Naalala ni Ares na hindi pa pala niya nasusubukang tawagan ang dalaga. Inilabas niya ang phone at tumipa ng mensahe para ipadala rito. Tapos pinindot niya ang ‘send.’ Dumaan ang mga segundo, wala siyang natanggap na reply. The knot in his stomach tightened. Kanina pa niya nararamdaman iyon, at ngayon ay mas humihigpit pa. Alam niyang naka-enable ang delivery reports sa device niya kaya dapat ay makatanggap siya ng delivery confirmation, subalit walang dumating. Bakit wala? Matalim siyang tumitig sa aparato. Ang ilaw sa screen ay tila nakatingin din pabalik sa kaniya. Sinubukan niya itong tawagan. His call got disconnected right away. ‘Did she block him?’ Sunud-sunod ang pag-alpas ng marahas na mura mula sa lalamunan niya bago niya binigkas nang buong gaspang ang pangalan ng babae

