Chapter 6

5003 Words
Reighn Kerstin POV Maaga si Kerstin gumising, dahil long weekend nagpasya siyang umuwi sa probinsya para bisitahin ang ina at mga kapatid. Alas Kwatro palang ng madaling araw nasa bus terminal na siya. sa online siya kumuha ng ticket kaya hindi na niya kailangan pumila sa counter para kumuha. Mabuti nalang nauso na ang ganitong transaction online. Aabutin siya walo hanggang sampu oras na byahe papuntang probinsya nila sa Bicol. Sa tantya niya ay alas dose ng tanghali siya makakarating sa kanila. may baon siyang egg sandwich na ginawa niya. bumili nalang siya ng kape doon sa loob ng terminal. Sumakay agad siya sa bug pagkatapos. nasa pang apat na hilera ng bus, airconditioned ito kaya naman nagsuot siya ng jacket. Habang nainom ng kape ay nagbbrowse siya sa kaniyang i********:. May ilang comment siyang natanggap sa pinost niyang profile picture nung bakasyon niya sa Singapore. Kuha niya iyon nung nasa swimming pool siya ng hotel niya. nakasuot siya ng one piece black na bukas ang likod . nagsuot ng shorts kasi hindi siya komportable expose ang singit niya. Hanggang kalahati ng legs niya ang shorts.Ayaw nga niya sana magsuot nun, kaya lang mahigpit na pinagbabawal ng hotel na lumusong sa swimming pool kung hindi naka swimming outfit. "napakaconservative naman"comment.ni Hanah sa picture niyang iyon nakatalikod siya sa camera kaya likod lang ang kita. " napaka sexy ,Face reveal naman diyan" hirit naman ni France. " Omg, you slay the night ,my dear". comment naman ni Stelle na pinusuan naman ni Rock. Ilan lamang ang comment na iyon na nabasa sa post. iiling siyang close ang i********: nang maramdaman na tumatakbo na ang bus. Nilock niya ang cellphone at sinilid sa bag. Dinampot niya ulit ang kape at tuluyang inubos. Habang binabaybay ang daan palabas ng metro Manila nagpasya siyang umidlip muna. Mamaya na niya kakainin yong sadwich na baon niya. Okay pa naman siya sa kape. Sinuot niya ang hood ng jacket sa kaniyang ulo at sumandal. niyakap niya ang kaniyang hand carry bag at pumikit. Nagising si Kerstin sa ingay ng mga nagtitinda ng kakanin, napansin niyang nakatigil ang bus, nung sumilip siya sa labas ay nasa Lucena palang sila.Nag-stop over marahil ang driver para mag almusal. Tumayo siya para bumaba, kelangan niyang pumunta sa comfort room. Agad naman niyang nakita kung nasaan banda ang Toilet. palagi siyang may dalang alcohol, tissue wipes lalo na kapag bumabyahe kaya naman hindi na siya naghugas ng tubig Public toilet lang ang naroon, hindi siya panatag . Umakyat na siya ulit ng bus, at kinain yong ginawa niyang sandwich. Uminom ng tubig at umidlip ulit. Sunod siyang magising nang isigaw ng konduktor ng bus ang lugar nila, malapit na siyag bumaba ilang kilometro nalang. Dahil along highway lang naman ang bahay ng mama niya hindi na niya tinawag ang kapatid para magpatulong sa bitbitin niya. maliit na bag niya, at isang may kalakihang duffle bag ang dala niya pauwi. namili siya ng ilan madadala galing maynila. Alas dose y medya ang oras nang sipatin niya ang relo, marahil ay nagsesyesta ang ina at natutulog ang kaniyang mga kapatid sa mga oras na to lalo na katatapos lang ng tanghalian. " Ate Kaye" tawag sa kaniya ng kapatid na si Justin nang matanawan siya nito bumaba ng bus.Kinawayan niya ito. Patakbo itong lumapit sa kaniya "Huwag kang tumakbo, baka madapa ka". Sigaw niya,pero natatawa siya dahil kitang kita sa facial expression ng kapatid na masaya itong makita siya. "Hindi ka tumawag kay Mama na uuwi ka?"Tanong nito habang hihingal dahil sa pagtakbo.Agad siya nitong niyakap. Yumakap naman siya pabalik at inamoy amoy ang ulo nito. "Naku, panay ang laro mo sa labas, oh amoy araw ka" "Hindi ate,kauuwi ko lang.Tumulong akong mag gamas ng damo sa niyugan " "sinong kasama mo?Paano kung mataga ka. aba ha" Inabot niya dito ang isang eco bag na may lamang ilang groceries. "Wow, mabigat to ate a" "Nasa loob ng bag ang iba, hindi na kasi kasya kaya hand carry ko nalang yan.,halika help mo si ate ." "okay po".Agad naman siya nitong tinulungan sa dala niya. Nakaakbay siya dito habang naglalakad patungo sa bahay. "kamusta ang school Justin?" " Ayos naman ate, pasok po ako sa honor list" "Wow, very good. Nasaan sila mama??kumain na kayo?" "Nasa doctor sila mama ate, nagpacheck up kasi nahihirapan na naman huminga kagabi".Napatigil siya sa paghakbang. "Nagpacheck up si mama Justin?May sakit si mama?"Tumingin sa kaniya ang kapatid at humakbang pabalik.Nauna ito ng ilang hakbang dahil bigla siyang tumigil.Inabot ang kamay niya at bahagya siyang hinila. "OO, ate. may sakit si mama. pabalik balik siya sa hospital last year pa, hindi lang yon nagsasabi sayo. " Hindi niya alam na may iniindang sakit ang ina, sa sobrang busy niya sa trabaho bibihira siyang makadalawa sa mga ito. Kung uuwi man isang araw lang ,pinakamatagal na ang tatlong araw. simula nung unang taon, halos hindi na siya nakakauwi sa probinsya dahil halos wala siyang oras at pagod narin ang katawan at isip sa trabaho.sa cellphone nalang sila madalas nagkakausap pero wala namang nabanggit sa kaniya. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagagalaw nito ang pera pinapadala niya kada buwan panghulog sa Lupa. Pagdating sa bahay tinulungan siyang buhatin ni Justin ang duffle bag na may laman ilang damit niya at pinamili. Isa isa niyang nilabas ang mga ito. Pagkatapos ay dinala niya sa kawartong inuukupa niya ang mga damit. Saktong pang tatlong araw lang ang dala niya. Sinilip niya muna ang perang dala pambayad para sa lupa. Kasama niya sa kwartong yon ang kapatid na si Karen. "Justin si ate Karen mo nasaan?"Tanong niya sa kapatid pagkalabas niya ng kwarto. "May klase si ate Ka ngayon ".maiksing sagot ni Justin. "Sinong kasama ni Nanay magpacheck up?" "Si papa ate,maya maya andito na mga yon. Kanina pa yong umaga umalis". "Ano bang sakit ni Nanay Justin?" "Palaging kinakapos ng hinga".Nakakunot ang noo napabaling ang tingin sa kapatid, umupo siya sa sofa at tumingin sa mukha nito. 6 years old lang ang bunso niyang kapatid, hindi ganun kalinaw dito ang nangyare sa mama nila. "Madalas bang kinakapos ng pag - hinga si Mama Justin?" bakit hindi nagsasabi ang mama sakin na mayron na pala siyang nararamdaman?" tanong niya. , kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero ng mama niya, nagriring lang ito , walang sumasagot.Makailang beses pa niyang dina-dial ang numero nito pero hindi parin ito sumasagot. " Si Mama nalang ang tanungin mo ate, kasi po akala ko alam mo na,naririnig ko po sinasabi ni papa sa kaniya na gamitin yong pera padala mo para makapagpagamot siya.,Ate pwede ko na bang kainin yong dala mo? nagugutom na ako e".Tinanguan niya lang ito. "Hindi kapa ba kumakain?Bakit kaba kasi nila iniwanan mag-isa dito?Anong oras dadating kaya sila Mama, hindi sumasagot e". "Iniwan ako ni mama kina Tiya , umuwi lang ako dito kasi maliligo ako." hmm ang sarap naman nitong dala mo". - anito habang nilalantakan ang dala nyang donut. "Maligo kana pagkatapos mo diyan ha. " Tumango naman ang kapatid.,Lumabas siya ng bahay at muling tinawagan ang numero ng mama, makailang ring ay sumagot ito. "Hello mama, anong sinasabi ni Justin sa akin na may sakit kayo?Saang hospital kayo? pupunta ako?., sunod-sunod na tanong niya. "Hello anak?Paano mo nakausap si Justin"? "Mama, umuwi ako andito ako sa bahay."si Justin lang ang naabutan ko dito, nasa hospital daw ho kayo at nagpapa-check up?" "Ah ganun ba, sige pauwi na din naman kami, may binibili lang si Tiyo Joel mo." " Ano po ba ang nangyare sa inyo?" hindi nyo ako sinasagot". "Anak, sa bahay nalang tayo mag-usap ha?", malapit na din naman kami, kailan kapa dumating? " Ngayon lang ho,Sige ho, hinintayin ko kayo." Ilang sandali ay may natawan siyang paparating na itim sasakyan sa bahay ng mama niya, nang tumigil ito sa mismong harapan ay napatayo siya.Lumabas sa pasenger seat si Tiyo Joel niya , ang asawa ang asawa ng kaniyang ina.Inalalayan nitong makababa ng sasakyan ang ina.Nagulat siya sa itsura ng mama niya, ang payat nito at nangingitim ang gilid ng mata. Agad niyang sinalubong ang mga ito., Inabot niya ang kamay nito at inalalayan makalabas sa sasakyan , hawak naman ni Tiyo Joel ang kaliwang balikat nito. "Mama, anong ibig sabihin nito?" tanong niya.Sa totoo lang nashock siya at naguilty dahil sa sobrang busy sa trabaho hindi na niya naintinding bisitahin ito. "Pumasok muna tayo sa loob Kaye,. pasok na muna Renz, ". Baling nito sa driver, nilingon niya ito. Ngumiti sa kaniya si Renz at nakipagbeso.Pagkatapos ay sumenyas itong mauna siyang pumasok sa loob. "Anak, bakit hindi ka nag-abeso na uuwi ka?, nakapaghanda man lang sana ako" mahinang tanong ng kaniyang ina.Lumapit siya dito at niyakap ito. " ma, bakit hindi kayo nagsasabi sa akin na may sakit kayo? Tiyo? " maluha-luhang tanong niya. Naalala nya nung nakaraang taon nakapasigla pa nito. Nagyuko ng ulo ang asawa ng mama niya. "Anak, ayokong mag-alala ka, dagdag pa ako sa isipin mo, ang dami mo nang hirap na pinagdaanan. Ayoko nang dumagdag". "Ano bang sakit mo ma?" ang pumayat kayo e,kung alam ko lang sana, di sanay naging madalas ang pag-uwi ko dito". Dadalhin ko kayo sa Maynila doon kita ipapagamot". '' Ayokong maging abala sayo anak, alam kong hindi kapa nakakabawi sa pagkamatay ni lolo at lola mo ayoko naman na dagdagan pa ang bigat na pasan-pasan mo", Wala na nga akong magawa para sayo e, ." "Mama naman, ano bang sinasabi nyo?"tuluyan na siyang napaiyak, hindi niya lubos akalain na ganito ang sitwasyon na madadatnan niya , buong akala niya ay okay ang lahat sa kanila. Hindi siya umuwi ng isang taon, nagtiis siya para makapag ipon , malayo sa isip niyang ang dadatnan niya sa pag-uwi ang ay malubhang kagayan ng ina. " May butas ang puso niya Kaye", Nung nakaraang buwan ,.. nung ..nung unang makaramdam siya na naninikip ang kaniyang dibdib ang unang nakita ng doctor ay namamaga ang kaniyang puso.Pabalik -balik kami sa hospital, sabi ko sa kaniya na sabihin na sayo nung mga ilang buwan nang hindi bumubuti ang kaniyang lagay, pero ayaw niyang ipaalam sayo ." si Tiyo Joel niya ang sumagot.Hirap itong magbitaw ng salita siguro ay dahil sa emosyon,. "Nitong nakaraan nawawa..." "Tatay".- putol ng mama niya sa sasabihin ng asawa nito. "Nay, andito na si Kaye, karapatan na niyang malaman ang totoong nangyayare sayo., Anak mo din naman siya. May karapatan siyang malaman". "Ako na ang magsasabi sa kaniya Tatay Joel, magandang maipaliwanag kay Kaye ang kondisyon ni Tiyang".. Biglang singit ni Renz, nakatayo ito sa malapit sa pinto. . Bakit nga andito si Renz, anong ginagawa nito dito.,Tumango lang si Tiyo Joel, ang kaniyang ina ay pumasok sa kwarto, gusto niya sanang sundan ito pero agad siyang hinawakan ni Renz sa braso. "Pwede ba tayong mag-usap?"Mahinahong tanong nito sa kaniya.Hindi siya sumagot. , tumango lang siya ng bahagya.Nagpatiuna itong lumabas ng bahay , at humakbang papuntang sasakyan., hindi siya sumunod dito, nanatili lang siyang nakatayo sa may pinto.Nilingon siya nito. "Lets go". .Lumapit siya dito ng bahagya, kita niya ang ilan sa kanilang kapit bahay ay nakasilip sa bintana ng kani-kanilang bahay. " Bakit hindi nalang tayo dito mag-usap?" "Please Kaye, gusto lang kitang makausap." "Si Karen?"atubili niyang tanong. " Dont worry, She'll understand". Naiilang na pumasok siya ng sasakyan, kinabit niya ang seat belt, mahigpit ang pagkakahawak niya nyon. "Si Karen, baka kung ano ang isipin niya". " Dont worry for Karen, as I've told She'll understand." After naten mag-usap , susunduin ko siya."Tumango lang siya dito, at pinirmi niya ang tingin sa sasakyan. Makalipas nang ilang minuto ay narating nila ang bayan, tinigil ni Renz ang sasakyan sa isang restaurant , malapit ang street na yon sa may school na pinagtuturuan ni Karen. " Nagchat si Karen,susunod siya dito, tinatapos niya lang exam ng mga bata." Sabi ni Renz habang nakayuko sa cellphone nito.Nilingon siya nito". Hintayin nalang naten siya sa loob.? "Okay" Hindi na niya hinintay na alalayan siya nito, agad siyang bumaba ng sasakyan .Hindi parin maalis sa isip niya ang kaniyang mama, ayaw sana niya itong iwanan pero kelangan niyang sumama kay Renz para malaman ang totoo.Nang makapasok sa loob ng restaurant ay nakahanap agad sila ng mapuwestuhan, pinili niya ang pwesto nakadikit sa salamin na dingding para agad silang makita ni Karen mula sa labas kung sakaling dumating ito dahil hindi nman tinted ang dingding na salamin. Nilapitan sila ng waiter at hininge ang kanilang oorderin, hinayaan niyang si Renz ang umorder para sa kaniya. Nagsalin siya ng tubig sa baso na available sa mesa nila, uminom siya habang umuoorder si Renz, kanina pa siya nauuhaw talaga. "Ako ang Cardiologist ni Nanay Mercy." panimula ni Renz. " Sa totoo lang Kaye, kailangan na niya ng heart agarang operasyon. pero ayaw pumayag ni Nanay Mercy. Ilang beses na namin siyang kinumbinsi na simulan ang operasyon pero palagi siyang tumatanggi. Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung ano nagpipigil sa kaniya. "Gaano ka delikado ang kondisyon niya ngayon?Hindi mo ba inaadvise na ipaconfine?" "Sa ngayon nakakatulong ang gamot para maibsan ang sakit, pero lately napapadalas ang pagsugod sa kaniya sa hospital. ang kina kabahala ko baka bigla siyang mawalan ng malay.Nasilipan ko na ang pamamaga ng puso niya ay may butas na maliit pa naman pero malaki na ang risk factor nun. Tumulo ang luha niya dahil sa sinabi ng kaharap. " ano ang chance ng survival after operation"?Tanong habang himihikbi. Inabutan siya niyo ng panyo dahil wala man lang siyang.kadala dala kahit ano pag-alis nila ng bahay kanina. "May chance na makasurvibe siya Kaye, pero para sasabihin ko sayo ang resulta ng operasyon ay syempre nakadepende sa kung paano magrespond ang kaniyang katawan. Marami pa test ang kailangan niyang gawin beforw to proceed. Kailangan niyang dalhin sa Maynila.kulang ang facility dito para sa mga test na gagawin for her. " Mahabang paliwanag ni Renz. Isa -isang sinerve ang order ni Renz. Mayroong inihaw na Liempo. Daing na bangus at sinigang na hipon. Masarap ang amoy niyon at nakakagutom dahil walang ibang laman ang tiyan kaninang umaga kundi tinapay lang. Pero tila nawalan siyang gana kumain. " Kumain ka muna Kaye,. baka nagpapalipas kana naman ng gutom sa maynila". "Minsan, sobrang busy sa trabaho".Nag-angat ng mukha si Renz mula sa pagkakayuko mula sa kinakain nito at tiningnan siya sa mukha. Nakita niyang seryoso ito. "Just like old times?, Kaye napaka importante ang tamang pagkain sa tamang oras, " madiin ang pagkakalapat ng kilay nito. Kulang nalang mapang abot ang mga ito. "Minsan lang maman kapag maraming ginagawa". Napailing ito, at sumandok ng kanin at nilagay sa plato niya.naglagay din ito ng hipon, at liempo.Agad naman niya itong inawat. "Renz , ako na. ang dami na masyado baka hindi ko maubos".Awat niya dito. "Ubusin mo yan, mas payat ka ngayon compare nuon"Madiin nitong sambit. Nanahimik nalang siya at nagsimulang kumain. patapos na si Renz kumain pero nangangahalati palang ang plato niya. Ramdam niyang busog na siya pero kailangan niyang ubusin ang nasa pinggan niya kasi sayang. Ang daming pagkain nilagay ni Renz sa plato niya. Nang maramdaman halos masuka na siya ay binaba na niya ang kutsara tinidor.Inabot ang baso may laman tubig at. ... "Oopps, thats mine, eto sayo hindi malamig".Inabot sa kaniya ni Renz ang isang basong tubig na walang yelo.Hanggang ngayon alam naalala parin nito na ayaw niyang uminom ng malamig na tubig. " Salamat"., nilapag niya ang baso at nagpunas ng bibig gamit ang tissue na nasa ibabaw ng lamesa. "Are full already?" tanong ni Renz sa kaniya. Tumango siya at umayos ng upo. "Okay, uubusin ko ". Inabot nito ang plato niya pero inusod niya pabalik sa kaniya. " Ah hindi na, ipapabalot nalang naten mamaya ko kainin ulit sa bahay". "Kaye, iilang hiwa nalang yan oh at tatlong hipon nalang, nakakahiya kung babalutin pa. ubusin ko nalang sayang kesa itapon". Inabot ulit nito ang plato niya,. "Ah kasi nalawayan ko na yata yan, huwag na nakakahiya naman sayo at.. "And??"natatawa nitong sagot sa sinabi niya.tinusok ng tinidor ang liempo at sinubo. "Hindi na naman kasi tayo kagaya ng dati ". Hesitant siyang sabihin iyon, pero hindi siya pinansin ni Renz. patuloy parin ito sa pag-ubos sa natirang pagkain sa plato niya. Napasandal siya sa upuan at pinagmasdan ito. Malaki na ang pinagbago nito from 8 years ago, gumanda ang katawan at lalong kuminis ang balat.Kumurap-kurap siya at binaling ang tingin sa labas. Ilang saglit ay tapos na itong ubusin ang pagkain sa plato niya, wala itong tinira .Nagpunas ito ng bibiga pagkatapos uminom ng tubig.Biglang tumunog ang cellphone nito , agad naman nitong dinukot sa bulsa ng pantalon. "Si Karen ang tumatawag''. Tumango lang siya dito at muling binaling ang tingin sa labas. "Yes love, " hmm okay, tapos na kami kumain, ah okay , sure".. "Nang maibaba ang cellphone ay bumaling sa kaniya ng tingin si Renz, kanina pa naglunch si Karen, palabas na siya ng school maya mayang konti. " "Okay". Ku.kumain naba daw siya?" "Yes, bago siya nagpaexam naglunch na siya, kape nalang daw ang orderin ko sa kaniya". Tinawag nito ang waiter at agad naman itong lumapit. "pakiligpit nalang nito, at paserve nalang ng kape dalawa, yong isa mamaya na kapag dumating yong hinihintay namin". " okay po sir". "So, kamusta ka for the past eight years?"balita ko okay na okay ang career mo sa Maynila"?hmm, nababanggit lang ni Karen sakin".Napatitig siya dito, sa loob ng ilang taon na yon napapag-usapan din pala siya ng dalawa. Hindi sila halos nagkikitata o nagkakausap ni Karen kapag umuuwi siya sa bahay ng mama niya. Minsan kapag umuuwi siya , saktong wala ito or di kaya nagkukulong lang sa kwarto, pero madalas palagi itong wala kapag siya ay umuuwi. Hindi niya alam kung sadyang nagkataon lang o sinasadya tlaga nitong umalis kapag alam nitong dadalaw siya. "Ayos naman , swerte din ako sa trabaho,". matipid niyang sagot. Narinig niya ang buntunghininga ng lalaki.Mataman siya nitong tinitigan. " Kaye, I know wala akong karapatan na magsalita kasi nasaktan kita ng sobra, pero huwag mo sanang kalimutan na andito parin naman ako para sayo, I can be your friend, Im sorry kung for the past 8 years hindi man lang kita nakamusta, yon dahil feeling ko hindi ko deserve ang forgiveness mo. I know it's been too late already, but I am really sorry, and..". " That is all in the past Renz , I'm fine now, totally okay". "yeah I know, but still you deserve a sorry ", " Thank you, pero maniwala ka, okay na yon sakin, hindi ko naman siguro magawang umuwi sa bahay ni mama or sumama