Hinayon ng tingin ni Ares ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Bahagya nitong niyuyuko ang ulo, na tila ayaw nitong salubungin ang tingin niya. “Ang inutos ko sa iyo, nagawa mo ba nang maayos?” tanong niya, pormal ang timbre ng boses. “Ah, o-oo, Mr. Altieri, nagawa ko,” nauutal nitong tugon. Kinutuban ng masama ang binata. “Nang maayos?” pagdiriin niya. Nakita ni Ares ang paggalaw ng tapat ng lalamunan ng lalaki. Walang salitang namutawi sa bibig nito, pero sunud-sunod ang ginawa nitong pagtango. Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang ekspresyon ng kaharap pati na ang nag-aalangan nitong kilos ay nagiging dahilan para makaramdam siya ng pagkabalisa. “Ano ba ang inutos mo riyan?” biglang singit ni Tyler. “I told her to get the marriage c*ntract from Trinidad and tell her that the d

