Jef and Jhon

1675 Words
Hindi mapakali si Sam habang tanaw niyang seryoso na nag-uusap si Jhon ay Jef sa ilalim ng duhat kung saan din sila nag-usap ni Jef kanina. Parang ito yata ang favorite spot ng magkakaibigan. Kinakabahan siya dahil parang may kinalaman siya sa pag-uusapan ng mga ito. 'Hindi naman siguro totohanin ni Jef yong sinabi nya sa akin na sasabihin kay Jhon na manliligaw siya' sabi niya sa sarili. Dahil alam niyang binibiro lang siya ang binata. Ayaw niyang umasang seryoso ito sa sinabi nito dahil alam naman niya sa sarili at tanggap naman niya na hindi siya ang babaeng type nito. Pero aaminin niyang tinaman siya dito. Subrang gwapo e. Sa kanilang anim ay wala kang itulak kabigin lahat sila ay gwapo. Ang mga babaeng nababagay sa mga ito ay katulad ni Ella. Parang angel na bumaba sa lupa. Maganda in or out. Ang sweet pa nito. "Ok ka lang?" Pansin ni Ron sa kanya. Kimi siyang ngumiti dito. Sa kanilang anim ay ito ang parang pinaka seryoso sa lahat. "Ok pang po." Sagot niya. "So. Kumusta naman ang pagiging Arguelo mo?" Bahagyan itong nakangiti sa kanya. "Nakakabigla po. Noon una parang hindi pa po ako makapaniwalang may pamilya pa pala ko." Kwento niya dito. "Kwento nga din ni Jhon. Ikaw pa daw ang humiling ng DNA. At napahanga mo kami ng dahil doon. Kung iba lang iyon baka sinamantala na ang pagkakataon." Sabi nito na parang natutuwa sa kanya. "Natakot din po ako noon kaya lang kailangan ko pong makasigurado." Tumingin siya dito at bahagyang siya ngumiti dito. "At saka po my hinahanda po silang party po para sa akin. Sana po ay makapunta kayo ni Ate Ella." Anyaya niya dito. "Ako. Sigurado akong dadalo ako. Pero si Ella baka hindi muna. Alam mo na. Medyo hindi pa siya gaanong malakas." Sabi naman ni Ron. Ngumiti naman siya. "Ok lang po. Sana pag dumalaw po kayo sa manila ay malaman ko para madalaw ko din po sila ni baby." Ngumiti naman ito sa kanya. "Oo naman. Sigurado yan." Sabi naman nito. Napatingin uli siya sa dalawang nag-uusap sa ilalim ng puno. "Alam mo bang ngayon ko lang nakita na ganyan si Jef?" Tanong nito sa kanya kaya nagtaka siya kung anong ibig sabihin nito. Tumingin siya dito. "Seryoso siya sayo. Sana bigyan mo siya ng pagkakataon." Sabi nito at nakatingin din sa dalawa. "Ano ho ang ibig nyong sabihin?" Kinakabahan niyang tanong dito. "Ang alam ko kinausap siya ni Jhon dahil sayo." Sabi nito at tumingin uli sa kanya. "Ho?" Gulat niyang tanong dito. Parang gulat naman ito sa reaction nito. "Hindi mo alam? Kala ko ba nanliligaw sayo si Jef?" Tanong naman ni Ron. "So ako po ang pinag-uusapn nila?" Tanong nya ulit. "Ang alam ko oo." Sagot naman ni Ron. Napatampal siya sa kanyang noo. "Mapapatay talaga kitang bakulaw ka!" Gigil na bulong nya. Natawa naman si Ron dahil narinig niya ang kanyang sinabi kaya napatakip siya sa kanyang bibig. "Give him a chance Sam at hindi ka magsisi." Narinig nyang sabi nito. "Pero biro lang po niya iyon sa akin. At Iniinis lang po niya ako." Nakasimangot niyang sabi sa kausap. Tumawa naman ito sa kanya. "Hindi ipagsasapalaran ni Jef ang pagkakaibigan nila ni Jhon kung hindi talaga siya seryoso sayo." Sabi ni Ron. Kaya napaisip siya sa sinabi nito. Pero imposible! *. *. * Kalalabas lang niya galing sa loob ng bahay dahil naligo siya. Nakashort lang siya at naka t-shirt parang nasa bahay lang. Nasa garden naman ang mga lalaki at nag-iinoman. "Sam kanta ka din." Yaya ni Macky sa kanya ng makita siya dahil nagvevedio ok ang mga ito. Gabi na at sila nalang ang nasa bahay nila Ron. Kwento ni Ella sa kanya ay dito lang nakakavideo ok ang mga ito dahil iyon ang uso sa probinsya. Sa Manila daw kasi ay sa bar pumupunta ang mga ito. Buti nalang at sound proof ang mga kwarto ng bahay dahil kung hindi. Sigurado niyang hindi makakanta ang mga ito dahil maiingayan ang bata. At buti nalang at walang kapit bahay na maiingayan. Lumapit siya sa mga ito. At parang nailang siya sa paraan ng tingin ni Jef sa kanya. Kaya iniwasan niya itong tignan. Walang sinabi ito sa kanya at kahit si Jhon ay wala din itong nabanggit sa kanya tungkol sa pinag-usapan ng mga ito. Nahihiya naman siyang magtanong baka sabihin ng mga ito na assuming siya. Tumayo naman agad si Jef at binigay agad nito ang upuan sa kanya tatanggi sana siya pero mabilis na kumuha ng isa pang upuan para dito at itinabi ang upuan nito sa upuan niya. "O Sam pili ka ng kakantahin mo." Sabi ni Tim na inabot ang song book sa kanya. Napangiwi naman siya. "Hindi ko yata kayang kumanta." Tanggi niya. "Marunong yang kumanta. Karinig ko siyang kumakanta sa loob ng banyo." Sabi naman ni Jhon kaya pinanlakihan niya ito ng mata. Tinawan lang siya nito.  "Sige na isa lang." pilit uli ni Macky. Inabot uli ni Alex ang song book at inabot naman iyong ni Jef kaya napatingin siya dito. "Sige na, pagbigyan mo na sila." Sabi naman nito sa kanya at inabot uli ang song book sa kanya. Parang ang lambing ng pagkakasabi nito. Wala sa loob na inabot niya iyon. "Wala akong maisip e." Raklamo naman niya dito. "Kahit ano na lang." Binuklat niya iyon at medyo nailang siya dahil ramdam niyang inilagay ni Jef ang kamay nito sa likod ng kanyang upuan at bahagyang itong nakitingin din sa song book kaya ang lapit nila sa isa't isa. Para na itong nakaakbay sa kanya, biglang parang ang init ng pakiramdam niya at nanuyo ang kanyang lalamunan. Nahihiya siya sa mga kaharap nila pero hindi niya alam kung pano magrereact kaya minadali niyang pumili ng kantang kakantahin niya kung ano nalang ang kantang kaya niyang kantahin na nasa page nong nabuklat niya ay yon nalang ang sinabi niya kay Macky dahil ito ang malapit sa machine. Pero hindi na tinanggal ni Jef ang kamay sa may likod niya. Inabot ni Macky ang mic sa kanya nang maiplay na nito ang kantang kakantahin niya. Napatingin muna sya kay Jef na nakatingin din sa kanya. Kinindatan siya nito kaya napairap naman siya kaya Tumawa naman ito. Tumikhim muna siya bago nagsimula ang kanyang kanta. You tell me You're in love with me Like you can't take your Pretty eyes away from me It's not that l don't want to stay But every time you Come too close I move away Tumingin siya sa mga kasama niya sa lamesa at nakita niyang nagulat ang mga ito. I wanna believe in Everything that you say 'Cause it sounds so good But if you really want me Move slow There's things about me You just have to know Napatingin siya kay Jef na matiim na nakatitig lang sa kanya. Hindi niya alam pero ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin ito sa kanya. Parang may nababasa siya sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. Sometimes I run Sometimes I hide Sometimes I'm scared of you But all I really Want is to hold you tight Treat you right, Be with you day ang night Baby, all I is time Pinilit niyang itutuk ang atensyon sa kantang kanyang kinakanta. Alam niyang wala siyang dapat ikahiya sa boses niya dahil hindi sa pagmamayabang dahil sumasali siya sa kontes dati sa Isla at ilang beses nadin siyang nanalo. I don't want to be so shy Every time that I'm alone I wonder why Hope that you will wait for me You'll see that You're the only one for me I wanna believe in Evrything that you say 'Cause it sounds so good But if you really want me Move slow There's things about me You just have to know Sometimes I run Sometimes I hide Sometimes I'm scared of you But all I really Want is to hold you tight Treat you right, Be with you day ang night Baby, all I is time Just hang Around ang you'll see There's nowhere I'd rather be If you love me trust in me The way the I Trust in you. Narinig nyang nagpalakpakan ang mga kasama niya ng matapos ang kanta niya. Kaya naman nahihiya siyang tumingin sa mga ito. "Ang ganda pala ng boses mo Sam. Pwede kang maging singer." Puri ni Tim. "Hehe.. pang video-ok lang ang boses ko." Nahihiya niyang sabi dito. "Pwede ka bang magperform minsan sa resto bar ko." Sabi naman ni Macky sa kanya. "Eee... hindi ko kaya yon. Baka magsilayas pa ang mga customer mo." Tanggi niya. "Tamang tama malapit na ang anniversary ng bar mo diba?" Sabi naman ni Jhon. Pinanlakihan niya uli ito ng mata. "Kuya magtigil ka." Nakasimangot niyang saway dito. Natawa ang mga kasama nila ng tawagin niyang kuya si Jhon. "Oo nga naman baby. Ang ganda ng boses mo. Susuportahan ka namin." Sabi naman ni Jef sa kanya na medyo idinikit pa nito ang kamay sa kanyang balikat. Shocks! Naiilang talaga siya kaya mabilis siyang tumayo. "Mauuna na ako sa inyo sa loob." Paalam sa mga ito. Alam niyang nagtaka ang mga ito sa kanya. "Sam. Pag-isipan mo ha." Pahabol naman ni Macky sa kanya kaya napahinto siya at lumingon uli sa mga ito. "Sige." Sabi niya. Napasulyap siya kay Jef at parang may nabasa siyang lungkot sa mga mata nito. "Una na ako." Paalam niya uli pero nakay Jef ang tingin niya. Tinanguan naman siya nito. Pabaling baling sa kanyang higaan dahil ginugulo ni Jef ang kanyang utak. Natanong niya sa isip kung seryoso ba talaga ito sa kanya gaya ng sabi ni Ron sa kanya. Sinabi ba talaga nito kay Jhon na liligawan siya nito? Sh*t! Nakakahiya. Baka isipin ni Jhon na nilalandi niya ang kaibigan nito. Halos isang buwan palang siya sa manila at ilang beses palang silang nagkita ng kaibigan nito. 'Ay naku Bakulaw ka! Makakatikim ka talaga sa akin.' Gigil niyang sabi. Kung katabi lang siguro niya si Jef ay malamang na mahahampas na naman niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD