Nang makauwi'y dali-dali kong tinanong ang mga pinsan ko kung ano ang sinabi nila. Sinimulan nila ang k'wento ang usisa nila pati ilan silang magkakapatid ay tinanong nila buti na lang mabait siya, apat daw sila. Siya ang panganay, nakatutuwa naman panganay din ako. P'wede bang magpa-baby sa'yo?
Pangalan mo lang naman ang hangad ko pero mas mabuti na 'yun kahit papaano'y alam ko 'yung ibang detalye sa'yo. Phen daw ang pangalan nito.
Phen, at Chen. Paulit-ulit ko itong binubulong sa sarili. Napansin ng mga pinsan ko 'yung ngiti ko para raw nawawala sa katinuan. Tinanong ko rin sila kung bakit itinuro nila ako, at bigla itong ngumiti. Ayaw nilang magsalita pero pinipilit ko sila. Kasi naman daw sinabi nila gusto ko siya. Hinampas ko nga sila sa balikat, at binulyawan na pangalan lang ang itatanong, bakit pa sasabihin na gusto ko siya.
Napabuntong hininga na lang ako, hayaan na nga. Mediyo lang naman hindi pa ganoon kalala. Nginitian pa 'ko nung dalawa, nahihiya sa kalokohan nila.
Tatayo na sana ako para dumiretso sa k'warto bigla namang silang nagsalita. Tinanong daw nila kung gusto raw ba 'ko ni Phen. Naninigas ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa hiya na ginawa nila. Hindi raw ito sumagot pero namula raw ang pisngi nito, at biglang nautal dagdag pa nila.