Malungkot na naka nakadungaw si Samantha sa labas kung nasaan ang harden ng mansyon ng mga Arguelo habang maulan sa labas. Isang linggo na siya sa mansyon dahil iniuwi na siya ng mga ito mula din noong nagpakilala ang mga ito na ang mga ito ang kanyang pamilya pero hindi parin matahimik ang kanyang loob.
Tumawag kanina si Jhon na nasa kanya na ang resulta ng DNA nila. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Sa iksi ng panahon na nakasama niya ang mga ito ay parang napunan ang hinahanap niyang kulang sa buhay niya. Pero pano kung hindi pala siya tunay na anak ng matanda.
Ayaw parin niyang marinig ang kwento ng matanda at ng kanyang nanay dahil ayaw niyang lubusang umasa. Gusto muna niyang makasigurado kung ama nga niya talaga ito.
Narinig niya ang paghinto ng sasakyan mula sa labas at hindi nagtagal ay may narinig siyang katok.
"Ma'am Sam. Pinapatawag po kayo ni Don. Manuel" tawag sa kanya ng katulong na hindi na nag-abalang buksan ang pintoan ng kanyang kwarto.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Saka tumayo at lumapit sa may pintoan at binuksan iyon. Saktong kakatok sana uli ang katulong.
"Tsk! Sabi ko sayo ate, wag mo na akong tawaging ma'am e" reklamo niya sa katulong. Alanganin namang ngumiti ito.
"Pagagalitan po kami ni Don. Manuel"
Napasimangot siya dito. "Hindi na kita ngingitian o papansinin." Sabi niya at saka nilagpasan na ito. Napakamot naman ito sa ulo.
Humabol ito sa kanya para makasabay sa kanya."Sa opisina daw po kayo." Pero hindi niya ito pinansin.
"Sam. Sinasabi ni Don. sa opisina daw kayo." Sabi uli nito. Napangiti siya dito.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap niya ito. "O diba. Mas maganda ang pangalan ko kaysa sa ma'am" nakangiti niyang sabi dito. Sakto namang lumabas si Jhon sa opisina ng kanyang ama.
"O sweety." Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa noo na kinasanayan na niyang gesture ng binata. "Are you ready?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"Kinakabahan ako." Malungkot niyang sagot dito. Napahawak pa siya sa tapat ng kanyang dibdib para damhin iyon.
Napangiti naman si Jhon sa kanya. Bumaling ito sa katulong na nasa tabi niya. "Pwede mo ba kaming dalhan ng coffe sa office at paki dala nadin ang kape ni Ma'am Samantha mo." Utos nito sa katulong kaya napasimangot siya.
"Sabi ng Samantha lang e." Reklamo naman niya sa binata.
"Pero kailangan mong masanay na tinatawag kang ma'am." Naaaliw naman nitong sabi sa kanya.
"Ayaw ko, fan na fan ako ng pangalan ko kaya ayaw ko iyong nadadagdagan." Irap niya dito.
"You're such a stubborn, sweety." Reklamo naman nito sa kanya pero nakangiti naman.
"Tamang tama. Kalalaga lang ni Aling Seling ang kape mo Sam." Masayang pahayag naman ng kasambahay nila.
Addict kasi siya sa kape. Dahil siguro sa mahilig ang kanyang lola sa kape kaya nahilig din siya. Hindi siya kakain ng walang kape sa kanyang harapan kahit kape lang ang ulam niya ay ayos na sya. Pero kapeng bigas ang kanyang kape dahil nanginginig ang kanyang laman pag kape talaga ang kanyang iniinom. Dahil siguro sa madalas siyang umiinom at hindi iyon kinakaya ng kanyang katawan. Kaya pinaggagawa siya ng bigas na kape ng kanyang lola. Pag wala silang maibili ng ulam ay kape lang ang inuulam niya at wala siyang reklamo doon.
Kaya nagtaka ang mga ito ng unang araw niya sa mansyon. Tanghaliaan iyon.
***Flashback***
"Ate pwede pong humingi ng kape" nahihiya niyang sabi sa nagserve ng pagkain sa napakahabang mesa. Ang daming pagkain doon parang fiesta tapos tatlo lang silang nakaupo.
Ngumiti naman ito at agad na tumalima.
Tahimik lang siyang kumuha ng kanin niya pero hindi pa siya kumuha ng ulam niya.
"O hija. Ayaw mo ba ng pagkain sa harap mo?" Nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya. Si Jhon naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya na parang pinag-aaralan ang galaw niya pero nakangiti naman ito sa kanya.
"A. Hindi po. Hinihintay ko lang po ang kape ko po." Nakangiti niyang sabi.
Para walang masabi ang mga ito ay inabot niya ang isang hita ng manok na nasa harap niya. Sakto namang inilapag ang kape niya sa kanyang tabi.
Tinanggalan muna nya ng laman ng hita na kinuha niya at inihiwalay iyong buto pero may laman laman pang natira. Pinagilid niya sa kanyang palto ang laman na tinanggal niya at saka niya kinuha ang kanyang kape at iyon ang ginawa niyang sabaw ng kanyang kanin. Hinalo halo niya ang kape sa kanin saka siya sumubo ng tatlong beses na magkakasunod.
Saka niya kinamay ang buto ng manok at nginatngat niya iyon. Pero napatingin siya kay Jhon dahil katapat niya lang ito naka ngangan ito sa kanya kaya naibalik niya ang buto sa kanyang plato.
Natawa naman ng malakas ang kanyang ama. "Mana ka talaga sa ina mo anak." Naiiling na sabi ng matanda na tumatawa parin. "Ako noon ang taga kain ng laman pag may buto ang pagkain kasi gusto niya ay sa kanya yon buto." Kwento nito kaya napangiti siya. Kahit pala papaano ay natatandaan nito ang kanyang ina. Hindi niya alam iyon dahil hindi naikwento ng kanyang lola
"Sorry ha. Pero pwedeng malaman bakit ginawa mong sabaw ang kape mo. Ayaw mo ba ang ulam natin?" Takang tanong ni Jhon sa kanya.
"A. Hindi po. Addict po kasi ako sa kape. Parang kanin po sa akin ang kape. Mawala na ng ulam wag lang po kape." Nakangiti niyang sagot dito.
Napatawa ito sa sagot niya na parang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Napatingin pa ito sa kanyang pagkain. "Magtatampo sayo nyan si chef. Alam mo bang isang chef ang nagluluto ng pagkain natin tapos mas gusto mo pa ang kape kaysa sa luto niya." Naiiling nitong sabi sa kanya.
"Gusto ko nga pong magrequest ng bigas ba kape. Pwede po ba?" Tanong niya sa matanda.
"Oo naman hija. Basta sabihin mo lang kung pano ginagawa iyon." Nakangiting sagot ng matanda sa kanya.
***end of flashback***
Pumasok sila sa loob ng opisina. Nadatnan nila ang matandang Don na nakaupo sa tapat ng mesa nito. Nakangiti ito sa kanila ng pumasok sila. Alumpihit siyang umupo sa harap ng mesa nito. Umupo naman si Jhon sa katapat ng kanyang upuan.
"Ok ka lang anak?" Tanong nito sa kanya. Napansin siguro nito na medyo aligaga siya.
"Kinakabahan po ako." Sagot niya habang naglalaban ang mga hinlalaki niya sa kanyang kandungan.
"Alam mo hija. Hindi naman na natin kailangan itong buksan." Sabi ng Don sabay taas ang envelop na hawak nito para makita niya na mas lalong ikinakabog ng kanyang dibdib. Para siyang binibitay. "Kahit negative pa ang result nito magiging pamilya ka namin." Paninigurado nito.
"Mas maganda po kung malaman po natin ang result." Tinatagan niya ang kanyang loob.
"So, bubuksan ko na?" Paalam ng matanda sa kanya. Inilapit naman ni Jhon ang upuan nito sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
Tumango siya. Yumuko at Pumikit siya ng makitang bubuksan na iyon ng matanda. Naramdaman na niyang nalalaglag na ang kanya luha dahil sa subrang kaba. Narinig niyang bumuntong hininga ang matanda.
"It's 99.9% hija." Rinig niyang sambit nito kaya napataas ang kanyang mukha at napatingin dito.
"Ho?" Tanong niya na parang hindi pumasok sa utak niya ang sinabi niyo. Tumayo naman si Jhon at hinaplos haplos nito ang kanyang likod ng napansin nitong napapahikbi na siya.
"You're my daughter hija." May luha din sa mukha nito. Naisapo niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at doon niya pinakawalan ang hagulgol na kanina pa niya pinipigilan.
"May pamilya na ako. Hindi na ako mag-iisa." Sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. Niyakap naman siya ni Jhon. "Hinding hindi kana mag-iisa Sweety." Bulong nito sa kanya. Lumayo ito sa kanya at naramdaman niya uling may yumakap sa kanya.
"Finally anak. Nagpapasalamat ako sa mama mo dahil binigyan pa niya ako ng anak. Sa kabila ng agwat namin ng edad ay minahal ko siya. Sorry kung wala ako sa tabi ninyo noong mga panahon na kailangan nyo ako. Pinahanap ko siya pero hindi ko talaga siya matagpuan." Kwento nito habang yakap yakap siya. Tinanggal niya ang kamay sa kanyang mukha at iniyakap iyon sa kanyang ama.
"Daddy... daddy...daddy" paulit ulit niyang sambit habang humahagulgol. "May daddy na ako. Yes! May daddy na ako." Humahagulgol at tumatawa siya.
Natawa naman ang dalawa sa kanya pero alam niyang lumuluha din ang mga ito.
"Ito na po ang kape! Ay.sorry po." Nagulat ang katulong na pumasok nang mabungaran silang nag-iiyakan sa loob.
Bumitaw siya sa yakap ng ama pero inakbayan siya nito. Nagkatinginan sila saka sila nagtawanan. Pinahid nito ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Nakangiti naman si Jhon na nakatingin sa kanilang dalawa ng kanyang ama.
"Im happy to both of you." Sabi pa nito. "O ayan ha. Siguro naman hindi na kuntudo iwas ang gagawin mo niyan sa amin." Pabiro nitong sabi sa kanya. Mula kasi ng dumating siya sa mansyon medyo iwas pa siya sa mga ito, baka nga kasi mali lang sila ng akala. Prenoprotektahan lang niya ang sarili. Pero ngayon. Aalagaan na niya ang mga ito. Susulitin niya ang bawat araw na makakasama niya ang kanyang ama.
Sabay silang naglakad ng ama papunta sa sofa kung saan dina ang kanilang kape.
May maliit na thermos doon at malinis na tasa. Kabisado na siya ni aling Seling kahit isang linggo palang siya dito sa mansyon.
"Parang gusto ko ng kape mo sweety." Sabi ni Jhon sa kanya kaya napakunot ang kanyang noo.
"Parang ang sarap ng amoy." Sabi nito at suminghot singhot pa sa hangin para maamoy ang aroma ng kanyang kape.
"Ubusin mo muna iyan kape mo. Sayang yan." Sabi naman niya dito. Natawa naman ang kanyang ama sa kanila.
"Jhon. Gusto kong magpa organize ka ng party at imbitahin mo lahat ng mga kaibigan natin para maipakilala na natin si Samantha." Sabi ng matanda bago himigop ng kape nito. Napatingin siya sa kanyang ama.
"Kailangan pa ba iyon dad?" Kunot noo niyang tanong dito.
"Yes hija. Gustong kong ipagsigawan sa buong mundo na anak kita. Bagay na hindi ko nagawa sa mama mo noon dahil tumanggi siya, sana naman ngayon ay pagbigyan mo ako." Hiling nang matanda. "And I want you to continue your study. Kung kinakailangang ipadala kita sa abroad para---"
"Sandali lang po" pigil niya sa ama. Hinay hinay lang naman daddy." Nakanguso niyang sabi sa ama. "Ayaw ko namang ipadala mo pa ako sa abroad." Reklamo pa niya dito.
"You're so stubborn like your mother." Reklamo ng kanyang ama. Narinig naman niyang natawa si Jhon dahil sa pagtatalo nilang mag-ama.
Lukot parin ang kanyang mukha. "Dad. Ayaw ko namang maghiwalay tayo agad." Narinig niya napa "ahhh" si Jhon sa kanyang sinabi.
"Di sasamahan kita doon." Giit ng kanyang ama.
"Ayaw ko. Dito nalang ako. Hindi nga ako marunong mag-english tapos ipupunta mo pa ako doon." Ang lakas ng tawa ni Jhon sa dahil sa kanyang sinabi.
"Sweety madali lang namang matuto. Kaya ka nga mag-aaral." Kitang kita niya na naaliw ito sa kanya kaya inirapan niya ito.
"Ayaw ko. Hindi ako matalino. Puro nga pasang awa ang grades ko noong high school ako e." Totoong hindi siya matalino. Hindi naman bagsak, nakakapasa pero nasa average lang talaga ang grades nya.
"Kukuha tayo ng magaling na magtututor sayo." Sabi ng kanyang ama.
"Daddy hindi na kailangan. Ayaw ko namang mastress sa pag-aaral. Oo gusto kung mag-aral kahit naman hindi ako katalinuhan pero gusto kong maenjoy naman iyon yong hindi ako naprepressure." Giit naman niya.
"Pero sweety kailangan mong mag-aral mabuti dahil pag handa kana ay hahawakan mo ang ibang business ng pamilya natin." Sabi ni Jhon.
Sinimangutan niya ito. "Hindi naman sa wala akong pangarap. Pero yang paghahawak ng business na yan kung ano man yan. Ngayon pa lang, ayaw ko. Kahit sayo na lahat. Ok na sa akin ang makasama ko kayo ni Daddy." Natahimik at nagkatinginan naman ang dalawa.
"Sorry ho." Nakayuko niyang sabi. "Sorry kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa talaga alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Kasi ang pinangarap ko lang talaga noon ay ang makita ang ama ko." Nakaramdam siya ng hiya sa mga kaharap. Naramdaman niya ang kamay ng kanyang ama sa kanyang balikat.
"O sige. Bahala ka kung ano ang gustong mong gawin o kung ano ang gusto mong kunin. Pero mag-aaral kang mabuti. Nandito lang kami ni Jhon na aalalay sayo." Sabi nito sa kanya kaya napangiti niya dito at niyakap ang kanyang ama.
"Thank you po daddy." Masaya niyang niyakap ang ama.
"Tsk! Ayan spoiled agad sa daddy e." Reklamo naman ni Jhon pero hindi naman mukhang galit kaya Inirapan naman niya ito.