CHAPTER 24

1481 Words

Pagbukas ni Ares sa pinto ng bahay nila ni Trinidad, tanging ang madilim na sala lang ang sumalubong sa kaniya. Nababalot din ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid. Tulog na siguro si Trinidad, naisip niya. Sinipat niya ang relo sa kamay. Alas siyete pa lang. Tulog na ba talaga ito? Paakyat na sana siya sa hagdan, subalit sa gilid ng kaniyang mga mata ay nahagip niya ng tingin ang komedor. Napalingon siya sa dakong iyon, nagsalubong ang mga kilay. Parang may nagtutulak sa kaniyang sumilip doon kaya iyon mismo ang ginawa niya. Sa bungad pa lang ng komedor ay nahigit na niya ang paghinga kasabay ng pagdulas ng mababang ungol mula sa kaniyang lalamunan—dahil nakalapag pa sa ibabaw ng mesa ang inihaw na isda na hindi man lang nagalaw. Ganoon din ang kanin, hindi man lang nabawasan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD