Part 3: Coke 1.5

248 Words
Kinuwento ko sa mga pinsan ko 'yung nangyari kanina, grabe puro hampas ang natamo ko sa kanila. Tinanong nila ako kung ano raw ang pangalan nito, sabi ko hindi ko alam. Lagi ko kasing nakikita 'yung lalaki na 'yun, ilang linggo na rin, siguro'y bago 'yun dito. Nakatutuwa naman ang mga pinsan ko aalamin daw nila ang pangalan nito. Habang nagk'wek'wentuhan inutusan ang pinsan ko na bumili raw ng coke 1.5, tatlo ang bibilhin kaya pinapasama ako, at ang isa ko pang pinsan. Dahil ang bilihan lang ay sa baba, pupunta kaming tatlo sa baba. Nakita ko ulit yung lalaking maganda ang ngiti may pagka chinito pala 'to. Kinalabit ko yung dalawa kong pinsan, at tinuro sa kanila 'yung lalaki. Bumibili ito sa tindahan sa baba kung saan kami bibili ng coke 1.5, kinabahan naman ako dahil balak daw nilang tanungin ang pangalan ng lalaki kaya bilisan daw naming maglakad. Hinihintay lang ng mga pinsan ko na makabili na siya dahil tatanungin na nila, ang pangalan niya. Anlakas ng kabog ng dibdib ko, sa sobrang kaba ko nang nakabili na siya. Nagpresenta na lang akong, ako na ang bibili nang coke. Habang kinakausap nila ito, tinuro pa 'ko ng mga pinsan bigla kang ngumiti nang napatingin ako sa'yo. Lumaki ang mata ko, binalik ang tingin sa tindahan. Tinawag ko na sila para bitbitin yung coke, umalis ka na rin. Dumiretso sa may maliit na gate, d'yan ka lang pala nakatira? "Dito na lang ako palaging bibili sa baba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD