bc

Mr. Coffee Do (Short Story)

book_age16+
265
FOLLOW
1K
READ
fated
self-improved
confident
comedy
sweet
bxg
lighthearted
slice of life
foodie
twink
like
intro-logo
Blurb

"Miss, bagay sayo ang decaf coffee,"

Napatigil si Eunize sa pag-iyak, "anong decaf?"

"Decaf, decafinaglaban."

Sinamaan ni Eunize ng tingin ng waiter, “hindi ka funny kuya, nakakasakit ka, promise.” Inirapan niya ang waiter. “Makalipat na nga ng coffee shop.”

Mabuti nalang at may bagong bukas na coffee shop na malapit.

Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang gwapong may-ari at barista na si Domingo.

Kaya pala , Mr. Coffee Do ang pangalan ng establisyemento.

Korni mang basahin, ang mahalaga, may Coffee na, may Do, pa siya.

chap-preview
Free preview
Mr. Coffee Do
” I’m sorry.” Napakagat si Eunize ng labi ng mabasa ang mensahe ng boyfriend na si Oliver. She already knew what he means. “So, finish na talaga? Hindi na ako lalaban?” Nagawa pa niyang reply-an ito sa kabila ng panlalabo ng mata dahil sa luha. Ng wala siyang matanggap na sagot nito ay muli siyang pumindot. “Binuo lang pala kita ulit para sa kanya.” Akala niya ay sapat na ang tatlong taon para mapunan niya ang butas na iniwan sa puso ng ex-girlfriend nito. But she was wrong, tatlong araw siyang naghintay at hindi nakatulog ngunit ni text o tawag man lang ay wala. Tapos ngayon I’m sorry lang? Nagpaalam si Oliver sa kanya na makikipagkita sa mga kaibigan at kasama na doon ang ex nitong si bakekang. Dahil isa siyang ulirang girlfriend at 100% ang confidence level na siya ang mahal nito ay pumayag siya. Mali din pala ang umaapaw na confidence dahil sa huli nganga. “I’m letting you go, sana maging masaya kayo.” Huminga siya ng malalalim at muling magta-type sana ng nobela ng – “You can’t reply to this person anymore.” Aba’t ito pa ang may ganang mam-blocked? Hahagulgol na sana siya ng may lumapag na mainit na kape sa kanyang harapan. “Ma’am kape niyo ho.” Pinunasan ni Eunize ang kanyang luha. “Kuya, isang order pa ng matapang na kape.” Pinunasan niya ang nakawalang luha sa kanyang pisngi. “Para magising ako sa katotohanang wala na siyang pakialam.” Tuluyan na siyang napahagulgol.   Napakamot sa batok ang waiter. “Miss, bagay sayo ang decaf coffee,” Napatigil si Eunize sa pag-iyak, “anong decaf?”   “Decaf, decafinaglaban.”   Sinamaan ni Eunize ng tingin ng waiter, “hindi ka funny kuya, nakakasakit ka, promise.” Inirapan niya ang waiter. “Makalipat na nga ng coffee shop.”   “Mr. Coffee Do?” Napangiwi si Eunize ng mabasa ang pangalan ng bagong bukas na coffee shop. “Ma-try nga, baka may forever diyan.”   Pumasok si Eunize sa loob ng coffee shop dala ang kanyang laptop. Dumiretso siya sa counter, kailangan niyang siguraduhin ang isang bagay. “Ya, may wifi po ba kayo?” Nalaglag ang panga niya ng humarap ang barista. Kulang nalang mapakanta siya ng kanta ni Kim Chu. “Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang creamer sa kape ko? Ang pogi, juskooo day!”   “Yes, miss.”   Ang boses, lalakeng-lalaki, pagkatapos ng dalawang buwan ay nakahanda na ulit siyang masaktan.   May wifi? Check, poging barista? Malaking check. Ito na nga ang coffee shop na itinadhana para sa kanya.   Ngumiti ang barista. “Anong order mo, miss?”   Perfect teeth? Check, inilahad niya ang kanyang kamay. “Eunize na lang.”   Nagpunas pa ito sa apron bago abutin ang kanyang kamay. “Domingo, but you can call me, Do.”   Gumuhit ang pang-miss universe na ngiti sa labi ni Eunize. “Anong best seller niyo?”   “Hmm wait Eunize, yung kamay ko.”   “Ay, sorry,” hindi pa pala niya nabitawan ang kamay nito.   “Ang best seller namin ay Espresso macchiato and espresso con panna.”   Tumango-tango si Eunize, “wala bang nescafe 3 in 1 ganern?” Parehas lang na kape, “I’ll have, espresso macchiato.”   Araw-araw ay sa Mr. Coffee Do nakatambay si Eunize dala ang kanyang kabuhayan, ang kanyang laptop. Hindi lang siya tambay no, may trabaho siya online.   “Hi, Eunize,” nakangiting bati sa kanya ni Do. Nginitian niya pabalik ang binata. “Patambay uit ha?” He nodded, “sure, dati ba?” tanong nito sa kapeng paborito niya. Eunize smiled widely “opo.”   “May gagawin ka ba sa Sunday?” Kapag walang customer ay umuupo sa harap niya si Do at nakikipagkwentuhan.   Mula sa laptop ay napaangat siya ng tingin sa binata. “Wala naman, bakit?” Napahawak si Do sa noo, tila naga-atubili sa sasabihin. “I-invite sana kitang mag-church.”   Natawa si Eunize, “Church lang?”   Natawa din si Do, “ipapakilala kita sa family ko.”   Nanlaki ang mga mata ni Eunize, “meet the family na agad? Paano kung hindi nila ako magustuhan?” Kinakabahang tanong niya sa lalake. Isang linggo na buhat ng magtapat ito sa kanya ng pag-ibig. Gusto niyang magpakipot ng slight lang.   “I’m sure they will, everything about you is likeable.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi at kumindat sa kanya bago tumayo para harapin ang bagong dating na customer.   Eunize smiled, suddenly she found herself grateful for the pain and heartbreak. It allowed her to meet him, her Mr. Coffee Do.”   “Do, kape ba ba?” May pilyang ngisi sa labi ni Eunize.   “Bakit?”   Eunize laughed, “sumasarap kasi ang buhay, kapag kape-ling ka.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook