Pagmulat ng mga mata ni Trinidad kinabukasan ay ang mestizong mukha kaagad ni Ares Altieri ang tumambad sa kaniya. Nakaupo ito sa gilid ng higaan, nakasandal sa headboard ng kama, at nakatunghay as kaniya. Maingat na nilalaro ng mga daliri nito ang ilang hibla ng buhok niya. “Ares?” kunot-noo niyang tanong. Ngumiti ito nang matamis. “You’re finally awake,” anas nito. He had just finished taking a shower. The scent of his body wash and shaving cream mingled in the air, drifting into her nose, and filling her senses. He was naked from the waist up, exposing his muscled and well-defined torso before her eyes. Tanging kulay abuhing sweatpants lang ang suot nito. Totoong masarap ito sa mata. Tinulungan siya nitong bumangon. Pagkaupung-pagkaupo niya ay mabilis nitong pinatakan ng halik ang

