Part 7: Kaibigan lang pala

200 Words
Napalundag ako sa'king kinauupuan nang biglang sumulpot ang mga pinsan ko. Tumawa silang dalawa pati na rin ikaw dahil sa reaksiyon ko. Kung anu-ano na ang naiisip ko, buti hindi ka nailang, Phen. Kanina pa pala ako nakatingin sa'yo, at nakangiti pa. Kinuha ng mga pinsan ko ang tsokolate nila. Yung isa kinakain niya na, at yung isa naman mamaya raw ng madaling araw. Tumabi sa'yo ang pinsan ko na kinakain na ang tsokolate niya. Sa'kin naman tumabi yung isa ko pang pinsan. Kinausap ka nang pinsan ko, kung ano ba raw talaga tayo, at manliligaw ka ba raw sa'akin. Biglang nagbago ang ngiti mo kahit ako nag-aabang sa sagot mo. Nailang ako, at napayuko nang tignan mo kong may pagduda sa mata. Bigla pang nagsalita itong pinsan ko kung hanggang m.u. lang ba tayo. Inaangat ko ang ulo ko sa pagkayuko para makita ang reaksiyon mo. Iniling mo ang ulo mo bilang tugon,at nagsalita na magkaibigan tayo. Upang mawala ang ilang nararamdaman ko, nginitian kita. Sabi ko'y mauuna na kami, dahil hinahanap na siguro kami sa bahay. Nagpasalamat ako sa'yo sa tsokolateng binigay mo. Buti sumama sa'kin ang dalawa, nahalata siguro nila. Kaibigan lang pala ang tingin mo sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD