Chapter 4

5000 Words
Reighn Kerstin POV Naalimpungatan si Reighn dahil sa naririnig niyang kaluskos sa labas ng kwarto. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon.Hindi niya magawang bumangon agad dahil talagang kumikirot ang kaniyang ulo.Pakiramdam din niya siya ay nalulula. Umaatake na naman ang kaniyan migraine.Sapo niya ang ulo at bahagyang iniangat ang katawan sa pagkakahiga. Sumandal siya sa head board ng kaniyang kama pumikit. Hindi niya alam kung nakatulog ba siya ulet pero agad din siyang magmulat ng mata nang may marinig na boses sa labas ng kaniyang kwarto. Napasukan ba siya ng magnanakaw?Imposible naman kasi siniguro naman niyang nakalock ang pinto niya nang pumasok siya kanina. Kahit masama ang pakiramdam ay bumangon siya para lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pintuan ay lalo siyang nahilo nang mabungaran ang mukha ni Rain sa tapat ng kaniyang pintuan.Hinihimas niya ang batok at tiningnan ito. "What are you doing in my place again Mr. Alcantara?"Tanong niya sa namamaos na boses.Naririnig niya ang sariling boses na nanghihina.sinalubong nang nanghihina niyang mga mata ang tingin nito. Masuyo itong nakatingin sa mukha niya, masuyong-masuyo. "You're not feeling well? Hmm?".Malambing nitong tanong sa kaniya. Kahit sobrang sama nang nararamdaman hindi nakaligtas sa pandinig niya kung gaano kalambing boses nito.Bahagya siyang tumango at humakbang palabas ng kwarto niya. Muntik na siyang mabuwal dahil sa biglang pagkilos niya. "Oh,please be careful, Ano bang nararamdaman mo?" "Migraine Attack" mahina at tipid niyang sagot.Naglakad siya papuntang salas niya at humiga doon sa sofa.Napansin niyang nakabukas na din ang aircon niya sa sala ,ang lalaki siguro ang nagbukas niyon. Gustuhin man niyang mag-usisa pero wala talaga siyang lakas.Naramdaman niya ang pag-upo ni Rain sa tapat ng sofa hinihigaan niya. "Kung hindi mo kaya, I will take you to the hospital,have you feel this more often?I mean did you had your check up already?Malambing na tanong ulit nito, Nagmulat naman siya ng mata at tiningnan ito. "Im fine, Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito sa bahay ko?at paano kang nakapasok ?sure akong nakalock ang pinto ko bago ako pumasok sa kwarto para matulog."Napahawak siya sa ulo ng kumirot ito. " "Dinala ko ang cellphone mo dito. Tumatawag parin mother mo ,hindi mo parin daw siya tinatawagan since yesterday". "How did you know?" "I answered the call, because I thought that's an emergency. " Im sorry." "What did you say to my mother?" "Nothing, sabi ko your sleeping .kaya hindi ka sumasagot". "What?sinabi mo sa mama ko na andito ka sa bahay ko?" "Heyy, dont move. lalong sasakit yang ulo mo.Magpahinga ka muna. dont talk too much babalik ang tension sa mga nerves mo. matagal bago magwala ang sakit ng ulo at hilo mo. "Will talk when you feel better okay?" tumango siya dito at muling pumikit. Nakaramdam siya ng lamig dahil sa nakabukas na aircon. Kaya naman lalo niyang binaluktot ang tuhod sa tapat ng kaniyang dibdib. Nakaharap siya kay Rain at sa nanghihinang mata ay nakita niya ang paglunok nito. Tumayo ito at pumasok kwarto niya. Suot parin nito ang damit kanina. naghubad lang ng coat na nasulyapan niyang nakapatong sa sandalan ng sofa. Makailang segundo ang lumipas lumabas ang lalaki at may dalang kumot. Lumapit ito sa kaniya at kinumutan siya. Agad naman siyang nakaramdam ng comfort dahil sa ginawa nito. Pumikit ulit siya at hindi niya namalayang nakatulog siya ulet. Siguro ay dahil sa nararamdamang hilo Hindi mapigilan ni Reighn ang mapaungol ng bahagya dahil sa sarap na nararamdaman sa mga daliring nagmamasahe sa kaniyang ulo. Paulit-ulit itong ginagawa at nakaramdam siya ng ginhawa. "Yeah, I think medyo maayos na ang pakiramdam niya. Mahaba-haba narin naman ang kaniyang naitulog." "Yes, dont worry too much , akong bahala" umalis kasi siya ng office around 11 in the morning kanina. Hindi ko alam kung kumain naba to. But I ordered food already incase magising . Iinitin ko nalang yong sabaw. " Nangunot ang kaniyang ulo nang malinaw na naririnig ang salita sa kaniyang tabi. Akala niya siya ay nanaginip totoo pala. Marahan na hinahaplos ng daliri ni Rain ang ulo niya. Yon siguro yong naramdaman na ginhawa kanina kaya ang sarap ng kaniyang tulog. Nasa ulunan niya ang lalaki, at nakapatong ang kaniyang ulo ng bahagya sa hita nito. Though kahit may unan pero ramdam parin niya ang tigas ng muscle nito sa hita. Bigla siyang napabangon ng mapagtanto kung ano ang position nila ng lalaki.Nagulat naman ito sa bigla niyang pagkilos. "Bakit andito ka parin?"Mangha niyang tanong. "Binantayan kita"Are you feel better now?"Mahina nitong tanong. Hindi inaalis ang tingin sa kaniya. She felt uncomfortable by his stare. "Yeah, Im fine now compare kanina. Magaan na pakiramdam ko. You can leave now ,thank you".Mataman siya nitong tiningnan. "What"?I said Im okay, I can handle myself now. Salamat". "Youre not eating yet, kumain kaba kanina tanghalian?"Sa halip ay tanong nito. Umiling siya. " No, magluluto ako maya maya para makakain pagka-alis mo."Aniya nang hindi tumitingin dito. "The food is ready,let's eat. " Iinitin ko lang ang sabaw". "Anong food, anong iinitin ang sabaw?" "Kaye " Past 8 in the evening already, Im starve kakaantay magising ka.Ive been here since 2 in the afternoon". "What??Napalingon siya sa orasan, oo nga, alas otso y media na ng gabi. Napasilip siya sa bintana bahagyang nakabukas, mga ilaw ng poste sa labas ang sumalubong sa kaniya. Lumapit siya sa bintana at tanaw niya ang saksakyan na nakapark sa tapat ng bahay niya. "Yong kanina nabuksan kita ng pintuan anong oras yon?" "4 in the afternon" " Bakit hindi mo sinabi sakin?" "Masama pakiramdam mo" "Kahit na, sinabi mo dapat para napaalis na kita agad, ang tagal mo nang nandito sa bahay ko". "Kaye, hindi ko intention na magtagal dito, kung hindi ko lang nakita ang itsura mo kanina" iiling -iling nitong sabi.Tumayo ito at naglakad sa kusina.May dinampot itong supot na sa hula niya ito yong pagkain na sinasabi nito. Sinundan niya ito habang pinagmamasdan mula sa likuran. at home na at home ito sa bahay niya. "At home na at home ka sa bahay ko ah, nangingialam ka ng mga gamit ko?" "Kaye, alangan namang umuwi pa ako sa bahay ko para doon initin itong pagkain".Sagot nito nang hindi siya nililingon. Patuloy parin sa ginagawa, binuksan nito ang kaniyang microwave at sinaksak. Pinasok nito sa loob ang pagkain na nasa food keeper.Pinaandar pagkatapos. Abat, namimilosopo pa, siya nga tong pakialam.aniya sa sa isip. " Mr.Alcantara, who will give you the permission na maging komportable kumilos dito sa bahay ko,?" "My self". Nilingon siya nito at sumeryoso. "Maupo kana sa dining,dadalhin ko na tong pagkain". utos nito sa kaniya. "Ano?Inuutusan mo ba ako?" "Kaye, please nagugutom na ako at gusto ko nang kumain ,tahimik ka muna at maupo kana doon sa table. Isusunod ko na ang pagkain doon".Hindi siya makapalag nang hinarap siya nito. Hindi naman ito galit, pero hindi rin tumatawa. Nakonsensya siya ng kaunti dahil sa ito ay nagugutom narin. Ang tagal nitong nag-antay para magising siya. Walang emosyong sumunod siya dito at umupo sa dining niyang maliit lang. Wala parin naman siyang lakas para makipagtalo. Agad namang nakasunod si Rain na bitbit ang mga food keeper na may lamang pagkain.Unang dinala ni Rain sa mesa ang bulalo na bagong init. umuusok-usok pa ito mula sa lagayan. Agad siyang nakaramdam ng kalam ng sikmura nang maamoy ang masarap na aroma ng sabaw ng bulalo. Paborito pa niya ito. "Oh,wow that's my comfort food,kapag ganitong masama pakiramdam ko" Komento niya. at Nakangiti kay Rain. "Yes. I Know , lumiwanag awra mo eh". "Paano mo nalaman?" "Stelle told me" "Si Stelle?Nakausap mo??"tumango-tango ang lalaki. "Siya ba ang kausap mo kanina sa telepono?" "Bakit hindi mo ako pinakiusap?Nandito naba sila sa syudad?" "Yes, kanina. dumaan din sa office. pero umalis din agad papuntang US para sa operasyon ng mama niya. "Kasama niya si Rocky?" "Ofcourse, Rocky is her fiance natural lang na samahan niya si Stelle sa US". "Pero sino ang namamahala sa Davao site kung nasa US din si Rocky?" "Ako" "Ikaw ulit??"Nakangiwi niyang tanong?"Umupo ito sa tapat niya . Nagsandok ito nang sabaw sa mangkok at binigay sa kaniya. Walang atubiling tinanggap niya ito. Agad niya itong nilantakan. Nagsandok siya ng kanin sa plato niya. "Dahan dahan sa rice, walang laman ang tiyan mo kundi yong matinong almusal kanina sa meeting. baka mabigla ang tiyan mo ,gabi ngayon"Awat nito sa kaniya. "Sanay akong nalilipasan ng gutom" Casual niyang sagot. "Maybe one of the reason that been triggered your migraine,you should have to avoid salty food and take more vegetable at fruits in you daily meals". "Kumakain ako ng gulay at prutas tingin mo naman sakin" Pagtataray niya. Hindi umimik ang kaharap at seryosong kumakain. Napahiya naman siya. "Paano ka nakapasok dito sa bahay ko?" "Stelle give me her spare key, para daw macheck kita lalo sa gabi." "Why would she say that?" "Why not?Your a woman, sexy and seductive , baka mamaya narape kana dito sa loob ng pamamahay mo". "Im fine here,2 years na akong nakatira dito ,wala namang nangyare sakin". Hindi siya makapagbigay ng komento sa mga salitang binitawan nito. Ano bang meron sa lalaking to. Kapag nasa opisina parang demonyito, kapag andito sa bahay maamo at mahinahon magsalita. "May dual personality kaba?"Hindi niya napigilan tanong.Habang ngumunguya. " Or ibang ispiritu na naman ang sumapi sayo ngayon. "What do you mean?" "Kanina,kulang nalang ilubog mo ako sa sahig sa mga tanong at tono ng boses mo. Ngayon masyado kang kalmado"Bakit dahil nandito ka sa bahay ko??" "Magaling kana nga, mukhang ready kana ulit makipag diskusyon sa akin". "Thats the last thing I could do ,kanina sa meeting".Magreresign na ako." "Sino may sabi?" Ako? "Tssk. Call your mother first , saka mo ipasa sakin ang resignation mo. "Kapag 100 percent sure ka saka ko pipirmahan ang resignation mo." "Ano naman kinalaman ng Mama ko sa desisyon ko magresign". "Kaye, Please give justice to the food, paano tayo magkakaron ng appetite?. Stop fighting, respect the food.please.". Madiin at seryosong saway nito sa kaniya.Umangat ang labi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Sabagay.,bahagya paring masakit ulo niya para sumabak sa panibagong bangayan. pinili niyang manahimik at tinapos ang pagkain.Nauna siya dito, tumayo siya pumasok sa banyo para magsipilyo. Gusto niya ang ulam ay baka pero ayaw naman niyang nagtatagal ang amoy nito sa bibig niya. Kaya kapag ganito kinakain niya agad siyang nagsisiplyo or di kaya kapag nasa labas ay nagkekendi siya after kumain. Naghilamos na di. siya at naglagay ng pulbo sa mukha at leeg. Pagbalik niya sa kusina para sana magligpit ng pinagkainan ay hindi natuloy dahil nakita na niya si Rain na nasa harap ng lababo niya ,nagsimulang maghugas ng pinagkainan nila. "Rain, ako na diyan. masyado nang gabi"Makakaalis kana". "Konti nalang to, matatapos na. pumasok kana sa kwarto mo magpahinga ulit . Aalis narin ako pagkatapos ko dito."pagtataboy nito. "Rain. ako na diyan. Ang tagal mo na dito".Inagaw niya ang plato dito dahilan para mahawakan nito ang kamay niya. Natigilan siya at umangat ang tingin dito "Ano ba?bakit ba ang arte mo ayaw mong paawat.?"Galit na siya.Nang makita ng lalaking determinado siya ay binitawan nito ang kamay at ang pinggan. Nagbanlaw ito ng kamay at tumalikod. Sinundan niya ito ng tingin. Naglakad ito sa may pinto at lumabas. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang wala na ito. Napabuntong hininga siyang pinagpatuloy ang ginawa nito. may ilang minuto din lumipas nang siya ay matapos. pinatay niya ang ilaw sa kusina at naglakad patungo salas. magaan na ang kaniyang pakiramdam. Muntik na siyang mapasigaw nang makita si Rain na nakahiga sa sofa na hinigaan niya kanina. nakapikit ang mukha nito. Nakashort nalang ito at tshirt . Nagpalit narin ito ng sapin sa paa. naka tsinelas na ito ngayon. so ibig sabihin nung lumabas ito para pumunta sa sasakyan para magpalit ng damit. Pinagmasdan niya ito. Napakatangos ng ilong ito ang kinis ng balat, mamula mula ang mga labi na parang galing sa halikan kaya parang palaging moist.Nagmukhang maliit ang sofa niya dahil sa laki ng katawan nito. "Excuse me Mr.Alcantara, may I know what are you still doing here in my house. okay na ako, sabi ko kanina pa pwede kanang umalis" . nakatayo siya paharap dito habang kinakausap ito. pero hindi man lang ito sumagot or kumibo. Nanatili lang itong nakapikit. Hindi niya mawari kung ito ba talaga ay tulog na or inaasar na naman siya. Nakaramdam siya ng inis . Kinuha niya ang isang thow pillow na nakalagay sa single sofa sa tapat nito. Ginamit niya itong upang gisingin ang lalaki. "Mr.Alcantara ,pwede ba kung nang-aasar lang kayo, hindi na nakakatuwa. Youre staying here for long hours ,ano nalang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nilang nandito kayo?" "I dont care about peoples opinion", biglang salita nito. Kaya naman napabaling ang tingin nya dito.Huling-huli niya na nakatingin ito sa legs niya. Ngayon niya lang napagtanto that she is only wearing oversized shirt above the knee with panty as her underwear.Wala nga pala siyang suot na bra.Her legs was exposed infront of his eyes. Pinamulahan siya nang mapansing nagtagal ang tingin sa kaniyang hita. "oh my gosh" ang tanga tanga ko." .tinampal niya ang nuo nang marealized na ganito na pala ang itsura niya kanina pa mula paglabas niya ng kaniyang kwarto. Bakit ba kasi hindi niya maalalang sipatin ang sarili. shit.. mura niya sa isip. Walang salitang tumakbo sa loob ng kaniyang silid ,Pahiyang-pahiya siya. Hinihingal siya at nanghihina nang tuluyang maisara ang pintuan ng kwarto. Baka isipin nung lalaking yon inaakit ko siya. s**t. s**t. s**t. Kanina ay guminhawa na ang kaniyang pakiramdam, ngayon naman ay parang sumasakit ulit ang kaniyang ulo. "Ang tanga tanga mo talaga mo talaga Reighn". paulit -ulit niya sa isip. Pinakiramdaman niya ang galaw sa labas ng kwarto, tahimik naman.pinatong niya ang teynga sa likod ng kaniyang pinto. Ilang minutong nasa ganun siyang sitwasyon ngunit wala parin siyang marinig na yapak paalis. Sana naman umalis na siya,. Kahit gustuhin man niyang maligo dahil pinagpapawisan siya hindi niya magawa.Dahil natatakot siya na baka paglabas niya nandon parin sa salas si Rain. Nagpasya nalang siyang magbihis ng maayos ayos na damit.Dinampot niya ang ternong pajama na may manggas. Nang masiguro sa salamin na mukha na naman siyang maayos nagpasya siyang lumabas ulit. Kailangan na niyang pauwiin ang lalaki dahil hindi na siya komportable sa presensya nito. Binuksan niya ang pinto at tuluyang lumabas. Agad niyang hinanap ang bulto nito sa salas. Andon ang lalaki at prenteng nakaupo sa pang isahang sofa. Hawak nito ang cellphone may tinatype doon. Lumingon ito sa gawi niya.At tumayo. "Ahm, Mr. Alcantara this is my final warning, pwede na po kayong umalis, salamat pero okay na ako. " Pinasadahan siya ng tingin, Iniwas niya ang mata dito. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya sa harap ng pintuan ng silid. kung anoman amg gawin nito agad siyang tatakbo ulit pabalik sa loob. "May lalaki bang pumupunta dito sa bahay mo?" Nangunot ang noo niya sa tanong nito.Umiling siya. "As expected. Wala ka namang boyfriend nuon kaya malabo ngang walang bumibisita sayo" bulong nito.Naguluhan siya sa sinabi nito. "Hindi pa ako nagkakaboyfriend,"pagtatama niya sa sinabi niyo. Umangat ang sulok ng labi nito at lumipat ang tingin sa mga mata niya. "Sabi mo nga. "pinasadahan siya ulit nito ng tingin."I have to go , see in the office tomorrow". " yes kasi ipapasa ko din ang resignation ko". "ah no. not that.,kailangan kita don as my planning manager.By the way, prepare the 3 years forecast volume and projected revenue. Hindi naman bukas pero atleast within this week. " sabi nito. at tinalikuran siya.wala naman siyang mahanap na salita sa inasta nito. Ng malapit na ito sa pinto lumingon ito pabalik sa kaniya. "Your phone is there, "turo nito sa stand na nasa tabi ng dingding. " And dont forget to lock all the windows and doors before you sleep. and...... youre mother,was keep on calling. " dugtong nito at tuluyan nang lumabas. Naglakad siya sa pinto at hinintay niyang makaalis ito bago sinara ang pinto. sumenyas pa ito sa kaniya na pumasok na siya sa loob at isarado ang pintuan. Hindi niya maintindihan ang lalaking yon kung bakit umaasta ng ganun.Naguguluhan siya.Sabi nito bago umalis ay kailangan siua nito sa opisina bukas at hiningan pa siya ng report. kaninang umaga para siyang siraulo na nagwalk out dahil hindi niya napigilan ang sariling makipag sagutan dito. Nagmukha siyang immature sa ginawa niya. At buong buhay niya first time na ginawa niya yon.Or dahil first time na rin maka encounter ng personality kagaya ni Rain. Nang maisara ang pinto ay dinampot niya ang cellphone na nasa stand. Bakit ba tuwing naiiwanan niya yon sa opisina ito nalang palagi ang nakakakita,at hinahatid pa sa bahay niya.Hindi niya inaasahan yon dahil ang isang kagaya ni Rain ay busy at isa pa hindi naman sila ganun ka close besides ilang araw palang silang nagkakilala. Binuksan niya ang cellphone at nakita niyang sampung missed calls . tatlo galing sa kaniyang ina. at ang iba ay galing sa team niya, at may isang number na hindi nakasave. May ilang unread messages din siya. Una niyang binuksan ang mensahe galing sa ina. "Anak kamusta ka?tawag ka pag nabasa mo to. hindi ka kasi sumasagot".Nakaramdam siya ng guilt pagkabasa sa mensahe ng ina. Oo.nga pala hindi pa niya ito nababalikan mula pa kahapon. Agad niyang pinindot ang call button para tawagan ang ina. Makalipas ang ilang segundo ay sumagot naman ito agad. "Hello po Ma,"bungad niya. "Hello Anak, kamusta ka?Kahapon pa ako tumatawag sayo pero hindi ka sumasagot, kahit sa text hindi ka sumasagot." Tanong ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Sorry po Mama, sobrang nabusy lang talaga ako. Pagkabalik ko from Singapore sunod -sunod na ang nangyare sa opisina. Madaming ginagawa. "Paliwanag naman niya. "Eh kasi Reighn ano e. ,Mm may sa..sasabihin ako sayo". Medyo alangan na sambit nito. "Ano po yon ma?may problema po ba??" "Anak ,huwag kang magagalit a, eh kasi yong lupa na binili mo.yong hinuhulugan.binabawi na pabalik ni Mr. Andaya."Ano kasi anak, kuwan yong..."Nahihirapang sagot ng kaniyang ina. agad naman siyang nakaramdam ng kaba. "Ma, deretsohin nyo na ho ako. anong nangyare?Ano ho yong tungkol sa lupa na hinuhulugan ko?" "Eh kasi Reighn binabawi na pabalik ni Mr. Andaya. kasi ibebenta niya na sa iba" "ha??Wait ho.. Teka ho ,teka .anong ibebenta sa iba e malaki-laki na rin ang naibayad ko sa kaniya. Malinaw naman ang nasa terms and condition namin a. 5 years akong maghuhulog. Saka malaki laki din naman ang downpayment ko bakit niya bebenta?" "Eh kasi anak, isang taon na tayong hindi nakakabayad."Bigla siyang napaupo sa sinabi ng ina.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "Ano po ma??paanong isang taon hindi nakakabayad buwan - buwan naman ako nagpapadala ng pang-hulog a.Ibig nyo pong sabihin hindi nyo binibigay kay Mr.Andaya ang pinapadala ko?"Medyo mataas na boses niyang tanong sa kaniyang ina. Hindi maari. Ang tagal niyang pangarap ang lupa na yon. ,Naibenta yon ng kaniyang lolo at lola dahil nung bata siya ay palagi siyang nagkakasakit. pinangako niya sa sarili na bawiin niya ang lupa na yon ng kaaniyang lolo at lola kapag siya ay magkatrabaho. Hindi ganun kalaki ang lupa pero mahalaga sa kaniya yon. ala-ala niya yon sa pumanaw niyang grand parents. "Kuwan kasi anak, nagamit ko kasi yong pera na napapadala mo.Hindi kasi maayos ang kita ni tiyo mo sa palaisdaan. Kaya yong pinapadala mo na pera nagagamit ko para sa pangangailangan ng tatlo mong kapatid. "Halos isang taon nang hindi ko nahuhulugan ang lupa galing sa padala mo." "Mama naman, 2 years nalang po ang bubunuin ko para matapos yon, saka bakit ho ngayon nyo lang sinabi?Kung kailan malaki na yong balanse. Magagalit talaga si Mr. Andaya saten niyan". Ayaw man niyang umiyak, pero hindi niya mapigilan ang sarili. pilit niyang tinatago sa ina ang boses niya,pero alam niyang naririnig nito ang malalim niyang paghinga. "Im sorry Anak, pero kasi nagigipitan lang ako. Pero sana nga nagsabi agad ako sayo, kaya lang nauunahan ako ng hiya at takot naka magalit ka". "Pero sana ho Ma, sinabi nyo sakin, kung budget nyo ang kulang sana nagsabi man lang ho kayo. Magagawan ko ho yon ng paraan. Alam nyo naman kung gaano kahalaga sakin ang lupa na yon nila Tatay. kaya nga nagsumikap akong mapapunta ulit yon saten e. Dahil sa ginawa nyo mawawala na naman saten". "Pasensya kana anak, alam ko naman yon sige, gagawa nalang ako ng paraan at...." "Ano ho ba ang gustong mangyare ni Mr.Andaya?" "May paggagamitan daw kasi siya ng pera, ang sabi niya ibebenta niya sa iba ang lupa kung hindi ka makapagbayad ng balanse sa loob ng tatlong buwan. ". "Paano ho nangyare iyon eh may agreement naman diba?pinakita nyo pa nga sa akin yon".?Hindi niya pwedeng gawin yon. aapila ako." "kasi Anak. yong kontrata hindi naman yon na tatakan sa abogado, kaya hindi rin ganun katibay. " "Ha???Diosko naman ma, bakit ngayon nyo lang sinasabi yan?nagtiwala ako sa inyo, sabi nyo kayo na ang bahala. kaya hindi ko masyadong inalam yong detalye niyan nuon."kahit masama ang loob sa ginawa ng ina. hindi niya parin magawang magalit dito. Nagkamali rin naman siya kasi hindi niya inalam ang detalye ng kontrata.At kahit kopya ay hindi siya huminge dahil pinaubaya na niya sa ina ang pag-aayos nuon.Tumulo ang kaniyang luho sa tindi mg emosyon. Bakit naman sunod,sunod ang bigat sa dibdib na ngayong nagdaang araw. Ito ba ang kapalit ng dalawang linggong pahinga na hininge niya para sa sarili sa loob ng 8 years. "Anak".. Pukaw nang ina sa kaniya sa kabilang linya."patawarin mo ako anak. : "Sana sinabi nyo ho agad, di sanay hindi ko na tinuloy ang bakasyon ko sa Singapore. Pinanghulog ko nalang ho sana yong pera ginastos ko papunta doon". "para sayo yon ,pinaghirapan mo yon pagpunta don. at deserve mo naman ang bakasyon na yon,kaya hindi muna ako nagsalita". "Yang hong lupa ma, pinaghirapan ko rin ho yan".Dugo at pawis, hirap, gutom, sakit ng katawan. ang dinanas ko makuha ko lang ulit ang lupa na yan. "mahina niyang sambit.Natahimik ang ina sa kabilang linya.Alam nito na kapag ganito ang tono ng boses niya ibig sabihin mabigat na yong nasa dibdib niya. "Nasa magkano ang kabuuan na hinihinge ni Mr. Andaya sa loob ng tatlong buwan". She asked. " Four hundred thousand anak ang kabuuang balanse. " "Ang laki," wala sa sariling bulong niya. "Tawagan ko nalang ho siya ,para ayusin to ma. Huwag na kayong mag-alala.Gagawan ko nalang ng paraan".Tuluyan nang napaiyak ang ina sa tinuran niya. "Pasensya kana anak. Nagkamali ako. Hindi ko naisip pahalagahan ang pinaghirapan mo.Sa halip tulungan ka. Nagdagdag pa ako ng problema". "Wala na ho tayong magagawa, nangyare na e. Saka pera lang naman yon. magagawan pa ng paraan". "Salamat anak, napakabuti mo. Hindi mo man lang magawang magalit sa akin. " "okay ho,wag nyo nang isipin. Ako na ho ang bahala doon. pero sana naman ho matuto kayong magsabi sa akin kung anong problema ng mas maaga. Para mas madaling mahanapan ng solusyon agad". "Paano yan anak, saan ka kukuha ng pera sa loob ng tatlong buwan na palugit ni Andaya.?" "Ako na ho ang bahala doon". sige ho. gabi na rin. magpapahinga na ako. Maaga pa ako sa trabaho bukas". "ahmm, amhm okay anak, pasensya na ulit. sorry talaga anak.Nga pala uuwi kaba sa susunod na buwan. 18th birthday ng Ashley. Hindi kaba aattend"? "Titingnan ko ho kapag may budget. ". walang gana siyang sagot.Gusto na niyang magpaalam dito pero out of respect hindi niya pa rin pinapatay ang tawag. "ahh, sige. magsabi ka lang para maipahanda ko ang tulugan mo?" " Sige ho. tatawagan ko nalang kayo ma ulit"paalam niya sa ina. "Sige anak, mag-iingat ka diyan palagi". Nang mawala ang ina sa kabilang linya ,agad siyang nanghina. Ang laki pa ng balanse na bubunuin niya para makompleto in just three months. nasa isan daang libo lang ang savings niya na dahil nga buwan buwan siyang nagpapada sa probinsya. Kaya halos wala na rin siyang naipon. Ang nasa isip niya, ang pinaipon niyang nagawa sa loob ng walong taon ay ang pagbili niya pabalik sa lupang pamana sa kaniya ng kaniyang lolo. Ayaw niya sanang bawasan ang kaniyang emergency fund. pero wala siyang choice. at this point, magagamit nga niya ito pampuno sa kakulangan. Isang daang libo mahigit pa ang kulang para mabuo ang apat na daang libong piso. kahit doblehin ang sahod niya sa loob ng tatlong buwan , ay hindi niya parin makokompleto ang halaga na kailangan niya. Nanghihinang sumandal siya sa likod ng sofa habang himas niya ulo. Mas matindi pa yata tong sinabi ng kaniyang ina kaysa sa pang-iipit sa kaniya ni Rain kanina sa meeting. Tama nga si Jacob, nag-over react siya. hayyy. Dahil sa nangyare.Kailangan niyang bawiin ang resignation na binabanggit niya kay Rain mula kanina nasa meeting. Ayaw na niyang makipagsapalaran sa ibang kompanya baka hindi naman maganda ang benepisyo at pasahod na ibibigay sa kaniya kapag nagresign siya sa Lions. Napabuntonghinga siya ,dahil sa sunod sunod na nangyare sa kaniya mula pa kahapon. kailangan niyang makabawi,kumbinsi niya sa sarili.Lunukin nya ang pride. wala siyang choice. kelangan niya ng trabaho. Tumayo siya at pinatay ang ilaw sa salas. masyado na siyang napagod ngayong. araw para mag isip pa.Kailangan niya ng lakas para bukas. Dahil matinding work loads naman ang sasalubong sa kaniya . Ala singko palang ng umaga ,gising na si Reighn kinabukasan. Magaan na ang kaniyang pakiramdam. At pwede nang pumasok sa trabaho.Bumangon siya inayos ang higaan na nagulo. Pagkatapos ay pinatay ang aircon sa kwarto at lumabas. Dumiretso siya sa kusina para mag-init ng tubig.Nang kumulo ay nagtimpla siya ng kape . Binuksan niya ang ref, upang tingnan kung ano ang pwede niyang lutuin.Bumungad sa kaniya ang ilang food keeper na naroon kapareho nung makiya niya kahapon na inorder ni Rain.Nasa tatlong baunan ang naroon na kasinlaki ng normal na lunch box. kinuha niya ang isa at binuksan. Kare kare yong laman. Tiningnan nya rin yong dalawa para malaman kung ano ang laman.Ang isa ay adobong baboy at ang huli ay macaroni salad. natuwa siya sa mga pagkaing naroon. lahat ay paborito niya. Magaling din umurder si Rain ng pagkain.ininit niya ang dalawang ulam sa microwave.Iuulam nya ang kare kare sa almusal at babaunin naman niya ang macaroni salad at ang adobo. Nagsalin siya ng bigas sa maliit niyang rice cooker at sinalang. ang ilan sa matitira ng sinaing niyang bigas ay babaunin niya sa trabaho. Makailang minuto ang lumipas ay tumunog ang microwave. Ibig sabihin mainit na yong pang-ulam. Hinango niya ito . habang inaantay maluto ang kanin, nagwalis at nagmop muna siya sa salas.Hindi pa siya naliligo, dahil hindi siya sanay maligo nang walang laman ang tiyan. Uminom narin siya ng vitamins. Kailangan 30 minutes before meal iinumin ang vitamins para mas effective. Nang matapos maglinis sa salas bumalik siya sa kusina para silipin ang sinaing.Nakababa na yong button at nag in in nalang. habang naghihintay hinanda niya ang babaunin sa trabaho. Nilagay niya yon sa lunch bag niya. kumuha narin siya ng plato nnagsandok ng kanin. Tamang tama lang ang pagkaluto. Pumuwesto siya sa maliit niyang mesa at kumain. Saktong ala sais , tapos na siyang gumayak. bitbit ang laptop at lunch bag lumabas na siya ng bahay. Matapos mailock ang gate ay naglakad siya papuntang ng kaunti para makarating sa sakayan ng jeep. Naka skinny jeans at white top lang siya ngayon. Wedge sandals naman may 2 inches ang kapal ang suot sa paa. Kay naman lalong na emphasize ang haba ng legs niya. Hindi pa ganunkainit ang sinag ng araw at nagustuhan niya ang tama nun sa kaniyang balat. Nang makarating sa sakayan ng jeep saktong paalis na rin ito. Nag-abot siya ng barya sa driver para sa pamasahe. Ala sais y media nasa harap na siya ng building ng opisina. one way lang ito mula sa bahay niya kaya hindi naman mahirap sa kaniya ang magcommute. Pagkapasok niya sa employees entrance binati siya ng guard. "Good Morning Mam Rieghn, "Wow. maaga rin kayong pumasok mam?" Tanong ng guard. "Good morning. madaming gagawin kaya kailangan maaga.Bakit may tao naba sa taas?"Tanong niya sa guard. " Opo mam. kakaakyat lang din ni RMA po".Umangat ang kilay niya sa sinabi ng guard. "So talaga palang napaka hard working ng kapatid ni Rocky. Palaging pumapasok ng maaga. " aniya sa isip. Matapos mag time in ay sumakay na siya ng elevator paakyat sa 2nd floor kung saan naroon ang kanilang opisina. Nang marating ang office niya agad niyang binuksan ang laptop at binuhay .konti na lang ang battery kaya agad niyang sinaksak ang charger. Pagkatapos ay kumuha siyanh tissue ,binasa ng alcohol upang punasaan ang ibabaw ng mesa ng biglang tumunog ang telepono sa ibaba nito. Agad naman niya itong sinagot. "Lions, good morning this is Reighn . How may I help you?" Malambing niyang bungad sa caller. Narinig niya ang paglunok at lalim ng hinga sa kabilang linya. "Hello??"Ulit niya. "Kaye , come to my office now. "agad niyang nabosesan si Rain sa kabilang linya. Sinilip pa niya ang caller ID nito sa screen ng telepono. Galing nga sa opisina ng CEO. Paano naman kaya nito nalaman na andito na siya. "Yes, Mr. Alcantara. may ipapagawa ho ba kayo?yong hinihinge nyo sakin kagabi masesend ko din naman agad yon within today.May rereview lang ako sa data then isesend ko na". " No its not that. " Just come to my office now. in 5 minutes . " Hindi na siya hinintay nitong magsalita at bigla itong naputol.Bumuntong hininga siya saka binaba ang telepono. Ibang iba talaga ang ugali pagkatao nito kapag nasa trabaho. Matapos kalmahin ang sarili ay nagpasya siyang tumayo para puntahan ito.kailangan niya itong pakisamahan dahil kailangan niya manatili sa trabaho.Habaan niya nalang siguro ang pasensya pagdating dito. ito na ngayon ang namamalakad kaya kailangan niyang sumunod at pakitaan ito ng magandang pakikisama.Sumakay siya ng elevator paakyat sa CEO office. as expected wala pa si Fiona dahil palaging alas otso y media pa lagi ang dating nito hinahatid pa ang anak sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD