“Ares, huwag mo akong ikulong dito!” sigaw niya, kinalampag ang dahon ng pinto. Kumuyom ang mga kamay niya at pumukpok. Matagal siyang nakatayo sa tapat ng pinto kahit natitiyak na niyang kanina pa umalis ng bahay ang binata. Nanggigigil siya rito. Totoo nga yatang baliw ito. Ang hirap nitong intindihin, ang hirap basahin. Galit na galit ito nang sabihin niyang buntis siya, lalo na nang banggitin niya ang tungkol sa kasal, pero bakit ni-lock nito ang pinto at ayaw siyang palabasin? Balak ba nitong ikulong siya ro’n hanggang sa humupa ang galit nito sa kaniya? Ang kapal naman talaga ng mukha nito kung ito pa ang may ganang gawin iyon at umaktong dehado sa sitwasyon nilang dalawa ngayon. Wala itong karapatan! Kinapa niya ang phone sa bulsa para tawagan ang binata. Pipindutin na lang niy

