Chaptet 7

5000 Words
Reighn Kerstin POV "Bakit kailangan nyong iurong ang kasal nyo ni Renz?" mula sa paghuhugas ng bigas sa lababo ay nag-angat ng tingin si Karen. siya naman ay nasa kabilang side ng kusina naghihiwa ng mga gulay para sa sinabawan na isda. "Feeling ko kasi hindi pa ito ang tamang panahon". sagot ni Karen na umabot lang ng bahagya sa pandinig, dahil sa hina ng boses nito. "Bakit mo naman naisip yan?" "Gusto ko kasi muna i prioritize si mama,at bigay respeto narin sayo. ". "Bakit mo naman ako nakasali diyan sa bumabagabag sayo? Alam mo Karen, kayo ni Renz ang taga tadhana sa isat isa at hindi kaming dalawa.Matagal nang nagpropose si Renz sayo?"Tumango ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Sinalang nito ang kaldero sa kalan at sinindihan yon. Pagkuway humarap ito sa kaniya. "Ayaw kong isipin mo na sinadya ko ang mga nangyare?Hindi ko rin maintindihan Kaye, pero iba ang dating ni Renz sakin?"Hindi ko maiwasan na magkaroon ng guilt feelings kasi unang una yon nga kagaya ng sinabi ni mama ,mas nabigyan niya ako ng atensyon,and then lumalabas pa na parang inagaw ko sayo si Renz. ". Nakakaintinding ngumiti siya dito. "Lahat ng nangyare ay hindi sinadya, o ginusto ng sinoman sa atin Karen., Marahil yon ay isang paalala sakin na mayroong nakalaan para sakin kaya hinayaan ng Diyos na mangyare yon. Oo, nasaktan ako, nung una nagalit sayo, nagtanim ng sama ng loob, pero sa ilang taon na inilayo ko sa sarili ko marami akong naintindihan ng higit pa doon sa nararamdaman ko. " "Salamat Kaye, napakabuti mo parin kahit nung mga panahong yon sobra kang nasaktan", Napakapalad ng magiging boyfriend mo". "Wala pa sa isip ko yan. madami pa akong kailangan ayusin, si mama. Yong lupa ni Lolo at ni Lola. . " "Kaye, hindi kana din bumabata, isipin mo rin ang sarili mo. Kailangan mo nang makakasama sa buhay no?wala kapa bang napupusuan sa maynila?sa trabaho mo?? "Naku, wala. iba ang priority ko talaga, ewan pero siguro dahil hindi ko parin nakikita ang lalaki makakasama ko at tsaka hindi naman ako nagmamadali e. " "Sabagay tama ka. kailangan kapag dumating na yong lalaking yon siya na dapat ang magiging asawa mo."Ngumiti sa kaniya si Karen,. Pagkatapos nilang maghapunan pumasok siya sa banyo para maligo, kanina pa siya nanglalagkit. Naulinigan niyang may kausap ang kaniyang Tiyo Joel sa labas, narinig niya binanggit ng mga ito ang kaniyang pangalan.Nasa kusina ang banyo kaya hindi niya masyadong narinig ang pinag-usapan ng mga ito.Nagmadali siyang tapusin ang paliligo, dinala na niya ang damit na pamalit sa banyo para doon na rin magbihis.Habang nagtatagal ang pag-uusap ng bisita sa labas ay naulinigan niyang lumakas ang boses nung bisita. Dali-dali niyang binalot ang buhok na basa ng tuwalya at lumabas ng banyo. "Hindi naman pwedeng hindi kayo magbayad, hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganyan ka Mercy, kung ganyan pala di sanay hindi ko nalang binenta pabalik sa inyo ang lupa.Maraming mayayaman na interesado bilhin yon sa mas malaking halaga, naawa lang ako sa inyo kasi mpamana yon sa inyo. Tapos ngayon ako pa ang palalabasin nyo na hindi marunong umintindi sa sitwasyon nyo?" Mataas na boses ang narinig niya ng nagsasalita pagbukas ng pinto ng banyo, mabibilis ang hakbang niya papuntang sala, naabutan nya doon ang kanyang ina, si Tiyo Joel at si Karen. Nakahawak si Karen sa balikat ng kaniyang ina.Inaalalayan nito iyon umupa sa sofa.Si tiyo Joel ay natayong nakaharap kay Mr.Andaya. "anong nangyayare dito"? lumapit siya sa tabi ng ina, nakita niyang umiiyak ito. ''yon naman pala, mabuti naman at andito na ang anak mo Mercy, baka ito may mapala ako dito kaysa sayo''. Nakangisi itong habang nakatingin sa kaniya.. "Mr.Andaya, huwag ho kayo manggulo dito, balak ko naman talagang pumunta sa opisina mo bukas, kararating ko lang ngayong araw.Iaabot ko ho sa inyo sa balanse sa lupa, para makuha ko din ho ang titulo.Huwag ho kayong manggulo dito" "Hindi ako nanggugulo dito iha, nabalitaan ko lang na dumating ka, kaya naisip ko na mas maige sigurong ikaw ang kausapin ko, puro pangako kasi tong nanay mo, wala naman palang kapasidad magbayad". Tila nababanas nitong sabi, at masama ang tingin na pinukol nito sa kanyang ina, agad niyang hinawakan ang mama niya sa balikat nang akmang sasagot ito dito, Hinimas niya ang likod nito para ipaalam na hindi na nito kailangang sumagot. Baka lumaki lang lalo ang gulo, "Sige na ho, ako na ang bahala, hintayin nyo ako bukas sa opisina nyo, andon na ako ng alas nueve ng umaga., kung maari lang ho kayo ay makakaalis na kailangan ng magpahinga ni nanay. "pagtataboy niya dito. "Iha, huling punta ko na dito, kapag hindi pa kayo tumupad sa usapan ,pasensyahan tayo ha". pagbabanta nito sa kanila, inisa-isa pa sila nitong tiningnan at tuluyag lumabas ng bahay.Napahugot siya ng malalim na hininga,. "Pumasok na kayo sa kwarto nay at magpahinga na ho kayo, hindi ho maganda sa inyo ang mapuyat ", sige na ho Tiyo.Tumago ito, nakita niyang si Karen ay pumasok na rin sa kwarto nito. Bago siya matulog, hinanda niya ang kailangang dalhin sa opisina ni Mr.Andaya, bago siya lumuwas pauwi ng Bicol ay dumaan siya ng bangko at nagwithdraw ng pera. Halos masimot ang kaniyang ipon at nabawasan na rin ang kaniyang emergency funds.Ang natira sa kanaiyang emergency funds ay gagamitin niya para masimulan ang gamutan ng kaniyang ina sa Maynila.Naisip niyang sa bahay niya ito patitirahin habang naroon, para makatipid at para monitor niya araw araw. Alas otso y media ng umaga dumating si Reighn sa opisina ni mr.Andaya sa bayan, kabubukas lang ng mga ito pero may pailang-ilan tao na rin ang nandon, nag-mamay-ari ito ng lending company at tumatanggap ng arendo o sangla , gaya ng lupa at ibang ari-arian. Nagulat siya na naroon na si Mr.Andaya nang ganito kaaga, mukhang inabangan siya nitong dumating .sinalubong siya nito agad ng makita siyang papasok sa building. "Good Morning, Miss Alvarez, natutuwa ako at tumupad ka sa usapan, hindi nga ako nagkamali ikaw ang kausapin ko." dito tayo sa opisin ako."Tumigil siya sa paghakbang nang iginiya siya nitong pumasok sa isang pinto doon. Nagtaka siya kung bakit kailangan doon siya nito kausapin at isa magbabayad lang naman siya, hindi naman siya makikipag negotiate dito. "Bakit ho diyan? may available ka namang transaction sa cashier mo oh", turo niya sa babaeng nasa my bintana.Window transaction lang naman ito dahil magbabayad lang naman ako at ibibigay nyo lang naman sakin ang titulo ng lupa ni lolo diba?" may pagdududa niyang tanong nito. "Ah uu , pero meron kasi akong iooffer sayo para mabawas-bawasan ang balance mo kasi sa tingin ko naman ay madali kang kausap." anito at bahagyang nakatawa habang nagsasalita.Iba din ang tingin na pinupukol nito sa kaniya. Hindi siya sumunod dito , lumapit siya sa cashier pero tumanggi itong i-process ang bayad niya dahil si Mr.Andaya ang kakausap sa kaniya. Nakangisi ang matanda sa kaniya nung lumingon siya dito.Salubong ang kilay na lumapit dito. Agad na binuksan ng matanda ang pintuan at pinapasok siya.Umikot ito sa may lamesa at umupo sa swivel chair nito. "Hindi na ako uupo Mr.Andaya, kailangan kong umuwi agad pagkatapos ko dito, bibili pa ako ng gamot ni mama". "Oh well, nabalitaan ko kasi na nangangailangan kayo, ang mama mo ng malaking halaga para sa kaniyang pag-papagamot, ". panimula nito, bahagyang umangat ang kaniyang kilay dahil sa sinabi nito. "May pagkatsismosa ang matandang to" aniya sa isip. "naisip ko lang na pwede namang hindi mo na bayaran ang perang balanse ng lupa para yong pera na dapat ay pambayad mo sakin ay maipapagamot nalang ni Mercy". Tuluyang umangat ag dalawa niyang kilay dahil sa sinabi nito., kinakabahan siya sa kahihintnan ng pag-uusap nila ni Mr.Andaya pero wala naman choice ,kelangan niya itong kausapin para matapos na ang problema niya dito, ayaw na din naman niya itong makausap kahit kailan. "Deretsohin nyo ako Mr.Andaya, kaya ho ako pumunta dito ng maaga parin ho matapos agad makauwi ng maaga". Medyo mataray niyang salungat sa sinasabi nito. Nakaramdam siya ng kaunting inis sa kausap. "Pumapayag akong hindi mo na babayaran ang balanse pero, kailangan mong pumayag sa gusto ko". Hinagod siya nito ng tingin mula taas pababa, tingin na tipong hinuhubaran siya, napahigpit ang kapit niya sa bag na nakasukbit sa balikat niya, sana pala sinama niya man lang si Karen. "Be my woman in bed Miss Alvarez, solve kana sa problema mo, mapupunta pa sayo ang lupa na pamana sayo ng lolo at lola mo", nakangisi ito habang nakatitig sa mukha niya, hinihintay nito kung ano magiging reaksyon niya. "Mr.Andaya, pumunta ako dito para makipag areglo, para sabihin ko sa inyo, may nakahanda akong pambayad para sa balanse ng lupa, hindi ako pumunta dito para makipag lokohan sa inyo".nagtagis ang panga niya sa matinding galit na naramdaman ngayon, anong tingin nito sa kaniya. Kahit pa siguro siya na ang pinaka mahirap na tao sa ibabaw ng lupa hinding-hindi siya papatol dito.Matalim ang tingin na pinukol niya dito ng hindi parin ito binabawi ang tingin sa kaniya. " Napaka ipokrita mo naman, napaka arte mo, akala mo naman kung sino kana, nagtrabaho ka lang sa maynila ang yabang mo na magsalita, bakit ano bang trabaho mo don? GRO?" nanunuyang tanong nito sa kaniya, hindi na siya nakapagpigil at sinugod niya ito, dinampot niya ang librong nasa ibabaw ang lamesa nito binato niya ito sa kaharap.Patawarin nawa siya ng panginoon, unang beses niya itong ginawa sa kapwa, lalo na at ang kaharap ay mas may edad sa kaniya, matanda lang ito ng ilang sa kaniyang ina kung tutuusin.Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang galit na nararmadaman, "Wala akong oras para idiscuss sa inyo ang personal kong buhay Mr.Andaya, at wala kang pakialam sa buhay ko, sa buhay namin, kahit na siguro ikaw kahuli-hulihang tao na pwede naming mahingan ng tulong ay hindi namin gagawin, dahil ayaw namin na mabahiran ng kasamaan ang pagkatao namin kung makipaglapit kami sa inyo." she greeted her teeth malakas ang boses at wala siyang pakialam kung narinig man sa siya sa labas ng mga tao, mas maige nga yon para malaman ng mga tao sa labas kung gaano ak demonyo ang taong sa tingin nila ay mabuti kapag kaharap sila. Lumabas siya ng opisina ng matanda at dumiretso sa babae nakapwesto sa cashier. "Miss, kailangan mo akong unahin baka makalimot ako sa sarili ko, mabalikan ko yang amo, baka mapatay ko yan,nang manyak niya", madiin utos niya sa babae, agad naman itong sumunod ng makita ang galit na nakarehistro sa mukha niya, nanginig ang kamay na nilabas sa bag na dala ang perang pambayad niya., Pagkatapos iabot ang pera ay binilang nito yon ng mabilis ,inabot sa kniya ang titulo ng lupa, hindi niya mapigilan na pumatak ang luha pisnge habang hawak-hawak ang kapirasong papel na iyon. pinasok niya ito sa loob ng bag at tuluyang umalis sa lugar na yon. May nadaanan siyang tindahan bumili niya ng tubig, kailangan niyang kumalma.Pumara siya ng jeep at sumakay pauwi sa bahay ng mama niya. Pagbaba niya ng jeep ay may namataan siyang ambulance malapit sa bahay ng ina, kumabog ang dibdib niya at lakad takbo ang