Meet Don Manuel and Jhon

1980 Words
"What do you mean may anak ka lolo?" Naguguluhang tanong ni Jhon sa kanyang lolo dahil wala siyang maintindihan. "Nagkaroon ako ng relasyon sa isang dalaga noong nasa ibang bansa pa kayo. Pero iniwan niya ako at hindi ko alam na nagbunga pala ang relasyon namin." Inabot ng lolo nya ang larawan ng isang babae na asa teenager palang ata. Kaya napamulagat siya dito. Halatang mas matanda pa siya sa sinasabi nitong anak nito. Pero kapansin pansin na halos parehas sila ng mata ng nasa picture. Kamukha ito ng kanyang lolo. At pati nadin ang kanyang papa dahil parang pinagbiyak na bunga ang lolo niya at ang papa niya. Ito ay ang woman version ng mga ito. Maganda ito matangos ang ilong at maamo ang mukha. "At gusto nyo siyang makita agad. Ganon ho ba?" Kunot ang noo niyang tanong sa kanyang lolo. "Yes. I want to see her as soon as possible." Determinadong sagot ng kanyang lolo sa kanya. "Did she know about you lo?" Tanong uli niya sa kanyang lolo. "I have no idea apo. Ang sabi lang sa akin ng kaibigan ni Aurora ay wala na daw itong pamilya dahil kamamatay lang ng kanyang lola at walang wala ito ngayon." Malungkot na sagot sa kanya ng kanyang lolo. Jhon sighed ***Isla Maberde*** "Ate Sam. Pinapatawag po kayo ni Inay dahil may naghahanap po sa inyon." Humuhingal na tawag sa kanya ni Nitoy. Hindi na ito umabot sa kanilang kinaruruonan ni Anding. "Sino daw?" Sigaw naman niyang tanong. Nagpupulot kasi sila ng shell ng kaibigan. "Hindi ko po kilala. Uwi na daw po kayo." Sigaw naman nitong sabi saka tumakbo uli paalis. "Mauna kana. Punuin ko lang itong timba natin para mas marami tayong magawa." Taboy ni Anding sa kanya. "Tsk! Kunti nalang e mapupuno na." Reklamo niya. "Baka importante yon." Pagtataboy naman nito. Kaya wala siyang magawa kundi padabog na umalis. Naiiling nalang itong tumingin sa kanya. Malayo pa siya ay tanaw na niya ang limang lalaking naka suot ng itim na amerikana sa labas ng kanyag bahay. Kinabahan siya pero natatawa siya dahil ang init ng panahon ay naka amerikana ang mga ito at hindi man lang sumilong. Oo maliit ang bahay niya pero mayroon naman itong pinaka goodmorning/terrace sa harap nito, kaya pwede naman ang mga itong sumilong doon o kaya doon sa may puno ng mangga malapit sa bahay niya. 'Ang weirdo naman nila' hindi niya maiwasang mapahagikhik. "Kuya. Baka pwedeng sumilong muna kayo. Kahit pahapon na baka matosta parin kayo niya." Sabi niya ng makalapit na siya sa mga ito pero hindi siya pinansin. Nakatayo lang ang mga ito. "Haler...." winagayway pa niya ang kanyang kamay sa harap ng mga ito pero ni hindi man lang gumalawa ang mga ito. "Ay naku Sam. Pumasok kana dini at may sasabihin daw sila sayo." Sumungaw ang ulo ng kanyang kapitbahay sa goodmorning ng kanyang bahay. Napapalibutan kasi iyon ng hinati hating kawayan kaya hindi niya nakikita ang nasa loob. Naiiling nalang niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng tapis ng kanyang malaking sumbrero na gawa sa tela, may tapis iyon na bulaklakin ang design ginawa niyang pantakip sa kanyang mukha para proteksyon sa araw. Nagulat siya ng may nadatnang dalawang lalaki sa loob ng goodmorning niya kasama ng kanyang kapitbahay. Isang matandang lalaki at isang gwapong lalaki na nasa halos trenta na siguro ang edad. Kumunot ang kanyang noo pero mas nakuha ng atensyon niya ang matandang lalaki na mataman din nakatitig sa kanya. Parang naluluha ito. Ang lalaki namang gwapo ay nakaawang ang mga labi. "S-sino sila ate?" Tanong niya sa kanyang kapitbahay na sa matanda parin ang kanyang tingin. "A. Maiiwan ko muna kayo Sam ha." Hindi na siya sinagot nito at umalis na. "S-sino po kayo? Ano po ang kailangan ninyo?" Sunod sunod niyang tanong. Dahan dahang lumapit ang matandang lalaki sa kanya kaya medyo napaatras siya pero lumapit parin ito sa kanya at hinaplos nito ang kanyang mukha kasabay ng pagpatak ng mga luha nito sa mga mata. Naguguluhan siya sa inaakto nito. "Anak" halos bulong lang iyon pero parang bombang sumabog sa kanyang mukha kaya napaatras uli ang kanyang paa. tuloy tuloy naman ang pag-agos ng luha ng matanda sa kanyang mga mata. Nanginginig siya at parang nanlalambot ang kanyang tuhod pero pinilit niyang wag magpahalata. "A-Anong kailangan nyo po sa akin" nanginginig ang kanyang labing tanong. "Ako ang ama mo." Halos bulong lang iyon ng matanda. Mabilis namang umalalay ang kasama nitong lalaki dito. Umiling iling siya parang hindi kayang iproseso ng kanyang utak ang naririnig niya. "P-paano nyo po nasabi na anak nyo ako?" Pinilit niyang maging seryoso ang boses at itago ang imosyon na nadarama. Ayaw nyang umasa. "Nadarama ko anak. Anak nga kita." Sabi ng matanda. "Pinuntahan ako ni Edna ang kaibigan ng mama mo at sinabi niya ang tungkol sayo. Patawarin mo ako anak kung ngayon lang ako. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga hindi mo na dinanas ang ganitong hirap." Umiiyak na pahayag ng matanda. Wala sa loob na nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha. Tinitigan niya ito. Nakita nga niya na may nakuha siya dito. Ang mata nito ang ilong. "Totoo po kayo?" Wala sa loob na nasambit niya, nangingilid din ang kanyang luha. "Oo anak. Nandito na ako." Sabi ng matanda na halos hindi na makapagsalita sa subrang imosyon. Napaatras uli siya ng dalawang hakbang. 'Nandito ang ama ko' sabi niya sa sarili. Parang nagsisikip ang kanyang dibdib at tuluyang nanlambot ang kanyang tuhod. Napalupasay sya sa lupa at doon na nag unahan ang kanyang luha na naging hikbi hanggang sa tuluyan na ayang napahagulgol. Parang sasabog ang kanyang dindib. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil may pamilya na siya o dapat ba siyang magalit dahil ngayon lang ito nagpakita sa kanya. Dinaluhan agad siya ng matanda at niyakap. "Sssshhh patawarin mo si Daddy anak." Anas ng matanda. Lalo syang napaiyak. Halos hindi na sya makahinga sa kaiiyak. Gusto nyang ibulalas lahat ng hirap nya. Ang dami nyang gustong itanong kung bakit ngayon lang ito pero hindi nya maisatinig dahil naging iyak lahat ang mga iyon. Matagal sila sa ganong ayos. Hanggang sa nanlambot nalang sya at tuluyang nagdilim ang kanyang kamalayan. Nagising siya ay pagabi na at nasa sarili na siyang kwarto. May naaamoy siyang parang may niluluto sa kusina kaya tumayo siya at lumabas sa may pinakasalas ng bahay niya. May isang set ng upuang kawayan doon pero lupa pa ang sahig ang kabahayan nila ay sinahigan nanan ng kawayan. Ang maliit nilang divider ang nagsisilbing dibisyon ng kusina at salas nila. Nababaan niya ang matandang nakaupo sa upuang kawayan at nagbubuklat ng kanilang photo album. "Gising kana pala hija. Pasinsya na at pinakialaman ko na ang mga ito" nakangiti nito sabi sa kanya. Alanganin naman siyang ngumiti dito. Napatitig siya sa mukha nito. Matanda na ito. Parang kaedaran lang siguro ng lola niya pero matikas pa itong gumalaw. Mukha itong mayaman. Naiilang pa siya dito. Binaling niya ang tingin sa kusina kung saan tanaw na tanaw niya ang lalaking gwapo nitong kasama at ito ang nagluluto. May naramdaman siyang hiya kasi kahoy ang gamit nila sa pagluluto. Mataman niya itong tinitigan. Pero parang alam naman nito ang ginagawa. 'Saan kaya kumuha ito ng iluluto?' Natanong niya sa isip kasi madami ang nasa lamesa nila. Ang alam kasi niya pang limang kilong bigas lang ang laman ng bigasan niya at wala pa siyang stock na pang ulam. Hindi naman niya problema ang ulam niya dahil palagi siyang dinadalhan ni Anding. "Sandali lang ho a." Paalam niya sa matanda. Saka tinungo ang kusina. "A. Sir. Pasinsya na po." Pang-aagaw pansin niya sa lalaking busy sa pagluluto. Tumingin naman ito sa kanya. Medyo gulat pa ito ng makita siya. "Gising kana pala. Pasinsya na pinakialaman ko na ang kusina mo." Nakangiti nitong sabi sa kanya. Lumipat naman ang matanda sa kusina kung nasaan sila ng kasama nitong mas batang lalaki. Umupo ito sa banko ng lamesa at nakangiting tumingin sa kanila. "Anyway. Alam kong hindi mo pa kami kilala" sabi ng mas batang lalaki pero tumingin ito sa matandang lalaki tumango naman ang matandang lalaki dito saka lang uli nagsalita ang mas batang lalaki. "Ako si Jhon. Jhon Patrick Arguelo." Sabi nito sabay lahad ng kamay. Inabot naman niya iyon pero laking gulat niya ng lumapit ito sa kanya at masuyo siyang niyakap at hinalikan sa noo. "Welcome to the family Samatha Arguelo." Sabi nito sa kanya at nakita niyang namasa ang mga mata nito. Nagulat siya At nagtaka dahil sa binanggit nitong apelyido niya. Pero nangingilid din ang kanyang mga luha. 'Ito naba talaga ang kanyang hinihintay?' Tumayo din ang matanda at lumapit sa kanya. Tinitigan siya nito at ngumiti. "And I'm your father Don. Manuel Arguelo." Saka siya niyakap ng mahigpit. Doon na tumulo ang kanyang luha. Parang ngayon lang tumino sa kanyang utak na nandito na nga ang kanyang ama. Dinama niya ang yakap nito. Magaan ang loob niya dito at parang may tuwang naramdaman ang kanyang puso. Nang binitawan siya ng matanda ay bumaling siya sa batang lalaki na Jhon ang pangalan. "Kapatid po kita?" Alanganin niyang tanong kay Jhon. "No sweety. Pamangkin mo ako. Tita kita." Malawak ang ngiti nito sa kanya. "Ha?" "Ang magulang ni Jhon ang kapatid mo hija." Sabi ng kanyang ama kaya napanganga siya. Pabiro namang isinara ni Jhon ang kanyang bunganga. "Malalaman mo din lahat anak. Wag mo munang biglain ang sarili mo." Sabi ng kanyang ama. "Ano po ang itatawag ko sa inyo Don. Manuel?" Tanong niya sa matanda. Napangiti naman ito sa kanya. "Tawagin mo akong daddy hija." Masayang sabi nito sa kanya. Bumaling naman siya kay Jhon. "tatawagin kitang tita." Natatawa nitong sabi sa kanya na parang nababasa nito ang tanong niya. Lumaki ang mata niya "Ayaw ko." Nakanguso niyang tanggi dito kaya napatawa naman ang dalawa. "Diba tita naman talaga ang dapat na itawag ko sayo." Natatawa nitong sabi sa kanya. "Tita Samantha. Bagay naman diba.?" Hindi niya mapigilang irapan ito kaya mas lalong natawa ang mga ito sa kanila. "Tatawagin nalang kitang kuya. Dahil matanda kana." Nakangiti niyang sabi dito. "Makatanda ka naman sa akin. Seven years lang ang agwat ng eded natin e." Reklamo nito sa kanya. "Sige na kuya."pilit naman niya dito. "O sige na nga." Suko nitong sabi sa kanya saka kinurot ang kanyang pisngi. "D-daddy." Naiilang niyang tawag sa ama. Nakita niyang may anong imosyon ang dumaan sa mukha ng kanyang ama ng tinawag niya itong daddy. "mayaman ho ba kayo?" Tanong niya dito. Nagtataka namang napatingin ang mga ito sa kanya. Bumuntong hininga siya saka uli nagsalita. "May narinig po kasi ako about po sa DNA. Na doon mo daw mapapatunayan kung magkamag-anak po ang dalawang tao." Medyo nakangiwi niyang sabi dahil hindi siya sigurado sa kanyang sinasabi dahil siguro salat siya sa pinag aralan at limitado ang kaalaman sa mga bagay bagay. "Gusto ko po sanang magpa DNA test po tayo para makasigurado po talaga kayo kung ako po talaga ang anak ninyo." Hindi niya alam pero naluluha siya sa kanyang sinabi. Pero kailangan niyang gawin iyon. Baka ipanatag niya ang loob na siya ang anak na hinahanap nito tapos hindi pala. Mas masasaktan siya sa huli. "Bakit anak?" Takang tanong ng matanda. "Pasinsya na ho." Sabi niya sabay pahid ng luhang pumatak sa kanyang mga mata. "Mula po ng magkaisip po ako ni isang impormasyon tungkol sa ama ko ay wala po ako. Gusto ko po maniwala na kayo na nga po iyon dahil ang tagal ko pong naghintay na makilala ko kong sino ang aking ama. Pero gusto ko pong mapanatag ang aking loob, Na wala pong agam agam sa aking dibdib." Paliwanag niya sa mga ito. Tumango naman ang matanda. "Kung sa akin lang anak kahit walang DNA alam ko ng anak kita. Pero kung iyon ang magpapatahimik ng loob mo. Sige gagawin natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD