Gusto ko sanang umangal pa ngunit hindi ko na ginawa. Nag-angat ako ng tingin sa tinawag ni Felix sa pangalang Mona at nakitang napanguso ito, tila dismayado sa narinig mula kay Felix. Doon ko natantong may pagtingin ito kay Felix. Hindi sinasadya ay nagtaas ako ng kilay, na para bang nagyayabang pa kaya tinaasan niya rin ako ng kilay— ayaw magpatalo. "Ohh! Ang sad naman," maarte nitong sambit na sinamahan pa ng pagsimangot. Diyosmiyo, Marimar! Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Felix dahilan para sandali ako nitong nilingon, kapagkuwan ay mabilis ding binalingan si Mona na mukhang wala yatang balak na umalis. "Sige na, Mona. Kakain na kami," anang Felix, "Bumalik ka na roon at mukhang marami ka pang hugasin." "Okay, kapag may oras ka sa ibang araw ay tayo naman ang mag-date."

