Chapter 9

5001 Words
Reighn Kerstin POV Nasa loob na lahat ang planning team pagdating niya,Kinausap niya si Therese na email sa kaniya ang update nito . Pagkaupo sa kaniyang table ay agad niyang binuksan agad ang kaniyang laptop. Hindi na niya nagawang magbukas sa bahay dahil sa daming inaasikaso para sa medication ng kaniyang mama. Ang dami niyang email na kailangan basahin at balikan ulit dahil meron pang mga nakapending na kailangan niyang magbigay ng sagot.Iilan palang ang napapasadahan niya ng basa nang biglang tumunog ang telepono sa tabi niya. Agad naman niya itong sinagot. "Lions,planning section good morning". bungad niya. "RK,kailangan ka daw dito sa meeting room". si Rick ang nasa linya. Sinipat niya ang relo. Quarter to nine in the morning. Hindi pa siya nag-iinit sa trabaho. "Wala pang ten am ah, namove ba schedule?" tanong niya sa kausap. "Oo e, si RMA ang nagpamove ng time, kahapon pa mainit ang ulo niya,lahat sa meeting pinagsisigawan kami, nagbabalik ang Kidlat kung nakakamatay ang tingin niya sa amin kahapon baka ubos kaming lahat". "Ba..bakit mainit ang ulo?" "Naku ewan ko, basta pagdating dito kahapon delubyo,lalo na nung malaman na wala ka ,kahit sinabi ni Hana na nakaleave ka hindi siya kumbinsido, ewan don. basta ikaw ay pumunta na dito sa meeting room,andito na siya ". Binaba agad ni Rick ang telepono. Wala siyang magawa kundi pumunta doon, bitbit ang laptop nagmamadaling hakbang ang ginawa niya. Naroon na lahat ng kameeting niya ,pumasok siya agad at umupo sa tabi ni Rick. Lahat nakatuon ang tingin sa kaniya. Lalo si Rain na hindi pinutol ang tingin sa kaniya pagbungad palang niya sa pinto. "So, enjoying the benefits of your new position,Miss Alvarez?"kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Late kanang pumasok, late kapang umattend ng meeting." "Sorry Mr.Alcantara, sobrang traffic kasi at walang tigil na ulan, mahirap pong sumakay." "Kasalanan ko? Saka ang trapik ba ang kailangan mag-adjust para sayo Miss Alvarez?Ikaw na nga nagsabi na walang tigil ang ulan bakit hindi mo inagahang gumayak para hindi ka maipit sa trapik?" "Nilinaw ko naman sayo kung ano ang rules ko dito sa kompanya ko, unang -una sa pinaka ayaw kong gawin ng empleyado ay ang malalate.Pangalawa taking leave without proper advise to your superior?" dugtong pa nito." "Nag-advise ako sa HR kung bakit ako leave kahapon , nag-inform din ako sa team". mababang tono sagot niya. "Reporting kaba sa HR?Diba manager kana?Sino ba dapat ang boss mo?" sarkastikong tanong nito. Napahiya siya sa tinuran nito. Sa dami niyang iniisip nakalimutan niyang mag-inform dito.Nagyuko siya ng ulo para aminin ang pagkakamali niya. " Sorry Mr. Alcantara,sobrang dami kong inasikaso kahapon ,nawala sa isip kong mag-inform sa inyo ,hindi na mauulit". Hinging paunmanhin niya. Aminado naman siya sa pagkakamali. Sarkastiko itong tumawa dahil sa sinabi niya. "Tsskk, sorry??ganyan din ba ang sasabihin ko sa customer ,sorry dahil hindi madeliver yong order nila dahil kulang sa materyales , hindi ko mahagilap ang planning manager dahil umabsent sa trabaho without prior notice?" Kumunot noo niya at salubong ang kilay na nag-angat ng tingin dito. "Mr. Alcantara, I have my team who can answer anything concerns regarding the parts on my behalf, besides I didnt received any calls or messages coming from them or from the core team if there something urgent na kailangan kong sagutin ?" Kinuha nito ang remote ng monitor na nasa loob ng meeting room,bumungad sa kaniya ang email ng production ,may mga nakahighlight doon sa list of materials na walang stocks.At sinabi pa na nakatigil ang linya dahil doon. " How can you explain this?for sure dahil sa sobrang busy mo sa personal mong buhay hanggang ngayon hindi mo pa yan nababasa" Hindi niya pinansin ang tono ng boses nito, binuksan niya ang laptop at tinitingnan ang mga nakalista doon kung ano latest status. Nagtiim ang bagang niya nang ma double check ang status ng mga materyales na nandon.Dahil si Rain ang nakaflush sa monitor sinend niya dito ang latest update. Binuksan nito ang message niya ,ito na ngayon ang nakikita nila sa screen. " As of friday last week, we still have enough stocks to support for these materials covering for four weeks demand,paano nangyare na ngayon ay walang magagamit at magdedeclare ng line down kung may stocks kaming nakikita sa system??Nag-long weekend lang at nag leave lang ako ng isang araw naubos agad ?" "Ahmm, RK".. Ang warehouse manager ang nagtaas ng kamay, seryoso siyang nakatingin dito. "Missing actual ang mga yan, pero pinapahanap ko parin sa mga tao para ma locate lang. "Hindi niya mapigilang tumaas ang kilay dahil sa sinabi nito. Bumaling siya kay Rain matalas ang matang tumingin dito. "Anong akala nito sakin ,maiisahan niya ako"? " Mr. Alcantara ,sa akin ka nagagalit pero hindi ka nag-investigate sa loob kung anong root cause, kapag line down planning agad ang ituturo??Kapag missing stocks planning ang magbibigay ng solusyon by arranging another set of stocks para takpan kung anong nawawala,?We are not creating solutions if we keep doing this practice, Wala akong pakialam kung tumigil ang buong planta dahil merong mga materyales na nawawala, hanapin nyo muna yon kung talagang wala adjust nyo ang system saka ko sasabihan ang team ko mag-arrange ng bago. "Dinig niya ang malalim na paghugot ng hininga ng mga taong nadoon, alam ng mga ito na galit na siya. Ang manager ng warehouse ay tikom ang bibig habang nakayuko. Ang iba naman ay tahimik, walang mahagilap na sasabihin. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Miss Alvarez, production line down na yan, may impact sa customer requirements ,and".... " Do you think I didnt know that Mr. Alcantara??" Putol niya sa sinasabi nito.Napasinghap ang mga nandoon dahil sa ginawa niya,. "Im doing this job for eight years, do you think hindi ko alam yan?Hindi planning ang kailangan mong bigyan ng attention Mr. Alcantara, kung papayagan ko yan paulit -ulit lang na mangyayare ito, oh well hindi nga pala ito ang unang beses na nangyare. Maraming beses na.Im not doing this for my own interest , im doing this for the welfare of your company,aminin mo man o hindi meron kapa ring problema internally" " I get your point Miss Alvarez, pero hindi ito ang tamang oras para sa gusto mo, we have urgent customer order that we need to serve. " Tumaas ang boses ni Rain dahil sa pagmamatigas niya, matalim ang tingin na pinukol nito sa kaniya.Hindi siya nagpatinag,taas noong sinalubong ang matalim nitong titig sa kaniya. Sa mga oras na yon parang sila nalang dalawa ang taong naroon. "Mr. Alcantara, kagaya ng palagi kong sinasabi hindi kami seven eleven na pagkabili ay madedeliver din agad the same day, we need to coordinate first sa supplier, imported parts yan so meaning intransit period palang will takes days already". tumaas din ang boses niya sumagot dito. Nagbaba ito ng tingin at nagbago ang expression ng mukha, blanko na ang nakikita niya doon nang tumingin ulit sa kaniya.Bumuka ang bibig nito pero hindi naman nagsalita. Nang wala siyang makuhang sagot dito tumayo siya at akmang lalabas ng silid na yon. "Where do you think your going Miss Alvarez, were not done yet". " Mag-pupull in ng materyales,kailangan paba ako sa meeting na to nadiin nyo na ako diba?So gagawin ko na yong problemang hindi naman ako may gawa , ano pabang sasabihin ko dito? I already explain my side, " Hindi na niya ito hinintay sumagot, lumabas siya ng meeting room at pabagsak na sinarado ang pinto.Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito. Sa mga katrabaho naman niya, siguradong magtataka ang mga ito dahil hindi naman siya ganun umasta, ewan ba niya basta si Rain ang magsasalita nag-iinit agad ang ulo niya. Kung takot ang karamihan dito ,siya hindi. "Sinasabi ko sayo Rain hindi mo kakayanin ang tuyo ko,Hindi porke ikaw ang boss lahat ng sasabihin mo ay siyang masusunod " Mabibigat ang hakbang pabalik sa office niya, pagdating doon ay agad niyang pinatawag si Therese, binigay niya ang materyales na nakahighlight at nagbigay siya ng instruction para magpa arrange ng bagong delivery. "Mag-arrange ka ng meeting ngayong gabi para makuha agad naten ang sagot para bukas sa meeting may update na agad tayo" bilin niya dito.Dahil nasa Europe ang supplier kailangan nilang mag adjust ng oras para makausap ang mga ito. Gabi sa Pilipinas, umaga naman sa Europe. "Noted Miss Reighn" lumabas din agad ng silid niya si Therese,.Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi namalayan ni Reighn ang oras, hindi siya bumaba sa cafeteria para kumain, nagpaakyat lang siya kanina ng pagkain kaninang tanghalian.Nag-unat -unat siya ng makaramdam ng ngalay sa balikat. Sinipat niya ang relo mag alais na ng gabi, 7 thirty ng gabi ang meeting nila with europe supplier. Naghahanda ang Lions para 60th years anniversary nito. Si Rain ay hindi na niya ito nakita ulit sa branch nila sa maynila mula nung nagkaroon sila ng pagtatalo sa meeting nung araw na yon. Pero palagi parin itong umaatend sa meeting nila tuwing umaga, at nagkakaroon din sila ng kumunikasyon through emails pero patungkol sa trabaho ang kanilang nagiging topic. Mag-isang buwan naring nakakasama niya ang mama at kapatid sa bahay niya. At aminin man niya lumaki ang expenses niya lalo sa mga gamot na kailangan para sa ina. Okay lahat ng resulta ng test nito,donor nalang ang hinihintay nila para masimulan ang operasyon. Si Justin ay isang buwan nalang matatapos na ang summer vacation , kukunin na ito ni Karen sa susunod na buwan. Ang bilis talaga ng araw ,halos wala na rin siyang naiipon sa sweldo niya dahil sa kailangan niyang suportahan ang ina za kondisyon nito. Habang tumatagal nakikita niyang nahihirapan na ito.Palagi na rin ito nahhihirapang huminga.Ayon sa mga doctor aabutin ang isang milyon o mahigit ang magagastos sa overall operation ng mama niya, nakadepende iyon sa kung paano magrespond ang katawan nito. Dahil sa biglaan naman ang nangyaring ito hindi niya napaghandaan. Sa ngayon wala pa sa kalahating milyon ang ipon niya. Malayong-malayo pa.. "Sigurado kaba dito Kaye?"isang buwan lang mula nung bayaran mo ang balanse kay Mr. Andaya ibebenta mo na talaga ng tuluyan?" tanong ni Kaye sa kabilang linya. " Oo eh, kailangan maihanda ko na ang pera incase magkaroon bigla ng donor si mama, nakaready na".malungkot niyang tugon, ilang gabi niya itong pinag-isipan ng mabuti. Pero sa ngayon wala naman siyang choice, kailangan niya ng malaking halaga. Mabigat sa loob niyang ibenta ang lupa pamana sa kaniya ng kaniyang lolo , pero wala naman siyang ibang malalapitan. Ang kaniyang ina naman ay nag-iisang anak, wala din itong kapatid na pwedeng magmalasakit. May mga pinsan ito pero hindi rin naman maayos ang kabuhayan, sakto lang din para sa kani-kanilang personal na pangangailangan ika nga. " Karen, okay lang kahit sinong buyer, basta huwag lang kay Mr.Andaya, saka sana walang nakakaalam na ibebenta ko ang lupa lalo kay mama, kaya please kahit kay Renz huwag mo ipaalam. " . "Bakit ayaw mong tanggapin ang inaalok ni Renz sayo na tulong?" Malumanay na tanong ni Karen sa kabilang linya. "Huwag niya sanang masamain ang pagtanggi ko Ka, millions is too much money , ayoko namang ilubog masyado ang sarili ko dahil naaawa kayo sakin, makakagawa ako ng paraan. May trabaho naman ako e.Besides ang laki na rin nang naitulong nyo para sa medication ni mama. Salamat ng marami sa inyo ni Renz."punong-puno ng pasasalamat niya sa mga ito, dahil hindi sila kinalimutan kamustahin, abutan ng tulong .Kaya naman sa mga nakalipas na taong nagkalayo ang loob nila unti-unti niyon hinilom. Totoo nga ang sabi nila, in times of difficulties makikilala mo ang mga taong totoong nagmamalasakit sayo.Napangiti siya sa kaniyang naisip. "Ano kaba wala yon no?huwag mo nga isipin yong hiya -hiya na yan. Pamilya tayo dito. " "Salamat Ka, so Kailan ang kasalan?" pag-iiba niya ng usapan. Masyadong seryoso na kasi yong pinag-uusapan nila.Gusto naman niyang kamustahin ang personal na buhay nito kasi sa loob ng isang buwan matapos niyang malaman ang kondisyon ng ina halos araw araw yon ang laman ng usapan nila, sa text, sa tawag or even yong pagbisita nito sa kanila nung lumuwas ito sa maynila. Ayaw naman niyang iikot ang mundo sa kanila ng mga ito dahil sa meron silang matinding pinagdadaanan. "Ang naging final namin na usapan ni Renz, kahit sa civil muna maikasal lang kami bago lumaki ang tiyan ko". Nahihiyang pag-amin nito. " Ohh, wow. you mean buntis ka?" may tuwa sa boses niyang tanong sa kausap. "oo Kaye, 6 weeks na, last week ko lang din nalaman". hagikhik nito sa kabilang linya.Dahil don natawa siya. "Ang galing naman, congratulations sa inyo ni Renz, I'm trully happy for you guys." sincere niyang pag-bati kay Karen , hindi maalis -alis ang ngiti niya kahit mag-isa lang naman siya sa pwesto niya. "Thank you Kaye, ikaw palang ang pinag-sabihan ko, hindi pa din to alam ni Renz. Gusto ko siyang i-surprise".Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang excitement sa boses ni Karen. Dahil don lalo siyang na nangingiti. "Aba, kailan mo balak sabihi yan?promise gagawin ko ang lahat ng pagpigil para hindi siya icogratulate" "Next week,birthday niya. Luluwas ako diyan dahil may conference siya sa buong linggong yon. Doon ko siya susurpresahin, pwede mo ba akong tulungan magbook ng hotel diyan, kahit doon sa malapit sa bahay mo ". " oh sure, isesend ko sayo sa messenger ang mga pwede kong reccommend sayo, hindi rin ako familiar sa ganito e ,alam mo naman kahit matagal na ako dito nakatira pusong probinsya parin ako,ignorante sa ganitong bagay." nagkatawanan silang dalawa dahil sa sinabi niya. Totoo naman ,wala din siyang alam sa ganito unang una trabaho at bahay lang naman siya.Nakakaattend siya ng gatherings or party sa mga hotel kapag organized ng Lions. "Pero sigurado kaba na kaya mong lumuwas dito?" May pag-alalang tanong niya dito naisip niya lang na baka maselan ang pagbubuntis nito. "Natanong ko lang kasi naririnig ko na kapag nasa first 3 months ng pagbubuntis maselan pa. " "Nagpacheck up na ako sa OB ko, okay naman daw , basta mag-iingat lang ako". "hmm,paanong set-up mo, isasabay kaba ni Renz paluwas or magbbyahe ka?" "Hindi, sasabay ako sa isang kaibigan papunta diyan, nagsisimula na rin naman ang brigada eskwela kaya busy din ako sa school". " Sigurado kaba na kaya mong ihandle si Justin diyan?nagdadalantao ka?" Nang mabanggit nito ang eskwelahan agad niyang naisip kung papaano ang magiging set up ng kapatid kapag nagsimula na ang klase. "Oo naman, kaya ko na si bunso dito, malapit lang naman ang school sa bahay hindi kami ganun mahirapan . Huwag mo na kaming alalahanin, "paninigurado nito sa kaniya. "Pwede naman siyang ilipat dito para magkasama parin sila ni mama" "Kaye,baka kasi masyadong maapektuhan si Justin kapag nalaman niya ang totoong kondisyon ni mama diba?Sa halip makapagfocus sa school madistract siya. " " oo nga e, naisip ko nga din yan," napahugot siya ng malalim na hininga dahil sa sitwasyon nila. Ganun pala yon kahirap sa loob kapag alam mong pamilya mo na yong involved.Dati sarili niya lang ang iniisip niya, hindi naman niya nakakalimutan ang ina at si Justin pero iba pala talaga kapag mayroon kayong kinakaharap ba problema tapos hindi mo alam kung paano gawin para hindi maramdaman ng mahal mo sa buhay kung gaano kabigat at kahirap yong sitwasyon lalo si Justin ,napakabata pa nito para mawalay sa mama niya. "Ipanatag mo na ang loob mo, makakaraos din tayo, malalagpasan naten to okay?" "okay, ingat ka pagluwas dito ha.Alagaan mo din yang baby sa tiyan mo." "Sure, bye sissy. See you" natigilan siya dahil sa tawag ni Karen sa kaniya,natahimik siya ng ilan segundo ,may sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Narinig niyang humagikhik ito sa kabilang linya nang mapansing natahimik siya. "okay see you". Binaba na niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Dahil nakatalikod siya sa pinto ng kaniyang opisina hindi niya napansin at naramdaman ang biglang pagpasok ni Rain doon.Kulang nalang ay mahulog siya sa upuan sa pagkagulat nung pagbaling niya ay nakaupo na ito sa receiving chair na katapat ng kaniyang mesa. Madilim ang anyo na nakatingin ito sa kaniya. "Mr. Alcantara, I didn't notice that youre here, kanina pa kayo diyan?" "I'm here 10 minutes ago, malamang hindi mo talaga ako mapapansin dahil busy ka sa ibang bagay ?" madiin na salitang bigkas nito.Sinilip niya ang oras alauna dyes na. Napahaba pala ang oras ng pag-uusap nila ni Karen.Tumawag ito sa kaniya ng lunch time, kakatapos niya lang kumain nang tawagan siya nito. Nagtagal din ng kalahating oras ang kanilang pag-uusap. " Sorry, hindi ko sinsadyang lumagpas pala ako sa breaktime ko, anong sadya mo sakin?" deretsa niyang tanong dito.Yong kaba na nararamdaman niya nuon kapag kausap ito ay unti-unti niya nang na-mamanage. "It's not that, sino ang kikitain mo sa hotel?"umangat ang kilay niya sa tanong nito , kanina pa nga yata ito talaga nakapasok sa silid niya hindi niya lang napansin o naramdaman man lang. "It's none of your business Mr. Alcantara,your invading my privacy, eavesdropping by other conversation is a crime". tumawa ito ng pagak dahil sa tinuran niya. "Well it is my business since your discussing it during working time, you know my rules, unless you forget?" "Dont worry, I will extend my time today to compensate the 10 minutes that I consumed by taking that call and hindi ko nakakalimutan ang mga rules mo dito sa kompanya mo, pero ang makinig sa personal na pakikipag -usap ng empleyado kasama ba sa rules mo?"naiinis na sagot niya dito, . "Wala akong pakialam sa iba, sayo lang meron, sino yong kausap mo?" "Wala kang pakialam. ano bang sadya mo sa akin, pwede nang sabihin, marami pa akong trabahong tatapusin". "Nagmamadali ka sa ginagawa mo para makapaghanap kana ng hotel para doon sa kausap mo?" "Wala akong dapat na ipaliwanag sayo Mr.Alcantara." may diin niyang bigkas. "Meron, ako ang mapapangasawa mo kaya meron kang dapat na ipaliwanag". Napadilat siya dahil medyo tumaas ang boses nito. Nag-aalala siya baka may makarinig sa labas. Salamin ang pintuan ng opisina niya, pero alam niyang kapag malakas ang boses ng nagsasalita naririnig ito sa labas. "Ano ba yang sinasabi mo?" hininaan niya ang boses dahil baka marinig sila sa labas. "Huwag mo ngang lakasan ang boses mo naririnig yan sa labas". Ngumisi ito nang may mapansing pag-alalala sa mukha niya. "So , takot kang malaman nila na inaalok kita ng kasal"? "Inaalok pa lang, hindi ko naman tinatanggap, ayokong may makakaalam sa proposal mo. Ayokong magpaliwanag sa ibang tao". "Wala kang choice kundi tanggapin ang proposal ko, ako lang ang kailangan mo wala nang iba" Nangunot ang noo niya sa sinasabi nito. "Hindi kita kailangan , lakas mo naman". pagtataray niya dito.Tumayo ito at inilapit ang mukha sa kaniya saka bumulong. "Lahat ng kailangan mo nasa akin sweetheart beleive me " .pabulong nitong salita, may inilapag itong brown envelop sa mesa niya. Pagkatapos ay bumalik ito sa pag-upo . Nakadekwatro na ito na parang sinasabi na sa pagtatalo nilang ngayon ito ang panalo. Dinampot niya ang brown envelop at binuksan ang laman. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung anong laman niyon. Medical records ng mama niya. "Saan mo to nakuha Mr. Alcantara". "I have my ways sweetheart, With my money and connections lahat nalalaman ko at makukuha ko". Pagyayabang nito sa kaniya. Lalo naman siyang nakaramdam ng inis sa kausap. " Pina-imbestigahan mo ako.?Hindi ako criminal para gawin mo yon". "Hindi ko naman ginawa yon dahil nangdududa ako sa pagkatao mo, pinasundan kita just to know your well being, and yan ang nalaman ko". "Hindi ako natutuwa sa ginawa mo" bulalas niya. Nanggigil din siya ngayon sa lalaki.Anong karapatan nito para icheck ang background niya. "Your moms conditions is critical alam mo ba yon?Kailangan ng malaking pera para matutusan ang pangangailangan niya,Alam kong ilang linggo mo na yang pinuproblema.Hindi pa nga nasisimulan ang operation niya halos masaid kana financially" . "Hanggang saan ang nalalaman mo?" " Marami". Nanghina siya sa narinig at nalaman , so maari ngang nagsasabi ito ng totoo na marami itong nalalaman sa kaniya. "Bakit mo ba ito ginagawa?" "Dahil ikaw ang gusto kong pakasalan,kaya ko to ginagawa, As I've mentioned earlier,ako lang ang kailangan mo para matustusan mo ang medical needs ng mother mo kapag nakasal na tayo, lahat yan ipapa-asikaso ko. Kung gusto mo sa ibang bansa pa naten dalhin ang mama mo walang problema sakin. " "Hindi ko kailangan ang tulong mo" "Kaninong tulong ang kailangan mo?Sa Ex mo? oh sa Jacob na yon?" " What??Pati ba naman sila kailangan mo talagang isali sa kalokohan mo?" "Aling kalokohan? ang alamin ko kung sino mga yon sa buhay ng fiancee ko?" "Huwag mo akong matawag-tawag na fiancee,hindi ako pumapayag sa inaalok mo: "Okay, magmatigas ka hanggat gusto mo ,sakin parin naman ang bagsak mo" "Kung naghahanap ka ng asawa, bakit hindi nalang yong babaeng kasama mo sa grocery ang yakagin mo, hindi yong ako ang ginugulo mo" Gigil niyang sambit ,malakas itong tumawa ,hindi niya alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa nakikita niyong inis sa mukha niya. Hula niya ay natutuwa ito kapag naasar na siya.Panigurado siyang puputaktehin siya ng tanong ng mga tao sa labas kung ano ang pinag-uusapan nila ng amo sa loob, alam niyang naririnig ng mga to ang pagtawa ng lalaki. "Nakakainis ka talaga, Ang lakas mong tumawa, ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa labas." " I cant resist myself but to laugh, mukhang nagseselos ka kay Cathy". "At bakit namam ako magseselos don?pwede ba Maverick tantanan mo nga ako, madami akong gagawin. Inaabala mo ako,umalis kana nga" . Wala siyang pakialam kung ano sabihin nito, ito ang amo siya ang empleyado. Pinapalayas niya ito sa harapan niya dahil hindi na siya nakakagawa ng trabaho.Nagsimula siyang magtipa sa kaniyang laptop. Pinipilit niyang deadmahin ito. Pero nakalipas ang ilang segundo hindi parin ito lumalabas. "What, Can't you see I have lots of thing to do, marami kapang request na report, paano ko to matatapos kung ayaw mong umalis?" " I love that" bulong nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Huh"??? " I love that, you called my second given name ,I hate that name because too childy but I like it the way you say it, it's like music to my ears.". Ano daw?? Binigkas ba niya ang pangalan nito??Hindi niya napansin.Binalik-balikan niya sa isip kung talaga bang tinawag niya ito sa pangalawang pangalan nito. "Anyway. I have to leave para matapos na yang report na hinihinge ko, babalikan kita nga alas kwatro. Huwag ka nang mag-extend" "Oh no, wag mo nang balikan, isesend ko nalang sayo sa email". " Okay please send it, be ready at four o clock" "Bakit ba"? "May pupuntahan tayo". " Saan?" " Pasusukatan kita ng damit para sa anniversary ng Lions" "Hay naku, wag na kaya ko na yon" "Lahat nalang tinatanggihan mo kapag ako ang nag-aalok, ayaw mo naman sigurong makikita ng officemates mo na buhatin kita palabas dito mamaya right?" Pananakot nito. Naalarma naman siya baka nga gawin nito yon kapag magmatigas siya.Nakakabwisit talaga ang taong to. " Okay,okay , fine, wag kanang pumunta dito mamaya, puntahan nalang kita sa parking area. " "Much better, wag na wag mo akong tatakasan kung ayaw mong sa bahay mo kita puntahan". umikot ang mata niya dahil nakapag isip ulit ito ng panibagong pananakot sa kaniya. Nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko. " Oo na nga, umalis kana nga dito sa office ko".Pinandidilatan na niya ito ng mata. "okay, alis na ako but bigla kong naisip na mas masaya kung ililipat ko ang opisina mo sa CEO office para hindi na ako bumaba dito kapag gusto kitang makita". "Ano ba Maverick, aalis kaba o sisipain kita palabas. " Napupundi na siya sa kakulitan nito. Hindi alam ng karamihan na may kakulitan pala itong taglay. Hindi halata sa itsura nito palibhasa palaging seryoso. "Okay,okay, wifezilla" kumindat pa ito sa kaniya bago umalis. Siya naman ay pulang-pula ang mukha sa galit. Nakakabwisit talaga ang taong yon, . Ilang minuto ang nakalipas sumugod sa kaniya si Therese. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Miss Reighn, ang tagal nyong magkausap ni RMA dito a, narinig pa namin na tumawa siya for the first time, close na kayo??" Sunod-sunod na tanong ni Therese. "Sa itsura kong ito sa tingin mo may magandang kinalabasan yong pag-uusap namin?"Iritableng sagot niya. "Ay, oo nga, mukha ka ngang beast mode ngayon , ano ba kasing nangyare at pinuntahan ka dito?" " Wala nang-aasar lang siya.,bumalik kana sa pwesto mo, marami pang nirerequest na report si Lucifer sa akin. Kailangan kong ma-send sa kaniya bago mag-alas kwatro. " " Ganun ba, pero sure kang pinuntahan ka dito para asarin,mukha naman kasing hindi kayo nag-away ang itsura pagkalabas niya dito. Kumaway pa samin, at sinabihan pa kaming good job daw, magpapadeliver daw siya ng pizza para sa taga planning for a job well done." kilig na kilig na kwento nito, "Sabi sa inyo?Ano pang sinabi?" Kinakabahan niyang tanong, baka may nabanggit si Rain sa mga ito about sa napag-usapan nila kanina. "Yon lang naman, bakit meron paba siyang kailangan sabihin samin?" " Wala naman, sige mamaya nalang". Nang makalabas ng opisina niya si Therese ,sapo niya ang noo.Biglang umikot ang paningin niya. Kumuha siya ng tubig at uminom.Pagkuway binalikan niya ang ginagawa.Kailangan na niyang mag-ingat mula ngayon, alam niyang totohanin ni Rain ang banta nito sa kaniya kanina.Para sa kaniya kalokohan parin ang inaalok nitong kasal, Nagtataka rin siya kung bakit siya ang kinukulit nitong ayain magpakasal kung may uma-aligid aligid dito. Kagaya nalang nung babaeng kasama nito sa grocery. Katulad nga ng sinabi nito, with his money and connections plus the looks imposible namang wala itong girlfriend.Lalong nakaramdam ng hilo dahil sa naisip. Pinilig niya ang ulo at uminom ulit ng tubig pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa. Nagsend siya ng message kay Rain na nasend na niya ang report, para agad nitong ma review. "Nasend ko na ang mga reports na hinihinge mo, may attachment din ako ng data summary incase kailangan mo" aniya sa organization chats nila. "Great job sweet heart, thank you" agad naman nitong sagot. " Okay" " Nagpadeliver ako ng meryenda nyo, take your break time,you only have 30 minutes left, kumain ka na muna, tawagan kita kapag nasa parking lot na ako" . Napabuntong hininga siya matapos basahin ang sagot nito. Sa pagkakataong iyon parang hawak siya ng lalaki sa leeg. " Fine" napapikit siya pagksend ng huling mensahe, nakatukod ang siko sa lamesa at hinihilot niya ang ulo.Hindi naman masakit ang ulo niya, bigla lang itong lumubo sa pakiramdam niya. "Miss Reighn dumating na ang pizza , bababa ba tayo sa canteen or sa pantry nalang?" Nag-angat siya ng ulo nang marinig ang boses ni Therese. " Sa pantry nalang, nagmamadali din ako kasi aalis akong maaga". "Ay bakit?under time ka?" " Oo, may kikitain lang akong kaibigan". sagot niya. " Ay taray, bago yan ah, ano ba yan kaibigan ba talaga o kaibigan"? " Tantanan mo ako, o baka ipabalik ko yong pizza sa CEO office" "Grabe naman to, napaka sekreto mo. Siya labas na diyan kumain na muna tayo, kanina pa kami gutom.,"Tumayo siya at dinampot ang cellphone, Pagkuway sumunod kay Therese. " Oh wow, sarap . Iba talaga kapag libre, masarap" Komento ni Therese. " Lahat naman sayo masarap , basta pagkain ang kaharap" pang-aasar ni Alex. " ofcourse, food is life"sagot ni Therese, kumuha ito ng dalawang slice ng pizza nilagay sa platoz nagsalin din ito ng softdrinks sa bago nito. "Ay oo, kaya nga kahit anong diet mo hindi ka pumapayat, pagkakakita mo ng pagkain si lantak ka kaagad." "Grabe kayo a, masarap lang talaga kumain, Miss Rieghn, kumuha kana. Promisw masarap galing talaga sa mamahalin" Hindi familiar sa kaniya ang nakalagay sa box na pinaglagyan ng pizza,dumampot siya ng isang slice , spinach cheese na flavor ang kinuha niya, may tatlong flavor ng pizza ang naroon, may bacon , at hawaian, saka spinach, . Napapikit siya sa sarap pagkatapos kumagat.Tama nga si Therese, kakaiba nga ang lasa niyon.Nakaubos siya ng isang slice at kumuha ulit. Bigla siyang nagutom nang malasahan ang pagkain bukod sa amoy masarap ito talagang masarap siya. "Excited na ako sa anniversary ng Lions, kaya kailangan bawas bawasan din ang kakanguya Therese, para sexy ." ani ni Mona. "Oo, last na to cheat day na to, magbabawas na ako pagkain para fit na fit ang gown, magsusukat na nga ako ng ready maid na gown sa sabado punta akong divisoria." sabi ni Therese. "Ang layo naman nun, marami naman dito sa quezon city a. dadayo kapa doon" sita ni Mona. "Mas maraming choices doon, lalo na formal ang theme ng party. Kailangan naten gandahan malay mo magkajowa tayo sa gabing iyon" hirit pa ni sa Therese. " Hoyy bruha, nakalimutan mo yata ,may jowa kana. Kiriray mo talaga". " Ay, oo nga pala, sorry sorry." Napapailing nalang siya sa pagkukulitan ng mga ito, paubos na ang huling slice na kinakain niya biglang tumunog ang cellphone.Lumabas siya ng pantry para sagutin ang tawag. "Hello" "Im here at the parking" " Okay, magpapaalam lang ako sa team, sandali". Bumalik siya sa pantry at nagpaalam sa team niya, tumango naman ang mga ito.Mabuti nalang na hindi na nag-usisa ang mga ito dahil busy sa pagkain habang nagkukulitan. Sumakay siya ng escalator pababa ng parking mula sa lobby, paglabas ng escalator ay tinungo niya ang parking space na nakalaan para sa mga executive. Bumusina si Rain ng makita siya.Tinungo niya ang sasakyan nito. BMW ang dala nitong sasakyan , hindi na niya ito hinintay bumaba at agad siyang sumakay sa passenger seat katabi nito. Nagkabit siya ng seatbelt at kalong kalong ang bag niya sa kandungan. "okay kana?" " Yes, " amoy na amoy niya ang pabango nito sa loob ng sasakyan. Nakakabighani ang amoy nito na nagugustuhan na yata ng ilong niya. Nakiramdam siya, tahimik lang si Rain habang nagmamaneho, nakikita din niyang relax ang mukha nito. " Saan ba tayo pupunta?" tanong niya dito. " Sa Makati".Maiksi nitong sagot pero magaan ang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD