Part 4: Sa daan ka magfocus

204 Words
Lunes na oras na naman para pumasok, hindi ko pa rin pinapansin 'yung dalawa dahil sa ginawa nila kahapon. Maaga akong naglalakad patungo sa paaralan siguro'y bandang alas-singko nang umaga. Magliliwanag na ito kaya ayos lang maglakad ako. Nakita kitang naglalakad din nasa tawid ka nga lang, mas singkit ang mata mo kapag ganito kaaga, puyat ka siguro. Palagi na 'kong maglalakad tuwing umaga para makita kita, hindi man kita kasabay at least nakikita kita. Naglakad lang akong tuloy-tuloy para makarating na sa paaralan. Sumulyap ulit ako sa may tawid, wala ka na. Hindi ko maintindihan nalungkot ako bigla. Ipokus na nga lang atensiyon sa daan. Hinatak mo ang beywang 'ko patungo sa'yo. Humampas nga ang mukha ko sa dibdib mo kahit napapikit ako. May motorsiklo kasing humarurot. Sinermunan mo ako na mag focus sa daan baka ako'y mahagip. Nagpopokus naman ako sa daan kaso hinahanap kita. Nagpasalamat ako rito pero parang may dalaw ito. Nag-aala ka kaya sa'kin o naiinis sa'kin? A/N: Hi, It's too short that's why I put this author's note thingy. I hope you enjoy this series, first ever prose series I created on my page named 2 days old booze of words. You can visit anytime for more updates!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD