Part 8 & 9: Cream-o

499 Words
Ilang araw na ang nakalilipas sa sinabi mo, Phen. Ngunit ito pa rin umaasa sa'yo. Bakit ganoon 'yung epekto ng sinabi mo? Masakit. Umaasa ako pero ayoko ng ipilit, hanggang kaibigan na lang talaga siguro tayo. Sobrang awkward naman kung kasama kita, at alam mong may gusto ako sa'yo. Ayos lang naman 'yun na kaibigan kita pero hindi ka ba nahihirapan? Inilayo ko ang sarili ko sa'yo, pinasuyo ko na lang sa mga pinsan ko na huwag mo na kong sunduin. Pati na rin pala huwag ng hatiran ng pagkain, hindi ka naman obligado roon. Pumayag ka naman, dapat hindi. Ang manhid mo, Phen! Nang minsa'y nakokonsensiya pinuntahan kita dahil uwian na namin, ganoon din sa inyo. Naghihintay ako, nakadungaw din sa may bintana. Hindi ka na naka-uniporme pang itaas nang lumabas ng room niyo. Sinabi mo pa may pupuntahan ka kaya hindi ka makasasabay. Napa-okay na lang ako, tumugon na mauna na 'ko. Nakayuko ako sa arm chair balak ko sanang umidlip muna, wala pa namang klase dahil masiyado pang maaga. Masyado na 'kong napapaaga. Para maiwasan lang kita, Phen. Kinuha ko ang pulang bag ko, pinatong ko ito sa may arm chair. Kinuha ko rin ang aking telepono para ma set ko ang alarm nang hindi magtuloy-tuloy ang idlip ko. Nang ma-set ko na sa oras, yumuko ako ulit, sinusubukang umidlip. Hindi pa nga ako gaanong nakaiidlip may tumatapik-tapik na sa'kin. Tinanong ko kung anong kailangan nito. May bisita raw ako nasa labas pinapatawag ako. Automatic akong napalingon kahit hindi ko naman makikita agad-agad nasa may bandang dulo kasi ako nakap'westo. Nag inat- inat pa 'ko nung tumayo, napahikab din ako grabe yung antok ko. Bahagyang tinulak ko ang pinto para makalabas ako, nagulat ako ikaw pala ang bisita ko, Phen. Natulala pa 'ko nang ilang segundo, at ika'y nakatingin lang sa'kin. Dali-dali kong sinara ang pinto pero pinigilan mo 'to gamit ang kamay mo. Anong gagawin ko wala naman na akong takas? Hindi ko na siya kayang harapin. Bigla naman akong tinulak ng kaklase ko, at 'wag ko na raw pag hintayin ang bisita ko. Sa pagtulak nito nawalan ng balanse ang katawan ko, napapikit na lang ako hinihintay na mahulog sa sahig. Dumilat akong hindi man lang nasaktan, sinalo mo na pala ako. Nagkatitigan tayo na sobrang lapit sa isa't isa, napakalakas ng t***k ng puso ko. Nang natauhan umaklas ako sa pagkakasalo mo sa'kin. Tinanong kita kung bakit ka naririto, ibinigay mo sa'kin 'yung cream-o bilang tugon mo. Napataas na lang ang kilay ko sa ginawa mo. Bigla kang nagsalita sabi mo mayroon sticky notes d'yan, at basahin ko. In-obserbahan ko ito meron nga pero hindi ko makita ang nakasulat dito wala kasing ilaw, at hindi pa ganoon kaliwanag ang kalangitan. Hinatak mo ako papalapit sa'yo, niyakap mo rin ako. Hindi ako lumaban pero hindi rin ako yumakap pabalik. May kung anong pumasok 'ata sa mata ko kahit wala naman dahil naluluha ako, para kasing ito na ang huling pagkikita natin. "I miss you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD