Open up

1292 Words
Tahimik lang si Sam habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng apat. Paminsan minsan ay nagtatanong ang mga ito sa kanya pero maiksi lang ang nagiging sagot niya. Naiilang pa kasi siya dahil ngayon palang niya nakilala ang mga ito. Unlike Jef na puro pang-iinis ang alam nitong gawin sa kanya. Hanggang sa nagpaalam ang tatlo at dalawa nalang ulit sila ni Jef. Silence... She can't explain but there is an awkward silence between them. Until Jef broke it "So, ano ang kukunin mong course sa pasukan?" He asked "Hindi ko alam." Sagot nya. "Hindi kapa ba nakakapagdecide kung ano ang kukunin mo?" Tanong uli niya. Malungkot siyang bumuntong hininga. "Para ngang ayaw ko ng mag-aral," patamad niyang sagot. "But you need to study" giit naman nito. "Wala naman akong alam." Mahina niyang sabi dito. "Kailangan mo ba ng tulong or suggestion kung ano ang hot na course ngayon." Pinasaya nito ang boses na parang iniincourage siya nito. "Hmp. Wag na baka kung ano na naman isuggest mo sa akin." Tanggi niya dito "Wala ka talagang tiwala sa akin ano?" Natatawa nitong sabi sa kanya. Pero hinarap siya nito. "Yong totoo. Pag kailangan mo ng tulong you can always count on me." Seryoso nitong sabi sa kanya. "Pwede ba akong magsabi sayo?" Tumingin din sya dito. "Yes of course." Nakangiti naman nitong sabi sa kanya. "So. Friends na tayo nyan?" Biro naman nya. Tumawa naman ito. "No. Ayaw kong mafriend zone baby." Kinindatan naman siya nito kaya napasimangot siya. "Ayan kana naman e!" Reklamo nya na ikinatawa naman nito. Napatitig siya dito dahil ang sarap nitong tumawa. "Im just telling you the truth. Mahirap kayang mafriend zone." "Kala ko seryoso kana e." Hinampas niya ito sa braso. Tumawa ito. "I am very serious when it come's to you baby." Sabi nito kaya Natigilan naman siya. Nakatingin ito sa kanya kaya nagkatitigan sila. Ilang segundo din iyon pero siya din ang unang umiwas. Hindi niya matagalang nakatitig sa mga mata nito. "E. Nakakainis ka! Ang awkward tuloy." Reklamo niya ulit. Tumawa lang ito sa kanya. "O ano na. Share na." Pang iiba ni Jef sa usapan nila. Pero hindi agad siya sumagot. "May problema ba?" Seryoso nitong tanong sa kanya. "Wala naman." Huminga siya ng malalim. Dahil Hindi niya alam kung tama bang mag open siya dito. "Parang ang bigat non a" sabi nito na matamang pinag-aaralan ang reaction ng kanyang mukha. Malungkot siyang ngumiti dito. "Sige na. Mapagkakatiwalaan mo naman ako e" Tinignan niya ulit ito sa mata. At nakita niya ang mga mata nitong parang naghihintay ng kanyang sasabihin. "Hindi ko lang kasi alam kung pano ako magsisimula sa buhay ko ngayon." Iniwas niya ang tingin dito. Kumunot naman ang noo nito. "What do you mean?" "Ang buhay kasi na nakasanayan ko ay ibang iba sa buhay na mayroon sila daddy. Sa buhay ninyo. Kaya siguro nahihirapan ako." Sabi niya at huminga uli ng malalim na para bang sa ganoong paraan ay gumaan ang kanyang dibdib. "Kailangan mong masanay dahil ito ang buhay din na nakalaan para sayo." Nakangiti nitong sagot sa kanya. "Napag-aaralan naman lahat e. Basta one step at a time lang. wag mong biglain ang sarili mo." "Natatakot ako." Bulong niya pero alam niyang dinig iyon ni Jef. Napakunot noo uli ito. "San ka natatakot. Nandyan lang sila Jhon at si Don Manuel para umalalay sayo at hindi ka nila pababayaan. Nandito lang ako. Tutulungan din kita." "Hindi mo kasi maaalis sa akin ang matakot. At mahiya para sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kong ano ang gusto ko e." Sabi nya na punong puno ng bigat ang kanyang dibdib. "Ano ba kasi ang gusto mo?" Tanong naman nito. "Hindi ko alam. Mula kasi noong alam kong mahihirapan akong magkapagcollege ay parang kinalimutan ko na ang pangarap na makapag-aral at nag focus nalang ako sa paghahanap buhay, kung pano kami makakaahon ni lola." Malungkot niyang kwento dito. "Ni hindi ko nga tinutukan ang pag-aaral ko ng high school e. Mas marami pa yata akong absent kaysa sa umattend ako sa klase namin. Which is normal lang naman sa amin sa Isla. Lalo na sa akin dahil halos ako na lahat ang kumayod para sa amin ni lola ko mula nong maging mahina na siya. Ilang taon na ako ng matapos ako ng high school dahil pahinto hinto ako. Buti nga kahit papaano ay natapos ko pa." "Halos palakul ata lahat ng grades ko." Tumawa siya pero may kirot siyang naramdam. Hindi niya alam kung hiya ba iyon o ano. Basta ang alam niya ay gusto niyang ilabas ang kanyang saluobin. Ang hirap lang kasi dahil wala siyang kaibigan na pwede nyang mapagsabihan kung ano ang nararamdaman niya. Kung kay Jhon kasi parang naiilang siyang magsabi dito. "Parang natatakot akong mag-aral." Mahina niyang sabi. "Parang bigla akong natatakot makisalamuha sa mundo ng ama ko. Sa mundo ginagalawan ninyo." Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. "Hey. Ok ka lang." hinaplos nito ang kanyang likod. "Noon ang pangarap ko ay makita ko lang ang ama ko dahil ang dami kong tanong sa sarili ko. Pero hindi ko alam na ibang mundo pala ang ginagalawan niya. Para akong nalulunod at hindi ko alam kung kaya ko bang umagapay at makasunod sa agos." Sabi niya habang panay ang pahid niya sa kanyang luha. Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Why you didn't let Jhon know's that you struggled inside. How they can help you if you keep it on your own?" Tanong nito sa kanya na halata ang concern sa boses. "Nahihiya ako e. Pamangkin ko siya at sobrang succesful niya. Matalino. Samantalang ako wala man lang ata akong nakuha sa pamilya ng daddy ko maliban sa anak niya ako." Malungkot siyang tumawa. "Natatakot ako na baka nalaman ng mga taong nasa mundo nyo ang tungkol sa akin ay majudge sila o ako at sabihin nila na isa lang akong hamak na sampid. Anak ng daddy sa kanyang katulong. O kaya pagtawanan ako dahil ganito lang ako. Ni wala akong kaalam alam e." Maktol pa niya. "Shhh.. Don't say that. Don't belittle on your self. We will help you ok. Im here, I'll help you." Inakbayan siya nito at kinabig kaya napasandal ang ulo niya sa balikat nito. Ramdam niyang hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Wag ka nang umiyak." Sabi nito ng panay parin ang singhot niya. "Sige ka. Baka makita nong apat na umiiyak ka isumbong nila ako kay Jhon na pinaiyak kita, gulpihin ako non. Sayang ang gwapo kong mukha." Biro nito sa kanya para tumigil siya sa pag-iyak. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita uli ito. "Im very grateful baby because you open up to me But please try to open up with Jhon and to your father too. because they are your family at ang pamilya ay nagdadamayan. Wag mong ilayo ang sarili mo sa kanila. Ok." Sabi nito habang hinahaplos nito ang kanyang buhok, Hindi siya umimik. Tahimik lang siya habang iniisip ang sinabi nito ng bigla mayroon siyang naalala kaya lumayo siya dito. "Nag-aaway lang tayo kanina a." Sabi niya dito. Tumawa naman ito. "Babae ka nga. Paibaiba ang mood mo e." Naiiling nitong sabi sa kanya. "Sabagay mas gusto kung inaaway mo ako at tinatarayan kaysa sa makita kang umiiyak." Pinunasan pa nito ang kanyang pisngi. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob dahil nailabas nya ang kanyang saloobin. Mabait naman si Jhon at ang Daddy niya. Pero hindi lang talaga niya maiwasang manliit sa sarili niya dahil parang ang laki ng agwat nila sa isa't isa at parang pag nalaman ng iba kung ano siya ng mga ito ay siya pa ang maging dahilan para mapahiya ang mga ito. Iyon siguro ang pamana sa kanya ng kanyang ina. Ang pagiging duwag. Dahil ayon sa kwento ng kanyang daddy ay hindi kaya ng kanyang inay na ipaglaban ang nararamdaman nito sa kanyang ama kaya ito lumayo nalang at hindi na nagpakita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD