ang meeting room, doon dinadala ang mga bumibisitang investors at kadalasan doon ginaganap ang monthly boardmeetings.Nang marating ang pintuan automatic bumukas ang mga ilaw doon pati ang aircon., gawa sa glass door ang dingding, pero dahil tented ito, hindi kita sa labas ang mga nasa loob, at alam niyang soundproof rin ang silid na ito.
may mahabang mesa sa gitna na sa tantya na ay kasya ang bente na tao roon, sa magkabilang gilid ng silid ay may mga nakaheleranga arm chair. Sa unahan ng ay may nakita siyang isang malaking projector at malaking TV,nakita niya si Andrew na inaabot ang laptop ni Jessie para iconnect sa TV.
"itong TV nalang ang gamitin nyo kasi lima lang naman kayo" pukaw ni Andrew,. humila siya ng upuan sa unahan paharap sa TV, pumuwesto naman si Jessie sa kabila , Si Therese ay sa unahan niya nakaupo , nang masiguro ayos na nagpaalam si Andrew sa kanila.
"Turn off nyo lang yong TV kapag tapos na kayo, Automatic naman yong mga ilaw dito." dagdag ni Andrew.Nagpasalamat naman siya sa lalaki dahil sa tulong nito.
" Salamat sa tulong mo Andrew,"tugon niya
"basta ikaw RK, walang problema, "-sagot ni Andrew na ngumiti sa kniya, lumabas na ito ng pintuan.
"okay, before we start gusto ko emphasize sa inyo yong mga pagbabago sa target at ramp up plans"- panimula niya.
"Ayon sa aming napagmeetingan kanina with managers, malaki yong naging additional ng target compare sa nakalatag sa unang plano ng PM.Ngayon, gusto kong malaman nasaan tayo banda doon sa target, kaya ako nagpatawag ng meeting,"
"Though mamaya ipapakita ko sa inyo kung gaano kalaki pa yong hahabulin naten ano?, hindi ko pa siya nagawan ng drafted report pero sa nakikita ko talagang madami pa, or dumami talaga ang tamang term."
"Ngayon, What do I expect from the team is to work double, pasensya na ha, pero hihingin ko ang inyong flexibility para kahit papano mapalapit naman tayo sa ating target ano".Ano yong sinasabi work double, dapat maging pro-active tayo para mabilis makagalaw yong mga nasa unahan, kasi alam nyo na naman yan, nasa aten ang bottleneck kapag natapos na ang set up, pero meron tayong hinahabol na lead time ng supplier.Ngayon kung hindi naten aagarin ang mga nasa unahan , hindi tayo makakagalaw tama?" tumatango -tango ang apat sa mga sinabi niya, muli siyang nagpatuloy magsalita.
"may expectation is, i-follow up nyo na lahat ng issues na makikita nyo na makakaapekto sa proseso naten, kahit wala pa saten ang bola simulan nyo nang ipush para gumalaw ,okay?"
"So now, tingnan nga naten ang inyong mga material status kung nasaan na ang mga yan".Simulan mo na Therese.
Agad namang tumalima si Therese, binuksan nito ang report na sinend nito sa kaniya kanina.Inisa-isa nila ang mga items na may issue pa sa sourcing, mga item na may price issue, walang tooling at hindi nakaenrol sa BOM pero nasa listahan ng critical items na pinadala ng PM.
"Miss Reign, may 5 items akong nakahold ang PO kay J-holders mababa daw kasi ang MOQ, hindi pa daw approve ang price ng lower MOQ kay RMA sabi ni Sir Frank. Sabi ni Jessie ang tinutukoy tinukoy nitong J-holders ang supplier nila ng srews,
"Bakit umabot sa CEO ang approval? low value lang naman yon ah" nagtataka niyang tanong.
" kaya nga po, nagtataka nga po ako, pero sabi si Sir Frank ganun na daw ngayon bagong direksyon ni Sir Rain e, lahat ng may price issue kailangan muna niya ng approval, bago mag proceed., kaya medyo bumagal ang sourcing ngayon sa material set up."- mahabang paliwanag ulet ni Frank.
Gusto niyang mainis sa pahayag ni Jessie, pati ba naman sa bagay na yan pakikialaman.
"Miss Reign"- lumipat ang tingin ko kay Crystal nang magsalita ito.
"Yes Crystal"
"may pending po akong air shipment ng transformer from US, yon po yong gagamitin sa line exercise". Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Crystal.
"Bakit hindi pa nakaalis?diba ang usapan lahat ng out of lead time na gagamitin ng line exercise ipapa-air charge sa PM? bakit hanggang pending parin?"
"hindi pa po approve ni RMA ang freight cost, nasa 800 kilos po kasi nasa $3000 ang freight cost niya,gusto ni RMA charge to vendor daw po".
"What?" Hindi ko na napigilan ang inis sa sinabi ni Crystal."bakit charge sa vendor yan eh out of lead time yan, kahit naman sino hindi papayag sa ganun, bakit hindi yan ang sinagot ni Frank ano ba naman siya, tapos wala man lang siyang nababanggit sakin kanina sa meeting.pambihira talaga yang mga yan".
"Naku Mam, lahat na po yata ngayon , bago iproceed kailangan ng approval ni RMA especially if its incurred in cost po"
"bakit hindi customer yong kausapin nya na siyang magbayad ng freight charge, kasama dapat yan sa negotiation nila, tutal yong customer naman yong magline down, at sila ang nagrequest ng expedite dapat may charge sa kanila ya, wala naman silang binigay na forecast niyan dati eh, basta nalang sila nagrelease ng order tapos yon na, nangarag na lahat". nababadtrip na talaga siya.
"Paano na po yan mam, madami kaming hindi makaproceed na air shipment e, meron nang impact sa existing running line yong iba, waiting sa approval ni RMA"- singit ni Therese.
"bakit ba daw hindi maapprove agad?- tanong niya.
"pinapa-aapply online mam lahat ng process na may impact sa cost, may pinapadevelop na online portal doon kay Andrew hindi pa yata ayos hanggang ngayon".-paliwanag ni Therese.
"Abutin tayo ng siyam-siyam kapag sila ang aantayin, wag lang nila talagang i-highlight ng i-highlight ang materials kapag schedule na ng ramp , mahirap kaya maghabol sa supplier lalo na kung out of lead time, siya kaya makapag -usap sa mga yan para malaman niya ang struggle naten.Akala lang nila ganun kadali" may diin niyang sabi.
Biglang sumakit ang ulo niya , talaga nga palang napakalaki ng pagbabago sa process mula nung si Rain na ang may hawak ng Lion, pakiramdam niya nadehydrate siya, nakakaramdam siya ng banas kahit napakalamig sa loob ng meeting room, nag -iinit ang dugo niya. pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat is yong kontrolado ang galaw nila, lalo silang walang natatapos. ayaw niya ng micro manage na leadership, mawawalan ng kompyansa sa sarili ang mga tao,. kung kaya naman nilang resolbahin sa level nila ang problema hindi na niya pinapatagal pa , para magawan agad nila ng paraan. Hanggang sa matapos ang discussion nila hindi parin nawawala ang init ng kaniyang ulo. Lumabas na sila ng meeting room , tuloy-tuloy siya sa elevator pagkalabas, balak pa sana niyang dumaan kay Fiona ngunit nagbago ang kaniyang isip. Baka madatnan niya doon ang impakto nitong amo baka ano pa ang mabitawan niyang salita. Anong akala nito sa kanila walang isip.Sadya ngang ibang-iba ang character nito kay Rocky.
Hindi maaari sa kanya ang ganitong management style, isang araw pa lang niya itong nakasama sa trabaho pero nakakasuffocate na, parang gusto niyang magfile ng leave ulet.
pagkalapag ng elevator sa floor nila, walang sabi -sabing naglakad siya deretso sa kaniyang opisina, naramdaman siguro nila Therese na bad trip siya kaya hindi na nangulit ang mga ito nanahimik nalang, kilala siya ni Therese kapag badtrip siya. Binibigyan siya nito ng oras para pakalmahin ang sarili kaya hanggat maaari kapag ganun na ang mood niya hindi na muna ito mag open up ng kahit na ano makakadagdag sa init ng ulo niya.
Wala na siya sa mood magtrabaho, nang sipation niya ang relo pasado alas kwatro na ng hapon, inabot din sila mahigit isang oras doon. Napabuntong hininga siya ng paulit-ulit. Wala siyang balak mag extend sa trabaho sa araw na to sa tindi ng emosyon niya, uminom na siya ng tubig pero hindi parin niya magawang kalmahin ang sarili.
Inabala niya ang sarili sa pagreview ng email niya sa mga natitirang oras sa trabaho, balak niyang umuwi ng ala singko palang.
Mabilis lumipas ang minuto, uwian na,hindi na niya hinintay tumunog ang bell hudyat na kailangan nang umuwi ng mga empleyado ng day shift, limang minuto bago mag ala singko tumayo siya pumunta ng comfort room dala ang kaniyang pouch bag na may laman na kung ano ano.nagretouch siya ng lipstick ng mapansing nag fade na ito. Nang matapos ay bumalik siya sa opisina,kita niya nagtatayuan na rin ang iba nilang staff, doing thier 5s , nang mapadako ang tingin niya sa area nila Therese ay busy parin ang mga ito. mag-oovertime siguro.
nagligpit na siya ng lamesa, doing 5s na siyang naging controls nila para mapanatiling malinis ang kaniya-kaniyang working area.
Nilagay niya ang laptop at pinasik sa laptop bag, may gagawin siyang report kaya magdadala siya ng laptop sa bahay, doon niya nalang tapusin ang dapat ay gagawin niya , ayaw na niyang magtrabaho sa opisina dahil nawalan na siya ng gana.
Nang matapos ay sinukbit na niya ang kaniyang bag , sinusian ang drawer at lumabas na ng opisina.dumaan muna siya sa rea nila Therese para magpaalam.
"Guys, mauna na ako, overtime ba kayo'?- tanong niya sa mga ito.
"Yes RK, kailangan namin matapos ngayon ang pinapagawa mo".
"okay, salamat, ako naman ay gagawa sa bahay mamaya, nakakabwisit lang talaga ngayong araw kaya gusto ko umuwi ng maaga."nawalan ako ng gana magtrabaho dito e."
"RK, tapos ko na yong pinapagawa mo updating nung mga pending, email ko nalang sayo ",pahabol ni Therese ng akam hahakbang paalis.
"Yes, Thank you, i-attention mo sa mga department na may issue, copy mo ako tapos cc mo sa email si Mr.Alcantara"- sagot niya.Nag sign okay naman si Therese.Kumay naman ang tatlo sakin.
Nang makakababa sa unang palapag lumabas ako sa may employee entrance , naglalakad ako hanggang labas ng gate. Dahil wala na si Stelle madalas na siyang nag commute, nung magkasama pa silang dalawa magkaibigan ay nakikiride siya dito, mula nang maging girlfriend na ito ni Rocky ay taga hatid at sundo na ito ng driver ng lalaki.which is convenient naman sa kaniya kasi palagi siyang sinasabay nito pagpasok hanggang sa mag-uwian.Mula nang umalis papuntang Davao si Stelle hirap na siya sa pagpasok at pag -uwi, minsan nakikisakay nalang siya sa kung sinoman ang maabutan niya sa opisina na uuwi, or di kaya madaanan siya nitong nag-aabang ng jeep sa tapat.
Kinukumbinsi siya ng mga katrabaho na bumili na ng saskayan pero hindi niya magawa dahil hindi iyon ang priority niya sa ngayon, mayroon pa siyang hinuhulugang lupa sa probinsya nila, pagdatings sa pera talagang masinop siya, ayaw niya na lumulubo ang kaniyang expenses monthly bagkos ay ginagawan niya pa ng paraan para mabawasan.
Wala pang limang minuto na nag -aabang ng jeep, nang may dumaan. lihim siyang nagpasalamat na sa kabila ng mabigat na araw sa trabaho nakiayon naman ang panahon sa kaniyang pag-uwi dahil agad siyang nakasakay.
Nasa dalawampung minuto din ang byahe papuntang apartment nya. , quarter to 6 na ang makarating siya sa kaniyang tinitirhan.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang apartment, pasalampak siyang umupo sa maliit na sofa at pinikit ang mata, makalipas ang ilang minuto ay tumayo siya pumasok sa kwarto dala ang kaniyang bag. Binuksan niya ang kaniyang dressing cabinet uapng maghanap ng masusuoot, isang overall shirt ang kinuha nya at panty, kapag nasa bahay lang siya ay hindi siya nagba-bra dahil masyado siyang naiinitan at hindi komportable gumalaw.Mag-isa lang naman siya sa apartment kaya malaya siyang sa damit na gusto niyang suotin habang nagpa ikot-ikot sa buong kabahayan.
Pumasok siya sa banyo para maligo, inabot siya ng sampung minuto bago makalabas.
Lumabas siya ng kwarto at pumunta ng kusina, binuksan niya ang ref at kinuha ang food box na pinaglagyan niya ng bistek na pang ulam na niluto niya kagabi.binuksan niya ang kalan , kumuha siya ng kawali para initin ang pang-ulam, pagkatapos ay nagsalang naman siya ng kanin sa rice coocker, sinama na niya sa luto ang kakainin niyang almusal bukas ng umaga.
Gusto niya palaging may bahaw na kanin tuwing umaga upang gawing sinangag, paborito niya yon partneran ng kape at sunny side up na itlog or di kaya omelet.Saktong kakatapos niya lang magluto nang may kumatok sa pinto, .
hawak ang tuwalya nakabalot sa ulo niya dahil basa pa ang buhok niya, tinungo niya ang pintuan para alamin kung sino ang dumating.Napanganga siya nang mapagsino ang nasa labas.Walang lumalabas na salita sa bibig niya or mas tamang sabihing wala siyang mahagilap na sasabihin.kumurap-kurap siya para masiguro kung tama nga ang nakikita niyang tao na nasa labas ng kaniyang apartment.
"Im not a ghost" may halong inis sa boses, nahimasmasan naman siya ng marinig ang sinabi nito.
" Mr.Alcantara, what are you doing here?How did you know my place?-sunod-sunod niyang tanong.
"Can I come in?
"huh?what? No,
"I am going to use your comfort room, kanina ko pa hinahanap itong number nung house mo, ang hirap hanapin", naiihi na ako"- inis nitong sabi. agad naman niyang niluwagan ang pintuan at pinapasok.
""ah wait, give me seconds", - hindi na niya inantay ang sagot nito agad siyang tumakbo sa banyo, chineck niya baka may kalat o underwear siyang naiwan sa loob ,nakakahiya kapag makita ito ng lalaki. Nang masigurong malinis naman bumalik na siya sa salas.
"okay na , you can use the comfort room now,- mapakla nyang wika, mahigpit ang hawak niya sa tuwalyang tinakip niya sa dibdib dahil wala siyang bra, kaya naman naglaglagan sa balikat niya ang medyo basa pa niyang buhok.Hindi naman mapigilan ni Rain ang mamangha sa itsura niya.Nang makapasok ang lalaki sa CR, agad siyang pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.
Oh lord, nakakahiya ang itsura ko nang madatnan niya, ano ba kasi ang ginagawa ng lalaking yon dito.At paano niya nalaman tong tinitirhan ko.
Binuksan niya ang aparador naghanap ng masuot, nakita niya ang isang tukong at tshirt , agad niya itong sinuot, humarap siya sa malaking salamin at nagsuklay ng buhok. Napansin niyang nangingintab pa ang kaniyang ilong dahil sa sabon na gamit niya.Kumuha siya ng face powder at nilagyan ang mukha.Nang makitang okay na itsura niya saka siya lumabas ng kwarto.
Agad na hinanap ng paningin niya ang lalaki, wala na ito sa CR dahil kita niyang nakabukas ang pintuan.
badtrip na lalaki talaga yon, hindi man lang sinara ang pinto ng CR.
Hindi niya rin ito nakita sa salas. Baka umalis na, bastos talaga hindi man lang nagpaalam.
Umikot siya samay kusina at nanlaki ang mata niya sa kaniyang nakita, naroon ang lalaki, tinitingnan ang nakasalang na kanin sa rice coocker. nakita rin niyang nakapatay na ang gasul ng pinag-initan niya ng bistek, naamoy niyang medyo nasusunog na ito.
" Tssk!!You should be cautious on what you do in the kitchen, baka hindi mo namamalayan nasusunugan kana pala"sakartiko nitong wika.