"Are you always like that" he asked with an amusement in his face.
"Anong like that?" Kunot noong tanong naman ni Sam parang nagtaka sa tanong niya.
"Ka bayolente?" He said with the smile form on his lips.
She didn't answered pero binigyan siya ng matalim na tingin.
"Hey, Any violent reaction?" Takang tanong niya. Pero hindi parin ito nagsalita alam niyang naiinis parin ito. Inirapan sya nito at parang badabog na umayos ng upo.
"Sayo lang ako nainis ng ganito kaya tigilan mo ako."
He couldn't help laughing at her. "And may I know why" natatawa niyang tanong.
"Kailangan pa ba talagang itanong iyon. Obvious naman na nakakainis ka!" Gigil nitong sabi sa kanya.
He laugh again "Im sorry. I just can't help it na inisin ka. Ang cute mo kasi."
"Kakainis. Kung alam ko lang na iinisin mo akong lalo, sana hindi nalang ako sumama." Nakasimangot nitong sabi sa kanya.
"Hey. Peace na tayo. Hindi na kita iinisin." Nakangiti niyang sabi dito. Pero sinimangotan lang siya nito.
"Do you believe me if I say that you caught my attention the first time I saw you.?" Sabi niya dito na iniba ang tima ng kanilang usapan.
"Halata naman. Diba nga sinabihan mo akong halos makitaan mo ako." Pabalang nitong sagot parin sa kanya.
"Hindi lang iyon. I think I have a crush on you." Nakangiti niyang sabi dito.
"Ano?" Gulat na tanong naman nito as if hindi nito naintindihan ang kanyang sinabi.
"I was attracted on you from the very beginning." Seryoso niyang sabi dito.
Pero parang lalong nainis ito sa kanya. "Hoy. Ikaw lalaki. Wag mo akong lalong iniinis dahil kunting kunti nalang tatamaan kana sa akin." Banta nito.
Natatawa siya. He can't imagine his self na habang nagtatapat ay binububog naman siya.
"It's true. I like you the first time I saw you." Giit niyang sabi dito.
Tinawanan naman siya nito. "Una. Crush, pangalawa. Attracted, pangatlo. I like you na." Pagak itong tumawa. "Baliw lang talaga ang maniniwala sayo." Naiiling na sabi nito sa kanya.
He pouted. "Im serious." Giit niya.
"Baliw ka kamo." Sagot agad nito.
"Liligawan kita." She look shock. Kahit naman siya. Hindi niya akalaing masasabi niya iyon.
They stared each other
She parted of her lips but didn't say anything.
Siya ang unang nagbawi ng tingin dahil baka mabangga sila.
They didn't talk almost half an hour. Until he broke the silence. "I know it's hard to believe it, but Im serious. Palagi na kita naiisip mula noon."
Hindi ito umimik.
"Ibaba mo ako." Mariing nitong sabi sa kanya.
"Ha?" Takang tanong niya.
"Sabi ko ibaba mo ako!" Halos pasigaw na nitong sabi sa kanya.
"Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
"Dahil ayaw kong makasama ang baliw na katulad mo. Sayang gwapong gwapo pa naman ako sayo tapos may sayad ka pala." Sabi nito na sumabog na ata sa subrang inis sa kanya.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o madidismaya sa reaction nito. Sino nga ba namang ang maniniwala. Iniinis lang niya ito kanina tapos wala pang isang oras ata nagtatapat na siya.
"Please give me a chance. Babawi ako. Hindi na kita iinisin." Sumamo niya dito.
Hindi ito umimik. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kanya.
He took a deep sighed "Aakyat ako ng ligaw sa mansion ninyo. Sasabihin ko din kay Don. Manuel at Jhon na liligawan kita." Tinignan naman siya nito na para bang may nakita itong sungay niya.
"Wag mong gagawin yan." Banta nito sa kanya.
"At anong gusto mong gawin ko. Pasekreto kitang liligawan. Siguradong mapapatay ako ni Jhon." Seryoso niyang sabi dito.
Para naman itong napupuno na sa kanya. Nag breathe in breathe out pa ito ng ilang ulit. "Pwede tigilan na natin itong usapan na ito." Sabi nito at hinilot pa ang ulo.
"Ok. For now, I won't force you to believe me. But, as I've said a while ago. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo hanggang sa paniwalaan mo ako." He promise.
*. *. *
Hindi nalang pinansin ni Sam ang katabi. 'Ang daming pakulo nito para inisin siya. Pero sa kabilang banda ay nahiling niya na sana ay hindi lang siya nito iniinis. Hehe. Ang gwapo kaya nito.' Gusto niyang magpahagikhik sa kanyang naiisip pero pinigil niya dahil baka isipin nito may tama siya sa utak.
Naisip niya. Pwede palang magkasabay ang pagkainis at paghanga. Lihim siya tumingin dito. Pinag-aaralan niya ang itsura nito. Malaki ang katawan nito. Halata ang mga muscle nito sa braso. Parang kaya nitong baliin ang kanyang katawan pag niyakap siya. Lihim siyang napangiti. Matangos ang ilong. Subrang kinis ng balat nito. Tinalo ang balat niya dahil nga palagi siyang bilad sa araw sa Isla.
Nagulat siya ng bigla itong nagsalita. "Crush mo na rin ba ako nyan?" Biro nito sa kanya kaya napairap siya dito,
"Bawal na po bang tumingin?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"No. Suit you self, you can have all of me." He winked at her.
"Hmp! Ang yabang. Parang tinignan lang. kala mo naman pinag iinteresan na siya." Nakanguso nitong sagot sa kanya.
Pinili nalang niyang isandal ang likod at ibaling ang tingin sa bintana para malibang siya kaysa sa inisin na naman siya nito.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Naalimpungatan nalang siya na parang naalog siya kaya idinilat niya ang kanyang mga mata. Napansin niyang nakababa na neck support pillow ng upuan niya kaya may nasasandalan ang kanyang ulo. At medyo nakahiga na siya. 'Ganon ba kasarap ang tulog niya at hindi man lang niya namalayan ang nasa paligid niya.' Sermon niya sa sarili. Bumangon siya at pinunasan ang kanyang bibig at mata baka naglaway siya o kaya baka may muta pa siya. Nakakahiya. tumingin siya sa labas ng bintana para makita kung nasaan na sila. Maliwanag na pala.
"Gising kana?" Tanong ni Jef sa kanya ng bumangon siya. Hininaan nito ang pagpapatakbo at inayos ang upuan niya para makasandal siya uli.
"Salamat" sabi niya pero nakatakip siya sa kanyang bunganga kaya natawa ito sa kanya. Inirapan nalang niya ito at bumaling uli sa labas ng bintana.
"Wow!" Mahina nyang nasambit ng makita ang paligid. Paakyat sila sa bundok, green na green ang paligid. tapos kitang kita nya ang bahay na nasa taas nito. "Ang daming baka" halos bulong lang nyang nausal.
"Dyan tayo pupunta." Turo nito sa bahay na nasa taas.
"Malapit na pala tayo. Ang ganda naman dito." Puri niya saka siya tumingin dito. Parang nakalimutan niya na inis siya dito. Nakangiti naman ito sa kanya.
"Ganyan din ang reaction namin dati nong una kaming dalhin dito ni Ron.
"Sa kanya to?" Hindi niya maitago ang mangha sa boses niya dahil ang ganda ng paligid.
"Pwedeng buksan ang bintana?" Baling uli niya kay Jef. Unti unti namang bumaba naman salamin ng sasakyan nito. Inilabas nya ang kanyang mga kamay sa bintana.
"Ang presko ng hangin.