Ilang araw ang ginugol ni Ares sa loob ng security room para lang muli niyang mabuksan ang CCTV footage. Disidido siyang madiskubre kung ano ang nakuha ng camera na ayaw ni Trinidad na makita niya agad. Rin didn’t sabotage every camera equally. Mas madali niyang maaayos ang CCTV 1, iyon ang nasa front gate. But she applied deep, targeted corruption to camera 2—ang nasa kuwarto nila. Kalkulado na niya na mas matatagalan bago niya ma-recover ang file sa silid. Kaya inuna na niya ang sa front gate. Inignora niya ang playback software, at direktang in-access ang storage ng recorder. He even had to write his own scripts and programs. Nang sa wakas ay matagumpay na niyang na-reconstruct ang na-corrupt na file, ay pinanood niya agad iyon. Sa simula ay kampante lang siyang nakaupo sa swivel c

