Nahulog sa malalim na pag-iisip si Trinidad. Isang gabi nga lang ba talaga ang gusto niya? tanong niya sa sarili. Pinagmasdan niyang maigi ang binatang titig na titig pa rin sa kaniya. Matiim ang kislap na nakapaloob sa mga mata nito—naghihikayat sa kaniyang asamin ang higit pa sa isang gabi lang. Kung hihigit nga sila sa isang gabi lang, hindi na rin siya talo. Hinayon niya ng tingin ang kabuuan ng lalaki. His physique was perfect—he had a broad, firm chest tapering into a hard, defined abdomen and slim waist. Sa hitsura naman, siyento porsiyentong masarap ito sa mata. Galing ito sa angkang Altieri at kilala ang pamilya nito sa pagtataglay ng magandang mukha. Kung stamina naman nito ang pag-uusapan, hindi ito pahuhuli. Kaya nitong magpaligaya ng kaniig sa loob ng mahabang oras. Kaya tama

