“Kuya Ares!” masiglang bigkas ni Athena sa pangalan niya pagkapasok na pagkapasok niya sa komedor ng bahay ng kaniyang mga magulang. Napalingap sa kaniya ang lahat ng miyembro ng pamilya—ang kaniyang amang si Luther, ang inang si Ruthanya. Ang mga isinilang kasabay niya ay nandoon din, sina Apollo at Artemis. Because they were triplets. At siyempre, ang tumawag sa pangalan niya, ang bunso nila, si Athena. Katabi ni Apollo ang asawa nitong si Ahtisa. “Bakit late ka?” tanong sa kaniya ni Athena nang umupo siya sa puwestong nakalaan sa kaniya. Sa kanilang magkakapatid, si Athena na lang ang nakatira sa bahay ng mga magulang nila. Silang tatlo nina Apollo at Artemis ay dumadalaw na lang doon lalo na kapag nami-miss sila ng kanilang ina. They were lucky to have a mother like Ruthie. She

