Jef and Sam

1825 Words
Marahang katok ang narinig ni Sam sa pinto ng kanyang kwarto. Nagmamadali niyang hinagilap ang kanyang bagpack sa may couch dahil alam niyang si Jhon na iyon. Ngayon na kasi sila pupunta sa kaibigan nito. Nagkasundo ang mga ito na madaling araw silang bibiyahe dahil masyado daw mainit pag may araw na kaya alas tres palang ng madaling araw ay aalis na sila. Pero laking gulat nya ng makita itong nakapajama parin at hindi pa bihis. Kumunot ang kanyang noo. Nginitian naman siya nito. "Good morning my little tita." Bati muna nito sa kanya at pumwesto ito sa likod niya at medyo tinulak siya para tuluyang na siyang makalabas sa kwarto niya. Ito narin ang nagsara ng pinto. Nasa likod niya ito at nakahawak ito sa balikat at bahagyan parin siyang tinutulak kaya nagpatianod naman siya. "Bakit hindi kapa bihis?" Tanong niya habang tulak tulak siya. "Sorry. Something came up kaya hindi ako makakasabay sa inyo." Sabi naman nito kaya napatigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ito. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong. Napakamot naman ito ng batok. "I have an emergency meeting with the board later. But don't worry kasi after non ay hahabol naman ako." Paliwanag naman nito kaya lalong nagsalibong ang kilay niya. "Bat di mo sinabi agad? Ang aga ko pa namang gumayak." Maktol niya dito. Napangiti naman ito "Mauuna na kayo doon. Sasabay ka kay Jef." Sabi nito at kinindatan pa siya. pinihit siya nito uli para makausad uli siya palakad pero pinilit niyang patigilin ito. "Anong sasabay kay Jef? Ayaw ko nga. Sabay nalang ako sayo." Inis niyang nilingon uli ito. Isipin palang niyang makakasabay niya ang kaibigan nitong mayabang baka matuyoan siya ng dugo doon. "Nah. Nandyan na siya sa labas at naghihintay na." Sabi nito at pinihit uli siya nito pasulong. "Ayaw ko!" Nagmamaktol niyang sabi dito. "Hindi nalang ako sasama." Sabi niya at pinipigil niya ang mga paang humakbang pero dahil tulak tulak siya nito mula sa likod ay sumusulong parin sila. "Ano kaba. Hindi ka naman pababayaan doon. At saka baka mamayang hapon nandoon na din ako." Giit naman nito. Mas lalong nalukot ang kanyang mukha ng matanaw ang kaibigan nito. Nakasandal ito sa kanyng sasakyan at nakatingin din ito sa kanila. Simple lang ang suot nito naka jens at naka white t-shirt lang pero nag uumapaw ng kagwapohan. Parang ang linis at ang bango nitong tignan, mas lalo siyang nainis dahil kahit mayabang ito ay gwapo parin ito sa kanyang paningin. Padaskol niyang binaba ang kanyang bagpack na nakasabit lang sa kanyang balikat at nalaglag iyon kaya bitbit na niya ito sa kanyang isang kamay. Lumapit naman ito sa kanila at wala salita na kinuha nito ang kanyang bag. Tatanggi pa sana siya pero nahatak na nito iyo. Tumawa naman ito ng hahabulin pa sana ng kamay niya para kunin uli ang kanyang bag. Pero itinaas nito iyon at sinukbit sa balikat. "O tol. Wag nyong pabayaan ang tita ko doon ha." Bilin ni Jhon agad sa kaibigan. "Kaming bahala" maiksi nitong sagot. "O lumakad na kayo baka kanina pa naghihintay yong tatlo sa inyo. "Hindi kami sasabay sa kanila. Dadalhin ko itong sasakyan ko." Sabi naman ni Jef. "Kala ko ba yong van nila Tim ang sasakyan nyo?" Takang tanong naman ni Jhon. Usapan kasi nila ay iisang sasakyan ang gagamitin nila. Bonding na din habang asa biyahe sila. "Gagamitin daw nila attorney e. Pero iisang sasakyan ata ang gagamitin nong tatlo. Alam mo na. Tamad magdrive yong dalawa. Gagawin na naman nilang driver si Alex." Naiiling na sabi ni Jef kay Jhon. "Tara na?" Baling nito sa kanya na parang close sila kaya tinaasan niya ito ng kilay. Tinulak uli siya ni Jhon palapit sa sasakyan st ito na din ang nagbukas ng pintoan para makasakay siya. "Hey. Cheer up! Magugustohan mo doon promise." Sabi nito ng makaupo na siya sa loob ng sasakyan. Kita kasi nito ang mukha niyang nakasimangot. Pumasok na din si Jef kaya isinara na ni Jhon ang pinto pero pinigil niya. Nagtakang yumuko ito at tumingin uli sa kanya. "Sunod ka ha. Pag hindi ka nakasunod kahit na anong sabihin mo sa susunod hinding hindi na ako sasama sayo." Nakalabi niyang banta dito. "Oo. Promise susunod ako." Natatawa nitong sabi sa kanya. "Sige tol." Kaway pa ni Jhon na nakasilip parin sa tapat niya. Tinaas naman nito ang kamay at tinanguan si Jhon. Isinara na nito ang pinto sa may tapat niya. Nagtaka siya ng hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan kaya bahagyan niya itong tinapunan ang tingin, medyo nagulat siya kasi nakatingin din ito sa kanya. "M-may problema ba?" Tanong niya. "Wala" sabi nito pero hindi niya inaasahang dudukwang ito sa bandang gawi niya. Sa gulat niya ay napahawak siya sa dibdib nito. Natigilan din ito sa ginawa niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at dinig na dinig niya iyon. Hindi niya alam kung ilang segundo iyon pero alam niyang medyo matagal, ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib amoy na amoy niya ang pabango nito at ramdam ng mga kamay niya ang t***k ng puso nito. Para siyang hinihigop ng mga mata nito. Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi at bahagyan pa itong napalunok. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Unti unting bumababa ang mukha nito sa kanyang mukha kaya automatic na dahan dahan ding napapikit ang mga mata niya. Mariing niyang pinikit ang mga mata at parang nanginginig na siya sa nerbyos. Pero laking gulat niya ng may dumantay sa kanyang dibdib at lumayo na ito sa kanya kaya napadilat siya. Isinuot lang pala nito ang kanyang seatbelt kaya subrang hiya ang naramdaman niya. Ramdam niyang uminit ang kanyang mukha na kung pwede lang niyang hilingin na bumuka ang lupa at lamunin siya ay ginawa na niya. Nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata na parang natatawa ito sa kanya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng hiya at inis dito. 'Kainis! Ano na lang ang iisipin niya sa akin!' Sermon niya sa sarili. Binuhay nito ang sasakyan at bumusina pa kay Jhon. *. *. * Malayo layo na sila pero wala parin silang kibuan. Inabala naman niya ang pagtanaw sa labas kahit madilim pa sa kanilang dinadaan. Narinig niyang bumuntong hininga ito. Maya maya pa ay naplay ito ng music sa stereo nito pero hindi parin niya ito nililingon. "Baka naman magka stiff neck ka nyan." Sabi nito na ang dating sa kanya ay parang inaasar pa siya. Bumaling siya ng tingin dito at nakita nga niya na nakangisi ito na parang nang-aasar. Pero hindi niya ito pinansin. 'Hindi kita bibigyan ng kasiyahang mainis ako' sabi niya pero sa kanyang sarili lang. narinig uli niya itong bumuntong hininga kaya nilingon niya ito uli at nakita niya itong parang minamasahe ang noo. "Sana tinanggihan mo nalang si Jhon na isabay ako para hindi sumasakit ang ulo mo." Mahina niyang sabi dito. Napatingin naman ito sa kanya. Takang tumingin naman ito sa kanya pero hindi nalang uli siya nagsalita. "Anong ibig mo sabihin?" Takang tanong naman nito. "Para kasing sumakit ang ulo mo sa akin." Sabi naman niya na nakatingin sa kamay niyang nasa kandungan nya. "Hindi sumakit ang ulo ko dahil sayo." Tanggi nito saka ito tumingin sa gawi niya. Nagtama uli ang kanilang mga mata pero agad din siyang nagbawi ng tingin. Iwan, pero hindi niya kayang tagalan ang tingin nito. "Pero alam kong ayaw mo akong makasama." Nakanguso niyan sabi dito pero ang tingin ay nasa kamay parin niya sa kanyang kandungan. "Look. I don't know what are you talking about. Pero maniwala ka at sa hindi, gusto kitang makasama ngayon o kahit pa sa susunod na mga araw." Alam niyang nakatingin ito sa kanya pero hindi parin niya ito nilingon. "It just that... it just that I don't know how to make or how to start a conversation with you na hindi tayo mag-aaway."Paliwanag nito sa kanya. Napanguso siya sa sinabi nito. "E, ikaw ang nang aaway e" "See.. kita mo na. Mag-aaway na naman tayo niyan. At baka in the end masampal mo na naman ako." Bwelta agad nito sa kanya. Namula naman siya sa sinabi nito. Bumuntong hininga uli ito na parang nahihirapan sabihin ang nasa loob. "Gusto ko lang naman na humingi ng sorry sayo about our first meeting kasi nga naging harsh ako pero hindi mo naman ako pinapansin." Halata sa boses nito na parang masama ang loob. "Concern lang talaga ako sayo that time." Dagdag pa nito. Tumingin siya dito. Nakatingin din ito sa kanya at nakita naman niyang sensero ito sa sinasabi. "Ok lang naman sa akin ang pagsabihan mo ako sa suot ko. Tanggap ko iyon. Ang hindi ko lang matanggap ay yong pinagmukha mo akong mang-aakit tapos kung ano ano pa ang sinabi mo sa akin nong last tayong nagkita. Humingi ka nga ng sorry pero mas nakasakit ka naman." Sabi niya na hindi na tinago ang sama ng loob dito. Tumingin uli ito sa kanya. "E pano. Kala ko ayaw mo ng napagsasabihan. Sorry kung may nasabi akong masama. Hindi ko iyon sinasadya." Tinignan uli siya nito bago bumaling sa kalsada Naiyuko niya ang kanyang ulo. "Sorry din. Siguro nga naging sensitive lang ako dahil nga anak lang ako ni daddy sa katulong niya." Mahina niyang nasabi pero ramdam niya ang kirot sa kanyang dibdib. "Hey. Stop that. Kahit kailan ay hindi ko naisip iyon. Ni hindi ko nga alam na anak ka ni Don. Manuel e." Sabi nito na parang nagulat sa kanyang sinabi. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. "Wala akong ganong ibig sabihin. Ni hindi nga iyon sumagi sa isip ko e. Inaamin kung nainis ako sayo noong second meeting natin dahil ayaw mo akong pansinin at iyon lang ang nakikita kung paraan para pansinin mo ako ang inisin ka. Pero hindi ko naman gusto na masaktan ka." Paliwanag nito sa kanya. "At sorry din kung napagkamalan kitang katulong. Hindi ko naman alam na nene pa pala ang tita ni Jhon ang alam ko kasi mas matanda pa sa amin ang tita niya." Nagtaas siya ng tingin dito pero tinignan niya ito ng matalim. "Kita mo na. Hindi pa kita pinapatawad pero nang-iinis kana naman." Gigil niyang sabi dito. "O bakit. Ano na naman ang sinabi ko?" Kunwa'y patay malisya nitong tanong sa kanya. "Nene pala ha. Hoy! For your information twenty three na po ako. Twenty three!" Pinagkadiindiinan pa niya ang kanyang edad alam niyang halos lumaki ang butas ng kanyang ilong. Napatawa naman ito sa kanyang sinabi kaya mas lalo siyang nainis dito. "E yon ang tingin ko sayo noon e. Kala ko nga sixteen years old kapa lang." nakangisi nitong sabi sa kanya na parang aliw na aliw pa sa kanya. "Bat di mo pa kasi ako deretsahin na naliliitan ka sa akin ha." Sabi niya dito at pumuhit pa siya para maharap ito. "Ang sarap mong hambalusin sa mukha." Bulong niya sa subrang gigil. "Woaah... wait lang. nong last tayong nagkita pinatikim mo ako ng sampal mo, tapos ngayon baka mahambalus mo talaga ako." Pinanlakihan siya nito ng mata. "Pag hindi ka umayos talaga. Malamang. Puro pasa ang mukha mo bago makarating sa pupuntahan natin." Babala niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD