Reighn Kerstin POV
Tahimik ang buong palapag at nakababa ang mga blind curtains.The whole office is made of glass wall. Mga blinds lang na nakakabit para incase mainit ibaba lang siya.
Nang tumapat sa pinto ng opisina ni Rain,kumatok siya ng dalawang beses at nang mag bigay ito ng go signal na pwede na siyang pumasok ay agad niyang tinulak ang pinto. Huminga siyang malalim at naglakad palapit.Nakaharap sa pinto ang lamesa nito kaya naman pagbukas na pagbukas ng pintuan siya na agad ang sasalubong sayo. Nakasuot ito ng skyblue long sleeve na may maliliit na print at dak navy blue pants naman ang pang ibaba. Bakat na bakat sa katawan nito ang suot na long sleeve at pants. Hindi niya mapigilang haangaan ang lalaki sa husay nitong magdala ng damit.Very manly ang dating dahil simple lang ito ..sa likod ng upuan nito ay nakasampay ang coat. Fresh na fresh ang awra nito, maayos ang pagkakabrush ng buhok side way. at may ilang hiblang naiwan sa kaniyang forehead na mas lalong nagbigay ng masculine look sa mukha nito.
Mataman siya nitong tinitigan habang papalapit siya. Tumigil siya few meters away.
"Bakit nyo ako pinapunta dito Mr. Alcantara"?Kung meron lang kayong ipapagawa, report ,data ,sana iniemail nyo nalang".
"Please have a seat Kaye, and open that paper bag". Turo nito sa upuan sa right side nito. At ang paper bag na tinutukoy na nakapatong sa center table.
"Ano to Mr.Alcantara?"tanong niya habang binubuksan ang paper bag.maliit na box at ilang jar of mix nuts ang nandon. meron din siyang nakitang ilang box ng hindi kilalang brand ng cookies.
"You have there peppermint tea , that is good for your migraine.when you feel stress just one bag of peppermint tea will give you relief,from stress muscles, sleeping difficulties that will help relax and having great sleep.
I added some of mix nuts para kapag nagutom ka and some cookies too.Avoid unhealthy food as much as possible. "
" Mr. Alcantara hindi ko naman to hininge?"Hindi nyo ako kailangan bigyan, may naiinom naman akong gamot".In a formal tone, she lift her head and face him.
Hindi inaalis ng lalaki ang mata sa mukha niya. Kaya naman nakaramdam siya ng pagkailang.
"Alam ko, just take it in your table. see you in our meeting by 10 am". tumang siya at yumuko. saka nagpaalam .Dinampot niya ang paper bag.
"Thank for this Mr. Alcantara. Sa susunod hindi na ako tatanggap ,baka mamaya ito na naman ang isumbat nyo sakin pagdating ng araw."
"Hindi ako nanunumbat Kaye, maniningil lang siguro ako one of this days. "Nakangiti ito sa kaniya.Ang gwapo nito lalo habang nakangiti. Bahagyang lumabas ang pantay pantay nitong ngipin at napansin din niyang meron itong dimple sa kaliwang pisnge. Talagang masasabi niyang isang magandang lalaki ang kaharap niya.Tama nga sila mas lamang ang kakambal ni Rocky sa kaniya.Though Rock is also a good-looking man but his twin brother very powerful and mysteriously fascinating. His eyes locked in me, and I can't stand it, so I looked down again. Don't know what is happening on me, but seriously I don't find a words to say. I felt that my hands is cold too, I grabbed the paper bag and turned back without saying anything on him. After I closed his door, I rush to get inside the lift and immediately pressed the second-floor button. In a few moments she heard the lift rang and the door open. She catches her breath reaching her office.
"Anong nangyare sayo Miss Reighn para kang hinabol ng aso , saan ka galing at talagang madaling-madali ka?" biglang salita ni Therese sa likuran niya. Hindi niya ito napansin sa table nito nung dumaan siya.
"Ah, nagmamadali kasi ako naiwanan ko to doon sa sinakyan kong jeep, buti nalang at nabalikan ko agad doon sa labas. "Sagot niya at tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Naramdaman niyang sumunod sa kaniya si Therese.Umupo siya sa kaniyang upuan at nantiling nakatayo si Therese malapit sa pinto. Nakahalukipkip ito.
"ohh? hindi naman kita nakita doon sa baba, ah?" dudang tanong nito.Sinipat-sipat nito ang laman ng dala niya.She held tightly the paper bag, at pinatong niya sa kabilang side ng table niya.
"Baka nagkasalisi lang tayo, " alibi niya.
"Miss Reighn , Anong nangyare sa inyo kahapon at bigla na kayong nawala, umattend ka lang ng meeting nyo tapos hindi kana bumalik sa table mo?' May nangyare ba sa meeting nyo?Nag-kasagutan na naman kayo ni RMA?" Usisa sa kaniya ni Therese.
"Partly Yes, sasagap lang sana ng hangin sa labas kasi kailangan kong huminga, pero biglang sumakit ang ulo ko, umuwi nalang ako,Bakit may nangyare ba after kong umalis?Nagalit ba?"
"Wala namang nangyare, at ang nabanggit sakin ng receptionist beast mode ka nga daw nung lumabas ng meeting room. Ilang saglit lang daw pagkaalis mo ay lumabas na din si RMA at ang ibang managers nagsunuran na din daw na lumabas, pero overall kahapon okay naman kami". Hindi ka din kasi sumasagot sa tawag ko at text e, akala ko kung anong emergency na ang nangyare sayo."
"Nagpahinga lang ako sa bahay, kasi umatake ang migraine ko."Pero okay na naman ako, nakalimutan ako ang cellphone sa meeting room kaya hindi ko talaga kayo masasagot".
"Naku, ilang araw palang kayong nagkakatrabaho ng bagong CEO na stress kana agad, "
"Okay na, masasanay rin tayo, wala naman tayong magagawa kundi ang sumunod sa kaniya, siya na ang bagong boss dito".
"Sabagay, malaki naman sila magpasahod, pwede nang pagtyagaan ang ugali nun, haha. siguro walang jowa si RMA no?kaya mainitin ang ulo, kulang sa himas". bulong ni Therese sa kaniya, bahagyan pa itong lumapit sa kaniya, at tatawa-tawa."
"Abay, malay ko,bakit ako ang tatanungin mo hindi naman kami close nun".Saka wala tayong pakialam sa personal na buhay nun, hayaan mo siya"
"Pero curios lang ako, may jowa kaya iyon?ang gwapo naman kasi talaga niya e, kung hindi lang ako ikakasal, aakitin ko si RMA"
pabirong hirit ni Therese sa kniya.
"Luka-luka ka, sari -sari na ang naiisip mo, sa palagay mo naman papatulan ka kaya nun? Mukhang ang selan nun sa buhay e." aniya, pero sa isip niya, kung ang pagbabasehan niya ang mga oras na nasa bahay niya ito kahapon, nakita niya sa personality ng lalaki na simple lang din ito.The way she moves in the kitchen, sanay na sanay. Kabaliktaran sa unang tingin niya dito na panay utos lang ang kayang gawin sa mga taong nakapaligid dito.Ibang -iba ang kinikilos nito kahapon kumpara kapag ito ang nakikita niya sa opisina.
"Pero siguro kung ikaw Miss Reighn , maaakit mo pa siya. bagay na bagay nga kayo e."She raised her eyebrows because of what Therese saying. Tinabingi niya ang ulo.
"Puro ka kalokohan, tantanan mo nga ako , huwag mo akong idamay sa pagka-luka luka mo". pabiro niyang tugon dito.
"Totoo nga, sa ganda mong yan? bulag lang ang lalaking hindi magkakagusto sayo dear, nasa iyo na lahat , looks, pakk. height pak na pak, sexy body pak na pak na pak, idagdag na naten ang talino mo, talagang complete package ka'.".., pakikay nito sa mga sinabi. Natatawa nalang siya sa mga binibitawang salita ni Therese.
"Ang OA mo ah, lumabas ka na nag roon, baka andon na sila Zyra, makita kang andito at nakikipag tsismisan lang papasok pa yon dito. Baka makarating sa taas, bababa yon tatamaan tayo ng kidlat."Baka naman isipin hindi tayo dito binayaran para lang magtsismisan". Pagtataboy niya sa babae."
" Pag-isipan mo ang sinabi ko Miss Reighn, kayang-kaya mong akitin ni RMA, in just three months , mahuhulog na yon sayo. believe me, baka nga mabaliw pa." bulong ulit nito. sabay kindat sa kaniya."Pustahan tayo, fifty Thousand sakin in three month's jowa mo na yon". hirit pa ni Therese.
"Ehyy ehy, mga naiisip mo,puro kawalang hiyaan, anong mahuhulog ka diyan? Walang pusta-pusta, itigil mo yang kalokohan sa utak mo Therese.Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo."tinaas niya ang kamay para patigilin ito.Napakamot naman ito sa batok.
"Ang KJ mo friend, just for fun lang e". hirit parin ito.
"Just for fun ka diyan, baka gusto mo ikaw ang paattendin ko ng meeting with RMA mamayang alas dyes you want ?Ikaw ang magreport".Pananakot niya dito.
"Ahyyst. grabe naman to, pero bagay talaga kayo promise". pamimilit nito sa kniya.
"Try my patience Therese, You know what I'm capable to do with"...
Banta niya, hindi na niya nagugustuhan ang tinatakbo ng isip ng kaibigan niya. Kunwari naiinis na siya sa pangungulit nito.
Agad naman itong tumahimik nang makitang seryoso na siya.
"Okay fine, aalis na ako,"anito binuksan ang pintuan sa likod."Sayang bagay pa naman kayo".
"Therese ".. Nauubos ang pasensyang tawag sa pangalan nito. Nagtaas naman ito ng kamay at lumabas.
"Reighn & Rain go away, come again another day", mahinang huni nito pero narinig naman niya. sinamaan niya ito ng tingin. Kaya naman ay nagmamadali na itong lumabas ng silid.Napapailing niya siya sa kakulitan ni Therese. Buti nalang at hindi napansin ni Zyra na nasa office niya ito, kundi dalawa silang mangungulit sa kaniya.
Naghahanda si Reighn sa power point presentation niya para sa kanilang meeting , ilang minuto nalang at magsisimula na nag meeting nila sa araw na ito. Sana naman ay wala na namang mangyare bangayan sa pagitan nilang dalawang ni Rain.Nakakahiya sa mga tao , kapag tuwing magpupulong ay palagi nalang silang nagtatalo.
Limang minuto ang lumipas ay tumayo para pumunta ang meeting room kung saan nakaschedule ang operation nila tuwing umaga.
Pagkalabas ng opisina ay nasulayapan niya si Therese, nakatingin siya kaniya. Nahuli niya itong may nakakalukong ngiti, Bahagya pa nitong iniangat ang kanang kamay at nag thumbs up sa kaniya,pinandilatan niya nito ng mata at tumalikod.Naglakad siya sa elevator at agad sumakay roon., Makalipas ang ilang segundo nasa baba na siya, nadaanan pa aniya ang receptionist sa lobby ,nasulyapan niyang lumingon ito sa gawi niya. Tumango lang siya at deretsong pumasok sa meeting room.
Napalingon ang lahat ng naroon ,pagbukas niya ng pinto. Walang imik na pumasok at agad niyang hinila ang bakanteng upuan sa unahan,.Tumikhim siya at pormal na hinarap ang mga ito..
"Good Morning everyone"-
Bati niya sa mga ito, wala siyang nakuhang sagot ,Mataman nakatitig ang mga ito sa kaniya. Alam na niya ang ibig sabihin ng mga tingin ng mga ito sa kaniya.Nilapag niya ang laptop sa mesa at binuksan iyon. Dinedma niya ang uri ng tingin na pinupukol sa kaniya.Kunwari busy siya nagbrowse sa kaniyang laptop,.Ilang sandali ay bumukas ang pintuan ang silid ,Kahit hindi siya lumingon ay alam niyang si Rain ang pumasok, nanuot agad sa ilong niya ang amoy nito na halos pumuno s abuong silid. Gustong -gusto niya ang amoy ng lalaki, very masculine pero hindi masakit sa ilong. May naramdamang hangin sa likod niya ng dumaan ito sa kaniyang likuran .Pumuwesto ito sa gitnang upuan nasa kana niya ito. ,nakaharap sila sa projector. Bahagya siyang nakatalikod dito dito kapag ang tingin ay nasa unahan kapag mag nagrereport, dahil nakatali ang buhok niya sa likod pataas expose dito sang kaniyang batok, na sa pakiramdam niya ang nararamdaman nito ang hininga sa batok niya.Bigla siyang nagsisi kung bakit doon niya napiling umupo.
"Let's start the meeting, I have flight need to catch up going Davao after lunch". I want everything here settled before my flight since I don't know kung hanggang kelan ako don, maybe until Inauguration." May iritasyon sa tono ng salita nito . Hindi niya alam kung normal lang yon dito oh talagang mainit sadya ang ulo ..Na naman...
"RMA, bakit po kayo pupuntang Davao?" Tanong ni Frank.
" ahhm, I have to cover the operation until my twin brother came back from US, sinamahan ang fiancee niya ipagamot ang mama nito.' Sagot ni Rain , pero sa kaniya nakatingin. Napa "ohh" naman ang mga taong nandon maliban sa kniya, alam na niya ang reason kung bakit kailangn nitong i supervise ang Davao site, dahil nabanggit ito nito sa kaniya kahapon nung nasa bahay niya ito.
"We can still do a morning meeting like this, I can attend thru microsoft Teams, just send me the meeting invites Frank.Same time"- . utos nito kay Frank.
"noted on that Mr.Alcantara".
Nang magsimula ang meeting ay tahimik na ang lahat, nakatuon ang atensyon nilang lahat sa monitor sa unahan. Pero siya ay hindi talaga mapakali sa pwesto niya. Naiilang siya na nasa likod niya si Rain, at pakiramdam niya ay sa pinagmamasdan siya nito mula sa kaniyang likod,.Pinilit niyang bale- walain ang presensya nito at nag concentrate sa kanilang discussion. ang focus ng kanilang discussion ay more on the transfer project to be lifted from Europe site papuntang Pilipinas.Inisa- isa niyang i take down notes ang lahat ng inputs ng bawat isang manager para sa ramp up ng mga projects, kailangan niyang makuha ang mga yon para mayron siyang babalikan sa mga to kapag during the actual loading ng demand nila ay malinis at maayos ang transition nila.Para sa kaniya, mas mabilis gumawa nga action plan kapag malinaw at detalyado ang proseso .
Nang siya na ang magppresent , ayaw gumana ng laptop niya mag connect sa monitor through wifi, kayanaman napilitan siyan gamitin ang lan para makaconnect sa projector.Si Rain ang nasa pinaka malapit na pwesto , dahil maiksi lang ang cable napilitan siya iusod palapit dito ang kaniyang upuan . Amoy na amoy niya ito, dahil ilang dangkal nalang ang pagitan nilang dalawa. Pinilit niyang maging casual habang nag rereport. Mabuti nalang ay tahimik lang ang lalaki, hindi ito nagbibigay ng komento sa mga data na nakalagay sa report niya. Sinend narin naman niya niya ang kopya nito dito kahapon bago sila magmeeting. Ito din dapat ang ippresent niya kahapon pero dahil mas nauna ang kanilang sagutan hindi na niya natapos.
Nang matapos siya ay, bumalik siya sa kaniyang pwesto pero hinayaan niya munang nakasaksak ang laptop niya.
" Everything that Miss Alvarez shown in the report is clear and very detailed. She sent me a copy of data already to make my own analysis." panimula ni RMA.
"I want to call eveyone's cooperations, your team work is very important to make things possible here in Lions. "
"Frank, work with suppliers. especially those unique parts na kailangn i fabricate ang tooling. Conduct study kasi for sure yong ibang tooling sa tagal ng panahon na ginagamit worn out na yan. bago ako mag-approve ng target revenue for the next 2 years muna gusto ko malaman ang projected overall operations expenses. Procuring new machines, no problems approve ko yan. Gusto ko mabilis tayo at reliable ang bawat proseso na gagawin sa lahat ng project na gagawin dito. Dahil aside sa Davao site itong Lions ang gagawin kong center hub sa lahat ng inter company dito sa Aisa pacific region.kung gaano kayo kabilis gumawa mas maraming trabahong matatapos at mas maraming malalaking opportunidad na papasok dito kompanya."mahabang mensahe ni Rain para sa kanilang lahat.
"Agree with you Mr. Alcantata, gusto magpasalamat sa lahat ng project owner kasi malaki na rin yong adjustment na ginawa ng lahat para walang aberyang mangyayare during ram up. " Si Rick ang magsalita."Sa ating mga Engineers na walang katapusang brain storming para iimprove ang ating mga processess para mas makapagabigay tayo ng improvement sa ating produkto. Sa ating production, quality, at syempre sa team ni Mam Reighn, sa planning na talaga namang nagpuyat ,mabigyan lang tayo ng isang maganda at pulidong plano. "
Ngumiti at tumango lang siya dito nanh banggitin ang effort ng team niya. Para sa kaniya karangalan na sa kaniya na maapreciate ng ibang core team ang effort na binigay din nila.
"That"s true RMA, Kapag si Mam Reighn na ang magsalita hindi na kami pwedeng tumango nalang, kailangan may resulta. Kundi yari na naman kami diyan kapag sumablay. Hindi yan pumapayag na may sasablay sa mga nilalatag niyang plano. : Dagdag ni James.
" Syempre naman, Si Reighn Kerstin Alvarez yan e, Beuaty and brain".panunukso naman ni Hana, at kumindat pa sa kaniya.Nagpalakpakan naman ang mga naroon dahil sa sinabi ni Hana, nag-init ang pisnge niya. Sigurado siyang pulang pula na naman siya sa mga oras na to.
"ang swerte siguro ng magiging boyfriend nito no?"
"Uyy, stop it okay. Nasa meeting kayo ,kung ano anong sinasabi niyo. "saway niya sa mga to. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay alam niyang nakatingin sa kaniya si Rain. Lumabas na naman ang kalokohan ng mga kasama niya, at sa muli siya na naman ang tampok ng tuksuhan".
"Hoyy Reighn aba, hindi pwedeng trabaho bahay ,bahay trabaho lang iikot ang mundo mo,sayang ang kagandahan mo. explore din minsan. Gusto ka din naman namin makausap about sa usaping puso. nagkkwentuhan nga tayo minsan pero puro about sa planning side naman. Tagal namin ikaw nakakasama pero wala kapang napapakilalang boyfriend samin a. "dagdag pa ni Hanah. Lalo siyang namula dahil ang daming sumang-ayon dito.
"Kayang kaya mong magbigay ng projection ng Lions 5 years from now,pero nakakalimutan mo planuhin ang love life mo". Parang mga batang naghihiyawan ang mga to. Wala siyang mahagilap na salita pamabato sa mga to, sapul nna sapol siya.
"So meaning , wala kapang boyfriend ever? " Biglang tanong ni Rain sa kaniya. Yumuko siya at umiling, hindi niya kayang salubungin ang tingin nito dahil sa hiya.
"Naku RMA , wala talagang makalapit diyan, maraming gustong magtangka, pero takot ma reject. May isang naglakas ng loob ayon 8 years nang pabalik balik dito ,hangang ngayon deadma parin siya." natatawang kwento ni Hanah. Pinandilatan niya ito ng mata na tinawanan lang nito. Napakadaldal talaga nito. Bigla tuloy siyang kinabahan, baka kapag nag uuusap ang dalawang to si RMA tungkol sa promotion niya kung ano ano ang nababanggit ni Hanah.
" really??" sino naman tong malas na lalaking 8 years nang narereject. Amused na tanong ni Rain. Ngunit hindi parin inaalis ang tingin sa kaniya. Bakit ba bigla nalang tong nagkainteres sa personal niyang buhay.
"ahmm. thats enough guys, I think personal na yan , hindi applicable pag usapan dito. Sorry but im not comfortable by talking my private life here, pinagkaisahan ninyo ako ah."banta niya sa mga to, tinawanan lang siya ng mga to. Maging si Rain ay nangingiti sa naging reaction niya. Tumigil naman ang mga ito nang makitang seryoso na siya. Ganun lang naman itong mga kasama niya. atag siyang biruin pero kapag seseryoso na siya ay hindi na ang mga ito mangungulit.
Hinugot niya ang cable ng projector sa kaniyang laptop at tiniklop. Dinala niya ang laptop sa kaniyang mga braso.
"Okay, this is a great discussion everyone. Have nice day. ,Meeting adjourn".Miss Alvarez ,come to my office after this meeting. "Nakatingin sa kanila ang lahat ng magsalita ulit ito.
Inikot ni Rain ang tingin sa loob ng silid
"Ahm, yeah, we will discuss your new position, your promotion. "Dagdag nito, at tumingin kay Hanah.
"Ay, yes RK. dahil wala ka naman kahapon kay Mr.Alcantara ko na binigay yong papel mo since siya din naman ang magbibigay ng sayo ng direction para sa iyong new rule." Singit ni Hanah.
" Ganun ba, okay Sir. Ilalapag ko lang ang laptop sa table ko susunod po ako sa office nyo, meron din akong idiscuss saglit sa team ko ."
" Okay sure. " Hintayin kita sa opisina ko.
" Okay po". Lumabas na siya ng meeting room at dumiretso sa area nila. Pagdating doon ay agad niyang kinausap si Therese para sa ilang adjustment na gagawin nila ayon da napagmeetingan kanina.Inabot din sila ni Therese ng limang minuto. Inilapag niya ang laptop sa mesa niya, agad ding lumabas para umakyat sa CEO office.
Naroon na si Fiona sa pwesto nito pagdating niya.
" Hello RK, are you feeling well?' Tanong nito sa kaniya.
" Uu, okay na naman ako. "Nawala naman agad ang sakit ng ulo ko".
"Naku mabuti naman, ininom mo naba yong tsaa ?"
" Tsaa?"
"uu ,naibigay na ni RMA sayo diba?pinabili niya pa yon sakin kagabi, inistorbo pa ako nun gabing gabi na samahan ko lang siya bumili nun. "
"Ahh, siya bumili nun?"
"Uu, malakas tama sayo e"
" huh"?
" Wala, sige na pumasok kana. Baka mainip pa yon, kanina kapa hinihintay."
Umiling siya at iniwanan ito, kumatok siya ng dalawang beses. Nang marinig ang boses ni Rain sa loob na pinapapasok siya binuksan niya ang pinto. Nakaupo ito sa upuan na inupuan niya kaninang umaga.Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. Palagi nalang itong seryoso.
" Please have a seat ,Kaye".malambing nitong sabi. Napapansin niya na kapag sila lang dalawa Kaye ang tawag nito sa kaniya. Kapag may ibang taong nakakarinig, Miss Alvarez ang tawag nito sa kaniya.
umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat nito. magkasiklop ang dalawa niyang kamay ..Dinampot ng lalaki ang isang folder at iniabot sa kaniya.
"This is your prmotion paper, pinirmahan ko na. Nakalagay na diyan ang mga gusto kong mangyare sayo habang nagtatrabaho sa dito. "
Tumango siya, binuklat niya anf unang page. Most likely mga kontrata lang niya andon,. Same feature ng employee contract niya. parang emoleyee book lang din. Habang binabasa niya ang bawat pahina, nanlaki ang mata niya sa protion ng compensation and benefits.
Nagulat siya sa nakasulat na sweldo niya doon.
" Mr. Alcantara, ganito ba talaga kalaki ang sweldo ng Planning team lead?"
"Yes, nasa bracket range yan na binigay ni Hanah".
" Okay. " She continued to read the other pages, n halos ay bagong job description niya lang ang nakasulat. Sa huling page ng folder nakita niya na may pirm na ito ng lalaki sa kanan bahagi. at pangalan niya ang nakalagay sa gita sa sa kaliwa ang pirma ni Hanah. Dinukot niya ang ballpen sa bulsa at nagsimulang pumirma. Ilang papel din ang kailangan niyang pirmahan.Tahimik lang si Rain habang nakatingin sa kaniya. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin dito.
" Saang part tayo magstart mag discuss Mr. Alcantara. "
" Sino yong nagtangkang manligaw siya sa loob ng walang taon".
" Huh?"Mr. Alcantara pinapatawag mo ako to discuss my promotion and not my personal life."
" I want to know ,who is that bastard"
" Look, Mr. Alcantara. private life ko yan, non of your business at... .."
" Its mine, Its my business Kaye, I do mind it" pabulong nitong putol sa sasabihin niya. Lumapit ito sa kanya dahilan para mapasandal siya sa likod ng upuan.Naguguluhan na naman siya sa inaasta ng lalaki.
"Ayokong may lumalapit sayong ibang lalaki"Madiin nitong sabi.
" Bawal kang ligawan ng iba" dagdag nito.
" Ano bang sinasabi mo Mr.Alcantara, kung karugtong ito ng panunukso nila sakin kanina, pwes hindi na nakakatuwa.
" Ako rin, hindi natutuwa nang malaman ko kay Hanah kanina na may nanliligaw sayo." Unang beses ko palang marinig ang at makita ang pangalan mo sa screen ng laptop ng kapatid ko binabaliw mo na ako. "
"Lalo na nung una kong masilayan kung gaano ka kaganda sa personal." Tumayo ang lalaki at lumipat sa bakateng upuan sa tabi niya.
" Mr. Alcantara., bakit ka ganyan"...wala sa sariling tanong niya.
" Your asking me bakit ako ganito, ewan ko. Dapat sa unang araw na paglapat ko dito sa Lions ang una kong agenda ay hanapin ka at i fired. , pero wala ka kasi nagbakasyon ka pala sa Singapore. Sa kagustuhan ko makilala ka agad,Hininge ko kay Hanah ang profile mo.ID mo palang nakuha mo na ako. Sa halip na i fired ka mas pinili kong pabilisin ang transition namin ni Rocky para ako agad ang CEO pag-uwi mo".
" Bakit nyo sinasabi sakin yan, saka bakit mo ako naisipang tanggalin sa trabaho?"Napatawa ito ng mahina sa tanong niya. ano ba ang mali sa tanong niya.?dinukot nito sa bulsa ng pants ng cellphone, at may tinitingnan doon. pagkatapos ay may pinakita ito sa kaniya .Nanlaki ang mata niya ng mapagtantong kung ano yon.
" Ikaw ang nakakabasa sa chat ko kay Rocky, that time?"Malakas na boses niyang tanong.
" Yes, gustong gusto kitang puntahan that time para ipakilala ang sarili ko sayo, para magtuos tayo. Pero kinakailangan kong bumalik ng US dahil may kailangan akong asikasuhin. Pag -balik ko nasa bakasyon kana".Hindi siya sumagot. Kaya pala nung time na yon puro seen lang ang nakita niya sa chat box ni Rocky. Ibang tao na pala ang kinakausap niya. Shocks....
" Pero bakit, nagbago ang isip mo na alisin ako Mr. Alcantara..." Inosente niyang tanong?Hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit niya yon tinanong dito. " May gusto kang malaman girl?" sabi ng ibang bahagi ang isip niya
" Sa dami nang magiging kalaban ko dito sa loob ,plus si stelle at Rocky sa tingin mo magagawa ko?Baka ako pa ang kasuhan ni Hanah kung ginawa ko yon". Sagot ni Rain.
" Sorry.Mr.Alcantara., sa sobrang inis ko sa inyo that time , kung ano ano na ang nasabi ko".
"Siguro nga, pero okay na yon. I also have my own self realization dahil sa mga binitawan mong salita sa chatbox ni Rocky"
But. Hindi yan ang gusto kong pag -usapan kaya kita pinasunod dito ".
Biglang seryoso ito. at mataman siyang tinitingnan sa mukha.
"Anong ibig mong sabihin?"
" I want to marry you". Deretso nitong sagot. Sa lahat ng nakakagulat na pangyayare sa buhay niya, dito siya na shocked ng sobra. Ilang minuto pilit niyang inaabsorb sa utak ang sinabi nito. Sa halip na sumagot, napabunghalit siya ng tawa sa harapan nito sa unang pagkakataon.
" Kaye,".
" Nahawa kan ba sa Joke ng mga manager mo Mr. Alcantara?"Hanggang dito ba naman sa opisina mo , ?
" Kaye" seryoso ako. ,. Hindi ko alam kung ilang buwan hindi makakauwi si Rocky kasi madaming pang test ang kailangan gawin sa mommy ni Stelle ,bago simulan ang operation. Buntis si Stelle kaya hindi pwedeng mag isa lang siya doon sa US kasama ng mommy niya. Kaya kelangan kong i manage ang Lions at Davao site at the same time".
" So, anong kinalaman ko sa pagpapatakbo mo sa dalawang kompanya?"Lakas loob niyang tanong.
"Malaki, bilang asawa ko, matutulungan mo ako. "
" Empleyado mo ako Mr. Alcantara. katulong mo dito sa Lions kaya siguro hindi ganun kabigat ang papasanin mo kung ito inaalala mo. Inaasure ko naman sayo na maasahan naman ang mga taong nahire ni Rocky. "
" I know ,but Gusto kitang maging asawa, . I only have 1 year left, kapag wala akong babae na ihaharap kay daddy ,lahat ng pamamahala sa kompanya nakay Rocky. At wala siyang ibibigay sa akin".
"Si Chairman?binigyan ka ng ultimatom para mag-asawa?"
"Yes,kaya ako biglang napauwi dito. Dito ko daw kailangan magpakasal kasi walang divorce."
