The gift

1553 Words
He was leaning against the wall of the balcony and silently watching to Sam. She's carrying baby Russel on her arms.habang masayang nakikipag usap kay Ella. Hindi niya maiwasang mapangiti ng makitang pinapatakan nito ng maliliit na halik ang pisngi ng bantang karga nito at halatang tuwang tuwa ito sa anak ng kaibigan. Parang may humaplos sa kanyang puso sa ginawa ng dalaga. 'And how he wished na sana ay sa kanila galing si baby.' He smirked. "Sh*t Jef. Baka mawala nalang bigla si Sam nyan ha." Biro sa kanya ni Alex na hindi nya namalayang nakalapit na pala ang mga ito sa kanya. Nginisihan naman nya ang mga ito. "I just can't help it." Sabi niya na ikinatawa ng mga kaibagan. "Ngayon ko lang nalaman na may pagka clingy ka pala." Naiiling na sabi sa kanya ni Macky. Natawa naman siya. "Am I that obvious?" "Yes. Paalala ko lang Jef. Tita siya ni Jhon at alam mo ang mangyayari pag hindi ka naseryoso sa kanya." Babala ni Alex sa kanya. He sighed "yeah I know" maiksi niyang sagot. "And I'll do everything para hindi masira ang pagkakaibigan namin." Pangako niya. "Naks. parang may makikita na naman akong mababaliw nito." Natatawang sabi ni Macky. Na ikinatawa naman nila. Alam niyang si Ron ang sinasabi nitong nabaliw dati. Because they witnessed how miserable he is ng maghiwalay sila ni Ella and how's Ron turn into demon when someone tried to killed Ella at naging sanhi din ng pagkamatay ng unang anak ng mga ito. Naiiling naman si Ron sa sinabi ni Macky. "Someday you will find the woman na magpapabaliw din sayo." Sabi nalang nito sa kapatid. "O ayan na pala si Jhon." Rinig nilang sabi ni Ella kaya napatingin silang lima sa parating. Naka big bike lang ito. Alam nilang halos pinalipad na naman nito ang motor para lang makarating dito. Hindi na sila tumayo para salubungin ito pero kinawayan ito ni Ron ng tumingin ito sa kanila. Sinalubong naman ito ni Ella at kitang kita nila na mahigpit nitong niyakap si Ella. "Sh*t! Parang gusto kong maging demonyo uli." Rinig nilang reklamo ni Ron. Kaya natawa silang apat. Kita pa nilang hinalikan ni Jhon sa noo si Ella at tumawa naman si Ella ng may binulong si Jhon dito. Alam nilang iniinis nito si Ron. Ella is such a sweet girl to them and they adore her like thier own little sister. "Take off your hand to my wife Arguelo or else, I would kill you right here, right now." Babala ni Ron kay Jhon. "Woaah... ganyan ba ang tamang pagsalubong sa bagong kumpare?" Natatawa namang sabi ni Jhon pero bago lumapit sa kanila ay pinuntahan pa muna nito sila Sam na karga parin ang anak nila Ron. Nakita nilang masaya itong nakatingin sa anak nila Ron at hinalikan pa nito ito sa pisngi saka palang ito lumapit sa kanila. "Iba ka rin tumanggap ng gwapong kumpare a." Biro nito kay Ron. "Depende siguro sa kumpare. Halos baliin mo ang katawan ng asawa ko sa yakap mo e." Reklamo naman nito. "Hanggang ngayon ba naman ay selos na selos ka parin sa amin. I just missed her like I missed you bro." Sabi naman ni Jhon saka ibinuka ang yakap para sa kaibigan at hindi naman ito binigo ni Ron, pinagbungo ng mga ito ang kanilang balikat. "Sorry kung hindi ako nakaabot sa binyag. Hindi agad ako nakaalis sa meeting ko e." Hinging paumanhin nito. Tinanguan naman ito ni Ron. "Pasalamat ka nandyan si Sam na nagproxy sayo kung hindi walang Ellang sasalubong sayo." Napangiti naman siya at tumingin pa ito sa gawi ni Sam. "Parang nag enjoy nga dito e." "Alagang alaga kay Jef e." Sabi ni Tim nagkindatan pa ang mga ito. Naghihinalang napatingin ito sa kanila. Sa tagal nilang magkakaibigan ay alam na alam na nila ang ugali ng isa't isa. "Sh*t! Ayaw ko yang ganyang klaseng tinginan ninyo." Babala naman ni Jhon sa kanila kaya nagkatinginan ang apat. Napangiti nalang sya sa kaibigan at napakamot pa siya sa batok. "Tsk! Tigilan nyo muna yan." Saway naman ni Ron sa tatlo. 'Pasaway talaga ang mga ito. Masisira pa yata ang diskarte ko' bulong niya sa sarili. "So, nasan yong regalo mo sa inaanak mo?" Tanong ni Ron kay Jhon para maiba ang tima ng kanilang usapan. "Nasa bangko na." Maiksi niyang sagot. "Ang swerte ni baby. One month old palang siya pero milyonaryo na."Natatawang sabi ni Macky. Pero hindi iyon pinansin ni Ron. Nagkasundo kasi silang lima na mag oopen nalang sila ng account para sa anak ni Ron ng wala silang maisip na iregalo dito. Dahil halos kaya namang ibigay lahat ni Ron sa anak. "Anong nasa bangko?" Takang tanong naman ni Ron. "Hindi nyo pa ba naibibigay?" Takang tanong naman nito sa kanila. "Hinihintay ka namin." Sagot naman ni Jef. Balak kasi nila ay iaabot nila iyon kay Ella. "Bat parang kinakabahan ako sa regalo nyo ha." Salubong ang kilay ni Ron na tumingin sa kanila. Natawa naman silang lima at nagkibit nalang sila ng balikat. Tumingin uli siya kung nasaan si Sam at sakto namang nakatingin din ito sa kanya. He saw that she rolled her eyes when their eyes met. He just strugged his shoulder like he asking what's wrong? But then again he saw that she sighed. 'Woman. Hindi mo maintindihan kanina lang ay ok sila and ngayon naman ay nakairap na naman sa kanya.' Nausal nalang nya. Kinuha ni Ella ang baby nito mula kay Sam na mukhang natulog sa kanyang mga bisig. Agad naman tumayo si Ron para kunin ang anak nila sa asawa para ito ang magpasok sa anak sa loob ng kanilang bahay. "Naks. Parang gusto ko nang mainggit sayo tol." Pahabol na biro ni Jhon kay Ron. Pero hindi ito sumagot dahil baka magising ang anak nito. Nagkasundo silang lima na sumunod sa mag-asawa pero tinawag muna niya si Sam bago sila pumasok. "Bakit?" Takang tanong nito sa kanya. "Sunod tayo sa mag-asawa." Mahinang nyang sabi. Nauna na yong apat sa kanila. "Bakit?" Nagtatakang tanong uli nito sa kanya. Tumawa naman siya. "Puro bakit talaga?" Naaliw niyang tanong naman dito. "May ibibigay lang kami sa kanila at ayaw kong maiwan ka dyan sa labas." Sabi niya dito sabay kurot sa pisngi nito. Napasimangot naman ito sa ginawa nya. Pinauna nya itong umakyat sa hagdan pero nakaalalay siya sa likod nito. "Bat kayo nakasunod?" Rinig niyang tanong naman ni Ron sa kanila. Hindi sila sumagot at tuloy tuloy silang pumasok sa loob ng kwarto ng mga ito. Nasundan nalang sila ng tingin ng mag-asawa at saka nagkatinginan ang mga ito. Umupo ang apat sa couch at naupo naman si Sam sa pang single na upuan. Umupo naman siya sa arm chair ng inupuan nito. Alam niyang nakasunod lang ang tingin ni Jhon sa kanila. Sa mga tingin nito ay alam na niyang naghihinala ito sa kilos niya. Lumapit ang mag-asawa sa kanila ng masiguradong maayos ng nakatulog ang anak ng mga ito sa crib at nagtatakang napatingin ang mga ito sa kanila. "Actually ay gusto lang naming iabot ito sa inyo." Sabi ni Alex sabay abot ang envelop kay Ella. Nagtataka man ay inabot naman nito iyon. "Ano to?" Tanong naman ni Ella. "Open it baby." Nakangiting sabi naman ni Alex. Tahimik lang sila habang binubuksan ni Ella ang envelop. Si Ron naman ay kunot noo lang habang hinihintay na mabuksan iyon Ella. Napatakip sa bibig si Ella ng makita ang laman ng sobre kaya inagaw naman iyon ni Ron at napamura ito ng makita ang laman nito. "F**k! What's the meaning of these?" Tanong nito sa kanila na itinaas pa ang papel. "That's our gift." Maiksi namang sagot ni Macky. "F**k you all. Hindi pa naman ako naghihirap para magbigay kayo ng ganyang halaga." Inis nitong sabi sa kanila. Natawa siya sa reaction nito. "Tol. That's not your's, ok. As Macky's said. That's our gift to your baby. Wala kasi kaming maisip na ibigay sa kanya dahil you can give anything to him. Don't worry. Naka time deposit yan. Magkakaroon lang siya ng access na makuha yan pag nasa tamang edad na siya." Paliwanag nya. "But it's to much for a gift." Reklamo uli nito. "No. Paraan din yan para magkaroon ng siguradong magandang kinabukasan ang mga anak natin. Think these as our investment too." Nakangiting sabi ni Alex dito. "Sh*t! tapos sabay sabay kayong mag-anak ha. Ako ang mamumulubi sa inyo." Reklamo uli nito. "Kahit mag-anak kami ng tagsampu baka hindi mo pa maramdam iyon." Natatawa niyang sabi saka pinatong ang kamay niya sa balikat ni Sam. Ramdam niyang napaigtad ito kaya napangiti siya. "Ako nga ang dapat kabahan sa inyo e." Natatawang sabi naman ni Alex. Pero duda na sila sa sinabi nito dahil halos matumbasan na sila nito dahil sa dami nitong alam. Magaling itong maglaro ng stock sa business industry at alam nilang maraming investment ito sa malalaking company. Walang magawa ang mag-asawa kundi tanggapin ang kanilang regalo. "Tsk! Santiago. Mag-uusap tayo mamaya." Out of the blue na sabi ni Jhon sa kanya. Nakatingin ito sa kamay niyang nasa balikat parin ni Sam na hindi pa niya tinatanggal. Nagkatinginan naman ang kanyang mga kaibigan. Nagkibit nalang siya ng balikat. Alam niyang kanina pa siya pinag-aaralan ni Jhon mula ng dumating ito. Napatingala si Sam sa kanya at nginitian niya lang ito. Alam niyang nagtataka ito kung para saan ang pag-uusapan nila ni Jhon. Pero mas ok na din iyong makapag usap sila agad dahil wala syang balak itago ang nararamdaman sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD