Reighn Kerstin POV Tinigil si Rain ang sasakyan sa tapat ng isang building sa Makati, pagkatapos mag-park ay lumabas ito para ipagbukas siya ng pintuan ng kotse.Naiilang siya nung una,hindi niya alam kung paano magreact,gusto niya itong sungita. pero nagpigil siya sa sarili baka kasi magtalo na naman sila. Tingin pa naman niya dito wala itong pakialam kung makakakuha sila ng atensyon o hindi. Inalalayan siya nitong makababa ng sasakyan, pagkatapos ay hinila siya nito ng mahina para sabayan niya ito sa paghakbang. Mabuti nalang nakaflat shoes siya kaya hindi siya nahirapan humabol dito. Sa taglay nitong tangkad at haba ng mga hita katumbas ng isang hakbang nito ay dalawa sa kaniya. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang bag na dala. Sumakay sila ng elevator, pinindot ni Rain ang fourth fl