sayo dito kung alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay." Huwag mo akong alalahanin, ".Bahagya itong ngumiti at tumango,. Dumating ang order nitong kape at nilagay sa harapan niya ang isa. Sumimsim siya ng isa at bahagyang napapikit. Ilang sandali ay natanawan ko si Karen tumatawid galing sa kabila, nakita din siya ni Renz kaya naman tumayo ito para abangan ang babae sa labas.Sinalubong niya ito, at inalalayan pagpasok sa resturant.Magaan siyang nakatingin sa dalawa habang palapit ang mga ito sa kaniya. Pinaghila ni Renz si Karen ng upuan at tinawag ang waiter. "Hi'" mahinhin na bati nito sa kaniya. "Hi " Binati niya rin ito pabalik. Nginitian niya ito , gumanti naman ng ngiti sa kaniya si Karen pero halata niyang naiilang ito sa kaniya. " Kailan ka lang dumating?" tanong nito sa kaniya. "Ngayong tanghali lang, ". malungkot niyang tugon, nilalaro laro niya ng tinidor ang piece of cake na nasa paltito niya. " Palagay ko ay alam mo na ang kondisyon ni mama, ", ginanap nito ang kaniyang kamay." Im sorry Kaye, matagal ko nang gustong sabihin sayo pero ayaw niya pumayag. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kaniya para huwag ipaalam sayo. ako naman , naisip ko na hindi ako ang tamang tao na magsabi sayo, buti naman at naisipan mong umuwi, kasi kung nagtagal pa , baka luluwas na nga ako sa Maynila para sabihin sayo ang totoo". ani ni karen, pabalik -balik ang tingin nito sa kaniya at kay Renz. " Naintindihan ko, medyo na guguilty ako kasi matagal akong hindi ko man lang naisipang dumalaw, masyado akong naging busy". "Kahit anong gawin naming pangungumbinsi na sa maynila magpagamot kasi kompleto ang facility doon, ayaw niyang pumayag,Nung una nga ayaw niyang pumayag na si Renz ang titingin sa kaniya, sa Lucena pa kami lumuluwas nuon para patingnan siya, kasi ayaw niya sa hospital sa kung saan nakaduty si Renz, pumayag nalang siya nung huli kasi nahihirapan na din naman siya sa mahabang byahe." "Pipilitin ko siyang dalhin sa maynila, hindi ako babalik doon hanggat hindi siya pumapayag". "Mas maganda as soon as possible ay mailipat naten siya, marami akong kaibigan doon sa doctor na makakatulong ko para sa operasyon". "Ang kailangan naten gawin ngayon ay makumbinsi si mama Kaye, siguro ngayon andito kana nalaman mo na baka mabilis siyang makakapayag".tumango siya sa tinuran ni Karen, si Karen ay anak ng Tiyo Joel sa unang asawa, sanggol palang ito nang mamatay ang ina, matanda lang siya dito ng tatlong taon. Siya naman ay hindi niya alam kung sino ang tatay niya, ayaw sabihin ng kaniyang ina, pero kunsabagay hindi rin naman suya interesado makilala pa kung sino ang kaniyang ama,lumaki din siya sa poder ng kaniyang lolo at lola nung mga panahong ang kaniyang ina sa maynila nanirahan. Umuwi nalang ito isang sa bahay ng lola niya na ikakasal sa Tiyo Joel niya ang ama ni Karen. Napaka bata pa niya nuon para maintindihan ang takbo ng buhay. Dahil siguro sa pagmamahal ng kaniyang lolo at lola ay hindi niya masyadong naramdaman ang pangungulila sa magulang. Besides sanggol palang naman siya ay iniwanan na siya ng ina sa kaniyang lolo at lola. Nang matapos sila ay nagpasya na silang umuwi, nasa sala ang kaniyang ina nanunuod ng telebisyon, Binaba lang sila ni renz at umalis din dahil may pasyente pa itong kailangan ikutan.Nagbless si Karen sa ina at pumasok sa kwarto nito para magbihis.Lumapit siya sa ina at umupo sa tabi nito, ngumiti sa kaniya ang ina bagamat kita niya na hirap itong gumalaw. "Mabuti naman ay naisipan mong dumalaw, nagkausap naba kayo ni Mr.Andaya". "Hindi pa, yon sana ang aayusin ko kung bakit ako umuwi, pero iba ang nadatnan kong problema dito sa bahay, mas malaking problema pala", sagot niya sa ina,kumibot-kibot ang labi nito , at tumingin ng deretso sa kaniya. "alin ang malaking problema, itong sakit ko?hindi mo ako kailangan problemahin Kaye, kaya ko ang sarili ko". "Pero ma, nakausap ko si Renz kailangan mong pumunta sa maynila para magpagamot at para masimulan ang operasyon mo". "ano bang porsyentong pinangako niya sayo para mabuhay ako kung papayag akong magpa-opera?"tanong sa kaniya ng ina.Hindi agad siya nakasagot., Walang binigay si Renz na assurance pero malaki ang chance na madugtungan pa ang buhay ng mama niya. "Mama, ang kagaya ni Renz ay ginawang instrumento ng Diyos para sa pagpapagaling ng mga may sakit, malaki ang chance ng pag- galing mo kung susubukan naten, sumama kayo sakin sa Maynila may magandang pasilidad ang mga hospital doon para matingnan ka ng maayos." "naku anak huwag na, mag-aaksaya lang tayo ng panahon at pera, kagaya ng sa nangyari ky Aling Soledad, dinala na ng mga anak sa ibang bansa pero anong nangyare wala din naman e, napagod nalang yong katawan niya kaka paroon parito, ay tingnan mo nagastusan lang sila." "mama naman, bakit ayaw mo bigyan ng chance ang sarili mo para sa amin ha?" naiiyak niyang tanong sa ina, nakita niyang lumabas ng kwarto si Karen at umupo sa katapat na sofa,nakatingin ito sa knila . "Kelangan kong maniwala sa kakayahan ng mga doctor para gumaling kayo ma, dadalhin ko kayo sa Maynila pagbalik ko para masimulan ang mga test na kailangan gawin sayo para sa paghahanda sa operasyon." "magkano naman ang kakailanganin sa opera? Heart surgery yon , major operation. ibig sabihin milyones ang kailangan ihanda para maumpisahan ". "Huwag mo nang isipin yong gastos ma, gagawa ako ng paraan. May savings pa naman ako, " sagot niya dito. hinawakan niya ang kamay nito,"Please pumayag na kay oh". isipin nyo may kasalanan kayo sakin, tinago nyo sakin sa loob ng isang taon ang sakit nyo,okay na sakin kung nagagastos mo yong perang pambayad dapat sa lupa ni lolo at lola , ginamit mo naman yon para sa pagpapagamot mo, hindi ako galit ma". "Ma, sana naman ngayon ay pagbigyan nyo na kami, kahit ilang porsyento pa natitira ilalaban ka namin, ang pera nandiyan lang yan, madali lang yan kitain, mahalaga ay ikaw, " singit ni Karen sa usapan nila, tumango-tango siya dito at muling binalik ang tingin sa ina. "At paano si Justin dito? Sino ang mag-aasikaso sa kaniya. ?Syempre hindi maaring hindi kasama si papa, sino makakasama ko doon kung nsa trabaho ka"? tanong ng ama niya, kay Karen ito nakatingin. "Ma, ako ang bahala kay Justin, malapit lang naman ang school niya sa tinuturuan ko, sabay kaming papsok sa umaga at pwede siyang dumiretso sakin doon after klase niya sabay na kami pauwi dito or kapag ako ang nauna lumabas susunduin ko siya sa school niya".paniniguro ni Karen sa ina. "At paano mo naman maasikaso ang kasal nyo ni Renz kung may iniintindi ka?'" Napatingin siya kay Karen dahil sa tinuran ng mama niya , may plano na pala ito at si Renz magpakasal,Nakaramdam siya ng kaunting kirot, pero agad din naman niyang binura. Past is past ika nga, naka move on na siya, okay na siya, at isa pa napakatagal na nuon, alam niya sa sarili niyang totally nakamove on na siya.Isang patunay ay nagawa na niyang harapan si Karen at kausapin ng harapan hindi kagaya nuon.Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ito ng mukha, may pag-aalala sa mukha nito ng tumingin sa kaniya.Alam niya ang ibig sabihin niyon.Ngumiti siya dito at tumango. "pag..ipag-paliban po muna namin ni Renz ang kasal ma, ikaw ang priority sa ngayon ". mahinang boses na sagot ni Karen sa mama niya. Binawi ng mama niya ang tingin dito at tumingin sa malayo.Ilang sandali ay muli itong nagsalita. "Ito na nga ang sinasabi ko kay papa mo, na hindi nyo pwedeng itigil ang buhay nyo dahil sakin, ipagpatuloy nyo kung ano ang nakaplano , hindi ako hadlang para magawa nyo dapat para sa mga sarili nyo Karen.". Pagkatapos ay bumaling ang ina sa kanya. "Ikaw ang panganay ko pero , napabayaan kita, ngayon ko lang natutunan ang pagkakamali ko na sobra pala kitang napabayaan Kaye, dahil mas pinabayaan kong umusbong ang galit ko sa ama mo, ikaw ang napagbuntunan ko, Pinabayaan kita, iniwanan kita kay lola at lolo mo, pero nung mawala sila sa buhay naten doon ko nakita kung gaano ka nag struggle sa buhay, pero sa kabila ng yon, wala ka man lang naging reaksyon, okay parin sayo lahat.Si Karen, hindi, hindi ko tunay na anak pero nung dumating siya sa buhay ko mas nabigyan ko siya ng pagmamahal at atensyon kesa sayo na anak ko, Siguro nung mga panahon yon na dapat yong pagrerebelde na gusto ko iparamdam sa papa mo, ikaw ang nagsuffer, tapos ngayon ito, ito ngayon ang karma ko, ." Humagulhol ang ina dahil sa mga sinabi nito. Masakit ang lalamunan na tumingin siya dito. Pinipigilan niya ang umiyak ,hindi ito ang panahon para magsisihan. at isa sa kaniya naman ay walang kaso ang ginawa ng mama niya. Naintindihan niya ngayon kung bakit nagawa nito iyon sa kaniya. Alam niyang hindi naman nito sinasadya, nadala lang siguro ito sa galit na kinimkim para sa kanyang ama. "Mama wala naman akong sinisisi kahit sino dahil nakaramdam ako ng sakit o paghihirap sa buhay.,Dahil sa mga naranasan ko ito ako ngayon mas matibay ako ma. " Ngumiti siya dito para iparamdam na hindi niya ininda ang anomang pasakit na naexperience niya nuon. "Wala kang pagkukulang sakin mama, napunan naman yon ni lolo at lola, saka promise wala akong tinatanim na sama ng loob kahit kanino man". Tumingin siya kay Karen, at nabasa niya sa mga mata na may guilt feelings ito.pinasaya niya ang boses para iparating sa mga ito na walang problema sa kaniya. "oh kita mo naman, naging maayos ang buhay ko. masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Kung iniisip nyo na baka nagkimkim ako ng galit or sama ng loob hindi ha". "Sorry anak, ganito yata siguro kapag malapit nang magtapos ang buhay, madaming realization sa sarili. Regrets,pagsisisi. Pero sa kabila ng lahat proud ako sayo, kasi nakaya mo kahit ikaw lang mag-isa. Madami kanang napatunayan na walang ibang tumulong sayo kundi sarili mo lang.,sobrang nakakatuwa ka.". "yon na nga mama, sayo na mismo nang galing na kaya ko. Kaya sana maniwala ka sakin na may pag-asa kapa sa sakit mo. Paniwalaan mo rin ang sarili mong kaya mong labanan yan". Malungkot na tumingin sa kaniya ang ina. "Yong magagastos paano?alam kong wala ka gasinong ipon kasi katatapos lang ng salary loan mo nung magkasakit ng sunod sunod si lolo mo at si lola. Tapos may balanse pa sa lupa, kung hindi ako nagkaganito di sanany kaunti nalang yon." "Huwag nyo na nga ho isipin yon ma, magagawan ho yan ng paraan", madaming paraan kung pera lang din ang inisip mo." " Ang mabuti pa Mercy ikay magpahinga , Huwag masyadong mag-isip, gagawa ng paraan ang panginoon kung paano malalagpasan ang sitwasyon na to. Ang isipin mo ay ang gumaling ka, para naman din magkaroon ang katahimikan sa part ng mga bata".Napalingon sila sa likod ng biglang magsalita si Tiyo Joel.Nasa kusina lang ito nung dumating sila ni Karen. Hindi malayong narinig nito ang naging usapan nila sa salas.Nilapitan nito ang asawa at inabutan ng mga nakahiwang prutas. "Kainin mo muna yan ,pagkatapos ay magpahinga ka sa kwarto, ako ay sasaglit sa palaisdaan titingnan ko ang sitwasyon na doon". "Mabuti pa nga ma, habang nagpapahinga ka maghahanda kami ni Kaye para sa hapunan. " Tumango ang ina at nagsimulang sumubo ng prutas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD