Reighn Kerstin POV Alasais palang ng umaga binabaybay na nila ang SLEX, maagang gumising si Rain, ganun pala ito kapag pumapasok, sabi ni ate Minda palahi daw itong alas kwatro palang gising na, aalis ng ala singko y media, so ibig sabihin tanghali na itong nakaalis ngayon dahil hinintay siya. Kunsabagay malayo pa ang Laguna sa QV kaya talagang magmamadali ito baka matrapik pa. Ito ang nagdadrive,bihira lang din daw magpadrive kay mang Lando, pero araw araw din itong pumapasok dahil ito na din ang madalas ginagawang service ni Fiona kapag kailangang lumabas. "Sorry, tinanghali kana yata gawa ko, huwag kang mag-alala bukas mas aagahan ko ang pag gising." "No it's okay sweetheart, wala namang kaso sa akin kahit anong oras ako papasok ng opisina, nakasanayan ko nalang din ang pumasok ng