ginawa niya , nasa pintuan palang siya ng bahay at nakita niya may ibang tao ang nasa loob, nakita niyang umiiyak si Justin na nakaupo sa may salas, tumakbo ito sa kaniya at yumakap. "Anong nangyayare?" tanong niya sa mga naroon , hinanap niya ang kaniyang mama, tumakbo siya sa kawarto ng mga ito habang hawak sa kamay si Justin.Nadatnan niyang naroon si Renz at dalawang babaeng nakaunifrom na pang nurse, nilalagyan ni Renz ng oxygen ang mama niya, si Karen ay nasa gilid at tahimik lang, si tiyo Joel ay nasa tabi ng kaniyang ina hawak hawak ang kamay. Nakita niyang habol ang hininga ng mama niya, kumalam lang ito nang tuluyang maikabit ang oxygen. "Renz, anong nangyayari sa mama?" tanong niya. hinarap siya nito at bumuntong hininga. "Sa labas naten ,pag-uusapan RK, doon muna tayo sa sala.Nagpatiuna itong lumabas ng kwarto, si mama ay naiwan sa dalawang nurse na nasa loob. "kailangan naten siyang dalhin sa maynila RK ngayon mismo, kaya may ambulance na nakaparada sa labas " panimula ni Renz. "tinawagan ako ni Karen dahil kanina ilang minuto lang pagkaalis mo ay nawalan siya ng malay habang kinakapos ng hininga., ito yong sinasabi ko sainyo nuon na kapag hindi ito maagapan maaring mas malaki ang magiging komplikasyon or worst alam nyo na". "Ano ba ang lagay niya ngayon Renz?" "nabigyan ko naman siya ng first aid agad, kaya kumalma na siya ulit, mabuti nalang din at mabilis akong nakarating dito," "Kapag naulit ulit ito baka hindi na siya magising at tuluyan nang maging unconcious, ".Ihanda nyo na ang mga gamit kailangan naten tumulak papuntang Maynila hanggat may araw pa, mahirap kung aabutin tayo ng gabi sa daan."Tumingon ito kay Karen ang nagtagal ang tingin nito doon, tumango naman ang kapatid niya at pumasok ulit sa kwarto ng ina, sumunod siya at tinulungan niya itong ayusin ang mga dadalhin,sa totoo lang siya ay nashock at halos manghina dahil sa biglaang pangyayare pero tinatagan niya ang sarili, mabuti nalang siya ay matatag at matapanga ng personality mabilis siyang makarecover ang emosyon niya. Nang matapos sa gamit ng ina ay inayos naman ni Karen ang gamit na dadalhin para sa ama, hinayaan niya lang yon. "Karen, si Justin isasama nalang siguro muna sa maynila, kawawa naman baka manibago ang bata kung iiwanan lang dito , bakasyon na naman sila diba?" "Okay lang ba sayo?ibig kong sabihin hindi ba mahirap sayo? may trabaho ka doon". "Okay lang, kapag nasa hospital sila mama at tiyo Joel sa bahay muna sya, ihahabilin ko nalang sa kpitabahy kung ayaw na niya mag stay sa hospital". "Sige, kapag natapos ko na yong grades ng mga bata, may bakasyon din naman ako ng dalawang buwan, susunod ako doon para naman may kahalinhinan ka", "Salamat Karen" ngumiti ito sa kaniya ang pinagpatuloy ang ginagawa. Isang oras din ang ginugol nila sa pagliligpit ng mga dadalhin at nakakarga na sa sasakyan, si Renz ay may tsini-check sa loob ng ambulance, nang masigurong okay na, nagpatulong ito sa driver na tulungan siyang iaakyat si mama sa loob . nang masigurong maayos na nag pwesto ng ina ay sumakay na din sila, nasa unahang bahagi ang si Renz at sa kabilang side ang dalawang nurse, nasa dulong bahagi nman sila ni Justin at si Tiyo Joel niya, tahimik lang ang mga ito. Tumango si Renz kay karen at sinabihan ang driver na pwede na silang umalis, ang mama niya ay mahimbing na natutulog, ayon kay Renz epekto yon ng gamot na tinurok niya dito, nang sipatin niya ang monitor ay stable naman ang vital signs nito, nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Tahimik lang sila sa byahe, maliban kay Justin na panay ang tanong. "Ate , gagamutin naba ulit si mama"? " Yes bunso, dadalhin naten siya sa hospital sa maynila para mas masuri siya ng maayos,magagaling din ang mga doctor doon at malalaki ang hospital mas ay kakayahan silang pagalingin si mama" sagot niya dito. "Talaga ate, gagaling na si mama?yong mga doctor ba doon mas magaling pa kay Kuya Renz?" inosente nitong tanong, natawa si Renz sa tanong ng kapatid. "Magaling si Kuya Renz a, magagaling lahat ng doctor, kailangan lang naten si mama dalhin sa mynila para sa mas mabilis niyang gamutan". "hmm, talaga ba?Gusto ko gumaling na si mama ate, para hindi ko na siya makikitang umiiyak, paglaki ko ate gusto ko din maging doctor kagaya ni kuya Renz , kapag nangyari yon ako na ang gagamot sa inyo lahat". "magandang profession yang naisip mo maging paglaki mo Justin, ipagpatuloy mo yan pangarap mo para dalawa tayong doctor sa pamilya".nakangiting sagot nito sa kainosentehan ng kapatid, ngumiti siya dito at nagpasalamat. "Justin, huwag ka masyadong maingay baka magising si mama, sa halip na tayo ay matutuloy sa maynila baka mag yaya yan ng uwi agad", saway ni Tiyo Joel niya sa anak.Tumahimik naman ito at yumupyop sa balikat niya, marahil ay inaantok. Dapit hapon na ng makarating sila sa maynila, sa St.Lukes sila dinala ni Renz, sa emergency dumiretso ang ambulance, gising na nag mama niya ng makarating sila, panay ang tanong nito kung saan nila ito dinala. Nakaalalay si Renz at ang dalawang nurse sa stretcher habang binababa ang mama niya mula sa sasakyan,pati na rin ang dalawang nurse na naroon, nang makapasok sa loob ng emergency room ay iniwanan muna sila ni Renz, natatabingan lang sila ng mga green na kurtina sa loob.Si Justin ay hindi niya binibitawan ang kamay., mabuti nalang at hindi na ito naglilikot.Si Tiyo Joel ay hindi umaalis sa tabi ng kaniyang mama. Makaraan ng ilang sandali ay bumalik si Renz at may kasama itong lalakig nakasuot ng coat na puti, nakafacemask ito , tiningnan agad nito ang kaniyang mama at kinakausap, hawak nito sa kamay ang medical record ng mama niya na dala -dala ani Renz kanina. "okay, so based dito sa medical record ng pasyente ay kailangan muna niyang mag -undergo ng series of tests para malaman naten kung kaya na niyang mag-undergo ng major operation ," kausap sa kanila ng doctor , tumigil itong magsalita ng bumaling sa kaniya ang tingin. "Reign right"? turo nito sa kniya .Kumunot ang noo niya, kilala siya nito? Natawa nag doctor ng magets nitong hindi niya ito kilala, kaya naman naghubad ito ng facemask, saka pala niya ito maalala ng masilayan ang mukha nito. "Jacob??" " Haha yes, oh sa mother mo ang pasyente". "Oo, i..ikaw ang surgeon na sinasabi ni Renz?"tumango ito sa kniya at ngumiti. "Magkakilala kayo?" tanong ni Renz sa kanila. "hmm, yes few weeks ago, I just met her sa park, " casual na sagot ni Jacob kay Renz ng hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "oh wow, literal na small world", natatawang tugon ni Renz, , natawa rin si Jacob . " Kailangan naba ni mama i-confine ngayon?" tanong niya sa mga ito, " Hindi pa naman, mayroon lang akong dalawang test na gagawin ngayon then pwede nyo na muna siya iuwi, pero Bicol pa nanggaling ang pasyente diba, mahirap kung pabalik balik siya punta roon at dito" baling nito kay Renz. "hmm may bahay naman ako dito, malapit lang dito sa hospital, doon sila mama mag stay", agad niyang sagot. "Much better, so gagawin ko na ang test ngayon para makauwi agad ", tumawag ito ng dalawang nurse at nagbigay ng instruction kung saan dadalhin si mama.Naiwan sila sa emergency room si Renz ay sumama kay Jacob sa loob. Makalipas ang dalawang oras nakabalik na ang ina sa emergency room, kasama nito ni Renz pero wala si Jacob,. " Kaye, kailangan ko nang umalis, naendorse ko na si nanay mercy kay Jacob, siya na ang bahala sa inyo dito, huwag kang mag-alala your in good hands, nanay mercy is in good hands, nakamonitor parin naman ako ,at nandito ako sa araw ng kaniyang operation, ako ang kasama ni Jacob sa loob ng operating room". "Salamat ng marami Renz, gabi na , kumain na kaya muna tayo sa bahay, ". magtake out nalang ako pagkain kasi hindi naman pwedeng magtagal si mama sa labas" "Hindi, wala akong sasakyan na dala, kailangan kong sumabay sa ambulance pabalik ng Bicol, hindi ako pwedeng magpabukas kasi kakailanganin ang sasakyan at may mga pasyente din akong naghihintay sakin" ''Sure kaba"? "Yes, sa daan na kami kakain, yong dalawang nurse hindi parin kumakain, hintayin ko nalang si Jacob saka ako aalis, nasa opisina pa niya siya may kinukuha lang". Ilang minutong paghihintay dumating si Jacob , nag-usap muna ang dalawa at bumaling sa kanila,. "Monday lalabas ang resulta ng test niya ngayon, then after nun kapag okay, proceed tayo sa susunod na test, tatawag nalang ako sayo Reighn, binigay ni Renz ang numero mo kung ano ang resulta". "Okay salamat Jacob,". "Sige, hinatayin nyo ako sa lobby kukuhanin ko lang ang sasakyan, ihahatid ko na kayo sa bahay mo". "ha, pero, nakakhiya kasi", may taxi naman". "ano kaba, okay lang, matalik kong kaibigan si Renz, nakakahiya kung pababayaan ko kayo, saka magkaibigan na din naman tayo ha,?"bumaling ito sa mama niya, bago pa siya makasagot. " Nanay Mercy, hintayin lang naten ang resulta ang dalawang test na ginawa naten kanina, kapag okay ang resulta balik tayo dito para sa susunod na test ha, huwag na kayo masyadong mag-isap dahil baka kakapusin na naman kayo ng hininga, Nilingon sila nito at nagbilin sa kanila. "By the way, iwasan naten sa pasyente ang mapagod, mag-alala, too much emotion will trigger tension , resulta ng paninikip ang dibdib niya at kakapusin na niyang paghinga, kaya as much as possible tayong mga kasama niya lalo sa bahay iwasan naten yong time o sitwasyon para magtrigger ng tension sa pasyente".Tumango sila dito. "okay, so sa lobby nyo nalang ako hintayin, nanay mercy dahan dahan ha ng bangon, ililipat tayo sa wellchair, ."inalalayan ang ina ni Renz at Jacob para makaupo sa wellchair, ng masiguro komportable ay tinulak ni Tiyo Joel at tumungo na sila sa lobby, si Jacob ay dumiretso sa parking lot para kukunin ang sasakyan nito, nahihiya sana siya, pero kailang ni mama niya maging komportable,.Kaya tinanggap nalang niya ang offer nito. Nagpaalam si Renz sa kanila, hinatid niya ito sa labas ng hospital, ang ambulance na sasakyan nito pabalik ang nakaparada sa harap ng emergency room sa gilid lang ng lobby ng hospital,Hindi niya mapigilan na yakapin ito para ipadama ang taos puso niyang pasasalamat. "Salamat ng marami Renz, " naiiyak niyang sambit. "ano kaba, hindi mo kailangan magpasalamat, sinabi ko naman sayo nandito parin ako para sayo bilang kaibigan , masasandalan anytime".Hindi nakaligtas dito ang ilang luhang pumatak sa pisnge niya,pinunasan nito iyon gamit ang daliri, marahan nitong hinaplos kaniyang mukha. " oh, kilala kitang palaban, hindi ako sanay na nakikita kitang umiiyak, everything''s gonna be alright, I'm just here for you, me and Karen, Nanay Mercy is in good hands, kaya nga pinilit ko talagang mailipat siya dito diba" magaan nitong kausap sa kaniya. " Yeah I know, Thank you for doing this for mama". "sshh, dont mention that sweetheart, ginagawa ko to para makabawi man lang sayo for over the years na wala akong lakas ng loob para lapitan ka, kamustahin ka, and syempre para rin naman kay nanay Mercy, you know naman she is a mother to me too."Tumango siya at muling yumakap dito, oo nasaktan siya ni Renz nuon, but she realized na kung ano man ang meron sila is just platonic love , mahal niya ito bilang kaibigan at masaya na siya malaman na okay ang relasyon nito with Karen. "oh siya, baka bumaha ang luha mo dito kapag magtagal pa ako, but please magpakakatatag ka sweet heart, this is just termporary malalagpasan din naten ang crisis na to okay?.Tumango siya at kumalas ng yakap dito. " huwag mong ipakita kay nanay Mercy na natatakot ka, na umiiyak ka at nag-aalala., remember ang bilin ni Jacob kanina"? "oo, promise, sabi mo nga palaban ako diba?'' "yeah , yeah,". so, you okay now? pwede na ba akong umalis? " " hehe, okay, mag-iingat kayo sa daan, gabi na." si Karen daw pupunta dito after mag ayos ng grades ng mga bata". " Yes, ihahatid ko siya dito kapag pwede na siyang lumuwas". " hmm, okay good", sige ingat kayo, ". " Yeah thanks, you go inside first", She smirked and turned back, alam nyang hindi ito aalis hanggat nasa labas pa siya. Pagkarating niya sa lobby ng hospital si Jacob nalang ang naabutan niya, mukhang hinihintay siya. " Nasa loob na sila ng sasakyan ". " hmm, okay, hinatid ko lang si Renz sa labas".tumango-tango ito. " okay lets go, " Sa tabi siya ni Jacob umupo, ang mama niya at si Tiyo Joel nasa likod, nayupyop si Justin sa ama nito. Sinabi niya kay Jacob na dumaan sa restaurant para makapagtake out ng pagkain. Nang makarating sa bahay niya, tinulungan nitong si Tiyo Joel niya na alalayan ang mama niya papasok sa loob, si Justin naman ay ginigising niya.. Inanyayahan niya si Jacob na doon na maghapunan na pinaulakan naman nito. Tinulungan siya nitong maghain kahit na tumanggi siya. Magaan kausap ang lalaki , kaya naman mabilis niyang napagpalagayan ng loob, bibihira yon sa kagaya niyang hindi naman nakikipag usap kahit kanino, lalo na sa opposite sex.Hindi nagkakalayo ang personality ng dalawa at ni Renz, kaya siguro naging magkaibigan ang mga ito. "Matagal kanang nakatira dito?" tanong ni Jacob sa kaniya. "Oo, ito ang first investment ko dito sa maynila, I purchased this after 2 years ng pagtatrabaho dito , hindi ito cash ha? hindi ko kaya cash, hinu-hulugan ko parin to hanggang ngayon." napatawa si Jacob sa kaniya. " Wow, ang galing mo, in just 2 years naacquire mo ito, ibig sabihin niyan masinop ka talaga sa pera". "Ganun na nga, kailangan may patutunguhan ang perang kinikita, hindi naman ako anak mayaman para hindi maintindihan kung gaano kahirap ang buhay". sagot niya nito,napatigil siya sa ginagawa ng mapansin nakatitig ito sa kniya. "bakit"? may mali ba sa sinabi ko"? tanong niya, nireprocess niya agad ang sinabi kung may nasabi siyang mali.,ngumiti ito sa kaniya. " Wala, naimpressed lang ako sayo, hmm, kasi dito sa maynila karamihan sa mag kilala kong career woman walang inaatuoag kundi luxuries , mamahaling bagay, gala dito gala doon, palaging present sa mga social activities,", ikaw hindi mo ba naexperince yon?like night out, goin on a bar, party with friends". " Nope, nakafocus ako sa trabaho at personal goals, at isa pa hindi naman ako sanay sa ganun lifestyle, matagal na ako dito pero hindi ako nausuhan niyan, siguro dahil sa probinsya ako galing, ". "Ang ganda nga eh, baka nag-iisa ka nalang na babae dito sa syudad na may ganyang vision, ang galing lang".punong-puno ng paghangang turan nito. "Hindi naman siguro, marami din naman ang kagaya ko na galing probinsya na nakipagsapalaran dito sa maynila para magkaroon ng magandang buhay,.." "saglit ha tatawagin ko lang sila mama, maupo kana diyan. ". Iniwan niya ito saglit at pinuntahan ang ina at kapatid. Nang matapos silang kumain, inalok niya ng kape si Jacob at tumango naman ito,Ang ian at si Tiyo Joel ay pumasok na sa kwartong inilaan niya sa mga ito, dalawa ang kwarto ng bahay niya, si Justin ay sa tabi niya matutulog, tuwang -tuwa naman ang batang puamsok sa loob ng kwarto niya. Habang naghuhugas ng pinag-kainan naiwan sa lamesa si Jacob habang nag kakape,nag-offer ito tulungan siya pero mahigpit niya itong tinanggihan hindi narin naman ito nagpumilit pa.Nang matapos siya sa ginagawa ay hinarap niya ulit siya Jacob, Inubos nito ang kape at nagpaalam na din, pasado alas diyes na ng gabi, hindi na daw ito magtatagal para makapagpahinga na rin siya dahil galing pa sa malayo ang byahe nila kanina.Nagpasalamat siya dito sa kabutihang loob na pinapakita sa kanila, kagaya ni Renz tumawa lang din ito. Sila naman daw ay magkaibigan na kaya huwag na daw siyang mahihiya dito. Nang masigurong nakalock na ang buong bahay, pinatay niya ang ilaw sa kusina sa sala, sinilip niya muna ang ina s akabilang kwarto nang masigurong komportable na ito saka siya pumasok sa kwarto , dahil sa sobrang pagod hindi na niya magawang maghugas ng buong katawan, kumuha nalang siyang basang towel ang nagpunas sa mukha , braso at binti. pagkatapos ay nagpalit siya ng pajama pantuloh. Pinatay niya ang ilaw sa kwarto binuhay ang lampshade. Tumabi siya kay Justin na mahimbing nang natutulog. Nakaramdam siya ng awa sa kapatid, sa murang edad ay naranasan na agad nito ang ganitong sitwasyon, kaya pinangako niya sa sarili na gagawin niya lahat para sa paggaling ng ina, alang-alang sa kaniyang kapatid, ayaw niya itong matulad sa kaniya., ayaw niyang magay ito sa kaniya na sa murang edad ay nakaranas na siya ng hirap ng kalooban. Humiga siya sa tabi nito at niyakap. Papikit na siya ng marinig na nag riring ang kaniyang cellphone, . Nang hindi tumigil ang pagring ay napilitan siyang bumangon para sagutin yon, baka importante. Dinukot niya sa nakapatong sa side table ang , walang pangalan ang caller na na nakalagay.sasagutin na sana niya ito nag maputol ang tawag. Hindi pa niya naibaba ang telepono nang tumunog ito ulit ,same number sa recet caller, sa pagkakataong yon ay tuluyan na niya itong sinagot. "Hello" Malalim na hininga ng kabila ang naririnig niya sa kabilang linya. "yes, Hello"did you hear me". ulit niya. "Kaye" a deep and baritoned voiced of a man popped into her ears, it was familiar. "Yes, May I know who is calling?"Ilang segundo ang lumipas saka sumagot ang kabilang linya. " Rain," maiksing sagot nito.. "Rain,,. Mr.Alcantara?" hindi niya maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya nang mapagsino ang tumatawag sa kaniya.Oo nga, si Rain nga ito, ito ang boses niya, kaya pala kanina parang familiar. "Yes" "Ba..bakit kayo tumatawag at this hour, Does something happend sa Lions?, May kailangan kabang report sakin"?Sorry, nabusy lang ako hindi pa ako nakakpagbukas ng laptop to check emails. "... sunod-sunod niyang tanong. "No,not that.., I just want to check on you if your okay". sagot nito sa kabilang linya, sa boses nito mukhang ito pagod at inaantok.Nagtataka siya kung bakit kailangan pa siyang tawagan nito ng ganitong oras para tanungin kung okay siya. " ahm, okay naman ako Mr.Alcantara". alanganin niyang sagot, wala siyang maapuhap na salita , medyo nagulat siya at nawala ang antok niya kanina nang marinig niya ang boses nito. "I see, Im here in the city".anito, "city", .tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita. "Is that your boyfriend?" "Boyfriend?Who??" inosenteng niyang tanong, anong boyfriend ang sinasabi nito. "I saw you kanina sa restuarant nagtake out ka ng food, lalapitan sana kita kaya lang lumapit yong lalaki". ohh so nakita pala siya nito kanina sa restaurant , yong city na binabanggit ay dito sa maynila, akala niya sa city ng Davao. " ahh, hmm, ehh , hindi ko yon boyfriend , ka,,kaibigan ko lang yon si si Jacob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD