Naaaliw siyang makita ang masayang masaya na mukha ni Sam habang nakatingin sa labas ng bintana, binibilang nito ang mga baka na nakikita niya habang nakalabas pa ang mga kamay. Malapit na sila kaya sinabihan niya itong ipasok na ang kamay para maisara nya ang bintana. Tumalima naman ito agad pero nakatingin parin sa labas.
Pumasok na sila sa gate ng bahay ni Ron at tanaw na din nya ang mga kaibigan nya na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga, sa tant'ya nya ay kadarating lang din ng mga ito.
Itinabi niya ang sasakyan nya kung nasaan nakaparada ang sasakyan ng mga ito. At mabilis siyang bumaba para pagbuksan ang kasama.
"Let's go." Aya niya kay Sam. bababa na sana ito pero hindi pa pala nito natatanggal ang kanyang seatbelt kaya napabalik uli sa upuan.
Mabilis syang yumuko dito at pinasok nya ang kalahati ng katawan para maabot ang lock ng seatbelt nito pero dahil nagulat yata ito sa kanya ay napahawak ito sa balikat niya at noon lang nya narealise na ang lapit na pala nila sa isa't isa. He even smell her sweet scent.
he stoped from breathing when their eyes met. But he felt his heart beating fast. Sh*t!' Mura nya sa sarili ng bumaba ang tingin nya sa mga labi nitong nakawang ng kunti.
He swallowed
Then he felt the sudden urge to move down his head a little bit closer to her face then he saw her eyes automatically closed as if she was inviting him to kiss her.
He took a deep breath. God knows how much he wanted to kiss her but this is not the right time nor the right place.
"We need to move baby." He whispered and give her a quickly kiss on her forehead. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Tara?" Aya niya uli dito at inilahad ang kamay. Napangiti siya ng tinanggap nito ang kanyang palad pero parang nagulat ito ng bahagyan niyang pisilin iyon kaya nahila nito pero hindi niya binitawan.
They stared at each other again.
He cleared his throat "let's go" Nagpatiuna siyang lumakad kaya parang hilahila niya ito.
"O Jef." Salubong ni Ron sa kanya. Lumapit ito ay binigyan siya ang isang yakap.
"And who's the beautiful girl beside you?" Ron asked ng matapos silang magbatian pero ang mata nito ay nasa kanilang mga kamay. Then nagsilapitan na din ang mga ibang boys. And same as Ron ay sa kamay din nila nakatingin ang mga ito. And he felt that Sam's feeling not comfortable about their gaze. Bahagyan nitong hinila ang kamay kaya binitawan naman niya.
"Guys. This is Samatha Arguelo. Ang tita ni Jhon." Sabi niya at bahagyan pa niyang hinawakan ang likod nito.
"What? Ito yong tita ni Jhon?" Gulat na tanong naman ni Macky. "Ang akala ko ay mas matanda sa atin ang tita niya."
"Akala ko din dati." Sabi naman niya.
"Sam. This Is Macky. Ang babaero, Si Alex. Ang balasubas at si Tim ang mayabang." Pakilala niya sa mga ito kaya puro mura naman ang inabot nya sa tatlo tanging si Ron lang ang malakas na tumawa dahil ginaya niya kung paano sila ipinakilala noon sa mga katiwala nito sa farm. "And this is Ronald Aragon. He's the owner of these farm and siya din ang ama nong baby na aanakin namin mamaya."
"Hello baby girl. Nice meeting you." Sabi ng mga ito at isa isa nila itong binigyan ng hug and kisses.
"Ang cute mo naman." Nakangiting sabi ni Alex na hinaplos pa ang buhok ni Sam. Natawa siya dahil sumimangot si Sam.
"Guys, Hindi na daw siya nene kaya treat her like a lady. Ok, baka mahambalos kayo nito sa muka." Natatawang sabi ni Jef sa mga kaibigan pero napahawak siya sa tiyan dahil hinamapas siya ni Sam doon kaya napatawa ang kanyang mga kaibigan at parang naaaliw sa kanila.
"Aray ko naman baby. Ang bayolente mo talaga" nakatawa niyang reklamo dito.
Nagkatinginan naman ang apat na parang nag usap ang mga mata ng mga ito.
"Anyway. Where's Ella and the baby?" Pang iiba niya dahil alam niyang kunti nalang ay bubuskahin na sila ng apat. Baka lalong mainis si Sam sa kanya.
"Asa loob nagpapabreastfeed." Nakangiting sabi ni Ron. Sa nakikita nya sa mukha ng kaibigan na masaya ito at kitang kita ang mga kislap ang mga mata nito.
"Naks... may kaagaw kana bro." Biro ni Tim kay Ron.
"You look so happy and contented." Komento naman niya saka inakbayan ang kaibigan.
"Yeah I agree to that." Sigunda naman ni Alex.
Napatawa lang si Ron.
"Tsk! Wala ka na atang balak umupo sa trono mo sa office nyo ha." Biro pa niya sa kaibigan. Mula kasi noong kinasal ang mga ito ay dito na sila sa farm nagstay.
"I can work here." Natatawa naman nitong sagot. "Nandito ang trono ko with my queen, my prince and princess." Sagot naman nito. "Tara na sa loob. Ng makapagbreakfast muna kayo. Lumabas na siguro si Ella." Aya nito sa kanila. Nauna ang mga itong pumasok at nagpahuli sila ni Sam. Binabati sila ng mga taong nandoon dahil kilala nadin sila ng mga iba na taga malapit sa farm dahil ilang beses nadin naman silang nakabalik dito. Hanga sila sa mga tao na taga dito dahil tulong tulong ang mga ito. Sabi nga ni Ron kahit walang sahod ang mga ito ay handa ang mga itong tumulong, pero kahit papaano ay inaabutan parin ang mga ito ng kanyang kaibigan.
Pagpasok nila ay saktong pababa naman si Ella. Hindi niya maiwasang mapangiti. Napakaganda parin nito. Parang angel. Bumaling siya kay Sam at nakita din niyang nakatingin ito kay Ella at punong puno ng paghanga ang mga mata.
Pinatong niya ang dalawang kamay sa balikat nito dahil halos nasa likod siya nito at bahagyan niyang nilapit ang mukha sa may bandang taynga nito. "Siya si Ella. Asawa ni Ron." Sabi niya.
"Ang ganda naman niya." Halos pabulong na sabi nito.
"Hello... nandito na kayo." Masayang bati naman ni Ella sa kanila habang pababa at agad naman itong sinalubong ni Ron sa hagdan at inalalayan. They are really look good together. Hindi parin niya maiwasang humanga sa mga ito. Dahil siguro sa nakikita niya na nag uumapaw ang pagmamahal ng mga ito sa bawat isa.
"Hello. Kumusta kayo?" Masaya nitong bati sa kanila. Niyakap sila nito isa isa at narinig niyang napaungol naman si Ron kaya natawa silang apat.
Noong naglaro kasi sila ng truth or dare ay lumalabas na lahat silang lima ay nagkacrush sa asawa nito kaya puro mura ang inabot nila dito.
Napatingin ito kay Sam.
"Siya si Samantha Arguelo babe, ang tita ni Jhon." Sabi ni Ron sa asawa na nakangiting nakatingin kay Sam.
"Talaga? Ang ganda mo naman" sabi ni Ella at lumapit ito kay Sam at beneso beso pa ito.
"Ang ganda mo naman ate." Sabi naman ni Sam na hindi maitago ang paghanga sa boses kaya napatawa sila.
"Salamat. Pero lamang lang ako sayo ng tangkad dahil napakaganda mo rin." Sabi naman ni Ella which is tama ito. Maganda si Sam at hindi nakakasawang titigan ang mukha nito. Kinulang lang talaga sa tangkad kaya parang bata itong tignan kumpara sa edad nito.
"So tara na sa dining table para makakain na kayo." Yaya naman nito sa kanila.
"'Asan pala si baby?" Tanong ni Alex.
"Ayon tulog uli. Kaliligo lang kasi nya kaya nakatulog uli." Sabi naman nito.
Napansin nyang hindi pa ito masyadong nakakagalaw ng maayos. "Ayos kana ba Ella?" Tanong niya.
"Oo. Ayos naman na. Apektado lang talaga ang balikat ko kaya medyo hirap pa ang kamay ko na gumalaw ng normal pero hindi na masakit. Ang iniinda ko nalang ngayon ay yong sugat ko sa tiyan dahil sa panganganak ko." Paliwanag naman nito. Hindi kasi ito nanganak ng normal dahil ayaw ng kanyang kaibigan dahil sa mga naging sugat nito sa likod.
"Pero ang galing mo a. Isang taon mahigit palang mula noon in then kinaya mong ng magbuntis uli." Sabi ni Tim kay Ella.
Natawa naman si Ron sa mga ito dahil sa pang iintriga nilang magkakaibigan sa asawa nito. "Halos erape ako niyan e para mabuntis lang uli hindi lang kasi niya alam kung anong takot ko para sa kanya." Natawa sila sa sinabi nito. Naikwento kasi nito na ayaw pa niyang buntisin ang asawa pero si Ella ang may gusto ng mabuntis.
Inirapan naman ito ni Ella. "Hindi ko naman isusubo ang sarili ko kung hindi ko kaya. At saka nagsisi kapa ata e." Nakasimangot na sabi nito sa asawa.
Niyakap naman ito ni Ron sa likod. At may binulong kaya napangiti nalang sila.
Ipinaghila nya ng upuan si Ella ng makarating na sila sa dinning area. "Bro pwedeng maki kape." Paalam niya kay Ron sakto namang pumasok ang biyanan nito kaya bumati sila at nagmano silang apat.
"Sige maupo na kayo at ako na ang magtitimpla ng kape nyo. Alam kong pagod kayo sa biyahe ninyo." Sabi nito sa kanila.
"Ok ka lang?" Mahina niyang tanong kay Sam na nagmamasid lang sa kanila.
"Em." Maiksi nitong sagot sa kanya pero nakangiti ito.
"May gusto kapa ba maliban sa kape?" Tanong uli niya.
Tumingin ito sa kanya "ano kaba. Basta may kape ok na ako. At saka ang dami nitong nasa harap natin o." Nguso niya sa mga pagkain nila sa harap.
Narinig niyang halos sabay sabay na tumikhim ang tatlo na nakatingin sa kanila.
"Baka pwede naman ninyong ishare kung ano ang pinagbubulungan nyo dyan?" Biro ni Macky sa kanila.
Nginisihan niya ang mga ito. "Tsk! Mind you own business"
"Woah... ok, alam na dis." Natatawang sabi ni Macky.
"Goodluck then." Naintindihan niya ang ibig pakahulugan ng mga ito sa kanya.
And he have no intention to hide what he really felt for Sam. And as soon as possible he will talk to Jhon and Don Manuel about it and ask permission to them about sa panliligaw niya.
"I guess you're serious. So, you can count on us in case na mahirapan kang mapasagot si Jhon at si Don Manuel." Sabi naman ni Alex.
"Thanks mga bro. But I think I can do it on my own." Tiwala naman niyang sabi sa mga ito.
"Ano daw?" Mahinang tanong ni Sam na hinila pa ng kunti ang laylayan ng kanyang damit dahil hindi maunawaan ang kanilang usapan.
Nginitian naman niya ito ng makahulugan. "Soon you will know baby."