Reign Kerstin POV
Bigla siyang nainis sa tinuran nito, anong akala nito sa kaniya tatanga-tanga? Bakit ba kasi nandito to, kabwisit.
Ngumiti siya ng hilaw dito.
"Yes, Mr.Alcantara , may I know what are you doing here in my place?" medyo may diin sa tono ng boses niya habang nagsasalita, tinaasan niya ito bahagya ng kilay para iparating dito na hindi niya gusto ang presensya nito sa bahay niya.
"So, This is the townhouse that Rock purchased for her lover" there is a sarcastic tone in his word.Iniikot nito ang mata sa buong kabahayan.
"Anong sinabi mo?Lover? ulit niya.anong bang gusto nitong sabihin, napagkamalan pa siyang lover ni Rocky, nanggitngit ang loob niya ng magets ang ibig nitong sabihin."Excuse me Mr.Alcantara , nagkamali ho kayo ano ho". First of all, I purchased this house with my own money and Im not Rocky's lover, ngayon kung wala na kayong kailangan ho at kayo naman ay napagbigyan ko na gamitin ang aking rest room , I think its better to leave my place . " galit na galit na siya, sadya pala talagang masama ang ugali ng taong to. Ang galing pang gumawa ng kwento.
"hahaha" tawa nito nang makita ang reaksyon niya , ramdam niyang pulang -pula na siya dahil sa galit.kinuyom niya ang kaniyang mga kamay. "ohh, I like that personality of yours, fearless. " lumapit ito ng bahagya sa kaniya, hinawi ang nakatikwas na buhok sa mukha niya inipit sa kaniyang teynga.sinamaan nya ito ng tingin.
"Well see kung gaano ka talaga katapang, ngayong andito na ako, hindi na uubra sakin yong pagmamarunong mo dito sa kompanya ko"
"Ano bang pinupunto mo Mr.Alcantara?"
"hmm, I just heard that you manipulated Rocks decision.Palaging ikaw ang nasusunod "
"Alam mo Mr.Alcantara, kung pumunta lang kayo dito para sabihan ako ng tamang gawin sa trabaho para sabihin ko sa inyo na wala na ako opisina. May karapatan naman siguro akong tumangging kausapin kayo kapag hindi na oras ng trabaho.Besides, kung ano man ang nakakarating istorya sayo about sa amin ni Rocks, para sabihin ko sayo isa kang uto-uto na para paniwalaan yon at hindi ko obligasyon ang magpaliwanag sayo".
"Well it is , dahil ayokong masaktan ang babaeng mahal na mahal ko, na palagi nyong niloloko ng kakambal ko".
"What?"What are you saying?" mataas na boses niyang tanong sa lalaki , ano bang akala nito sa kaniya nakikipagrelasyon kay Rocky, habang girlfriend ni si Stelle?
"You are Rocks mistress right?" biglang lumipad ang palad niya sa mukha nito dahil hindi na siya nakapagpigil. ano bang pinagsasabi ng damuhog na ito.Pupuntahan lang siya dito para husgahan ang pagkatao niya.
"Wala kang kaparapatan na paratangan na ako na kabit ng kung sinoman, empleyado mo ako Mr.Alcantara , oo, pero hindi mo pwedeng basta basta nalang husgahan ang pagkatao ko ng wala ka namang matibay na basehan." nanggagalaiti niyang sigaw nito, sobrang talim ng tingin niya sa lalaki, pero hindi man lang ito natinag.
"kung wala kanang kailangan , makakaalis kana." garalgal na boses niya.bahagya namang lumambot ang mukha nito nang makitang naiiyak siya, pero hindi parin nawawala dito ang talim ng tingin sa kaniya.
" I will find the truth Kerstin'', palalagpasin ko ang pagsampal mo sa mukha ko ngayon, pero hindi ko maipapangako next time na kaya kong magcontrol". bulong nito sa teynga niya. hindi niya maintindihan kung anong ibig nitong sabihin.Sa kabil ang mataas na emosyon nararamdaman niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng init .May dinukot ito sa bulsa ng kaki pants at nilapag sa lamesa . Nakita niyang Cellphone niya yon.
Hindi siya sumagot, humakbang siya palapit sa pinto at niluwangan ang buka nuon,gusto niyang iparating sa lalaki na ayaw niya na itong makaharap. Tinitigan muna siya nito , saka humakbang palabas.Hindi na niya hinintay na makasakay ito ng sasakyan nito, sinarado na niya ang pinto.
Napasandal siya sa likod niyon , hinimas ang dibdib upang kalmahin ang sarili. Hindi lubos maisip na makaharap niya ang kakambal ng kaibigan ng ganun, at nasampal pa niya.Hindi siya nagsisi sa ginawa niya, lumaki siyang palaban at hindi basta basta nagpapatinang kaninuman,Nahimasmasan siya ng makitang umiilaw ang Cellphone niyang nakalapag sa lamesa, tumawatag si Fiona.Agad naman niya itong sinagot.
"Yes Fiona" bungad niya sa babae.
" Hi RK, oh ayan, naibigay na pala ni boss ang Cellphone mo, sorry nagkaemergency kasi ako kaya nakiusap ako kay Rain na kung pwede na siya nalang ang maghatid niyan diyan sa bahay mo, sabi ko bukas ko na sana iabot sayo kaya lang kanina pa tumatawag ang nanay mo e." ani ni Fiona sa kabilang linya.
"Salamat", saan ko ba ito naiwan sa table mo ba?" tanong niya
"Hindi si Boss ang nakakita niyan, doon yata sa may meeting room sa CEO's office."Eh alam mo ba, ang sexy sexy mo pala doon sa screensaver mo . taray ha. nakatulala si RMA habang nakatitig sa picture mo e." kinikilig na wika ni Fiona sa kabilang linya.
"Bakit naman niya tiningnan?'' wala sa sariling tanong niya, pumasok sa isip niya ang mukha ni Rain kanina.
" eh kasi nga tumatawag yong nanay mo, so nung umilaw ang phone mo doon siguro."
Napatango siya kahit hindi niya siya nakikita ng kausap.
"Okay, sige salamat Fiona", pero paano niya nalaman ang address ko?Parang hindi ko din naman natandaan na nabanggit ko sayo dito , kasi babagong lipat naman ako" nagtataka niyang tanong.
"ay, oo nga no, pero sabi niya kasi madadaanan daw niya ang place mo e, nagmadali narin ako kaya hindi ko na rin naisip tanungin sa kaniya bakit niya alam, hayaan mo at itatanong ko bukas kay boss".
"ah, no no, It's fine, ahm thaks again Fiona, "
" okay friend, pero kamusta naman ang pag- uusap niyo?" I mean yong second encounter nyo" .Dinig niyang may halong panunukso ang boses nito.Ayaw niyang malaman nito ang naging sagutan nila ng amo nito kanina.
" okay naman, inabot lang nya sakin tong cellphone , then umalis din naman agad"
"Ganun lang?''. Hindi mo man lang pinatuloy muna at pinaupo or anything". pangungulit parin nito
" My god Fiona, wala naman akong sasabihin sa kaniya at isa pa , hindi ko siya feel alam mo naman yan.at ramdam ko din naman na ayaw niya rin akong kausap".
"ay teka, bakit parang may nangyare base diyan sa diin ng pagkakabigkas mo, ano yon?huyy magsalita ka nga." umikot mata niya sa kakulitan ng babae, so tama lang ang desisyon niyang huwag nang ipaalam dito ang naging resulta ng paghaharap ulit nila ng amo nito."
"Wala nga, sige na, diba may emergency ka, bakit ang dami mong oras sa pagtatanong".
" hay naku, ito talaga oh, panira moment, nagpaplano pa naman akong gumawa ng R&R love team , tapos ikaw KJ,"
"ehy ehy, enough, ang dami mong sinasabi, sige na at akoy nagugutom na,. See you tomorrow. bye".Hindi na niya hinintay ang sagot ng kausap at pinatay na niya ang tawag,. Napabuntonghininga pagkababa ng telepono.
tumayo siya at nagsandok ng kanin, sunod niyang kinuha ang ininit ng pang ulan na bahagyang nasunog.
Sa kabila nang nangyare kahapon, maaga paring pumasok si Kerstin,saktong ala sais ng umaga nasa opisina na siya. sa sobrang inis niya wala na siyang nagawang report na unang balak ay gagawin niya sa bahay. Hindi naman siya nahirapang tapusin ang report dahil updated at kompleto naman ang data ng sinend at hininge niya sa team kahapon bago magsipag -uwian. Pasalamat narin siya realiable ang planning. Mabilis kumilos kaya halos nasasaid din nila ang pending issues na natatalakay.
In less than an hour natapos na siya sa kaniyang presentation.Napahawak siya sa kaniyang tiyan ng maramdamang pagkulo.
Tumayo siya, inabot ang paper bag na may lamang cup noodles na binili niya kanina sa baba bago pa siya pumasok.
Nagmamadali siya kanina kaya ito nalang ang binili niyang kainin para sa almusal. isang oras din bago siya natapos sa ginagawa niya. pumunta siya sa pantry para kumuha ng mainit na tubig , at para magtimpla narin ng kape. Naghihikab siyang lumabas ng kaniyang opisina, halos wala pang empleyado na nagsipagdatingan, 7:10 palang ng umaga nang sipatin niya ang relo, malamang nasa byahe pa ang mga ito.Agad siyang nagtimpla ng kape habang iniinit sa microwave ang almusal niya.
Dahil siya palang naman ang tao, nagpasya siyang doon na rin kumain para makatipid sa oras, kapag ganung may dala siyang pagkain or baon sa trabaho hindi na rin siya bumaba sa cafeteria.Sa pantry or di kaya sa table niya siya kumakain habang nagtatrabaho. Kasalukuyan niyang hinahango ang cup noodles sa microwave ng maramdaman na parang may nakamasid sa kniya mula sa likuran.Muntik na niyang mabitawan itong ng malingunan niyang si Rain ang tao na nakamasid sa kniya,Bahagyang nanlaki ang kaniyang mata. Sa pagkataranta ay napahawak siya sa mainit na parte ng lagayan ng cup noodles dahilan upang matapon ang sabaw sa kamay niya., dahilan para siyay matauhan.Bahagya niyang hinipan ang daliring napaso, sinipat niya iyon pero hindi naman napaso talaga, namumula lang ng bahagya,.
"Good Morning, Your too early" bati nito sa kaniya, bagamat seryoso ang mukha.
Hindi siya sumagot, pinilit niyang maging normal ang kilos, pumuwesto siya sa lamesa humila ng upuan para magsimulang kumain. Humigop siya ng kape ng magsalita ito ulit, nakatalikod siya dito kaya hindi niya nakikita ang mukha nito.
"Does not a descent food, " he said in a formal tone." I will call the cafeteria to bring normal breakfast for you".
Niyuko niya ang pagkain, at nagsimulang kumain". Narinig niyang malalim na paghinga ng lalaki sa likuran niya.
"your so stubborn, drop that junk food in the trash or I will do it for myself"
"I am fine with this kind of food Mr.Alcantara, sa aming mahihirap normal lang samin ang ganitong pagkain lalo nat nagmamadali kami" sagot niya , ngunit hindi parin siya lumilingon dito.
"Fine, bakit ang aga mong pumasok, gabi kana nakatulog kagabi"
Nangunot noo niya sa sinabi nito, ngunit nagkibit balikat lang siya." Hindi ba dapat mas ikakatuwa mo yon Mr.Alcantara, kami ang nag-aadjust sa oras namin para mas maging productive kami. "
"Yeah, but puyat ka kagabi , galit ka?"
Huh?tatanungin niya ako kung galit ako , kung ano ano ang pinagsasabi niya sakin tapos parang mabait siya ngayon .Ano siya anak ng demonyo kahapon tapos ngayon nasapian ng anghel? Hindi siya sumagot, bahala ka diyan. Aniya sa isip.Nagmadali siyang sumubo , ramdam niyang walang balak umalis ang lalaki sa pantry, kailangan niyang magmadali baka maabutan siya, silang ibang empleyado na nasa pantry pareho. Hindi niya ininda kung mainit pa yong sabaw ng cup noodles basta ang mahalaga matapos siyang kumain para makabalik sa opisina. Nang halos mangalahati niya ang cup, nagpasya siyang tumayo, tinapon ang cup sa basurahan. Halos puno pa ng kape yong mug niya nagpasya siyang sa opisina niya ito ubusin. Habang nag -aantay ng kanilang teir meeting.Akmang lalabas na siyang pantry pero humarang sa pintuan ang lalaki.hindi niya mapigilang umangat ang kilay, tiningnan nya ito ng deretso,
" Padadalhan kita ng pagkain sa table mo" seryoso itong nakatingin sa kaniya.
"No but no thanks Mr.Alcantara, ayokong magkaroon ng utang na loob sa inyo"
"RK"
"Look Mr.Alcantara, pumasok ako ng maaga para madami akong magagawa , wala akong panahon makipag diskusyon sayo ngayon kung ano ang tamang pagkain para sa isang taong hindi nauubusan ng gagawin" Excuse me."
"For what I've said last nigh",Pinutol niya nag sasabihin nito.
"No its fine Mr.Alcantara, naintindihan ko na ang isang kagaya mo ay kayamg husgahan ang sinuman kahit walang basehan, With your power and money ?That would be easy ". If you'll excuse me, babalik na ako sa opisina, baka mamaya pararatangan mo na naman akong hindi ko kinocompinsate ang pasahod na binibigay mo dahil mas inuna ko ang makipag diskusyon sa inyo". Dere-deretso niyang salita, sabay talikod dito, bahagya niya pang nasagi ang kamay nito pagdaan niya.Nangingitngit ang loob na bumalik sa kaniyang silid.
Sa kabila ng sagutan nila ng lalaki hindi siya nagpaapekto, Nang dumating ang planning team lumabas siya para kausapin ang mga ito nagbigay ng highlights para sa revised plan na ginawa niya kanina. Ippresent niya yon mamaya sa kanilang meeting .
Saktong alas Nueve , tumayo para pumunta sa meeting room with operations ang managers. bitbit niya ang laptop .
pagpasok niya ay nandoon na ang ibang ka meeting niya. nagtaka pa siya may tag-isang food paper box ang bawat tapat ng upuan. Nasilip niyang laman, ham, scrumbled egg, tocino and bacon ang laman niyon at tig isang cup ng fried rice.
nang umupo siya nag-angat ng tingin sa kaniya si Rick. katapat niya iyo.
"Good Morning RK, "
"yes good morning. anong meron bat may food, magtatagal ba ang meeting?"tanong niya dito.
"hindi naman ,pinadala yan ni RMA, "sagot nito .lumingon sa bandang unahan ng meeting room. Nasundan naman niya ito ng tingin.Nandon si Rain at seryoso kumakain.
hindi siya nahpahalatang nagulat ng makita andon ang lalaki. bahagyang nanlamig ang kaniyang kamay pero agad niyang kinalma ang sarili.bumaling siya pabalik kay Rick.
"kumain kana,. hindi daw magsisimula ang meeting hanggat hindi lahat nakakain according to RMA." Bahagyang umangat ang kilay niya sa sinabi nito.dahan dahan niyang binuksan ang paperbox , natakam siya sa amoy niyon.nang sulyapan niya si Rain ay nahuli niyang seryoso itong nakatingin sa kaniya.Kumibot kibot ang labi nito habang nakkatitig sa kaniya. agad siyang nagbawi nang tingin at binalingan ang pagkain.
ano bang drama meron sa taong to, kahit may idea siya kung bakit nagpadala ito ng pagkain sa meeting room hindi niya parin sinasang ayunan ang sariling naisip.
Ilang sandali naubos niya ang pagkain na nasa harapan niya. nang abutin niya ang isang bottle water hindi niya maiwasang sulyapan ulit ang lalaki. Bahagya itong nakangiti , no ang mga mata nito ang nakangiti habang nakatitig sa kaniya. naguguluhan siya sa inaasta nito. Kinuha ng house keeper ang mga paper box na naroon ng matapos silang kumain lahat.
Nagbigay naman ng hudyat si Rain para simulan ang meeting. isa -isang nag present ang mga managers at nagbigay ng kanilang update.
unang nagpresent ang HR, followed by accounting. Production na ang nagrereport mataman siyang nakikinig dahil ito ang kanilang internal customer.
"Z3 is currently line down as of this morning kasi yong buong on hand stocks naten ng screw is nakahold due to rust issue"
"How many quantity we are talking about?"and what is the impact in our revenue? " biglang tanong ni Rain.
"RMA ang nakahold sa QA is around 600k of pcs of screw. we open each boxes for our sampling inspection and lahat nga sila ay may rust" sagot ng QA manager.
" Shipment for the next 2 weeks ang affected sir ,sa ngayon makakapagship naman tayo kasi may WIP " Mam RK kelan ang schedule next delivery."? baling naman sa kaniya.
"the 600k pcs is equivalent to our 4 months consumption, so dapat November pa ang shortage niyan , based on our delivery plan ang alis palang is mid in September via air shipment,ongoing coordination with vendor to pull in as early as this week".
"Why do we have a lot of inventory here? tanong ni Rain sa kaniya.matiim itong nakatingin sa mukha niya
"The stocks that we had here with rust issue is part of the inventory transfer from our site last year for Z3 , thats about 2 Million pcs. " This is the open contract that we might get as part of the transfer project here in the Philippines from our site in Germany Mr. Alcantara."sagot niya sa lalaki ng hindi kumukurap."we will keep posted the team for the progress and update regarding this material" dagdag niya . Hindi sumagot ang lalaki, matiim lang siya nitong tinitigan na nanunuot sa kaniyang balat. Nanayo ang kanyang balahibo sa uri ng tingin nito.
"This kind of issue has not been raise from the moment that the material arrives at plant?" tanong nito .
" According to the inspection report it has been one hundred percent good and passed in the incoming inspection Mr. Alcantara. And we already consume half of the quantity received ,by this sense if your asking me this will happend inside our storage area,i dont want to point out someone or any of the group has lapses during storing process." deretso niyang sagot. Hindi naman nakaimik sa kaniya ang warehouse manager na kasama nila sa meeting. kilala siya ng mga ito.
" I think you have to check and provide counter measures on the concerns being raised in this meeting by Miss Alvarez Mr. Jacinto. "Baling ni Rain sa warehouse manager ."Wasting single cents of my company's money is not being tolerated during my tenure as CEO. kung nagawa nyong mag-aksaya nung si Rock pa ang andito ,well hindi ko na yan pagbibigyan ngayon." I need some supporting data regarding this ."
"noted Mr. Alcantara" . Magsasalita pa sana si James pero agad itong pinatigil ni Rain at sumenyas na paupuin na ito. Pagkatapos ay bumaling ang tingin nito sa kaniya.
"I want to hear Miss Alvarez update regarding those incoming projects, I just heard that your team is not confident enough to start the ramp?" She feel a sarcatic in his voice. hindi niya maintidihan kung galit ba ang lalaki or nanunuya.
" Mr. Alcantara, your pulling the schedule without checking first material preparedness,from eight to three months?how could it be possible to start production yong ibang materials wala pang tool.Most of parts are unique. you decide your own without checking from planning."
"Are you questioning my way of decision making Miss Alvarez"medyo malakas nitong boses. Lahat ng tao sa loob ng meeting room halos manlaki ang mata sa kaniya, pinapatigil siya ng mga ito na sumagot sa bagong CEO, Pero ni isa sa mga ito wala siyang tiningnan. Seryoso siyang bumaling ng tingin kay Rain na nakaangat ang isang kilay.
" Yes, para sabihin ko sayo Rain Yes. Anong klaseng descision making ang gusto mong mangyare?anong tingin mo sa mga taga planning nagpaplano ng materials na bibilhin lang sa 7-eleven?after placing the Purchase Order this morning its ready to deliver in the afternoon? walang ganun. ?"
your accepting now that changes in your team wouldn't be possible?where is your flexibility now, for sure nung ininterview ka tinanong yan sayo" nakatawang balik sa kaniya ng lalaki. Ramdam niyang sinubukan lang siya nito or sadyang masama lang talaga ang budhi nito.
"Mr.Alcantara, kung gusto mo na masunod ang gusto mo sa kompanya mo at mukhang hindi mo tinatanggap ang opinion ng empleyado mo ,ikaw nalang magplano. I"ve been working this company for about 8 years without ruining my reputation to my co-employess as well as to outside organization. wala akong balak na sirain ang pangalan ko para lang sundin ka. kung duda ka sa ginagawa ng team ko malaya kang magtayo ng sarili mong planning.
your company your rules,please expect my resignation tomorrow . " Aniya, padabog siyang tumayo sabay bitbit sa laptop niya.Rinig niya anc malakas na singhap ng mga tao sa loob ng silid. Pero wala siyang pakialam. Dere-deretso siyang lumabas ,hindi niya rin niya inintindi na napalakas ang bagsak ng pinto ng meeting room nang hilain niya. bahagya pang nagulat ang receptionist sa lobby sa lakas ng bagsak ng pinto dahil ang meeting room ay malapit lang sa lobby. Akma siyang babatiin ng receptionist pero agad nanumurong ang dila ng mapansin na beast mode siya. sa halip na umakyat sa opisina ay lumabas siya ng lobby. Hindi niya alintana ang sikat ng araw,naglakad siya hanggang paradahan ng jeep. sumakay siya doon , nakayuko siya at malalim ang iniisip. walang particular subject ang iniisip basta ang naintindihan niya lang ay sumabog siya kanina. nang umandar ang jeep ay bahagya siyang nahimasmasan nang maramdaman ang hangin na tumama sa kaniya pisnge.
Makailang minuto ang lumipas ay pumara siya ,nag abot siya ng ilang barya at binigay sa driver. buti nalang palagi niyang nilalagay sa bulsa ang kaniyang coin purse. ewan niya pero nakagawian na niya yon kahit nuon pang bata pa siya.
Tumigil ang jeep sa parke ilang metro ang layo sa town house niya. mas pinili niyang doon bumaba kasi gusto niyang maglakad lakad. At isa sa nakakarelax sa kaniya kapag pumupunta siya doon dahil maraming tanim na halaman na namumulaklak sa pasyalan. naupo siya sa bench na nasa ilalim ng punong mangga. Nakailang buntong hininga siya habang nakapikit. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. siguro mamaya pagdating sa bahay maghahanap na siya ng malilipatan na trabaho, or di kaya tawagan niya ang kaniyang pinsang si Girly kung open paba ang inaalok nitong trabaho sa Canada. May palagay siyang hindi talaga sila magkakasundo ng kapatid ni Rocky. ibang-iba ang pagkatao nito sa kaibigan. tama nga sila, kung anong ikinabait ng dating CEO siya namang ikinasama ng ugali ng kapatid nito. wala sa sariling napabuntong hininga siya ulit ng may magsalita sa tabi niya. namataan niya ang isang matangkad na lalaki na sa wari anim na pulgada. Medyo may kaputian ang balat nito at makinis. nakatayo ito sa gilid ng bench na kinaupuan niya. Bahagyang nakangiti ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
"Ang lalim ng hugot na yon ah, May problema ba?" tanong nito.Hindi siya umimik. binawi niya ang tingin at pinirme sa unahan, sa mga bulaklak.
"Hindi ako masamang tao. namataan kita kanina na halos nagkandarapa sa pagbaba ng sinasakyan mong jeep. kaya lang mukhang wala ka sa sarili mo kanina"
binalik niya ang tingin dito.
"diyan ako nakapark, turo nito sa tapat ng parke. galing kasi ako diyan sa church sa tapat binisita ko ang kapatid kong priest"
hindi parin siya sumagot, yumuko siya at napako ang tingin sa mga paa nito. Hindi ito nakasapatos ,nakasuot lang ito ng slides na may tatak na mamahaling brand.nakikita niya ang kabuuan ng paa nito, napakalinis at walang ni isang kalyo kahit sa mga gilid ng kuko. halatang-halatang mayaman ang lalaki.
"Kamusta ang relationship sa pamilya nyo kung ikaw ay merong kapatid na pari" inosenteng niyang tanong. bahagyang nagulat ang lalaki ngunit agad din namang napangiti.
"yong sagot mo malayo sa tinanong ko sayo." Amuse nitong sabi.
" hindi yon sagot, tanong yon, tinatanong kita."
"oh well, ayos naman. pero maayos ang relasyon na meron kami sa bawat myembro ng pamilya. most especially nung pumasok sa seminaryo yong bunso namin 5 years ago walang nabago pero sa halip ay mas tumibay pa ang respeto at pagmamahal namin sa bawat isa. why?"
"nabanggit ba sayo ng kapatid monga pari na lahat ng kasalanan ng tao sa lupa ay kayang patawarin ng panginoon?"
Hindi napigilan ng lalaking mapatawa sa tanong niya.mataman siya nitong tinitigan.
"Hindi ako ang pari at hindi ako expert pero dahil narin sa pangaral ng kapatid , naniniwala akong kayang magpatawad ng panginoon kahit gaano man kalaki ang kasalanan ng isang tao sa kaniya. Hihingi ka lang ng tawad ,at kailangan bawat isa saten ay marunong huminge ng kapatawaran sa mga pagkakamali nagawa naten ,sa kapwa, sa isip at sa gawa. nasa pangaral niya yan diba?" mahaba nitong pahayag. hindi siya sumagot nagsalita ulet ang lalaki.
"Bakit may kasalanan kabang kailangan mong ihinge ng kpatawaran?" sa halip ay tanong nito sa kaniya.
"Madami, at palagi kong hinihingan ng kapatawaran ang bawat pagkakamali ko. "
"So then, what makes you bothered?"
"Bakit ba kasi may mga tao na kahit hindi pa nila lubos na kilala yong kapwa nila kung makapanghusga ay inam.Alam mo yon?Porke mapepera sila, mas nakakaangat sila sa iba. kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay sa mundo, ang taas taas na agad ng tingin nila sa sarili. Alam mo yon?yong akala nila pag-aari nila yong buhay ng tao dahil sila ang nagbigay ng hanapbuhay alam mo yon?" Gigil niyang kwento sa lalaki, without realizing na napahaba na ang kaniyang sinasabi kahit hindi naman niya ito kakilala at ngayon lang sila nagtagpo.
"Alam mo, hindi mo dapat ikagalit yon. baka kasi yong taong yong tinutukoy mo may matinding pinagdaanan din.Kaya nailalabas niya sa ibang tao ang frustration at dissapointment niya sa buhay".
"ay naku, mukhang hindi naman tinatablan ng problema ang hayop na yon no?nasa kaniya na lahat, pera ,power, looks . lahat ng bagay , kaya imposibleng may pinagdaanan yon. masama lang talaga ang ugali niya" gigil niyang sambit.
"Oh akala ko ba galit ka sa mapanghusga, pero isa karin pala. "natatawa nitong sabi.
"Alam mo Miss ......what's your name nga?kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko man lang tinatanong kung ano ang pangalan mo. Im sorry for that. ".
" Im Reighn, " pakilala niya sa sarili.
"Hello Reighn, Im Jacob."Pakilala rin sa kaniya.Iniumang nito ang nakabukas na kamay pero tiningnan niya lang ito. Napapailing na binawi ng lalaki ang kamay.Iniwas niya ang mata at pinirmi ang tingin sa harapan.Ramdam niyang hindi naman ito masamang tao pero hindi parin assurance yon para gumaan ang loob niya dito dahil ngayon lang niya nakilala ang lalaki.
"You know what Reighn. wala namang tao pinipili ang Diyos,hindi dahil siya ay mayaman ay exempted na siya sa problema, ,sa pagsubok.Or dahil mahirap lang ang isang tao nasa kaniya na lahat ng dagok sa buhay,hindi ganun yon.pantay pantay tayong lahat sa paningin niya.
"Nagkataon lang na kapag mapera or mayaman mas madali nilang magawan ng paraan yong problema nila nang hindi nalalaman ng iba. or mas karamihan pa nga sa likod ng magagandang pananamit, alahas, or kung anoman pa man baka balde baldeng problema ang dala dala nila." mahabang paliwanag sa kaniya ng lalaki.nakangiti ito sa kaniyang ng mapansing nakatulala siya.
"c'mmon , maybe this just a bad day for you but it doesnt mean that it will ends for everything. sino ba yong tao na yon sobra kang na pissed off ng ganyan?"
" Bagong CEO ng kompanya, ibang -iba ang leadership style niya doon sa pinalitan niya".pahapyaw niyang kwento.Hindi nagbigay ng komento ang katabi niya. kaya naman nilingon nya ito.Nahuli niya itong nakatingin sa kaniya.
"Nagkasagutan kami kanina sa meeting, masyado siyang madaming tanong sa akin na para bang kinu-question na niya yong capability ko. "Patuloy niyang kwento.
"Baka naman kasi over reacting ka lang".Napabaling siya ng tingin dito.
"Ahm, Huwag kang magagalit pero sa corporate world that's normal lalo na kung may switching ng management.Baka sinubukan ka lang nung bagong CEO".
"i dont know, bahala siya" .magpapasa na rin naman ako ng resignation tomorrow.
"That fast??" Dahil lang hindi kayo nagkaintindihan give up mo na lahat ng pinaghirapan mo?"
"Kung magsalita ka parang kilala ko ako ah."biro niya dito.
"Hmm,sabihin nalang naten na magaling akong magbasa ng emotions ng tao. "
nakangiting sagot nito.
"Sige ganito nalang para gumaan ang pakiramdam mo,let's go for coffee?My treat??"Hmm it's like a celebration narin to start our friendahip." alok ni Jacob sa kaniya.Nakangiti ito sa kaniya kaya naman nahawa siya dito napangiti narin.
"Naku pasensya na wala ako sa mood ngayon. saka friendship?we just met a while ago. parang ang pangit tingnan na sumama agad ako sayo no?"
"why not?wala namang masama sa friendship" Pangungulit nito. "Besides it's just a coffee para naman mawala ang badvives ngayong araw diba?
"Sorry, but I want to be with myself alone today."Maybe next time, If may pagkakataon. I have to go" . paalam niya sa lalaki. May sinasabi pa ito pero agad siyang tumayo para umalis. Malapit lang ang townhouse unit niya sa park kaya naman ay naglakad nalang siya ,kahit sobrang init ng sikat ng araw hindi niya ininda. Dahil narin siguro hindi parin gasinong humupa ang emosyon niya. tanging laptop at coinpurse na nasa bulsa ng pants niya ang kaniyang bitbit nang umalis sa opisina. Medyo nahihilo siya ramdam niyang masakit ang kaniyang ulo. May ilang minuto siyang naglalakad at narating niya ang kaniyang bahay. Pagkapasok ay agad siyang sumalampak sa sofa ,nilapag niya ang laptop at pagkatapos ay sinandal niya ang likod. Ngayon siya nakaramdam ng panghihina.Pumikit siya . Ramdam niyang may pumipintig sa ulo niya. hindi naman siya natakot na baka mataas ang BP niya dahil wala naman silang history ng highblood.This is just part of her monthly hormones changes specially kung sobrang stress at pagod ang nararamdaman niya sa katawan.Nang kumalma ay tumayo siya pumunta sa kaniyang maliit na kusina.Binuksan niya ang kaniyang ref kumuha ng malamig na tubig.Nagsalin siya sa baso at dahan dahang uminom. Napapadiin ang pikit nang mga mata niya tuwing mararamdaman ang kirot ng kaniyang ulo. Nang-maubos ang laman ng baso ay umakyat siya sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Kapag ganitong masama ang kaniyang pakiramdam ay mas gusto niyang magpahinga at matulog kesa kumain.Nang makapagbihis ng maluwag na damit ay hindi na siya nag abalang magsuot ng bra. tinanggal niya rin yon. Hindi na siya nag-abalang magbukas ng bintana dahil kapag ganitong masakit ang kaniyang ulo ayaw niya ng maliwanag ang paligid. Mas komportable siya kapag medyo madilim ang ambiance ng kwarto. kaya naman naka block curtain siya. Binuhay niya ang aircon at nahiga sa kama. Kinuha niya ang kaniyang mahabang unan at niyakap iyon. Makailang saglit ay nakaramdam siya bahagyang ginhawa. Sa tanang buhay niya ngayon lang nawalan siya ng kompyansa sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Siguro dahil sa loob ng pitong taon pagtatrabaho sa Lion ay naging maayos ang samahan nila ng mga kasama at ibang empleyado. Ngayon niya lang hindi na kayang kontrolin ang sarili. Galit na galit siya kanina ,hindi niya maintindihan kung bakit. Dahil ba bago sila magmeeting ay bait baitan si RMA sa kaniya. Umasa siya dahil sa kanina tagpo sa pantry ay maging maayos na ang trato nito sa kaniya. Pero nagkakamali siya.
Nakapagbitaw na siya ng salita dito na aasahan na nito ang kaniyang resignation letter bukas.Lalong sumakit ang kaniyang ulo nang maalala ang sinabi niya kanina sa meeting sa bagong CEO. Hindi na niya nakita ang reaksyon nito pagkatapos niyang sabihin yon dahil agad siyang tumalikod at walang lingong likod na lumabas ng meeting room. Humigpit ang yakap niya sa kaniyang unan nang maramdaman na kumirot ulit ang kaniyang ulo. Kaya naman pinilit niyang kalmahin ang sarili. Kailangan niyang magpahinga upang makapag-isip ng maayos para sa susunod niyang hakbang. Totohanin niya ang salita kanina, kaya kinakailangan na niyang magsimula maghanap-hanap ng bagong mapapasukan.Tumagilid siya , at pumikit.