Mag-isang nagtungo si Trinidad sa pribadong ospital. Tiyak ang mga kilos niya patungo sa Obstetrics and Gynecology Department. Kumatok siya sa pinto ng isang klinika na nakita niyang kakaunti lang ang pumipilang pasyente sa labas. Wala siyang nakahandang oras para sa kaniyang pagpapakonsulta. Nagpasya lang siyang dumiretso na roon at mag-walk in na lang. Binuksan ng sekretarya ang pinto at tumingin ito sa kaniya. “May appointment ka, Miss?” tanong nito. Nasa edad kuwarenta ang babaeng maliit lamang ang pangangatawan. May suot itong salamin sa mata. Umiling siya. “Wala po, eh. Biglaan lang ho kasi ang desisyon kong pumarito,” aniya. Habang nasa flower shop siya kanina at nag-aayos ng mga bulaklak ay bigla niyang naisip na magpuntang ospital dahil hindi pa niya pormal na napapatingnan ang

