Reighn Kerstin POV
Ilang segundong hindi sumasagot ang nasa kabilang linya. naririnig niya lang ang malalim na paghinga nito.
"Mr.Alcantara, kung.. kung wala na po kayong sasabihin drop ko na yong call?" Alangan niyang tanong.Gusto sana niyang tanungin kung bakit curious ito kung boyfriend niya si Jacob.
"Hindi mo boyfriend??nanliligaw???"
"Ayy.hindi. magkaibigan kami nun.Nag-offer lang na isabay ako pauwi."
"okay, sinisiguro ko lang naman, wala ka sa bahay mo since kahapon?"
"Umuwi muna akong probinsya".
"I miss you"., kumabog ang dibdib niya sa tinuran nito., may humaplos na init sa kaloob-looban ng kaniyang pagkatao mula sa tiyan paakyat sa kaniyang mukha. Para siyangnsinasakal.Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang kaniyang nararamdaman. Hindi naman ito first time na may nagsabi sa kaniya ng ganun.
"Mr....Mr.Alcantara, malalim na gabi magpapahinga na po ako. " Narinig niya ang malalim na paghinga nito.
"Even in a call I feel like you rejecting me again. You keep pushing me away."
"Sorry Mr.Alcantara, it's not what I mean. Inaantok na kasi ako, patulog na ako nung tumawag, akala ko kasi mahalaga yong sasabihin nyo".
"Okay, good night then." yon lang at pinatay na nito ang tawag.Nagalit ba yon sa kaniya dahil sa sinabi niya?Ayaw niya itong kausap hindi siya komportable, pagdating sa lalaki parang nauubusan siya ng sasabihin.
Humugot siya bg malalim na hinga, tinabi niya ang cellphone at muling tumabi sa kapatid. Inayos niya ang kumot nito saka siya pumikit.
Nagising si Reighn ng makarinig ng mahinang ingay sa labas, pagmulat niya ng mata ay wala na ang kapatid sa tabi niya, nakapatay na rin ang aircon at electricfan ang nakita niyang buhay para magbigay lamig sa buong kwarto. Napangiti siya, kapatid niya ay hindi sana sa aircon ,malamang nagising ito.
Bumangon siya at kumuha ng tuwalya, pumasok siya sa banyo para maghilamos ng muka. Mamaya na siya maliligo pagkatapos maglinis.
Alas singko palang ng umaga,pagkuwan ay lumabas siya ng kwarto.
Naabutan niya ang kapatid na nanunuod ng TV sa sala.
" Good Morning Justin." Lumapit siya dito at niyakap ito.
"Ang aga mo naman gumising" Tulog pa sila mama?"
"Opo ate, ang lamig sa kwarto mo kaya nagising ako. .okay lang na manunuod akong Telebisyon??"
"Oo naman, gawin mo kung anong gusto mo. smart TV yan nakaconnect wifi."
"Wow, ang galing. gusto ko na dito tumira ate. madami ako mapapanuod nito." natawa siya sa sinabi ng kapatid.Dumiretso siya sa kusina para mag-luto ng almusal.sinilip niya ang ref, maryoon nalang siyang itlog, at ham the rest ng laman ay tubig lang saka yelo Mamaya sasaglit siya sa palengke at grocery ,kelangan niyang mag-imbak ng pagkain para hindi na mamroblema ang tiyo Joel niya para sa mga kakainin nito habang nasa trabaho siya Hindi niya alam kung hanggang kelan sila ganito.
Medyo naninibago siya dahil nasanay naman siyang mag-isa lang sa bahay niya, pero para makatipid kailangan niyang dito patirahin ang mama niyaasawa nito habang nagpapatuloy sa gamutan ang ina.
Nagtitimpla siya ng kape ng pumasok ang mama niya sa kusina.Nagsalang na din siya ng kanin ,omelet at ham . Ngumiti siya dito at lumapit para halikan ito sa pisnge. Nakasunod naman dito ang Tiyo Joel niya.
"Good morning, mama, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa ina. pinaupo niya ito sa upuan sa may lamesa.
"Okay naman anak.,nakapagpahinga na.. kailan lalabas yong resulta ng test ko?"
"Baka bukas pa yon mama, . maupo muna ipagtimpla kita ng gatas". tumalikod siya at nagtimpla ng gatas, pinagtimpla na niya din ng kape si Tiyo Joel. Nag-alangan pa itong tanggapin ang tasa ng kape., naghain narin siya. Tinawag niya ang kapatid pagkatapos.Tahimik lang ang mama niya habang kumakain.
"Ma ,okay lang ba kayo?ang tahimik nyo?"
tanong niya dito nang may pag-aalala. Mula sa plato ay nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kaniya.wala siyang nabasang emosyon sa mga mata nito.pagkuway malalim itong bumuntong hininga
"Hindi ako naging mabuti mama sayo Kaye, pero heto ka inaalala ang welfare ko."atsaka.."
"Ano kaba naman ma, syempre nanay kita sino paba ang mag-iintindi sa inyo? Diba sabi ng doctor huwag ka masyadong mag isip ng kung ano ano baka mamaya magtrigger yong pagkahapo mo na naman. bawal kang mastress. "
"Pasensya kana anak. nakakaabala pa yata kami sayo dito. "
"Huwag kana po mag- isip ng kung ano ano mama. ipanatag nyo ang loob nyo at ako ang bahala sa lahat."
the
"Salamat Kaye. pagpasensyahan mo na ako wala akong kakayahan na ipagamot ang mama mo. , alam mo naman kung magkano lang ang kinikita ko sa pangingisda. mabuti na lamang at itong si Karen ay kahit papano tinutulungan kami sa pang araw araw lalo na nung nagsisimula nang magpabalik- balik sa hospital itong mama mo. " paumanhin ng tiyo Joel niya. wala naman siyang maipintas dito ,nakitaan naman niya ito ng kabaitan. Bihira nga lang sila magkausap nuon hindi naman siya madalas pumupunta sa bahay ng mama niya nung nabubuhay pa ang lolo at lola niya. Nung mamatay naman ang mga ito nanatili na siya sa manila manirahan bibihira lang din umuwi sa probinsya.Kaya siguro pakiramdam niya nahihiya ang mga ito kausapin siya .
"Hindi nyo po kailangan magpasalamat tiyo, normal lang naman po sa pamilya ang magtulungan at magdadamayan,kumain na ho tayo bago pa tayo magkaiyakan dito". biro niya, napatawa naman ito sa kaniya. Tinawag niya ang kapatid at masiglang limapit sa lamesa. nag-alay muna sila ng dasal bago nagsimulang kumain.
"maganda itong bahay na nabili mo dito anak, mabuti naman at nasa maayos ang lokasyon mukhang tahimik at komportable. Hindi masyadong maingay hindi kagaya sa ibang lugar dito sa maynila. "
"Salamat ma, uu alam mo naman ako ayoko ng maingay na lugar. swerte ako at nakakuha ako sa parteng ito".
"Okay ka lang ba dito??ibig kong sabihin nakakaya mo mag -isa?"may pagdududang tanong ina, alam niya ang pinupunto nito. napangiti siya nilingon iyo.
"Yes ma, maayos na maayos ako dito for over the years na paninirahan dito sa syudad. komportable na naman akong namumuhay dito. ". sagot niya sa ina. Tumango-tango naman ang tiyo Joel niya. si Justin ay tahimik na kumakain pero panaka nakay nakasilip ito sa nakabukas na telebisyon.
"Walang pumupunta dito?"napaangat ang kilay niya sa tanong ng mama niya.
"Pumupunta na ano mama?"kunwari inosente niyang tanong.
"Boyfriend"?Hindi niya mapigilan ang umangat ang sulok ng labi dahil sa gusto nitong makuhang confirmation galing sa kaniya.
"Wala akong boyfriend"
"Sigurado ka?sino yong sumagot na lalaki sa cellphone mo nung nakaraan kapag tumatawag ako?"napatigil siya sa pagsubo at biglang napalunok. Tinawagan siya ng mama niya at lalaki ang nakasagot. Iniisip niya kung sino pero wala naman siyang matandaan.Sandali siyang nag-isip, maging si tiyo Joel at si Justin ay nakatingin sa kaniya na para bang naghihintay sagot niya.
"Baka isa sa mga katrabaho ko ma, palagi ko kasing nakakalimutan itong cellphone ko sa office kakamadali". dahilan niya. Inisip niyang baka si Rain ang tinutukoy ng mama niya kasi nung hinatid nito sa bahay niya ang cellphone nabanggit nitong tumatawag nga ang mama niya at sinabihan pa siya niyong mag call back bago umalis sa bahay niya nung gabing inaatake siya ng migraine.
"ganun ba??baka nga english kasi yong salita hindi masyadong naintindihan ang bilis kasi magsalita e. "tumango siya sa ina ,malakas ang kutob niyang si Rain nga yon.
mabuti nalang at hindi nagtanong ulit ang kaniyang ina.Nagliligpit siya ng kanilang pinagkainan nang makarinig siya ng busina sa labas.Paglingon niya nakita niyang sumilip sa bintana ang kapatid, tumayo narin si tiyo Joel para tingnan kung sino ang nasa labas.
"Kaye, si do Jacob ang dumating., "
. pagbigay alam sa kaniya ni tiyo Joel."Pagbubuksan ko lang ng gate". tumango siya at binalikan ang ginagawa. nagtataka siya, Sunday palang naman ngayon pero pumunta ito sa bahay niya. Lunes pa ang binanggit nitong results ng test ng mama niya ayon dito kahapon.
"Hi Mama Mercy, good morning ho,mukhang maayos ang tulog nyo kagabi maaliwalas ang awra nyo ngayon". bati ni Jacob sa mama niya. Nalingunan niya itong binabati ang ina na nakaupo sa sala. Dahil lamesa lang naman ang pagitan ng sala at kusina agad siya nitong nakita. Matapos batiin ang mama niya ay lumapit ito sa kaniya, napansin niyang may dala itong eco bag na punk ng laman.
"oo nga doc, masarap ang pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng bagong reseta mo sakin, napaaga ka ng punta,may resulta naba yong laboratory ko kahapon"? magiliw na pakikipag-usap ng ina sa bagong dating.
"Dumaan lang po ako para kamustahin ho kayo, kagabi pa sakin niremind ng niremind ni Renz na puntahan kayo. Nagpapalakas yon sa inyo ano?" birong totoo ni Jacob sa ina.
"Naku, ang batang yon talaga, ang dami na nuong tulong na binigay sa akin mula nung magkaganito ako."Tumawa lang si Jacob sa komento ng kaniyang ina, maging siya ay nagugulat sa mga kabutihang pinapakita ngayon ni Renz, kung totoo ngang bumabawi siya nagyon para sa kanya sapat na yong hindi nito kinalimutan na nging magkaibigan din naman sila nuon at may malalim narin na pinagsamahan.
Lumapit sa kaniya si Jacob pagkatapos batiin ang kaniyang mama.Ngumiti siya dito .
"Good Morning Kaye, kamusta ka". nagpunas siya ng kamay at hinarap ito.
"Good morning, ayos naman ako. ikaw talaga para namang hindi tayo nagkita kagabi".
"Wala lang, ahmm,kinamusta ko si Mama Mercy at nagdala na rin ako ng mga makakain nyo,ilang prutas at ilang cereals and fresh milk. "Inabot nito sa kaniya ang eco bag.Hindi niya mapigilan matuwa dito, pero naroon parin yong ilang at hindi maiwasang mahiya dito.
"Naku doc, salamat ,nag-abala ka pa e" Nahihiya niyang inabot ang eco bag at isa- isang sicilia ang naroon.
"Yang fresh milk, galing sa farm ng kapatid ko sa Batangas. palagi kaming sinusupla-yan sa bahay kasi yong mama ko fresh milk na iniinom."
"Ohh wow, salamat doc, nakakahiya naman , nabawasan pa yong para sa mama mo. " Isa isa niyang inilabas ang mga laman at nilagay sa ref, halos mapuno ang ref niya dahil maliit lang naman. ang mga prutas ay nakalagay sa malaking bowl.
"No worries, palagi naman may supply niyan sa bahay. "
nahihiya siyang ngumiti dito. Lumapit sa kaniya si Justin at yumakap.
"ate pwede po ba akong sumama sayo sa grocery?"malambing na tanong ng kapatid niya. Ginulo niya ang buhok nito.
"pwede pero, maligo ka muna" . niloloko niya ang kapatid. pero kanina nasa plano na naman niya talaga isama ito.
"Okay, thank you ate. " at nagtatakbo na itong pumasok sa banyo para maligo. Naiiling naman siya habang natatawa. Masaya siya kasi sa unang pagkakataon nagkaroon ng ingay ang bahay niya sa ilang taon pagtira dito na mag-isa. Napatingin siya kay Jacob ng mapansing nakatitig ito sa kaniya.
"Ay, doc sorry nawala sa isip ko na andito ka nga pala, pasensya na makulit lang talaga yong kapatid ko". hingi paumanhin niya sa kaharap.
"You look good when smiling, I mean I've seen the other side of you, pwede naman palang ngumiti, nakakagaan ng pakiramdam yong ngumiti ka, tumawa ka ,na para bang wala kang pakialam sa mga problema kinakaharap mo at kakaharapin mo pa kasi matapang ka, matatag ka."
" Salamat Jacob, since that day talaga napapagaan mo loob ko, your word of wisdom is nakaka good vibes, i mean nagbibigay ng lakas para sa kagaya ko merong pinag-dadaanan sa buhay.
Salamat "
"I am a friend Kaye, dont forget. maybe you are not comfortable having with me kasi for how many years you are just all along with yourself alone, maybe it's time for you to open the door for other's who wanted to enter your life. don't limit yourself especially at this moment, you really need a friend or friends, that you can count on, and... and of course I volunteer to be one of them."
Natawa siya sa sinabi nitong "I volunter to be one of them" so ibig sabihin kahit ayaw niya makipag kaibigan dito mamimilit parin ito. Pero duda siya sa unang sinabi nito, kailan lang naman sila nagkakilala actualy ngayon pangatlong beses palang nilang magkausap, pangalawa sa hospital. pero parang madami na itong alam tungkol sa kaniya. May pagdududang tiningnan niya ito sa mukha bagamat nakangiti siyang sinita ito.
"Okay na sakin yong mag-volunter ka to be my friend, pero bakit parang ang hula ko ay may alam ka about me?"
" Sorry about that, it's just Renz who told me about ramdom things about you, hmm ...your past, your life routine after your breakup with him, you know how he feels so with much guilt about it, and I think gusto niyang bumawi sayo as a friend kaya heto dinadamay niya ako sa pagbabayad ng kasalanan niya sayo sa mahabang panahon."
"Ahh, so napilitan ka lang pala., at bakit ka naman pumayag na idamay ang sarili mo?"
" Joke lang ito naman, genuine yong pakikipagkaibigan ko sayo ha?, baka kung ano ang iisipin mo. Talagang natutuwa lang ako sayo, saka huwag mong isipin na kaya ako nakikipaglapit sayo dahil mayron akong gusto or I am aiming for something, you know, para sa ikakapanatag ng loob mo, I am getting married six months from now, kaya itong pakikipaglapit ko sayo ay walang halong kahit na ano , just pure friendship." paninigurado nito sa kaniya , na para bang nababasa nito ang laman ng isip niya.
Lumapad ang ngiti niya dahil sa sinabi nito, siguro nababasa nito ang kilos niya tuwing lumalapit ito, mabuti naman at hanggat maaga ay sinabi nito ang totoong reason kung bakit malapit agad ang loob nito sa kaniya., Ayaw din kasi niyang bigyan ng ibang kahulugan ang pakikipaglapit nito. Masaya siya at ito mismo ang nagsabing pure frienship lang ang iniooffer nito.Ini-imagine niya ang babaeng mapapangasawa nito, "napaka-swerte". Aniya sa isip.
Kahit anong tanggi niya kay Jacob na okay lang silang dalawa ni Justin mag-grocery nagpumilit parin itong samahan sila.Wala naman daw itong gagawin dahil sa hapon pa ang duty nito sa hospital, naiwan ang mama at tiyo Joel niya sa bahay dahil mas preferred nilang magpahinga nalang ang mama niya .
Nakasuot lang siya ng short kalahati ng kaniyang hita sa flats sandals, nagmadali siya kanina maligo dahil nahihiya siyang paghintayin si Jacob ng matagal, kaya naman hindi na niya magawang mag dryer ng buhok. Basa pa ito ng umalis sila ng bahay. Naglagay lang siya ng press powder at liptint .
Dahil sa traffic Alas nueve na sila nakarating ng grocery, kabubukas lang din nito kaya tamang -tama lang din ang kanilang dating.
Kumuha si Jacob ng pushcart at siya naman hawak sa kamay si Justin. Una nilang pinuntahan ang mga dry items, lahat ng kailangan nila sa bahay kinumpleto niya,.
Habang tulak - tulak ni Jacob ang pushcart abala naman siya sa pagkuha ng mga items sa sa estante.Sunod nilang pinuntahan ang mga prutas at gulay, kumuha siya para sa isang linggong kunsumo nila sa bahay. Weekends lng ang bakante niya kaya mabuti na yong may mga pagkain nakahanda sa bahay niya.Si Justin ay tuwang tuwa dumampot ng prutas at nilalagay nito sa cart nila, hinayaan niya lang ito.
Nang matapos sa prutas at gulay pinuntahan nila ang wet section, kumuha siya doon ng ilang mauulam nila, ilang karne at isda, inaya niya kanina si Jacob na sa bahay mananghalian ipagluluto niya ito ng paella, agad naman nitong pinaunlakan ang paanyaya niya.Nang makompleto na lahat ng kailangan nila pati ang mga na gagamitin niyang sangkap sa pagluto ng paella pumila na sila sa cashier.Bago pa sila makarating sa cashier nadaanan nila ang estante ng school supplies, may nakita si Justin na nagustuhan nito, naglalambing sa kaniya na kung pwedeng bilhin niya. Sinamahan niya ito doon, si Jacob ay natutuwang nakasunod lang sa kanila.
Gamit sa pagguhit ang nakita ni Justin na gustong bilhin, tinutulungan naman ito ni Jacob mamili kung anong maganda .Natutuwa siya magkasundo ang kapatid at ang bago niyang kaibigan.Hindi niya maisip nuon na sa tagal niyang tumira sa maynila ay makakakilala siya ng kagay nito. Nakikita niya ditong mabuti itong tao.
Nagtatawanan sila nang may mahagip ang kaniyang mga mata sa kabilang bahagi ng grocery,mukhang madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Nakatikom ang bibig nito at deretsong nakatingin sa kaniya. Agad siyang kinabahan nang makita si Rain sa grocery, nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at sa lalaking katabi niya, nakasuot ang lalaki ng itim na tshirt at at pants, hindi niya nakita kung ano ang sapin nito sa paa dahil natakpan ng mga nakadisplay. Sa tantiya niya mukhang galit ito,. nagbawi siya ng tingin at binalingan ang dalawang kasama.
"Justin, okay kana diyan, kunin mo na para makapila na tayo sa cashier, baka tanghaliin tayo sa traffic walang pagkain sila mama doon". kunway dahilan niya sa dalawa , para makaalis agad sila doon. Hindi niya kayang tagalan ang uri ng tingin na pinukol ni Rain sa kaniya kanina, sa itsura nito mukhang manunugod ito ng kalaban. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang nakita niya sa mukha nito kanina nung makita niya , dahil hindi naman niya siniseryoso ang sinasabi nito sa kaniya nung huling mag-usap sila sa opisina nito.
Malalaki ang hakbang na ginawa niya para makarating agad sa cashier section, pagdating doon pangtatlo pa sila sa pila.
"Anong nangyayare sayo bakit parang hinahabol ka ng ahas?, " tanong ni Jacob sa kaniya ng abutan siya nito sa pila, si Justin ay lakad takbo ang ginawa makasunod lang sa kniya dahil hawak hawak niya ito sa kamay.
"ha? eh, wala naman, baka lang kasi lalo tayong matrapik pauwi kasi walang food sila mama doon, saka diba , magprepare pa ako sa pagluluto?."
"Yes, pero hindi mo naman kailangan hilahin ng todo yang kapatid mo, tingnan mo namumula pa yata ang kamay sa higpit ng hawak mo." yumuko siya at tiningnan ang kamay ng kapatid namula nga ito ng bahagya, sa sobrang kaba hindi niya namalayan na napahigpit pala ang hawak niya sa kamay nito.
"Pero teka bakit nga ba ako kinakabahan nung makita ko ang boss ko ?, wala naman akong ginagawang masama? wala din naman akong kasalanan sa kaniuya, wala naman pasok ngayon, so may karapatan ako kung ano gawin ko at kung saan ako magpupunta."
Piniling niya ang ulo para alisin sa isip niya ang amo, napapraning lang siguro siya or baka nag-assume lang siya, pinilit niyang kumilos ng normal para mahalata ng kasama niya na nataranta siya.
Ilang minuto silang nakapila ng may maamoy siyang pamilyar na pabango, para siyang tinuklaw ng ahas ng makita sa likuran nila ang lalaki laman ng isip niya at nagpatibok ng husto sa puso niya. Mariin siyang napapikit, sa pagdilat niya ay nagtama ang kanilang mga mata. Madiin itong nakatingin sa kaniya at sa kamay ni Jacob na nakaakbay sa kaniya. Hindi niya alam kung paano ang gagawin, bakit naman ganun, tahimik lang naman siya sa pamimili kanina pero may dumating na distraction.Ewan kung bakit bigla nalang siyang nadistract sa presensya ng kaniyang boss. Hindi man ito nagsasalita pero ramdam niya ang bumigat ang ambiance ng paligid, or baka siya lang ang nakakaramdam nuon.
Nagbawi siya ng tingin, at nagfocus sa unahan, pinapacked palang ang unang nakapila nung sila ay dumating., Hindi siya mapakali , ito na yata ang pinakamabagal na grocery store na napuntahan niya ,pero hindi niya pinapahalata sa kasama, lalo na sa taong nasa likuran nila. Bigla siyang nailang dahil nakaakbay si Jacob sa kaniya, nang matuon ang pansin nito sa pakikipag kulitan sa kapatid niya ay pasimple niyang binaba ang kamay nito na nakapatong sa balikat niya.
" Oh, there you are honey, akala ko iniwanan mo na ako, pumila kana pala". Maarteng bigkas ng bagong dating na babae sa likuran nila .Bahagya siyang tumagilid, kunwari may inaayos siya sa cart, nasulayapan niyang naka-abresiete ang babae sa braso ni Rain,humilig pa ito sa balikat ng lalaki.Bigla siyang binanas dahil sa nakita niya. Napakaganda ng babae at ang sexy nito sa suot nitong dress na hapit sa katawan,matangkad ito ngunit umabot lang ito lagpas sa balikat ni Rain., Ang kinis ng balat at amoy niya ang pabango nito , amoy mamahalin.Wala sa sariling inamoy ang sarili, amoy polbo lang siya. Tumalikod siya at nakiramdam,gusto na niyang matapos yong nasa unahan, bigla niyang naisip na magreklamo sa management dahil nababagalan siya sa service ng mga ito. Pero agad din niyang binawi ang nasa isip,.
"Babe, bakit ba tayo pumila ng ganito?, look ang bagal nila, gamitin mo nalang ang VIP cards mo, or di kaya isend mo nalang yong payment mo sa may-ari, kaibigan mo naman siya diba?" Dinig niyang nagsalita ulit ang maarteng babae sa likuran.Wala siyang narinig na sagot mula kay Rain.
" Babe please, I dont want too..."
"Will you shutup Cathy, or I will leave you here"? madiin na sagot ni Rain sa babae, natahimik naman ito at hindi muling umimik. Si Napatingin siya kay Jacob , sa kaniya din pala ito nakatingin, ngumuso ito at nag-angat ng kilay.Hinawakan siya ni Jacob sa balikat at inilapit siya nito .
" That kind of girl is toxic," bulong nito sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin dito.
"huh?" Hindi niya makuha kung anong tinutukoy nito at sino.Inilapit ulit siya nito bumulong sa teynga niya.
" That woman, at our back toxic personality, maarte. , ". Akma siyang lilingon pero pinigilan siya nito.
"oopps, dont look back, kasalanan ang lumingon ," natatawang hinampas niya ito sa balikat.
"Ikaw ang kung ano ano ang sinasabi about sa babae na yon, tapos ako pa ang sasabihan mong kasalanan, ikaw kaya ang nanghuhusga agad diyan.".
bulong niya pabalik. Tinawanan lang siya nito at tinulak paunahan ang pushcart kasama siya.
Isa-isa niyang inalis sa push cart ang mga pinamili at nilagay sa conveyor, nparami ang kaniyang pinamili kaya naman inabot din sila ng ilang minuto, inabot niya sa cashier ang credit card , pag swipe nito ay nag-error . Nakailang pabalik-balaik na swipe ang kahera sa credit card niya pero hindi talaga gumagana.
" Naku mam, ayaw po gumana ang credit card nyo, nag-error po kasi". Pagbigay alam ng cashier sa kaniya. Dinukot niya ang wallet sa bag at naglabas ng cash. nasa dalawang libo lang ang laman nun at ang total amount na babayaran niya ay pitong libo.Kailangan niyang magwithdraw.
"Ah naku Miss, sorry baka sa bangko yong may problema, kulang lang ang cash ko dito, saan pwede magwithdraw na pinaka malapit?" tanong niya.
"Doon sa dulo mam, " tumango siya , akmang aalis na siya para magwithdraw ay pinigilan siya ni Jacob.
"Let me, para mabilis bilis, bigay mo nalang sakin ang pin".
Agad niyang sinabi dito ang pin. Nang makaalis si Jacob ay bumigat ang dibdib niya. Napabuntong hininga siya, bakit nawala sa isip niyang magwithdraw kanina bago sila pumasok. Kunsabagay hindi naman niya alam na magkaka error pala ang credit card niya.
Isa-isa niyang tinitingnan ang mga pinamili na pinapacked .
" Excuse me Miss cashier, anong nangyayare bakit hindi natapos ang transaction nyo"? Tanong ng babaeng kasama ni Rain.
"Mam, pasenya na po, nag-error kasi ang credit card ni mam kaya hindi naswipe, nagwiwithdraw pa po ang kasama niya ng cash". paumahin ng cashier, siya naman ay nakayuko lang at hindi nag-angat ng tingin.
"What???My gosh, what kind of stupidity is that, gagamit-gamit ka ng credit card wala naman palang laman"?Ubos na ang credit mo?dinala-dala mo pa dito. ", Mataray na baling nito sa kaniya. Nagpanting ang teynga niya sa sinabi ng babae.Kumuyom ang mga kamay niya hinarap ito.
" Excuse me din miss ha?, hindi ko din alam na mag-error ang card ko ngayon, okay pa naman siya kasi nung isang araw kasi nagamit ko pa naman. Hindi ako stupid. " Nangangalit ang kaniyang panga habang nagsasalita.Si Rain ay walang emosyong nakatingin sa kaniya .
"Oh wow, ikaw pa ang galit ngayon, ikaw na nga ang naka-abala., look dahil sa katangahan mo bumagal ang serbisyo nila dito dahil sayo, hindi mo man lang naanticipate na magwithdraw ka muna bago ka pumasok dito? Or baka naman wala ka talagang pang bayad." Panunuya pa nito sa kaniya., gusto niya itong sugurin dahil sa hindi niya nagustuhan ang talas ng dila nito pero nagpigil siya. Nag-iinit ang pisnge niya dahil sa pamamahiya ng babae sa kaniya.
"Naku mam, huwag na po kayong magalit, hindi naman po sinasadya ni mam na mangyare ito, marami din po kaming customer na naecounter na card error, hindi po ito ang unang bses kaya kalma lang po." may lumapit ditong babae na sa tingin niya ay manager ng grocery. Huminge din ito ng pasensya sa ibang nakapila na naroon, ang iba ang nakakaunawang nakatingin sa kaniya at naiinis doon sa babaeng kasama ni Rain.
Ilang sandali ay dumating si Jacob, inabot nito sa kaniya ang kanyang ATM , nag-abot ito sa kahera ng cash para sa kanilang bill, nakahinga siya ng maluwag, bigla siyang nanghina , sa ilang sandaling nasa cashier section siya ay hindi na niya tinapunan ng tingin si Rain at ang kasama nitong babae.
"Why? Are you alright?'' tanong ni Jacob sa kaniya.
"Oo, nahihilo lang ng kaunti".pagdadahilan niya dito.
"Okay, uuwi na tayo, malakas ang ulan sa labas, hintayin nyo ako ni Justin sa entrance kukunin ko ang sasakyan." anito at tinulak ulit pushcart na may laman ng kanilang pinamili, nakakahon na ang mga ito, tumango siya at sinabayan si Jacob sa paglalakad, Si Justin ay tahimik lang na nakasunod sa kanila habang hawak niya sa kamay.
Habang hinihintay nila ni Justin si Jacob sa may entrance , may nagsalita sa gilid niya,
"So, hindi mo boyfriend pero palagi mong kasama". hindi niya ito sinagot.Tinapunan niya lang ito saglit ng tingin at binawi ulit,.bwisit bakit ba may pagsunod pa ito, mamaya makita pa to ng bruhang kasama na kinakausap siya baka maghurimintado lalo.
Kinalabit siya ng kapatid, sumenyas ito na may ibubulong .
"Ate , The guy in the grocery is talking to you I think, " Ani ni Justin sa kaniya.Tumikhim siya at kinausap ang kapatid sa malakas na boses.
" I never talked to estrangers Justin, maraming scammer dito sa Maynila, kaya dapat ikaw huwag kang basta- basta magtitiwala kahit kanino habang andito ka okay?"
" Kaye"... tawag ni Rain sa pangalan niya, hindi niya ito nilingon.Natanaw niyang malapit na ang sasakyan ni Jacob sa entrance kaya naman tinulak niya agad ang push cart malapit sa tinitigilan ng sasakyan, Nang masigurong nakatigil na si Jacob ay binuhat niya ang isang kahon para dalhin sa sasakyan nito, Agad naman siyang inalalayan ni Jacob, kinuha nito sa kaniya ang kahon.
" Hey hey, Kaye, ako na diyan, mabibigat yan, sumakay na kayo ni Justin sa loob ako na ang bahala sa mga ito".
Awat - awat siya nitong bumuhat ng mga kahon, tumango siya dito at nagpasalamat, Kinuha niya kamay ni kapatid at pinasakay sa kotse.Tiningnan niya saglit si Rain ,matalim ang tinging pinukol nito kay Jacob na abala sa ginagawa, madilim ang anyo na bumaling sa kaniya at naglakad pabalik sa loob sa grocery.Kibit balikat na pumasok siya sa loob .Nakahinga siya sa maluwag ng paandarin ni Jacob paalis ang sasakyan.Mabuti nalang ay hindi napapansin ulit ni Jacob ang pagkabalisa niya.
Nasarapan si Jacob sa niluto niyang paella , kaya naman humirit itong magbaon sa hospital, masaya naman niyang binalot ang natira sa luto niya at inabot dito.
"Oh,wow thank you very much pretty lady, ito na yata ang pinakamasarap na paella natikman ko" .
"Ahsus, masyado ka, ubusin mo yan ha" .
"Yeah sure, wala akong ititira" . biro nito.
"Naku, ikaw talaga, oh sige na, salamat ng marami sa pagsama samin mamili. Malaking ginhawa nakauwi agad lalo na at naulan."
"No problem, bakit hindi mo naconsider bumili ng sasakyan mo?for eight years nagtyaga kang magcommute pagpasok at pauwi sa trabaho?" tanong nito.
"Bread winner ako kaya hindi ko siya naisip, nasa plano ko na sana yon this year kaso ganito naman ang nangyare, uunahin ko pa ba yon diba?Meron kailangang i-priority". nakangiti niyang sagot dito.
"I really admire how you manage your priorities no?naka-itemized siya talaga.Kung hindi ko din kilala si Karen masasabi kong siraulo si Renz para iwanan ka". Natawa siya sa sinabi nito.
"Siguro yong love na meron kamj nun ni Renz is purely platonic . Siguro merong kaunting kilig nuon pero later part of our relationship we feel it was just a love for friendship lang , yes nasaktan ako, nagtampo pero mabilis ko din silang napatawad. "
"Natandaan mo yong sinabi ko sayo nuon una tayong magkita, lahat ng nangyayare ay may malalim na dahilan, Sa lahat ng nangyayare sa buhay ng tao ay ayon sa kalooban niya, siguro meron siyang inilaan na tao na para sayo, makakasama mo hanggang pagtanda diba?"
"Yes father naniniwala ako, pero kung sinoman man yong taong sinasabi mo ,hindi ko parin siya priority sa ngayon, kaya ikaw ayaw man kitang itaboy pero kailangan mo nang umalis dahil baka malate ka sa duty mo. "
Napakamot naman ito sa ulo dahil sa tinuram niya, mabuti nalang hindi na ulit nangulit.Parang batang sumunod ito sa sinabi niya, nagpaalam muna ito sa kaniyang ina na giliw na giliw dito. Iba din nga pala kapag yong doctor ay nagbibigay ng connection sa kaniyang pasyente, kagaya ni Renz sa mama niya at ni Jacob, nakikita niyang nakuha na ng mga ito ang loob ng mama niya, hindi na niya ito nariringgan na nagrereklamo dahil sa series ng medication nito.
Araw ng lunes, nagleave siya sa trabaho dahil sumama siya sa hospital para alamin ang resulta ng laboratory ng mama niya. Maganda naman daw ang resulta ayon kay Jacob kaya hinahanda nila ang ina sa susunod na test, . Pagkatapos nuon ay magbibigay ng go signal ang mga doctor para simulan ang operation, kaya lang sumakit ang dibdib niya dahil kailangan nilang maghanap ng donor. Ayon kay Jacob dito sila mahihirapan at magtatagal sa paghihintay. Magdasal daw sila na meron agad makukuha, nangako naman ito na tutulong sa paghahanap, tinawagan din nito si Renz para ipaalam ang resulta ng laboratory test, nangako din itong tutulong upang makahan agad ng donor.
Nagmamadali ang hakbang ni Reighn patawid sa building ng Lions, dahil malalate na siya. For sure marami siyang hahabulin report, dahil leave siya kahapon , maghahabol siya ng oras ngayon araw.