Alam ni Lenard na wala pa akong kain simula kahapon kaya kanina ay hinila ako nito upang dalhin sa isang kainan na may kalayuan sa mansyon. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa counter. Hindi ko na masundan kung anong in-order ni Lenard dahil iisa lang naman ang nasa menu board nila. Purong lamang dagat na siya ring inaangkat mula rito sa karagatan ng Isla Mercedes. Iba-iba nga lang ang pagkakaluto. Mabilis na nakahanap si Lenard nang mauupuan kaya sinundan ko ito, nakapwesto iyon sa pinakagitna rason para pagtinginan kami ng ilang mga customer sa paligid. Siguro ay nahihiwagan sila kay Lenard. Nasa isip nilang bagong salta ito dahil sa bagong mukha rito sa isla. Maliban doon ay marahil nakilala nila ako na siyang anak ng pamilyang Mercedes. "Ano mang sigaw mo kanina sa akin ay dinig n