" Sorry,Mr.Alcantara, pero ang pagpapakasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan. at malabo sateng dalawa yon. . "
" and why not?"
" Well, first of all, hindi kita gusto at ganun karin,.. pangalawa wala pa akong balak mag asawa at marami pa akong dapat unahin kesa diyan sa pag-aasawa. Huwag nyo akong isali sa problema ninyong mayayaman".Marami naman diyang iba na sigurado akong tatanggapin ang alok. Yong girlfriend mo alukin mo. Kesa ako ang pinagdiskitahan ko ".... Mahabang sagot niya dito. Ano siya hello?? Tingin niya sakin, trabaho lang ang inaalok niya sakin. Naku.. hindi nga kami magkasundo bilang mag amo, maging mag asawa pa kaya. " Aniya sa isip.
Hinarap siya ni Rain . Magaan siya nitong tiningnan.
" Sa tingin mo ba aalukin kitang maging asawa ko kung may girlfriend ako?" At wala akong ibang gustong alukin ng kasal kundi ikaw lang. " Mahinahon nitong salita.
"Bakit nga ako Mr. Alcantara.?"Nagkamali ka ng taong alukin na magiging asawa mo? Dahil wala sa isip ko ang mag-asawa. Madami akong obligasyon na dapat unahin."
" Una, bakit ikaw??Hindi ko rin alam e,Basta ang natandaan ko lang umuwi ako ng Pilipinas na may dala dalang galit sa papa dahil sa pag mamanipulate niya ng buhay ko, ang alam ko una kong nakita ang ID picture mo na nakadikit sa profile mo iba na ang nararamdaman ko sayo Kaye ".
" Ah. talaga ba? Mr. Alcantara, kaya pala kung ano anong paratang ang sinabi mo sakin ,dahil may kakaiba kang naramdaman sakin." Naalala niya ang unang tagpo mismo sa opisina nito habang magkausap sila ni Fiona. Ilang araw lang ang nakalipas
Idagdag pa ang nangyare sa kanila kahapon. Tapos ngayon aalukin siyang maging asawa nito?
" Kaye, sorry sa mga nagdaang araw, Hindi ko kasi alam kung paano ang tamang approach sayo. "
" okay lang Mr. Alcantara, pero hindi ko maaring panghawakan ang sorry mo para pumayag sa gusto mo. Uulitin ko ,Huwag nyo akong idamay sa problema ninyong pang mayaman. "Tumayo siya at naglakad sa pintoan. hindi siya lumingon dito dahil ayaw niyang makita ang reaksyon nito.agad niya iyong binuksan at lumabas. Wala si Fiona sa pwesto nito pagdaan niya. Marahil ay bumaba.
Nanginginig ang laman niya dahil sa resulta ng pag-uusap nila Rain . Hindi niya lubos maisip na mula nung nakaraang araw na una nilang pagkikita ay aalukin siya nito kasal. Para ano?para makakuha ng mana galing sa ama. Hindi siya siraulo para magpagamit dito. Hindi naman niya ito lubos na kilala. Close sila ni Rocky dahil kay Stelle. Pero hindi naman nangangahulugan na agad siyang papayag dahil bestfriend niya ang magiging hipag nito.
Ayon sa lalaki isang taon nalang ang binigay na palugit nh chairman para makahanap si Rain ng mapapangasawa.
Nagkibit siya balikat ng maisip yon, hindi niya problema yon. Hindi naman siguro siya tatanggalin sa trabaho dahil tumanggi siya.
pagkabalik niya ng opisina naroon pa sina Therese, mukhang hinihintay siya.
Tumayo ang mga ito nang makita siyang paparating.
" Miss Reighn, okay ka lang??"Nagtalo na naman kayo??" Tanong ni Therese.
" no, diniscuss niya lang sakin ang scope ng trabaho. Marami lang siyang habilin kasi mukhang matatagalan siya sa Davao??"
" hmm. mukha namang okay na kayo, masaya daw ang naging meeting ninyo kanina e" .mataktikang tanong ulit ni Therese.
"Yes, ayos naman. Naliwanagan na naman ang isip niya siguro sa report na pinadala ko. Salamat sa inputs nyo, ang gagaling ninyong lahat. " Nakangiti siya habang sinasabi iyon sa buong team.Tuwang tuwa siya sa effort na binibigay ng bawat isa.