“Please. Umalis ka na lang muna,” pakiusap niya rito. Tumitig siya sa binata, at nang mapansin ang pagkabahala sa ekspresyon ng mukha nito, may maliit na parte ng puso niya ang umasang ipipilit nitong manatili sa kaniyang tabi. Nahiling niya na sana ay igiit nitong ayusin nila ang hindi nila pagkakaunawaan—na sabihin nitong hindi siya nito iiwan hangga’t alam nitong masama ang kaniyang loob. Pero ang munting pag-asam na iyon ay dagling naglaho nang makita mismo ng mga mata niya kung paano naglaho ang nababahalang emosyon sa mukha nito. His face became stiff; his expression hardened. At nagsikip ang dibdib ni Trinidad sapagkat alam na niya… alam na alam na niya… na wala itong balak na manatili roon. Gusto nitong umalis. Malinaw iyon sa kislap na sumibol sa mga mata ni Ares—It was very c

