Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Trinidad. Muli niyang pinagmasdan ang dalawang pulang guhit sa hawak niyang pregnancy test. Napabuntong-hininga siya. Nasapo niya ang batok at tumingala siya sa kisame, humihinga pa rin nang malalim. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Wala sa plano ang pagkakabuo ng bata sa sinapupunan niya. Ares didn’t want to have a child with her. He didn’t even want to marry her. Ang gusto nito, ‘laro’ lang. Mahabang panahon na rin ang tinagal ng mga palihim nilang pagkikita, at hindi niya alam kung kailan iyon matatapos. Ni minsan hindi pa naman nababanggit ng binata na nawawalan na ito ng interes sa kaniya. Hindi rin nito minsan man sinambit na malapit na itong umayaw sa pinagsasaluhan nila. “Babe? Bakit ang tagal mo riyan sa loob ng b

