bc

The girl who make's me smile

book_age12+
3.7K
FOLLOW
13.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

At the age of 23 ay doon palang nakilala ni Sam or Samantha ang kanyang totoong ama na si Don. Manuel Arguelo. Mula ng matagpuan siya nito ay nagbago na ang kanyang buhay. Mula sa mahirap ay naging maalwa na ang kanyang buhay. Naging maayos ang pagtanggap sa kanya ng nag-iisang apo nitong na mas matanda pa sa kanya.

Ok na sana siya. Pero nakilala niya ang kaibigan ng pamangkin na wala yatang alam gawin kundi ang inisin siya tuwing magtatagpo ang kanilang landas.

chap-preview
Free preview
Sam
Malungkot na bumuntong hininga si Sam na nakatingin sa dagat. Magtatakip silim na pero hindi parin siya umaalis doon. Natatakot siya para sa tinatakbo ng buhay nya. Buong buhay niya ay nasa Isla na siya at nawawalan na siya ng pag-asang makaalis dito. Ni hindi siya nakatungtung ng college dahil hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang lola na umaasa lang sa pagdadaing. At ngayon nga ay may sakit na ito sa labis na katandaan. Namatay ang kanyang ina noong pinanganak siya at hindi nito pinaalam sa mga magulang nito kung sino ang kanyang ama. Ang kwento sa kanya ng kanyang lola ay namasukan itong katulong noon sa maynila at noon ngang umuwi ito ay buntis na ito sa kanya. Inalam daw ng mga ito kung sino ang nakabuntis dito pero hindi daw ito nagsalita tungkol doon. Kaya siguro palaging may kulang sa kanya dahil mismong ama niya ay hindi niya kilala. Naisip niya ang unfair sa kanya ng kanyang ina. Kung hindi lang sana nito ipinagkait ang impormasyon tungkol sa ama niya sana nagawa niyang hanapin ito. Hindi naman siya maghahabol ng kahit na ano man dito. Ang makilala lang niya ito ay ayos na sa kanya. 'Mas maayos kaya ang buhay ko pag nakasama kita?' Usal niyang tanong ng sa dagat parin nakatingin. Subra siyang nangungulila sa kalinga ng magulang. Hindi naman nagkulang ang kanyang lola sa pagmamahal sa kanya pero iba parin siguro kung totoong mga magulang niya ang nag-aruga sa kanya. "Oy Sam. Pagabi na. Bat nandito kapa?" Tapik ni Anding sa kanyang balikat. Si Anding ay kababata niya. Parehas din niya na hindi na nakapag-aral. Binabae ang kanyang kaibigan. Kasama niya itong nagpupulot ng mga shell sa tabing dagat na ginagawa nilang polseras at palamuti. Malungkot siyang ngumiti dito. "Maalinsangan kasi kaya nagpapahangin lang." "Oo nga. Painit ng painit ang panahon. Pawis na pawis tuloy ang kilikili ko." Sabi nito saka inamoy pa ang kilikili. "Dumating pala si Aling Edna kanina a. Nakita mo ba?" Tanong ni Anding sa kanya. "Hindi e." Maiksi niyang sagot dito. Ganito sa Isla. Pag may dumating galing sa maynila ay malalaman agad. Hehe Parang nangibang bansa. "Diba naging kaibigan daw ng nanay mo iyon noon?" Tanong uli ni Anding sa kanya habang sige ang paypay sa dala nitong pinilas na karton na ginawang pamaypay. "Daw. Yon ang sabi." Patamad niyang sagot. "Bat hindi ka magtanong sa kanya tungkol sa ama mo?" Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Wala naman ata iyong alam. Kasi nagtanong na dati sa kanya si Lola pero wala din ata silang nakuhang sagot." "Sinubukan mo na bang magtanong sa kanya?" Taas kilay nitong tanong sa kanya. "Malay mo. Pag nalaman niyang may anak pala siyang kasing ganda mo kunin ka niya. Makakaalis ka na din dito sa Isla." "Wag na. Ayaw ko narin namang umasa. Kung may alam siya sana noon pa niya sinabi." Nakanguso niyang sabi sa kaibigan. "Hay naku. Bahala kana nga." Ilang sandali pa silang natahimik ng marinig niya ang sigawan banda sa bahay ata nila kaya mabilis siyang tumakbo patungo doon. "Sam! Ang lola mo!" Sigaw ng kapitbahay nila at nagkakagulo na din ang mga ito. "Bakit ho?" Himihingal niyang tanong dahil tumakbo sila pero para syang naestatwa ng makita ang kanyang lola na nakahandusay sa may buhanginan. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Natulala lang siya. "My goodness friend! Ang lola mo!!!" Tili ni Anding na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nanginginig ang kanyang tuhod na nilapitan ang kanyang lola. "Lola. Lola." Yugyog niya sa balikat ng kanyang lola. Nalalaglag na din ang mga luha sa mga mata niya. Nanginginig ang kanyang labi. Subrang takot ng kanyang nararamdaman. "Lola. Gumising ka naman o. Wag ka namang magbiro ng ganya." Patuloy na nyang niyuyugyog ito sa balikat. Tumingin sya sa mga tao sa kanyang palibot. "Tulungan nyo po ako...Tulungan nyo po akong dalhin ang lola sa may pinakamalapit na hospital." Pakiusap niya sa mga ito. Mabilis naman nagtulong tulong ang mga ito. Pero sadya talagang hindi na kinaya ng kanyang lola dahil nasa bangka palang sila ay alam niyang wala na ang kanyang lola. Mag-isa nalang siya. Ilang araw lang niyang ipinaburol ang kanyang lola dahil wala naman ng kapamilya pang hinihintay dahil silang dalawa nalang naman na sa buhay. Nagtulong tulong ang mga kapitbahay nila para matulungan siya para maipalibing ang kanyang lola. Nang mailibing ang kanyang lola ay walang wala siya. Kasi ang kinikita niya sa paggawa ng mga shell ay napunta lahat sa gastosin nila ng kanyang lola. Naiyakap niya ang mga braso sa kanyang sarili. Tumulo ang kanyang luha. Gusto niyang sumigaw ang bigat ng kanyang dibdib. Punong puno iyon ng takot. Pano na siya ngayon? Nag-iisa nalang siya. ***Manila*** "Pwede ko bang makausap si Don. Manuel Aling Seling" pakiusap ni Aling Edna sa matandang mayordoma ng mga Arguelo. "Abay bakit?" Tanong naman ni Aling Seling. Kilala siya ng mga ito dahil kaibigan niya si Aurora na dating katulong nila noon dito matagal na panahon na iyon pero sigurado niyang natatandaan siya ng mayordoma. "May mahalaga lang po akong sasabihin sa kanya. Importante lang po. Sana po mapagbigyan nyo ho ako." Pakiusap niya sa matanda. "O sige halika at samahan kita asa harden ata siya ngayon." Sabi naman ng mabait na mayordoma at nagpauna na itong naglakad. Sumunod naman siya dito. Kinakabahan siya pero kailangan niyang tatagan ang kanyang loob para masabi dito ang kanyang pakay. Tumikhim muna ang mayordoma para makuha ang atensyon ng Don. Na nagbabasa ng dyaryo. Tumingin naman ito sa kanila at kumunot ang noo nito ng makita siya. Hindi niya alam kung kilala siya nito pero nakita na niya ito minsan. "May kailangan daw po siya sa inyo." Sabi ng mayordoma sa Don na kunot parin ang noo na nakatingin sa kanya. "Maiiwan ko muna kayo. Ano pala ang gusto mo na maiinom?" Baling ng matanda sa kanya. "Wag na ho kayong mag-abala." Ngumiti niyang tanggi dito. Nagpaalam uli ito sa kanila saka sila iniwan. "May kailangan ka sa akin?" Tanong ng Don. Sa kanya. Tumikhim muna siya bago magsasalita pero nagsalita uli ang Don. "Baka gusto mong maupo muna. Mukhang importante ata ang sadya mo." Sabi nito at tinignan ang upuan na nasa harap nito. Nahalata siguro nito na nenenerbyos siya. Umupo naman siya sa tapat ng Don. Kahit na matanda na ito ay gwapo parin ang Don. Halatang gwapong gwapo noong kabataan nito. "Ano pala ang pangalan mo." Seryoso nitong tanong sa kanya. "A-Ako po si Edna ang kaibigan po ni Aurora kung natatandaan nyo pa po." Alanganin niyang sagot sa matandang Don. Nakita niyang gumuhit ang gulat sa mukha ng Don kaya lumakas ang loob niya. Alam niyang natatandaan nito ang kanyang kaibigan. Bumuntong hininga ang matandang Don. "Ano ang kailangan mo." Tanong ng Don. na mas sumeryoso pa ang mukha. "Kumusta na pala ang kaibigan mo?" "Patay na po ang kaibigan ko 23 years na po siyang wala." Malungkot niyang sabi dito. Nakita niya ang paglambong ng mukha ng Don. "Hindi na po ako magpapaligoy ligoy Don. Manuel. Noong umalis po si Aurora dito ay buntis po siya. At namatay po siya noong nanganak siya." Nakita niya ang gulat sa mukha ng Don. "Ano ang ibig mong sabihin." Kunot ang noo parin na tanong ng Don na parang hindi nito naintindihan ang kanyang sinabi. "Sa tingin ko po ay nabuntis nyo po ang kaibigan ko bago po siya umalis sa poder ninyo." Deretsa nitong sabi sa matandang Don. "Babae po ang anak niya benten tres na po ngayon ang bata. At wala ng pamilya dahil kamamatay lang ng kanyang lola isang linggo lang ang nakakaraan." Tuloy niyang kwento sa Don na tahimik lang na nakikinig sa kanya kaya sinamantala niya ang pagkakataon para magsalita. "Kawawa po ang bata dahil wala pong natira sa kanya. Tinulungan lang po siya ng mga kapit bahay niya sa Isla para maipalibing po niya ang kanyang lola." "Pano ka nakakasigurado na ako nga ang ama niya?" Nananantya nitong tanong sa kanya. "Nasa sa inyo po iyon kung maniniwala po kayo. Mayaman po kayo. Pero pag nakita nyo po siguro ang bata ay baka magulat po kayo. Hindi din po sinabi sa akin ni Aurora kung sino ang ama ng kanyang anak pero sa nakikita ko pong itsura ng bata ay alam na alam kong kayo po ang ama dahil nakuha niya po ang itsura nya sa inyo." Nakita ni Aling Edna na natigilan ang Don sa kanyang sinabi. "Alam kong minahal po kayo ng kaibigan ko sa kabila ng agwat nyo po ng edad. Wala po siyang naging kasintahan at alam kong kayo lang po ang nakarelasyon niya." Seryoso niyang sabi sa Don. "Kung ganon bakit siya umalis at iwan ako." Naguguluhan na tanong ng Don. Pero nababakas ang lungkot sa mata nito. "Ang sabi niya po sa akin noon ay ayaw niyang mapahiya kayo sa mga kakilala ninyo dahil sa kanya. Kaya pinili niya pong lumayo at iwan kayo." "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol sa anak namin" "Madalang lang po akong umuwi sa amin at hindi ko po napagtutuunan ng pansin ang tungkol sa kanya. Pero kailan ko lang napagtanto na kamukha nyo po ang bata. Nag-aalangan po akong lumapit sa inyo dahil wala po akong pinanghahawakang nagpapatunay na anak nyo nga sya. Pero sana ho ay bigyan nyo po ng pansin. Kawawa po siya kung mag-iisa nalang siya at wala ng pamilya." Malungkot na sabi ni Aling Edna "Ito po ang larawan niya. May mga impormasyon na po sa likod ng kanyang larawan. Nasa sa inyo na po kung pupuntahan nyo po siya. Pero sana po ay puntahan po ninyo siya sa lalong madaling panahon." Inilapag ni Aling Edna ang 5R na letro at saka na ito nagpaalam. Hindi na ito nasagot ng Don dahil parang pinako na ang tingin sa letratong inilapag nito sa mesang nasa harap niya. Hinaplos niya iyon. Parang siyang tumitingin sa sarili niyang mga mata. Ipinikit pikit niya ang mata dahil parang may namumuong luha doon. Naalala niya si Aurora. Si Aurora ay isang probinsyanang katulong nila. Maganda ito, likas na mahinhin. Nabighani dito ang Don. Sa kabila ng agwat nila ng edad ay alam niyang may pagtingin sa kanya ang dalaga. Siguro ay humahanga sa kanya. Natukso siya dito at nakaroon nang maiinit na tagpo sa kanilang pagitan. Gusto niyang sabihin sa anak ang tungkol sa relasyon niya sa dalaga pero ayaw nito dahil baka daw hindi ito matanggap ng kanyang anak na noon ay mas piniling manirahan sa ibang bansa kasama ng asawang modelo at doon na naglagi. Dahil sa wala siyang pamilyang kasama dito sa pilipinas ay nalolong din ang Don sa Dalaga. Itinuring niya itong reyna niya na handa niyang ipagsigawan sa buong mundo ang tungkol dito pero mariin itong tumanggi. Hanggang sa bigla nalang ito naglahong parang bula at hindi na niya mahagilap. Pinahanap niya ito pero hindi parin nila ito nahanap hanggang sa sumuko nalang siya. Ipinanalangin niya nalang na sana ay makahanap ito ng totoong pag-ibig na kaedaran nito at hindi kagaya niya na malaki ang agwat ng edad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook