"Good morning Kuya Ron." Masaya niya kay Ron habang abala ito sa pagkakalkal sa loob ng ref. Tingin niya ay magluluto ito ng agahan. Kanina pa niya ito pinapanood pero dahil busy ito sa paghahalungkat ng kung ano ay hindi siya napasin.
Nilingon naman siya nito. "Good morning. Ang aga mong nagasing." Bati naman nito sa kanya.
"Nasanay po ako. Magluluto po 'ata kayo?" Tanong niya ng makitang bumalik ito sa paghalungkat sa loob ng ref.
"Oo e. Mamaya pa kasi darating yong kasambahay namin." Nakangiting sagot nito.
"Ako nalang po magluluto." Prensenta nya.
"Nakakahiya naman sayo. Ako nalang." Tanggi naman nito. Pero dahil nga mapilit siya...
"Ay naku. Wag na po kayong mahiya. Ako na po dyan." mabilis na gumalaw para tignan kung ano yong mga nilabas nito. "Pero pakape po ako ha." Paalam niya saka kumuha ng malinis na tasa. "Nagkape na po kayo?" Tanong uli niya kay Ron na nakatayo na at sinusundan nalang siya ng tingin.
"Hindi pa e." Sagot nito at hinaplos pa ang batok.
"Sige po. Maupo muna kayo dyan at magtitimpla lang po ako." Sabi niya at mabilis ng naghanda ng kape.
Nilapag niya ang kape ni Ron sa harap nito ng makapagtimpla na siya at saka hinarap naman niya ang kape niya.
Nakangiting inabutan naman siya nito ng apron na kulay pink napangiti din siya habang sinusuot iyon.
Natawa siya. "Halatang hindi po ako lumaki ano kuya?" Biro nya kay Ron kaya tinawanan naman siya nito.
"Sigurado kabang kaya mong magluto?" Tanong ni Ron sa kanya.
Nginitian naman niya ito. Humigop muna siya ng tatlong beses saka niya hinarap ang kanyang lulutuin.
"Marami po yong kanin at ulam po kagabi. Remedyuhan ko nalang po para pasok parin para po sa breakfast po natin. Ok lang po ba?" Paalam niya kay Ron habang abala din sa kape nito.
"Ikaw ang bahala total parang alam na alam mo naman ang ginagawa mo." Nakangiting sabi nito.
Marunong siyang magluto at magaling daw siya. Palagi kasi siyang kasama ng kanyang lola pag kinukuha itong tagaluto pag may malaking okasyon sa Isla, kaya natuto siya.
Naging abala siya sa pagluluto. Si Ron naman ay nakaupo lang sa lamesa habang pinapanood ang kanyang ginagawa. Tinitikaman nito ang mga ulam na naluluto niya at panay ang puri nito sa kanya.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto ng bumaba ang mga lalaki.
"Ang bango naman yan." Malakas na sabi ni Macky habang papasok sa loob ng kusina. Sabay sabay ang limang bumaba.
"Ang cute naman ng baby chef natin." Puri naman ni Alex ng makita ang ayos niya. Naka apron lang naman siya ng kulay pink na medyo may kalakihan iyon sa kanya at naglagay siya ng bandana sa ulo para hindi malaglag ang kanyang buhok sa mukha niya. Sabi nga din ni Ron kanina sa kanya ang cute daw niya. Para daw siyang maglalaro lang.
Lumapit si Jef sa kanya. "Good morning baby." Bati nito sa kanya. Namula ang kanyang pisngi dahil alam niyang dinig ito ng mga kasama nila kaya napatingin lang siya dito.
Tumingin ito sa hinahalo niya na sinangag. Isinangag niya ang kanin kagabi at hinalo niya ang tirang giniling na ginawang sahog ng kanyang sinangag. "Tulungan na kita." Sabi nito at kinuha na nito ang sandok sa kamay niya. Nagulat pa siya ng pati kamay niya ay hinawakan nito kaya agad niyang nabitawan ang sandok.
"S-salamat." Nauutal niyang sabi dito. Mabilis niyang ibinaling ang atensyon sa isa pang nakasalang.
"Basta sabihin mo lang pag ok na ha." Nakangiting sabi nito sa kanya at sinimulan ng maghalo.
"Marunong kabang magluto tol?" Taas kilay na tanong naman ni Jhon dito.
Medyo natawa naman si Jef. "Maghahalo lang naman e. At saka nandito naman si Sam." Tumingin ito sa kanya at kinidatan pa siya.
Nagkatinginan ang mga lalaki at nakitang nya ang mga makahulugan ngiti ng mga ito.
"Ang aga namang panliligaw yan." Tukso ni Tim kaya Jef. Uminit ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito.
Napabaling ang tingin nito kay Jhon at nakataas lang ang kilay nito sa mga kaibigan parang hindi nagustuhan ang biruan ng mga ito. Kaya parang nakaramdam siya ng hiya dito.
"Mas mabuti pang sa lumabas muna tayo para hindi kayo magulo dito." Yaya ni Ron sa apat. Siguro ay napansin din nito na parang naiilang siya. Maiingay din kasi na nagbibiruan ang mga ito at si Macky ay nagpapapak na ng ulam na nailuto na niya.
Lumabas na ang apat pero nagpaiwan si Jhon dahil magtitimpla daw ng kape at nagpadamay naman ang tatlo.
"Ikaw Santiago gusto mo rin ng kape?" Seryosong tanong nito kay Jef. Pinagsalitsalit niya ang tingin dalawa. Parang kinakabahan siya dahil ang seryoso ng mukha nito.
"Yes please." Nakangiti naman sabi ni Jef kay Ron na parang baliwala lang dito ang kaseryosohan ni Jhon.
Natatahimik silang tatlo at ang kalansing lang ng mga gamit ang naririnig sa kusina. Pakiramdam niya ay ang awkward ng hangin sa kusina.
"O ito na yong kape mo." Sabi ni Jhon kay Jef at nilapag iyon malapit kay Jef.
"Salamat" sagot naman ni Jef. Wala sa loob napa higop siya sa kanyang kape.
"Hinay hinay lang sa panliligaw Santiago. Im watching you. Remember that." Babala ni Jhon kay Jef kaya nagkanda samid samid siya sa pag inom ng kanyang kape ng dahil sa sinabi nito.
"Hey are you ok?" Sabi ni Jef sa kanya at hinaplos haplos pa nito ang kanyang likod pero mabilis niya tinaas ang kanyang kamay para patigilin ito.
Ng humupa ang ubo nya ay tinuro niya ang hinahalo nito baka masunog. Tiikhim tikhim muna siya para matanggal ang kati sa kanyang lalamunan.
"Anong ibig sabihin ni kuya Jhon?" Kunot noo nyang baling kay Jef. Tinignan naman siya nito pero bumaling agad sa hinahalo nitong sinangag at hindi siya sinagot kaya pinatay niya ang kalan. Luto naman na iyon kaya ayos lang na patayin nya ang kalan.
Kunot noo naman na tumingin ito sa kanya. "Ok na ba to?" Takang tanong nito sa kanya.
Tumango siya pero nakataas ang kanyang kilay dahil hindi pa nito sinasagot ang kanyang tanong.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita uli pero nakaharap na ito sa kanya at parang pinag-aaralan siya nito. "Anong ibig sabihin ni kuya Jhon?" Ulit niya uling tanong dito.
Kumunot naman ang noo nito na parang hindi magets ang kanyang tanong.
"Wag kang magmamaang maangan bakulaw ka. Baka tamaan ka sa akin." Inis niyang banta dito pero natawa ito sa kanya.
"Ah. Ayon ba?" Wala lang iyon." Alanganing ngumiti ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay na parang pinapakita niyang naiinis na siya.
"Ako ba ang pinag-usapan nyo kahapon?" Seryoso na tanong niya.
Bumuntong hininga naman ito saka tumango.
"Anong sinabi mo sa kanya?" Naiinis na nyang tanong.
"He asked me kung... kung intresado ako sayo, ang I said yes." Paliwanag nito sa kanya. "Sabi ko liligawan kita at malinis ang intensyon ko." Dagdag pa nito. Hindi niya namalayang naipalo niya dito ang kutsara na hawak hawak niya kaya natatawang napaaray ito.
"Baby naman. Ang sakit non ha." Natatawang reklamo nito habang hinahaplos ang tinamaan ang kutsara.
"Bat mo sinabi iyon." Mangiyak ngiyak niyang tanong dito dahil sa subrang inis niya.
"E tinanong nya ako e. Alangan namang itanggi ko." Paliwanag nito na parang nagpanic na dahil naluluha na siya.
Napasimangot siya at nangingilid ang kanyang mga luha. "Jef naman e" maktol nya. "Ano nalang ang iisipin niya sa akin. Wala pa akong isang buwan dito."
Nagtaka naman ito sa kanya. "Anong iisipin nya sayo?" Takang tanong naman nito sa inasal niya.
Nalaglag ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. "Baka isipin non ang landi landi ko. Wala pang isang buwan ng mapunta ako sa kanila tapos--- kaibigan kapa niya baka sabihin niya----" hindi niya matuloy matuloy ang kanyang sasabihin.
Kumunot naman ang noo nito dahil sa pinagsasabi niya. "Wait lang ha. Ok. Bat iniisip mo na ganyang ang iisipin nya sayo? Normal lang na may manligaw sayo dahil dalaga ka at maganda. Wala naman sa tagal ng panahon iyan. Kaya nga manliligaw diba. Getting to know each other sabi nga nila. So anong masama doon?" Tanong nito na pinagpantay pa ang kanilang mukha.
Suminghot singhot naman siya. "Kahit na. Nakakahiya parin. Baka kung ano ang isipin nila sa akin." Pairap niyang sabi dito.
"Sam. Wala silang iisiping masama sayo.!mas maganda nga iyon diba. Dadaan tayo sa maayos na proseso." Sabi nito at itinaas pa ang kanyang baba para magtama ang kanilang mga mata. Nakita niyang bahagyang nakangiti ito sa kanya pero nandon parin ang lamlam ng mga mata nito.
"E.. nakakainis ka e." Tinampal niya ang kamay nito sa kanyang baba at saka niya ito inirapan.
"Please. Give me a chance Sam. At hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibibigay mo sa akin. Hindi kita mamadaliin, maghihintay ako hanggang na matanggap mo ako." Sabi nito at pinahid pa nito ang kanyang mga luha.
Mabilis siyang lumayo kay Jef ng marinig niyang may tumikhim sa may pintuan.
"Pasinsya na. Nakaabala yata ako. Kailangan ko kasi ng mainit na tubig e." Sabi ni Ella na palapit sa kanila. Nakangiti ito. "Pero ituloy nyo lang ang pag-uusap nyo wag nyo akong pansinin."
Narinig naman niyang tumawa ng mahina si Jef. "Tapos na din naman kaming mag-usap. Medyo nagmamaktol lang itong si Sam." Biro nito sa kanya kaya pinandilatan niya ito ng mata.
"Pasinsya na kayo ha. Kayo na ang nagluto. Mamaya pa kasi darating yong kasambahay namin e. Ako naman medyo kababangon ko lang din. Puyat din kasi pag gabi dahil kay baby." Nahihiyang paliwanag nito sa kanila.
"Ok lang ate. Wala din naman kaming gagawin." Sabi niya pero naiilang siyang tumingin dito.
Bumaling ang tingin nito sa mga naluto na nila. "Parang sumarap yong luto ng ulam a." Puri nito sa mga nasa lamesa.
"Niluto ko lang uli ate. Sayang naman kasi. Sana nga po hindi ko po nasira ang lasa." Nahihiya nyang sabi.
Natawa naman ito. "Mukha naman masarap. Pero hayaan mo kahit sunog pa yan siguradong kakainin parin yan ng mga boys."
Tumawa naman si Jef. "Mukha lang silang maaarte sa pagkain pero mga patay gutom yong mga iyon." Sabi nito na ikinatawa nila.
"Grabe sya.." sabi niya dito na parang nakalimutan na niya ang inis niya dito. "Tawagin mo na sila at ng makakain na."
*. *. *