Reighn Kerstin POV Bumaba siya sa billing station pagkatapos nilang mag-usap ng mama niya.Kumakain ito nung lumabas siya ng kwarto.Pagkatapos niya dito sa billing pupuntahan niya si Jacob sa office nito. "Miss Alvarez, wala po kayong outstanding balance mam,"pukaw sa kaniya ng billing staff. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. "Lahat po kasi mam na bumaba nyong bill ay naka credit sa blank cheque na iniissue ni Mr. Alcantara".sagot ng billing staff ng hospital. "Sigurado po ba kayo diyan Miss?" "Opo mam, kahit po icheck nyo online wala po kayong makikita". "Sige Miss salamat". Ibig sabihin binayaran narin ni Rain ang medication ni Justin,. Kung ganun kailangan niyang ibalik dito ang perang nakuha nya nung araw na nagdesisyon siyang magpakasal dito. Lumabas siya

