“Ares, kailan tayo pupunta sa inyo?” tanong ni Trinidad kay Ares. Tumingin siya sa lalaking nakaupo sa kama, sa tabi niya. Nakasandal ang likod nito sa headboard ng higaan, at nakapatong ang laptop sa kandungan nito. Nagsalubong lang ang mga kilay ni Ares, subalit nanatiling tikom ang mga labi nito. Hindi man lang nito inalis sa screen ng laptop ang atensiyon. Mahirap bang sagutin ang tanong niya? Napakadali lang naman niyon. Gusto niya lang malaman kung kailan siya pormal na ipapakilala ng nobyo sa pamilya nito bilang seryoso nitong karelasyon. Hindi naman sa atat siya, ayaw niya lang sumunod sa yapak ng kaibigan niyang si Ahtisa. Alam niya kung ano ang pinagdaanan nito. Iniiwasan niyang mahulog sa parehong kumunoy na pinaglugmukan ng kaniyang kaibigan noon. Natatakot siya sapagkat

