The maid

1702 Words
"Sh*t!" Napamura si Jef ng mapatingin sa garden nila Jhon. Nakita niya ang maid nito na nagdidilig ng halaman at nakayuko ito sa gawi niya habang abala ito sa pagpupulot ng tuyong dahon sa pagitan ng mga halaman. Tumutulo pa ang hawak nitong hose. Wala siyang balak busohan ito pero kitang kita niya ang puno ng dibdib nito tuwing yumuyuko. he can't stop himself not to look at her. 'Damn that woman for being so careless.' Mura niya pano kung iba ang nakakita dito. He scanned her nakasuot lang ito ng sleeveless and cotton short and damn! she have a flawless legs. Morena ito at petite, halos hindi pa ata umabot sa five feet ang height. Parang bata pa ito baka wala pa sa 20's. Hinawi nito ang buhok na nalalaglag sa mukha nito at para itong nagslow motion na halos hindi siya humihinga ng makita niya ang mukha nito. 'Sh*t she's so simple and yet so beautiful at the same time.' It seems like she touch his heart but he also felt the reaction of his buddy down there and he can't believe that. How could this happen? Ganon na ba siya kagutom sa s** para magreact ng ganon ang kanyang katawan. He's about to approach her pero dumating si Ayen. Ang dalagang katulong ng kanyang kaibigan. Medyo may katabaan si Ayen pero cute ito at palagi niya itong binibiro pag nakikita niya. "O Sir Jef. Nandyan pala kayo." Bati nito sa kanya. Napatingin naman sa kanya ang babaeng kanina pa niya pinapanuod at mukhang nagulat ito sa kanya. 'Sh*t!' Napamura uli siya dahil mas naging malakas ang epekto nito sa kanya. She parted her lip's but she didn't say anything at nakita niyang sinara uli nito ang bibig. "Sam. Nailaga na ni Aling Seling yong kape mo" baling ni Ayen sa babae na nakatingin parin sa kanya. Parang pinag-aaralan siya nito. He cleared his throat "Are you done scanning me lady?" Nakataas ang kilay niyang tanong dito. He don't know but he's pissed off by thinking that his friend might seen her same as what he saw a while ago. "Hah?" Gulat nitong tanong sa kanya na parang wala pa ito sa sarili. Bumaling siya kay Ayen "Ayen. Diba may uniform kayo?" Tanong niya dito. "Opo sir." Naguguluhan sagot nito. "Then, why you're not wearing your uniform?" Baling niya sa babae na tinawag na Sam ni Ayen. "Hindi mo ba alam na nabubusohan ka sa suot mo?" "Hah?" Tanong uli nito na lalo niyang kinainis. Parang hindi nito makuha ang ibig nyang sabihin. "E Sir hin---" "Alam mo bang kaya nagkakasala minsan ang mga among lalaki dahil sa inyo. Look at your self. You're showing to much of your skin." Sermon niya dito na tinuro pa ang suot nito. "Ma-may mali po ba sa suot ko?" Inosenteng tanong nito kaya napahilot siya sa kanyang noo. Tinignan niya uli ang suot nito. He took a deep sighed." Wala naman sana. Pero alam mo bang mula sa kinaruruunan ko kanina ay halos kita ko na ang dibdib mo." Pranka niyang sabi dito. Nakita niya ang pamumula nito. "E hindi ko naman alam na nandoon ka e." Reklamo naman nito. "Iyon nga ang sinasabi ko. Hindi mo alam kung sino ang nakatingin sayo kaya wear a proper dress para hindi ka makitaan. Pano kung ibang tao ang nakakita sayo. O kaya may naakit sayo at ginawan ka ng masama?" "E Sir---" "Bago ka lang ba dito?" Tanong niya uli. Hindi naituloy ang sasabihin ni Ayen dahil nagsalita siya ulit. "Opo" Nakayuko nitong sagot sa kanya. "Wala ka pa bang uniform?" Kunot noo niyang tanong dito. "Wala pa ho" mahina nitong sagot sa kanya. "Then wear t-shirt and long pants para hindi ka nakikitaan." Sabi niya saka nya ito tinalikuran dinaanan lang niya si Ayen na nakanganga sa kanyng sinabi. Dumeresto siya kung saan ang office ni Don Manuel ang lolo ni Jhon. "O hijo. Mabuti naman at pinuntahan mo na ako." Masayang bati nito sa kanya. Ngumiti naman siya dito. "So how's your business young man?" Nakangiti nito tanong sa kanya. "Just fine lolo" nakangisi niyang sagot dito. Alam naman niyang alam nito na patuloy na lumalakas ang business niya. Nasa food industry ang line up ng company niya at patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang kanilang producto kaya maganda ang kita nila. "So, how about the deal I offer to you napag-aralan mo naba?" Nakangiti parin nitong tanong sa kanya. "Of course lo. Masyadong magandang offer iyon para tanggihan ko. And makakatulong iyon ng malaki para sa extension pa ng business namin. ***Sam***' Nakatulala parin si Sam kahit wala na iyong gwapo pero saksakan ng sungit na lalaking iyon sa kanyang harapan. "Sam, ok ka lang?" Tanong ni Ayen sa kanya. Napasimangot naman siya. "Sino yon? Kala mo naman kung sino wala namang masama sa suot ko a." Reklamo niya na tinignan pa ang sarili. "A e. Iyon si Sir Jef. Kaibigan ni Sir Jhon. Mabait naman iyon e. Pasinsya kana napagkamalan ka pa ata niyang katulong." Parang ito pa ang nahiya sa kanya. Napabuntong hininga naman siya. Wala naman siyang problema kung mapagkamalan siyang katulong dahil hindi naman pangmodel ang itsura niya pero ang pagsabihan siya nito na parang nang-aakit siya ay iyon ang hindi niya kayang tanggapin. At ano yong sinabi nito 'kaya nagkakasala ang mga among lalaki dahil sa mga katulad niya' sa kabilang banda ay affected siya dahil nga katulong dati ang kanyang ina. "San ka pupunta?" Tanong ni Ayen sa kanya ng binitawan niya ang hawak niyang hose. "Magbibihis!" Padabog niyang sabi dito at halos patakbo na siyang umakyat sa kanyang kwarto. Padabog siyang dumapa sa kanyang bed. Naiinis siya sa lalaking iyon. 'Hmmmp! Kala mo kung sino porket gwapo. Maganda ang mata matangos ang ilong matangkad, maputi, kung makapagsalita ito sa kanya. Porket katulong hindi na pwedeng magsuot ng gusto nilang damet. Napaka yabang!' Gigil na gigil siya. At paulit ulit na bumabalik sa kanya ang sinabi nito na kaya nagkakasala ang mga amo dahil sa kagaya niya. Hindi niya namalayang naitulog pala niya ang inis niya. * * * "Ayen, asan ti tita ko?" Tanong ni Jhon kay Ayen. Naikwento na nito sa kanila ang nawawala daw nitong tita. At pahapyaw na nabanggit ito ng matanda kanina habang nag-uusap sila. "E, sinilip ko kanina Sir. Tulog na tulog e." Sagot naman ni Ayen. "Ay naku. Pagod din yon. Hindi mapigilang hindi tumulong sa gawain dito sa mansion e." Sabi naman ni Aling Seling habang naglalagay ng inumin nila. Habang kinakausap ni Jhon ang mga katulong nila ay lihim niyang inilibot ang kanyang paningin baka sakaling makita niya uli ang taong gusto niyang makita. Pero hindi niya ito makita kaya may lungkot siyang naramdaman. 'Magkikita pa tayo uli' pangako niya sa sarili. "Nasanay daw po kasing may ginagawa kaya pabayaan nalang po ninyo para hindi po mainip dito. Basta alalayan lang po ninyo para hindi siya masyadong mapagod." Bilin ni Jhon sa mga ito. "Bat di mo ayain pag lumalabas tayo?" Suggestion naman niya sa kaibigan. "Puro tayo mga lalaki e. At kung may babae naman tayong kasama mga kalandian lang naman natin at ayaw ko naman makita niya tayong lumalandi." Natatawa nitong sabi sa kanya. "Kala ko ba mag-aaral siya?" Tanong niya ulit. "Oo. Pero sa susunod na pasokan na daw. Halos ayaw nitong hiwalayan si lolo e." Masayang kwento ng kaibigan. Napansin nga din niya na iba ang saya sa mukha ng matanda kanina. Dahil siguro sa anak nito. "Nakita ko ngang iba ang saya ng mukha ni lolo kanina." Kumento niya sa kabigan. "Dahil iyon sa anak niya. she's an angel ang dami niyang nabago sa amin ni lolo mula nong dumating siya sa amin. Dati halos hindi kami magkasabay kumain ng lolo, Kung magkasabay man kami halos hindi kami nag-uusap. But when she came. Daig pa namin ang bata sa hapag kainan dahil sa ingay namin. Sinasaway nga kami minsan ni Nanay Seling e" Natatawa nitong kwento sa kanya. "Mabuti naman kung ganon. Atlest hindi naging mahirap sa inyo na tanggapin ang isa't isa." Nakangiti niyang sabi sa kaibigan. "Anyway. But hindi mo siya dalhin sa binyag mg anak ni Ron?" Suggestion uli niya sa kaibigan. "That's a good idea. Para makilala nadin siya ng ibang boy's." Masayang sabi ni Jhon. "Diba mayroon kayong paparty para sa kanya?" Tanong uli niya sa kaibigan. "Yup! But after pa iyon ng binyag ng anak ni Ron. So bago ang party niya ay kilala na ninyo siya." Pero kumunot ang noo nito. "Hindi mo pa ba siya nakikita?" Takang tanong nito. "Hindi e. Kasi kaninang pinapatawag ni lolo e tulog daw." Sabi niya dito. "Kumusta pala ang usapan ninyo ni lolo?" Tanong ni Jhon ng maalala kung bakit siya nadoon sa bahay ng mga ito. "Ayos lang naman. Medyo naparami din ang kwentohan, napagod ata kaya nagpahinga na." Sabi niya saka sinimulan na din niyang kumain. "Matanda na si lolo." Malungkot na nausal ni Jhon pero parang sa sarili lang nito iyon nasabi pero nadinig ni Jef. Jef sighed "So, nasaan pala yong nanay nong anak ni lolo? If you don't mind my asking."Tanong niya sa kaibigan. "She died when she give birth to Samantha." Malungkot nitong kwento. "Tanging ang lola nalang niya ang kasama niyang namumuhay. kung hindi pa namatay ang lola niya ay hindi pa malalaman ni lolo ang about sa anak niya. Buti nalang may nakakaalam pa nagkaroon ng relasyon si lolo at ang katulong nila noon, kung hindi, hindi niya malalaman na nagkaroon pala sila ng anak." "Bakit, hindi ba alam ng tita mo ang about kay lolo?" Kunot noo niyang tanong dito. "Wala siyang alam kahit na ano about sa father niya. Kahit na ang pamilya niya ay wala ding alam tungkol kay lolo. Kahit nga iyong kaibigan nong nanay ni Tita ay hindi din sigurado kung si lolo nga ang ama niya nagbase nalang siya sa itsura kasi nga marami itong nakuha sa features ni lolo." "But atlest diba. Hindi pa huli ang lahat. Makakasama pa siya ni lolo." Mayasa niyang sabi dito para maiba ang mood ng kaibigan. "Anyway pupunta pala ako uli dito bukas kasi may papepermahan pa ako kay lolo." Pag-iiba nya ng topic nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD