Awtomatikong bumukas ang dalawang pintuang salamin ng gusali ng kompanya nang pumasok si Ares sa main entrance ng Titan Intelligence. Sinikap niyang ayusin ang sarili at palabasing wala siyang iniindang kahit ano. His naturally brown hair was neatly styled. His executive suit was pristine, not a single crease marring the fabric. His skin was clear. Pero hindi niya nagawang itago ang bahagyang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mga mata. At hindi niya mapuwersa ang sariling pagaanin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. He was trying his hardest to look okay. But clearly, he’s not. Baka sa mata ng mga taong hindi magaling kumilatis ay okay siya. Pero sa mga matang maingat sumuri ay malinaw na nag-iba siya… na may nagbago sa kaniya. Sinalubong siya ni Levi sa lobby. “Sir Ares, good morning.

