bc

Para kay Phen

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
sweet
bold
genius
highschool
small town
like
intro-logo
Blurb

Para kay Phen, k'wentong prosa namula pa kay Chen, isang dalagang nagkagusto kay sa binatang nagngangalang Phen. Nagsimula ito sa kaniyang pasulyap-sulyap hanggang ang dalaga ay tuluyang nahulog sa binata pero malaki know ang doubt niya kung ito ba ay mayroon ding pagtingin o guni-guni niya lamang 'to?

chap-preview
Free preview
Part 1: Magandang ngiti
Ginising ako ni Tiya Riya, alas-onse na raw nang umaga. Pinababangon na 'ko ni Tiya dahil pauwi raw ngayon si Tiya Isel, ang panganay nila na galing pang probinsya. Pinaabang ako nito sa may bakeri baka raw kasi may mga bitbit, at baka maligaw na naman, hindi pa naman siya ganoon katanda pero napakaulyanin. Kusot mata sa pagtayo maaninag lang ang liwanag, dumako na muna ako sa banyo upang maghilamos, at magsipilyo. Pagkatapos ay tumungo na 'ko sa mesa, tinignan ko ang oras, alas-nwebe pa lang nang umaga, si Tiya Riya talaga napaka-atat. Kumuha ako ng malamig na pandesal sa 'mesa na tira sa binili nila kaninang umaga, unang kagat pa lang binulyawan na naman ako ni Tiya Riya parating na raw si Tiya Isel, nagtext na raw. Abangan ko na lang daw sa may tindahan ni Mang Anor para makita raw ako kaagad. Napabuntong hininga na lang ako, kumuha muna ako ng isa pang pandesal. Lumabas na 'ko ng bahay dahil aabangan ko nga si Tiya Isel sa tindahan ni Mang Anor . Minu-Minuto, segu-segundo tinitignan ko ang paligid para tignan ang mga traysikel, at mga pasahero baka kasi hindi ako makita ni Tiya Isel. Isang oras na 'kong naghihintay pero wala pa rin, balak ko na sanang bumalik para magtanong kung nasaan na ba 'to. Nang may nagkumpulan na grupo ng mga binatilyong lalaki sa harap ko, umalis ako sa p'westo ko na 'yun dahil hindi ko makita ang mga traysikel. Nagulat ako nang may tumatapik-tapik sa kamay ko, nilingon ko ito. Tinignan ko ito nang masama, dahil hindi ko siya kilala. Humingi ng paumanhin sa'kin 'yung lalaki, akala niya raw isa ako sa mga kasama nila. Kunwari'y hindi ko na lang ito pinansin, at tumawid ako para naman mas lalo kong makita si Tiya Isel. Nakaputi ito ng damit, puti rin ang damit ko, at ang ganda rin ng mga ngiti nito. Hayst, na saan na ba kasi si Tiya Isel? Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Ano kaya ang pangalan niya? Pinipigilan ko lang tumawa pero yung tawa ko sa loob kakaiba. May tumawag sa pangalan ko, nilingon ko ito. Si Tiya Isel pala kababa lang ng traysikel. Mainit ang ulo nito kanina pa raw ako tinatawag, at ano ba raw ang iniisip ko. Nagdahilan na lang ako na isang oras na kong naghihintay dito, kaya nabibingi na 'ko. Kahit isang oras na talaga akong naghihintay. Nang makatawid na kami ni Tiya, narinig ko ang pangalan ko sa mga nagkukumpulang lalaki. "Chen daw ang pangalan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Prince's Rejected Mate

read
550.5K
bc

The Ryland Boys

read
820.7K
bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
455.5K
bc

Their Powerful Hybrid Mate

read
80.2K
bc

Surprising The Boss (True Love Series Book 4)

read
137.1K
bc

Claimed by the Alpha: Amber Eyes series 1

read
689.1K
bc

TEASING MY 7 HOT ALPHA STEPBROTHERS AT THE ROYAL ACADEMY

read
3.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook