“Gusto kong ibenta ang flower shop, pati na ang lahat ng property ko sa Santa Barbara,” matigas ang tinig na sabi ni Trinidad sa kausap niya sa telepono. Abogado ang nasa kabilang linya—ang property lawyer na kilala ng mga magulang niya. Ito na ang bahalang kumausap sa mga taong kailangang ma-involve sa paglilipat ng propiedad. Matatag naman ang koneksiyon nito. Nasa ibang bansa ang ina at ama niya. Nag-iisa siyang anak kaya suportado ng mga ito ang lahat ng nanaisin niyang gawin, kahit ang ibenta pa ang mga ari-ariang nakapangalan sa kaniya. Ang bahay at loteng pinauupahan niya ay legal na rin namang naipamana sa kaniya kaya malaya na siyang gawin kahit ano pa’ng gusto niya. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Ms. Aloncia?” paniniyak ng abogado. “Yes.” As long as those properties

