Simula nung nangyari ang aksidente na 'yun palagi mo na 'kong inaabangan sa may gate namin. Kahit hindi ko naman tinuro kung saan ako nakatira. In-obserbahan mo siguro ako. Binibitbit mo rin ang mga dala kong libro hanggang sa room. At tuwing umaga may mga paulit-ulit na tanong akong maririnig sa mga kaklase ko, 'yun ay boyfriend na raw ba kita. Umiiling na lang ako bilang tugon.
Parang nobyo na nga kita pero hindi, ano ba talaga tayo?
Walang label pero kung umakto parang kami, Hatid, sundo. Binibisita pa tuwing recess. Minsan naman pasusuyo ka sa mga kaibigan mo, at hahatiran ako ng pagkain dahil busy ka sa paggawa ng report niyo.
Lumipas ang mga buwan paulit-ulit ang tanong sa utak ko. Hirap naman ng ganito, walang kasiguraduhan sa'yo. Gusto kitang tanungin pero nahihiya ako. Baka isipin mo inuunahan kita sa nararamdaman mo.
Sabado nang hapon lumabas ako para mag meryenda kasama ko ang mga pinsan ko. Nagkaayos na rin kami kahit paano hindi ko naman sila matitiis.
Bumalik sila sa bahay kasi kinulang ang pera nila pang meryenda. Sa katagalan nga ng dalawa. Naubos ko na ang biscuits na binili ko. Umupo muna ako sa upuan na bato sa tindahan nila Aling Pasing. Bumili rin pala ako ng ice candy habang hinihintay sila.
Habang naghihintay may humawak sa buhok kong nakatirintas. Napalingon ako, at napatingin kung sino 'yon. Ikaw lang pala Phen, parang lumakas ang t***k ng puso ko nang bigla mo akong nginitian. Umupo ito sa kabilang upuang bato ni Aling pasing at, ibinigay mo sa'kin yung tsokolate na kanina mo pa hawak.
Sa sobrang kuryosidad ay napatanong ako kung para saan ito. Sumagot ka naman sa tanong ko na para sa'kin ito. Binigyan mo ulit ako ng dalawa pang tsokolate, para raw sa dalawa kong pinsan.
Hindi lang pala ako sa maganda mong ngiti ako mahuhulog, pati rin pala sa kabaitan mo. Sasaluhin mo kaya ako?